Share

Chapter 13

"Nakita nila si Erah sa ilalim ng tulay. She's dead..." Hindi agad nakapagsalita si Keisha nang marinig niya iyon sa kaibigan.

Dalawang buwan mula nang mawala si Blaze sa buhay nila. Hindi pa rin mawala ang sakit na nararamdaman ng dalaga. Hindi madali para sa kaniya dahil hindi sila nakapag-usap ng maayos ni Blaze. May galit siya sa lalaki, sa pagbigay nito ng regalo sa kaniya. Bago iyon ay galit na siya kay Blaze dahil sa hiwalayan nila, tapos nawala ang binata ng ganun-ganun lang.

"Sabi nila Kuya, pinatay raw. Nagtataka tuloy ako kung nagpakamatay ba o pinatay. Kasi diba, isa siya sa mga suspek sa pagkamatay ni Blaze."

Hindi makapaniwala si Keisha na patay na si Erah. Hindi kasi siya makita nang malaman nila na si Erah nga ang huling kasama ng binata. Kaya naman bakit patay na ito ngayon?

"Kelan nakita?" Tanong ni Keisha kay Margeaux.

"Kaninang alas singko." Kinuha niya ang remote para buksan ang telebisyon.

"Bangkay ng dalagita ang natagpuan ng isang residente rito sa Bulacan
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status