DYING OBSESSION

DYING OBSESSION

last updateÚltima actualización : 2026-10-08
Por:  SunmaruActualizado ahora
Idioma: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
1 calificación. 1 reseña
7Capítulos
25vistas
Leer
Agregar a biblioteca

Compartir:  

Reportar
Resumen
Catálogo
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP

Hansel is a young woman living alone with a dangerous secret mild cardiomyopathy. With no family and no one to rely on, she works under Boss Brittany just to afford the medicine that keeps her heart beating. When Brittany sends her alone to a private mansion for the birthday of three powerful triplets, Hansel believes it will only be another night of dancing. She is wrong. The Rossi triplets Zero, Eros, and Luke are the sons of a feared mafia boss. Each rules his own empire: Zero controls the family’s legal businesses with cold precision, Eros commands the skies as an airline captain, and Luke runs a dark underground gambling network. Used to sharing women without attachment, the brothers expect Hansel to be nothing more than entertainment for the night. The night turns darker than she imagined, she is pulled into the brothers’ world of dominance and control. Zero, the most ruthless of the three, claims her first—rough, cold, and without mercy. By the end of the night, Hansel is left broken, bleeding, and desperate. When Zero offers her one million pesos a month to become his exclusive bedwarmer, Hansel is forced to make an impossible choice. The money could mean a future heart transplant… and a chance at survival. Accepting means giving up her freedom and belonging only to a man who sees her as property. Refusing means risking her life. As Hansel steps into Zero’s world, old dynamics between the triplets begin to shift. What was once easy sharing now turns into quiet tension. And Hansel, caught between fear, need, and a failing heart, must endure whatever it takes to stay alive—even if it costs her everything.

Ver más

Capítulo 1

1

Hansel's POV...

Tahimik akong nakaupo sa gilid ng kama, mahigpit na hawak ang reseta na ilang beses ko nang tinitigan. Parang kahit paulit-ulit kong basahin ang mga nakalagay doon, hindi naman magbabago ang katotohanan. Kailangan ko ng gamot. At kailangan ko ng pera para makabili ulit.

Napabuntong-hininga ako-mahaba, mabigat na hininga na parang may dinadala sa dibdib. Kinuha ko ang maliit na baso ng tubig sa tabi ko. Tinitigan ko sandali ang huling tableta sa lalagyan. Isang maliit na puting bilog lang. Pero sa akin, iyon ang huling saksing buhay ko para sa ngayon.

Ininom ko ito.

Huling gamot ko na.

Pagkatapos nito... wala na.

Wala akong pamilya na maaaring hingan ng tulong. Wala akong taong tatawagan kapag wala na akong pambayad sa susunod na reseta. Wala ni isang pangalan sa contacts ko na maaasahan. Mag-isa lang ako sa buhay at ang katahimikan na iyon ay mas masakit kaysa sa sakit mismo ng puso ko.

Kaya kahit natatakot ako sa mga susunod na araw, kahit nanginginig ang mga kamay ko sa isip na baka hindi na ako makabili ulit, wala akong ibang pagpipilian kundi bumangon.

Inayos ko ang suot kong red mini dress. Inayos ang buhok ko sa harap ng salamin. Pinilit kong ngumiti sa sarili ko. Ang ngiti ay hindi umabot sa mga mata. Parang maskara lang

manipis, marupok, at handang maglaho anumang oras.

Ngayong gabi, kailangan kong magtrabaho. 

Kailangan kong kumita. 

Hindi dahil gusto ko. 

Kundi dahil kailangan kong mabuhay.

Kinuha ko ang maliit kong bag at lumabas ng kwarto, dala ang isang bagay na ayaw kong malaman ng kahit sino ang katotohanang unti-unti nang nagiging mas mahalaga sa akin ang bawat araw, dahil baka isang araw, wala na itong sapat na para sakin.

Paglabas, sumakay Ako ng taxi papunta sa trabaho ko..

FLASHBACK...

"May nakita kami sa resulta ng mga tests mo."

Napatigil ako sa paghinga nang marinig ko iyon mula sa doktor. Tahimik akong nakaupo sa examination room, mahigpit na nakakapit sa laylayan ng damit ko hanggang puti na ang mga daliri ko.

"May problema sa puso mo."

Napatingin ako sa kanya. Parang hindi ko marinig nang tama.

"Puso?"

Tumango siya at ipinaliwanag nang maingat: mayroon akong mild cardiomyopathy-isang kondisyon kung saan naaapektuhan ang kalamnan ng puso. Maaga pa itong natuklasan, kaya kailangan kong bantayan ang kondisyon ko, uminom ng mga iniresetang gamot, at regular na magpa-checkup.

Hindi raw ako mukhang may sakit.

At iyon ang pinakanakakatakot.

Dahil sa salamin, mukha pa rin akong normal. Walang makakapagsabi na may tahimik na banta sa loob ng katawan ko. Walang senyales. Walang babala. Lang isang reseta at isang doktor na nagsasabing kailangan kong mag-ingat.

"May mag-aalaga ba sa'yo?" tanong ng doktor.

Napayuko ako. Hindi ko matignan ang mga mata niya.

Wala. 

Wala akong magulang na tatawagan. 

Wala akong kapatid na masasandalan. 

Wala akong taong naghihintay sa labas ng silid.

Ako lang.

"Ako lang po," mahina kong sagot. Parang bumabagsak ang bawat salita.

Paglabas ko ng clinic, hawak ko ang reseta sa isang kamay at ang maliit na paper bag ng gamot sa kabilang kamay. Sa unang pagkakataon, naramdaman kong parang napakabigat ng mundo. Hindi dahil sinabi ng doktor na kailangan kong magpagamot. Kundi dahil alam kong ako lang ang kailangang magbayad para rito. Ako lang ang kailangang maghanap ng pera. Ako lang ang kailangang lumaban kahit wala akong kasama, kahit wala akong sandalan, kahit takot na takot ako.

END OF FLASHBACK..

Napakurap ako at bumalik sa kasalukuyan.

Kapapasok ko palang sa billionaire's playground..

Kailangan kong humanap ng pera para sa panibagong reseta. Para sa panibagong pagkakataong mabuhay nang isa pang buwan.

Kaya inayos ko ang Ang make up ko, makapal para takpan ang namumutlang mukha nakaharap ako sa salamin, at pilit na ngumiti.

Walang makakaalam. 

Hindi ngayong gabi. 

Hindi habang nagtatrabaho ako.

Dahil kung malalaman nila... baka mawala ang tanging paraan ko para manatiling buhay.

"Hansel," tawag ni Boss Brittany sabi sakin habang nakaupo ako sa sulok ng dressing room, hawak pa ang maliit kong bag. Ang boses niya ay diretso, walang emosyong, parang ordinaryong utos lang.

"Triplet daw 'yung sasayawan mo. Isang babae lang ang pinili nila... at ikaw ang gustong ipadala ni Brittany dahil gusto ng Virgin."

Napatigil ako. Ang kamay kong hawak ang strap ng bag ay biglang nanigas. 

"Ipadala?" takang tanong ko. Parang may biglang nanikip sa dibdib ko hindi ang karaniwang takot, kundi 'yung uri ng takot na alam kong delikado para sa puso ko.

"Oo. Doon ka sa mansion. Birthday daw ng triplets."

Kunot-noo kong tinanong, "Bakit ako lang?" Ang boses ko ay medyo pilit, parang may humahadlang sa lalamunan.

Tumingin siya sa akin nang diretso, walang pag-aalangan. "Isa lang kasi ang gusto nila. Sharing ata."

Napalunok ako.

Sharing.

Ang salitang iyon ay pumasok sa tenga ko nang mabagal, parang tinuturok ng karayom. Dati, sayaw lang ang trabaho ko. Sayaw sa ilalim ng mahinang ilaw, ngiti na pilit, katawan na gumagalaw ayon sa ritmo ng musika. Hindi ko kailangang hayaang hawakan ako nang totoo. Hindi ko kailangang ibigay ang higit pa sa sayaw.

Pero ngayon...

Unang beses kong papayag na hawakan ako, talagang hawakan, haplusin, at marahil higit pa dahil kailangan ko ng pera. Dahil kailangan ko ng gamot. Dahil pagkatapos ng huling tableta na ininom ko kanina sa kwarto, wala na akong natitira. Wala nang lalagyan. Wala nang reserba.

Hindi ko sinabi kay Boss Brittany ang tungkol sa puso ko. Hindi ko sinabi na may cardiomyopathy ako. Hindi ko sinabi na gabi-gabi kong pinipilit ang sarili kong ngumiti para lang mabuhay nang isa pang araw. Hindi ko sinabi na ang bawat kilos ko ngayon ay hindi dahil gusto ko, kundi dahil takot akong mamatay nang mag-isa walang gamot, walang pera, walang kahit sino na tatawag o maghahanap sa akin kung sakaling hindi na ako gumising.

Ang dibdib ko ay may mahinang paninikip. Alam ko 'yun. Alam kong hindi dapat akong mag-stress. Alam kong bawal ang sobrang pagod, ang matinding emosyon, ang matagal na pagkakataon. Pero ano ang magagawa ko? Umuupo ba ako sa kwarto at maghihintay na maubos ang huling lakas ko?

Kaya tumango ako.

Mabagal. Tahimik. Parang may bigat na nakatali sa leeg ko.

"Sige po," mahina kong sagot.

Si girly ay tumango lang, parang wala siyang napansin sa pamumutla ko. "kung nakaayos kana. May sasakyan na maghahatid sa'yo. Huwag kang magdala ng phone. At huwag kang magtanong, gusto nila yung marunong sumunod."

Tumayo ako. Ang mga binti ko ay medyo nanghina, pero pinilit kong maglakad palabas ng dressing room. Sa bawat hakbang, nararamdaman ko ang tibok ng puso ko hindi mabilis, pero mabigat. Parang may binibilang itong oras.

Sa loob-loob ko, pinilit kong alalahanin ang dahilan.

Para sa susunod na reseta. 

Para sa susunod na buwan. 

Para sa susunod na pagkakataong mabuhay.

Kahit gaano pa ito kasakit. 

Kahit gaano pa ito nakakatakot. 

Kahit kailangan kong ibigay ang bahagi ng sarili kong hindi ko naman talaga gustong ibigay.

Dahil sa dulo ng lahat, ako lang ang may pananagutan sa buhay ko.

At ngayong gabi, kailangan kong bayaran ang presyo nito.

Expandir
Siguiente capítulo
Descargar

Último capítulo

Más capítulos

A los lectores

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


reseñas

Rizza Macaraig
Rizza Macaraig
Ms A ibang story na ba to di ba to belong sa iba mo story?
2026-10-09 00:17:08
1
1
7 Capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status