Share

Kabanata 2

Umiling si Blake. “Diyos ko, walang kwenta ka. Ang mga malaking kumpanya na tulad ng Cape Consortium ay napupunta sa headlines kahit na ano ang gawin nila. Paanong hindi mo alam ang tungkol dito? Walang kwenta ka talaga.”

“Isang tamad na tambay lang siya. Walang punto na sabihin ang lahat ng ito sa kanya.” Tumingin ng nanunuya si Miranda kay Wilbur.

Galit na sinabi din ni Jackson kay Wilbur. “Wala kang ibang alam kundi ang kumain at matulog. Mas mabuti na ang lumayas ka at wag mo na kaming ipahiya.”

Sa sobrang galit ni Wilbur ay tumawa siya. Naisip niya kung ano kaya ang mga reaksyon nila kapag nalaman nila kung sino talaga siya.

Mabuti na lang, itinago niya ang tunay na pagkakakilanlan niya sa oras na yun. Kung hindi, hindi niya makikita ang mga tunay na kulay nila.

Pagkatapos, ang mga katulong ay nagsimulang maghain sa mesa ng iba’t ibang masasarap ng pagkain.

Makalipas ang ilang sandali, sinabi ni Jackson, “Mr. Woods, sumama ka sa amin ng tanghalian.”

“Ah, sige.” Tumayo ng mabagal si Blake. Nakakapit si Yvonne sa braso ni Blake habang naglalakad sila papunta sa hapagkainan.

Tumingin si Wilbur sa oras. “Alas diyes pa lang. Hindi ba’t maaga pa para sa tanghalian?”

“Wala kang alam! Si Mr. Woods ay isang guest of honor natin. Nararapat lang sa kanya ang pinaka mabuti mula sa atin,” Ang sigaw ni Jackson.

Mapanglait din ang ekspresyon ni Miranda. “Wala kang lugar dito. Kumuha ka ng pagkain mula sa kusina kung gusto mong kumain.”

Wala ring pakialam si Yvonne kay Wilbur, sa sobrang higpit ng kapit niya kay Blake ay halos maging isa na silang dalawa.

Ngumisi ng malamig si Wilbur. Klaro na sinasadya siyang pahirapan ni Yvonne upang siya ang makipag divorce dahil sa kahihiyan at aalis siya ng walang matitira sa kanya.

Plano niyang umalis ng walang matitira sa kanya, ngunit nagbago na ang isip niya.

Gusto pa rin ni Wilbur na magbigay sa kanila ng isang huling test, kaya sinabi niya ng mabagal, “Alam ko kung ano ang balak mong gawin. Heto kaya? Ibalik mo sa akin ang five million dollars na binigay ko sayo noon, at papayag ako sa divorce. Ano sa tingin mo?”

“Nagbibiro ka ba?” Nagalit agad si Miranda. “Inaasahan mo ba libre ang pagtira mo kasama namin ng tatlong taon? Kailangan ulit magpakasal ng anak ko dahil sayo. Hindi ba’t kailangan niya ang kabayaran para dito? Binibigyan ka namin ng madaling paraan para umalis ng hindi humihingi ng pera mula sayo. Walang hiya ka para humingi ng pera mula sa amin!”

Ngumisi din ng malamig si Jackson. “Ang mga Willow ay naging mabait sayo. Bilangin mo ang mga biyaya sayo.”

“Wilbur, magandang matuto kung kailan ka dapat umatras. Nararapat kami ni Mr. Woods para sa isa’t isa. Gusto mo ba talaga na ipakita namin na bagay talaga kami sa isa’t isa bago ka umalis?” Ang walang hiya na sinabi ni Yvonne.

Dismayado talaga si Wilbur.

Hindi talaga patas ang mundong ito. Maraming ugali ang bawat tao.

Nagbago ang mga plano niya dahil sa kanyang malaking pagkadismaya.

Hindi na siya nagmamadali para makipag divorce. Magbubuo siya ng sarili niyang business empire sa Dasha, at magiging madali lang ito para sa kanya. Gusto niyang makita ang pagmumukha ng mga Willow at ni Mr. Woods kapag dumating ang panahon na yun.

“Enjoy kayo sa tanghalian. Magpapahinga muna ako,” Ang sabi ni Wilbur at tumalikod siya para umakyat.

Sinabi ni Yvonne, “Kalimutan mo na siya, Mr. Woods. Kumain na tayo.” Habang nagsasalita siya, sinubo niya ng isang kutsara ng pagkain sa bibig ni Blake.

Bumalik si Wilbur sa kwarto niya, ngumisi siya habang nilabas niya ang phone niya at tumawag siya sa isang number.

Makalipas ang ilang sandali, sinagot ang phone call, at tumunog ang boses ng isang babae.

“Boss! Naalala niyo na po ulit kami.”

Ang babaeng ito ang lagi niyang pinagkukunan ng impormasyon dati. Ang pangalan ng babae ay Layla Chessler, isang genius hacker at elite sniper. Sa sandaling ito, nasa isa siya sa pinakamalaking branch ng Cape Consortium sa ibang bansa.

“Layla, pupunta ba ang Cape Consortium sa Seechertown?” Dumiretso sa punto si Wilbur.

“Opo, desisyon po ito ng iba. Sinabi niyo po sa amin na kami lang po ang bahala sa security at hindi makialam sa mga operasyon.”

“Mabuti. Sabihin mo sa akin ang address, at ipa-kausap mo sa akin ang namumuno. Sabihin mo sa kanya na gusto ko makipag kita sa kanya para mag usap. Sabihin mo sa kanya na hintayin ako.”

“Okay po, Boss. Ang lahat ng impormasyon ay isesend na sa phone niyo. Ipapaalam po namin sa taong namumuno.”

Ibinaba ni Wilbur ang phone, huminto siya ng ilang sandali bago siya lumabas.

Habang lumagpas siya sa sala, tinanong ni Yvonne, “Saan ka pupunta?”

“Meron akong kailangan gawin,” Ang kalmadong sinabi ni Wilbur.

Tumawa si Yvonne. “Ano naman ang kailangan mo gawin? Nakakatawa naman. Mag impake ka na at lumayas ka na.”

Ngumiti ng maliit si Wilbor ng hindi nagsasalita. Magbabayad si Blake at ang mga Willor dahil ipinahiya siya ng mga ito. Hahayaan niya lang na maging mayabang ang mga ito habang may oras pa sila.

Pagkatapos, naglakad si Wilbur palabas ng Willow mansion.

Sa headquarters ng Seechertwon branch ng Cape Consortium.

Nakaupo si CEO Faye Yves sa opisina niya sa top floor ng kumpanya. Kabadong kabado siya.

Sinabihan siya ng headquarters na ang tunay na boss ng Cape Consortium ay nandito para kausapin siya.

Ngayon niya lang nalaman na ang boss ng isang malaki at makapangyarihan na consortium ay nasa Seechertown at hinahanap siya nito para kausapin siya.

May Ph. D. siya sa finance at maituturing siya na matalino talaga.

Ngunit, kinakabahan pa rin siya sa pakikipag kita sa isang world-class boss.

Sinabihan niya ang front desk sa oras na matanggap niya ang phone call at tiningnan niya ang sarili niya sa salamin ng paulit ulit para sigurado siya na maayos ang lahat. Pagkatapos, nagsimula ang mahirap na proseso ng paghihintay.

Sa sandaling ito, si Wilbur ay nasa front desk at pumunta siya sa elevator ng opisina ni Faye.

Tumayo ang secretary sa pinto upang tanungin kung sino siya. Nang malaman ito, mabilis siyang dinala ng secretary sa opisina.

Tumayo si Faye nang mapansin na may taong pumasok, ngunit nalito agad siya.

Ang lalaking nakatayo sa harap niya ay parang isang lalaking nasa twenties ang edad. Gwapo ang itsura niya dahil sa malakas na mukha niya.

Imposible na siya ang big boss sa likod ng Cape Consortium. Walang tao na ganitong bata ang edad ay magkakaroon ng sobrang daming pera.

“Kayo ay…?” Ang maingat na tanong ni Faye.

“Ang pangalan ko ay Wilbur Penn,” Habang sinabi niya ito, umupo siya sa sofa ng biglaan.

Nalilito si Faye. At hindi siya makapaniwala.

Pinigilan niya ang gulat niya, personal siyang nagbigay ng tsaa kay Wilbur bago siya yumuko kay. “Ikinagagalak ko pong makilala kayo, Boss.”

Tiningnan ni Wilbur si Faye mula ulo hanggang paa. Si Faye ay isang magandang babae na nasa kanyang thirties, at klaro na alam niya ang ginagawa niya. Suot ang business attire, may nakakaakit na aura siya ng isang mature na babae.

Bumilis ang tibok ng puso ni Faye dahil sa tingin ni Wilbur, ngunit nanatili siya sa lugar dahil wala siyang lakas ng loob na kumibo.

Mabilis na tumingin palayo si Wilbur at tinanong niya, “Nabalitaan ko na mag iinvest kayo sa Woods Corporate. Tama ba?”

Mabilis na nag isip si Faye para siguraduhin ito bago siya tumango. “Opo, Boss.”

“Ganun ba. May kailangan akong gawin mo. Tangalin mo ang kapangyarihan ng Woods Corporate sa loob ng isang linggo at dapat mayroong buong kontrol ang Cape Consortium sa kanila. Kaya mo ba ito?”

Naging awkward ang ekspresyon ni Faye. Madali kontrolin ang Woods Corporate. Ang investment ng Cape Consortium sa kanila ay malaki na para ituring na major shareholder. Gayunpaman, ang gawin ito sa loob ng isang linggo ay mahirap.

Gayunpaman, pagkatapos itong pag isipan ng saglit, sinabi ni Faye, “Okay po, Boss. Gagawin ko po ito.”

Anong klaseng professional siya kung nabigo niya ang boss niya sa unang pagkikita nila?

Tumango ng kuntento si Wilbur. “Mabuti. Yun lang ang lahat sa ngayon. May ibang trabaho ba ako para sayo sa susunod. Gawin mo ang makakaya mo. Hindi mo ako kailangan hanapin. Gusto ko maging sikreto ang pagkakakinalan ko.”

Pagkatapos itong sabihin, tumayo si Wilbur para umalis. Nakatayo ng tulala si Faye, hindi niya kayang kontrahin ang sinabi sa kanya.

Gayunpaman, nang buksan ni Wilbur ang pinto, may isang lalaki na bumunggo sa kanya ng una ang ulo. Ang lalaki ay tumingala at nakita na si Wilbur bago sinigaw ng lalaki, “Bulag ka ba? Mag ingat ka sa dinadaanan mo!”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status