Share

Longing for my Ex-Wife's Return
Longing for my Ex-Wife's Return
Author: Docky

Panimula

"What are you waiting for, Arya? Sign the divorce papers. I already put my signature on it. I want to accomplish all the legal procedures today." Damon looked at his reflection in the mirror and didn't turn his back to see Arya's reaction.

Hindi agad nakapagsalita si Arya. Titig na titig siya sa papel na nasa harapan niya partikular na sa pirma ng kaniyang asawa.

"If you're worried about your finances, I'll take care of that. You acted as my personal maid for the past three years so I guess, you deserve to have a separation pay. I-transfer ko na lang ang pera pagkatapos mong pumirma." Isinuot ni Damon ang kaniyang navy blue suit at rolex watch. His eyebrows, mustache and beard were trimmed to perfection. He looks elegant and refined as always.

"Personal maid?" Tumawa nang pagak si Arya. "Sabagay, mas maganda pa nga sana kung naging personal maid mo na lang ako eh. At least, may suweldo at mga benepisyo. I only got headaches and heartaches from this relationSHÍT."

Damon smirked. "Alam mo ang lugar mo sa pamilya ko, Arya. Alam mo rin naman siguro na wala kang lugar sa puso ko."

Ikinuyom ni Arya ang kaniyang mga kamay. Para siyang sinaksak ng matalas na punyal sa kaniyang puso dahil sa sinabing iyon ni Damon. Mahal na mahal niya ito sa kabila ng trato nito sa kaniya. Nais na niyang umiyak pero pinigilan niya ang kaniyang sarili. Nang maamoy niya ang pabangong ginagamit ni Damon kapag umaalis ito ay hindi na niya napigilang magtanong.

"Bihis na bihis ka, ah. May lakad ka?" Agad na pinahid ni Arya ang luhang pumatak sa kaniyang mga mata.

"I'm going to fetch Greta at the airport. Tapos ka na bang pumirma?" Tiningnan ni Damon ang kaniyang cell phone. He's expecting Greta's message.

Huminga nang malalim si Arya. Hinawakan at itinaas niya ang divorce papers. "Paano kung hindi ko ito pirmahan?" Bumungad sa kaniya ang galit na mukha ng kaniyang asawa.

"Whether you like it or not, you need to sign it or else, sisingilin ko sa'yo ang lahat ng perang nagastos ko sa pagpapagamot sa kapatid mo! Hindi lang principal ang kukunin ko kung hindi pati na rin ang interest." Ngumiti si Damon. Alam niyang walang pambayad si Arya.

"Damon, hindi mo ba talaga ako minahal kahit kaunti lang sa loob ng tatlong taon nating pagsasama?" Basag na basag na ang boses ni Arya. Nagbabad'ya na naman ang pagpatak ng kaniyang mga luha. Mayamaya pa ay umagos na nga ang masaganang luha sa kaniyang mga mata.

Tumawa nang malakas si Damon. "Simula pa lang, sinabi ko na sa'yong si Greta lang ang mahal ko. Wait. Did you assume that I like you?" Muli siyang tumawa nang malakas. "Don't get me wrong. I just acted that I care for you out of pity. Ayaw mong mag-hire ng kasambahay dahil gusto mong gampanan ang tungkulin ng isang housewife. You even work for my company just to help and to impress me. I'm sorry, Arya. Employee at katulong lang talaga ang tingin ko sa'yo. In the first place, binili lang kita. So please, stop crying! Alam ko namang pera lang ng pamilya ko ang mahal mo at hindi ako." Tumaas ang itaas na sulok ng labi niya. Isang nakaka-insultong tingin ang ipinukol niya sa kaniyang asawa. "Gusto mo pa bang makarinig ng mas masasakit na salita mula sa akin bago mo pirmahan ang divorce papers na ibinigay ko sa'yo?"

Umiling si Arya. Nanginginig man ang mga kamay ay pinirmahan din niya ang divorce papers.

"Enough. I already signed the papers. Umalis ka na sa harapan ko. Puntahan mo na si Greta." Tumigil na sa pagpatak ang mga luha ni Arya. She gave the accomplished divorce papers to her ex-husband. She gave up. Hindi na niya ipipilit pa ang kaniyang sarili kay Damon. Tapos na ang pagpapaka-martyr niya!

Kumunot ang noo ni Damon bago niya kinuha kay Arya ang papel. He glanced at her face for the last time and he saw nothing. Wala na siyang maaninag na emosyon sa mukha nito.

"I thought you're in a hurry." Itinuro ni Arya ang pinto. "The door is already open." Tumaas ang dalawa niyang kilay.

"Pack your things." Damon typed something on his phone. "I already sent you the money. Now go. I don't want to see your face again."

Nang makaalis si Damon ay saka lamang humagulhol ng iyak si Arya. Ibinigay niya ang lahat dito - oras, atensyon, pagmamahal, pag-aalaga, suporta at maging ang kaniyang puri. Halos linggo-linggong may nangyayari sa kanilang dalawa at alam niyang isa lang siyang bedwarmer sa paningin nito. Gano'n pa man, umasa pa rin siyang mamahalin nito pero wala. Paulit-ulit lang siyang nabigo. Paulit-ulit lang siyang lumuha. Kinuha niya ang litrato nito mula sa kaniyang wallet.

"Mahirap pala talagang magmahal mag-isa. Umasa akong mamahalin mo rin ako. Ang tànga-tànga ko 'no? Isinuko ko ang sarili kong pangarap para matulungan kitang palaguin ang kompanyang ipinamana sa iyo ni grandpa matapos nating ikasal. Pinagsilbihan kita araw-araw. Nag-aral akong magluto para sa'yo. Sinabayan kita sa bawat trip mo. Walang sawa akong nakinig sa mga hinaing mo sa buhay, sa mga kuwento mong paulit-ulit kapag lasing ka. Hindi ko na mabilang sa mga daliri ko ang mga bagay na nagawa ko para sa'yo. Mga bagay na akala kong hindi ko kaya pero kaya ko pala kasi hiniling mo. Nakakaputang.ina, Damon. Nakakagalit. Pakiramdam ko, nagtapon ako ng tatlong taon ng buhay ko! Kung pera lang ang habol ko, eh 'di sana matagal ko nang kinuha kung ano ang nararapat na para sa akin. Ang tangà-tangà ko. Nagpabulag ako sa pag-ibig." Pinahid ni Arya ang kaniyang mga luha. Naglakad siya patungo sa salamin at tiningnan ang kaniyang sarili. Nalipat sa kaniyang cell phone ang kaniyang atensyon nang tumunog ito. Tumatawag ang kaniyang dating obstetrician na si Dra. Santos.

Two years ago, Arya got pregnant by Damon. They had a one-sided love marriage but her pregnancy somehow changed her husband into someone better. Pinagbintangan man siya ng pamilya nito na hindi isang Walton ang dinadala niya, kinampihan siya ni Damon. Ipinagtanggol siya nito laban sa kaniyang pamilya. Dahil sa sanggol sa kaniyang sinapupunan, naging masaya sila ni Damon hanggang isang araw, binawi ng langit ang kaniyang kasiyahan. Namatay ang kanilang anak. Nakunan siya! Simula noon, bumalik na sa dati nitong sarili si Damon. Itinuring siya nitong isang walang kwentang ina! Ibinunton nito sa kaniya ang sisi kung bakit namatay ang kanilang anak. Mas lalong lumayo ang loob ni Damon sa kaniya nang muling nagparamdam dito si Greta.

Sinagot ni Arya ang tawag ni Dra. Santos.

["I'm sorry, Mrs. Walton. Hindi na kaya ng konsensya ko kaya sasabihin ko na ito sa'yo. May nag-utos sa akin para patayín ang anak niyo ni Mr. Walton. I gave you an abortion medicine in your third month of pregnancy instead of vitamins. I'm ending my career as a doctor because of that. I'm very sorry, Arya. I want to help you pero ayokong madamay ang pamilya ko sa gulo at scandal na ito. Kaya pasensya ka na. Pangako, hinding-hindi na ako magpapakita sa'yo. Maglalaho akong parang isang bula."]

"Wait. What do you mean, doctora? May nag-utos sa'yo na patayin ang anak ko? Hindi ito isang magandang biro, doctora." Halo-halong emosyon ang nararamdaman ni Arya, ngayon.

["I have no time for jokes, Mrs. Walton. Someone paid me to kill your child. That's all I can say. It's up to you if you will believe me or not."]

Umapoy sa galit ang mga mata ni Arya. "Bakit hindi mo sabihin sa akin kung sino ang tinutukoy mo, Dra. Santos? Isang inosente at walang kamuwang-muwang na sanggol ang pinaslang niyo! Magkano ang kailangan mo para tumestigo laban sa nag-utos sa'yo? Name your price, doctora. Ibibigay ko sa'yo kahit magkano pa 'yan," nanghahamong wika niya. Hinintay niya ang tugon ni Dra. Santos pero bigla nitong pinatay ang tawag.

Sinubukang tawagan ni Arya ang mobile number ni Dra. Santos kaso out of reach na agad ito.

Isang malakas na tawa ang kumawala sa bibig ni Arya matapos mag-sinked in sa kaniya na may foul play palang nangyari sa pagkamatay ng anak nila ni Damon. Halos dalawang taon din niyang sinisi ang kaniyang sarili sa pagkawala ng kanilang anak. Tinanggap niya ang galit at pang-iinsulto ni Damon at ng pamilya nito dahil buong akala niya ay nagkulang talaga siya at isa nga siyang pabayang ina!

Huminto sa pagtawa si Arya. Muli niyang tiningnan ang kaniyang sarili sa salamin. Nangingilid ang kaniyang mga luha ngunit patuloy na nag-aapoy sa galit ang kaniyang mga mata.

"Arya Walton is dead. Hindi na ako ang mahina, uto-uto at inosenteng Arya na kilala niyo. Lahat ng nang-api at nanapak sa akin ay babalikan ko. Aalamin ko kung sino ang nag-utos kay Dra. Santos na patayin ang anak ko at sa oras na malaman ko kung sino ang demonyong 'yon, pagsisisihan niyang binuhay pa niya ako!" ani Arya bago tuluyang umalis ng mansyon.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Edlyn Candido Lacse
ok to ah.maabangan nga
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status