Share

Kabanata 6

Author: Docky
last update Last Updated: 2023-11-28 13:38:08

Kabanata 6

“Excuse me, miss. I have a reservation under Mr. Damon Walton’s name. Andito na ba siya?” Pormal na pormal ang ayos ni Greta. Nakataas ang kaniyang isang kilay habang hinihintay ang sagot ng front desk staff.

“Please proceed to the VVIP room number 8, Miss…”

“Greta. Greta De Vil.” Agad niyang kinuha ang keycard sa staff at taas-noong naglakad patungo sa nasabing silid.

Inis na inis si Greta kay Damon dahil hindi man lamang siya nito tinawagan buong magdamag. Nabalitaan niya ang nangyaring kaguluhan sa party ng mga Armani kagabi, sangkot ang kaniyang itinuturing na future mother-in-law. Sa kagustuhang malaman ang buong detalye ng kuwento ay tinawagan niya si Divina Walton at nagtanong ng mga bagay-bagay rito. Sa dulo ng kanilang pag-uusap ay aksidenteng nabanggit ni Divina na nagta-trabaho na sa mga Armani ang dati nitong manugang na si Arya. Naulit din nito ang tungkol sa pagkaka-promote ni Arya bilang General Manager ng Armani Groups.

“Arya, hindi ko alam na talentado ka palang babae. Is this your way para muli mong maangkin si Damon?” nagngingitngit na sambit ni Greta habang binabaybay niya ang daan patungo sa VVIP room number 8.

Nakasalubong ni Greta si Mariz. Hindi niya ito napansin dahil sa pagmamadali.

Agad na tinawagan ni Mariz ang totoong tagapagmana ni Don Fridman Armani.

“Senyorita, your husband's mistress is already on her way to the VVIP room. Wala pa po. Hindi ko pa po nakikita ang inyong ex-husband. Sige po. Masusunod po.” Ibinaba ni Mariz ang telepono. Isinuot niya ang kaniyang black shades at agad na sinunod ang utos ng kaniyang amo.

Mabilis na ini-swipe ni Greta ang hawak niyang keycard sa pinto nang makarating siya sa kaniyang destinasyon. Agad na kumulo ang kaniyang dugo nang makita niya si Arya. Sopistikada at revealing ang suot nito, kabaligtaran sa clothing style nito noong asawa pa nito si Damon. Pulang-pula rin ang labi nito at halos perpekto ang makeup nito sa mukha. Sa madaling salita, parang isang dyosa ang nasa harap niya ngayon!

“Who are you?” Nagpanggap si Arya na hindi niya kilala si Greta. Sa tatlong taon niya sa mansyon ng mga Walton, halos araw-araw yatang bukambibig ng mother-in-law niya ang pangalang Greta. Ito ang unang beses na nakita niya ito pero may ideya na siya sa hitsura nito dahil nag-request siya noon ng profile ni Greta kay Aiven.

Hindi sumagot si Greta, sa halip ay naglakad lang siya palapit kay Arya.

“Secretary ka ba ni Damon? He didn't inform me na hindi siya makakarating sa meeting namin.” Marahang tumayo si Arya. Nginitian niya si Greta. Gustong-gusto niya ang facial expression nito ngayon dahil halatang galit na galit ito sa kaniya.

“Mukha ba akong isang secretary?” Ngumiti si Greta pabalik.

“Kind of,” matipid na sagot ni Arya. “Where's Mr. Walton?” Tumingin siya sa wristwatch niya. “He's already late.”

“He's not coming. Nagpatawag ng isang urgent meeting ang board of directors. He's the president so technically, he needs to be there,” Greta lied. She sat on the couch then she crossed her legs.

“Is that so? Sayang naman. Other than today, wala na akong time para pakinggan ang business proposal niya.” Kinuha ni Arya ang kaniyang bag at akmang aalis nang pigilan siya ni Greta.

“Tell me, Miss Arya. Paano ka nagkaroon ng access sa mga Armani? Ang sabi sa akin ni Mama Divina, katulong ka lang daw last night tapos ngayon. Look at you! Isa ka ng general manager! How did you do it overnight?” Kinuha ni Greta ang bote ng alak sa mesa at nagsalin nito sa dalawang kopita. Ibinigay niya ang isang kopita kay Arya.

“Excuse me. I didn't even know you. I don't need to explain myself to strangers. Sino ka ba? Paano mo nakuha ang keycard ng silid na ito?” Muling ibinaba ni Arya ang kaniyang bag sa mesa at bumalik sa pagkakaupo.

“Really? Hindi mo ako kilala? Imposible.” Uminom ng alak si Greta.

“Do I need to know who you are? I don't have any business with you.” Arya drank some wine too.

Nilaklak ni Greta ang alak na natira sa hawak niyang kopita. Hinawakan niya ito nang mahigpit saka muling tinitigan si Arya. “Stop acting, Arya. Alam ko kung ano ang pakay mo. Gusto mong agawin sa akin si Damon.”

Umawang ang bibig ni Arya. Mayamaya pa ay tumawa na siya nang ubod ng lakas.

“Is that your way to ease your pain? Alam mo, maaawa pa sana ako sa'yo dahil hiniwalayan ka ng asawa mo ang kaso, isang araw pa lang kayong hiwalay, naghanap ka na agad ng SUGAR DADDY!” Sumandal sa upuan si Greta.

“EXCUSE ME?” Tumaas ang kilay ni Arya.

“Bakit ba ayaw mo pang aminin? Isa lang ang naiisip kong paraan kung paano ka nakarating sa posisyon mo ngayon. Ano? Magaling ba sa kama ang matandang si Don Arman—-” Marahang tumawa si Greta nang makatikim siya ng sampal mula kay Arya.

“Huwag na huwag mong idadamay si Don Armani sa galit mo sa akin.” Namumula na ang mukha ni Arya. Gustong-gusto na niyang sabunutan si Greta pero pinigilan niya ang sarili niya.

“How sweet. Sabagay, ikaw ba naman ang bigyan ng magandang trabaho at kung ano-anong mamahalin na gamit. Ewan ko lang kung hindi mo ipagtanggol ang sug—” Halos maluha si Greta sa natamo niyang panibagong sampal mula kay Arya.

“Alam mo, miss, mahirap gamutin ang inggit. Biruin mo nawawala ang manners at respeto mo sa kapwa mo ng dahil sa inggit mo sa akin. Kung ako sa'yo, ipapagamot ko na ‘yan. Ikaw rin, baka sa mental ka bumagsak.” Inubos ni Arya ang alak sa kopita.

“Ang kapal ng mukha mong sampalin ako ng dalawang beses!” sigaw ni Greta.

Umismid si Arya. “Nasaktan ka na agad? Kung tutuusin, kulang na kulang pa ‘yan sa lahat ng pang-iinsulto mo sa akin pero hahayaan ko na lang kasi nakakaawa ka naman. Mahilig ka na nga sa tira-tira ng iba, mahilig ka pang gumawa ng kuwento.” Kinuha niya ang kaniyang bag at tumayo.

Hindi makapaniwala si Greta sa inasal ni Arya sa harap niya dahil sobrang taliwas ang ipinapakita nito ngayon kumpara sa mga kuwento ni Divina! Kailan pa nagkaroon ng lakas ng loob ang babaeng ito na ipagtanggol ang kaniyang sarili?

Naglakad na si Arya patungo sa direksyon ng pinto. Ilang hakbang na lang at malapit na siya sa exit nang maisipan niyang muling harapin si Greta.

“I owned Damon before and we shared a lot of nights together. Be vigilant, ha. Baka mangyari nga ang bagay na kinatatakutan mo, ang maagaw ng ex-wife ang kaniyang ex-husband mula sa kerida.” Ibinigay ni Arya ang pinakamatamis at pinaka-nakakaloko niyang ngiti kay Greta. Bago niya tuluyang lisanin ang silid ay umalingawngaw sa kaniyang mga tainga ang galit na galit na sigaw ng first love ng kaniyang ex-husband.

“I'm sorry, Damon, but I need to follow my plan B because of that bítch. Get ready to play fire with me, Greta and Damon,” Arya whispered as she prepared for her next move.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (12)
goodnovel comment avatar
Airiez
ay! iba ka Arya! I like your character! ecxited na ako sa pagtatagpo nyo ni pareng jett Jamison gray. pero mas ecxited ako sa reaction ni Damon at ng pamilya nya sa tunay mong identity.
goodnovel comment avatar
Docky
Hi mam. Andito po si Jett Jamison Gray. Tuloy-tuloy lang po kayo sa pagbabasa. Salamat po
goodnovel comment avatar
Sophia Kimberly
bakit iba ang name ng mga bida hindi c jett gray
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Longing for my Ex-Wife's Return   Kabanata 116

    Kabanata 116 - ANG PAGWAWAKAS“JETTY, ARYA, COME HERE! WE’RE HERE!” palakat ni Jacob habang karga-karga niya ang kaniyang anak na si Jia.“Hakob, nasaan si Yael? Parang hindi ko siya nakikita," tanong ni Jackson, karga naman niya si Sonya.“Mahuhuli lang daw siya ng kaunti. May kailangang gawin sa school niya eh." Ibinaba ni Jacob si Jia at hinayaang maglaro sa may damuhan.Ibinaba rin ni Jackson ang anak niyang si Sonya at inayos ang mga pagkain at red wine. “Hindi ako makapaniwalang mas gusto pang matulog nina Freya at Eya kaysa sumama sa picnic na ito.”Tumawa nang mahina si Jacob. "Hayaan mo na. They needed it. Minsan lang sila maging malaya,” pabiro niyang sabi.Napangiti at napatingin sina Jackson at Jacob kay Jett nang bigla silang inakbayan nito."Kumusta? Ang tagal mong nawala ha! Ano? Nakabuo na ba kayo?” sunod-sunod na tanong ni Jacob. Tumaas pa ng ilang beses ang kaniyang dalawang kilay."How's your honeymoon? Ginawa mo ba naman ang mga turo namin sa'yo?” biro naman ni Jac

  • Longing for my Ex-Wife's Return   Kabanata 115

    Kabanata 115“A-Arya…”“Bitiwan niyo ako. Hindi pa ako tapos sa lalaking ‘yan," nagpupumiglas na sambit ni Jett."Gusto mo bang makulong?” inis na tanong ni Jacob.Umiling si Jett. “Pakakasalan ko pa si Arya. Bubuo pa kami ng pamilya.”“Kung gano’n, kumalma ka. Tingnan mo nga ang hitsura ni Damon. Halos hindi na siya makalakad at halos hindi na makilala ang mukha niya. Alam mo naman siguro na may kaukulang parusa ang ginawa mo, oras na magkaso sa’yo si Damon," ani Jacob."Ang kapal naman ng mukha niya kung magkakaso pa siya eh kulang pa nga ‘yan sa mga ginawa niya kay Ary—”“Jacob." Sumenyas si Jackson na ilayo na muna si Jett kina Arya at Damon. Agad naman siyang naintindihan ng kaniyang kapatid. Nagtakip na lamang siya ng kaniyang tainga nang magsisigaw si Jett habang kinakaladkad ito ni Jacob palayo. “Now, let’s see if Arya is going to hurt her ex-husband or not," nakangiting sambit niya."Arya…”Walang emosyon si Arya habang nakatingin sa bugbog saradong si Damon.“Arya, bakit mo

  • Longing for my Ex-Wife's Return   Kabanata 114

    Kabanata 114Mabilis na kumawala si Divina sa mga bisig ni Denver. Gumapang siya patungo kay Arya.“Arya, I’m sorry. Patawarin mo ako sa kung paano kita itinrato. Wala akong alam. Hindi ko alam na apo ka pala ni Don Fridman. Arya, please, huwag mo kaming ipakulong. Kahit naman papaano ay may pinagsamahan tayo. Tatlong taon ka naming kinupkop, pinakain at binihisan, Ar—”“So, dapat pa pala akong magpasalamat sa’yo? Gano’n ba, Divina?" natatawang sambit ni Arya."Arya, hindi naman sa gano’n. Nais ko lang ipaalala sa’yo na minsan ka ring naging isa sa amin, na minsan ka ring naging isang Walton,” malumanay at nakangiting turan ni Divina.“Oo nga naman. Salamat ha kasi ipinahiram niyo sa akin ang apelyidong Walton ng tatlong taon. Isang karangalan," sarkastikong wika ni Arya."Walang anuman, hija. Paano? Ipapa abswelto mo na ba kami, huh?” Mula sa pagkakaluhod ay biglang tumayo si Divina. Hahawakan na sana niya ang kamay ni Arya nang bigla siyang tinabig nito.“Who told you to stand, Mrs.

  • Longing for my Ex-Wife's Return   Kabanata 113

    Kabanata 113“Kulang pa ang paghalik mo sa sahig bilang kaparusahan sa mga ginawa mo sa akin, sa kumpanya at kay lolo, Mariz!" ani Arya habang inginungodngod niya sa sahig ang mukha ni Mariz.“Ano pa bang gusto mo, Arya? Nasa iyo na ang lahat! Bakit ginaganito mo pa a—”“SHUT UP!" mangiyak-ngiyak na sigaw ni Arya. “Did you already forget that you killed an innocent child, huh, Mariz? Did you forget that you killed my daughter?!” Bilog na bilog ang mga mata niya.“Fetus pa lang naman ang anak mo n—-”Mabilis na binitiwan ni Arya ang buhok ni Mariz at saka tumayo para tapakan ang mukha nito habang lapat pa ang mukha nito sa sahig. Mataas ang takong ng suot niyang sandals kaya talaga namang panay na panay ang paghikbi ni Mariz habang nagmamakaawa sa kaniya!“She already had a heartbeat that time. MAY BUHAY NA ANG BATANG NASA SINAPUPUNAN KO! KE FETUS MAN SIYA O SANGGOL NA, BUHAY NA SIYA! MAY ANAK KA RIN, MARIZ, SIGURO NAMAN ALAM MO KUNG GAANO KASAKIT SA ISANG INA KAPAG NASASAKTAN ANG KANI

  • Longing for my Ex-Wife's Return   Kabanata 112

    Kabanata 112Kumikinang ang kwintas at hikaw ni Arya sa tuwing tatamaan ito ng mga ilaw. Bilyon ang halaga ng mga ito dahil gawa ang kwintas at hikaw sa mataas na karat na purong diyamante at gems, walang sinabi ang suot ni Mariz na twenty four carat gold necklace at dangling earrings. Maging ang mga palamuti sa kaniyang buhok ay kumikinang din, gawa rin sa purong diyamante ang lahat ng bato, hindi tulad sa hair accessories ni Mariz na gawa sa mataas na klase lang ng Russian stones. Bukod sa mga alahas at ibang accessories ay talaga namang agaw pansin din ang suot na gown ni Arya. She's wearing “The Nightingale of Kuala Lumpur" gown that was designed by Faisal Abdullah. This gown is priced at thirty million US dollars! The red long gown is made of crimson silk and taffeta and adorned with over seven hundred fifty diamonds, with a stunning 70-carat pear-cut Belgian diamond!Habang naglalakad si Arya palapit sa kaniyang lolo at sa kaniyang magiging asawa ay hindi niya mapigilang maiyak

  • Longing for my Ex-Wife's Return   Kabanata 111

    Kabanata 111Bago pa man muling magsalita si Don Fridman ay pinalibutan na ng mga pulis ang pamilyang Walton at ang mag-inang Mariz at Marissa.Napayakap si Divina sa kaniyang asawang si Denver. “Ayokong makulong. Nakakadiri sa kulungan. Masikip, mabaho at may mga kasama ka pang mga kriminal at asal-hayop." “Don't worry, darling. Hindi tayo pababayaan ni Senyorita Armani. As long as she's taking our side, then, we have nothing to worry about," kampanteng wika ni Denver. Hinalikan niya sa ulo ang kaniyang asawa.“Tama si papa. We have Mariz at sigurado akong hindi papayag si Don Fridman na lalaking walang ama at ina ang apo niya sa tuhod. Wealthy people cannot afford to have an "ex-convict" word after their names. Napakadali rin para sa kanilang mag manipula ng batas. So sit down and relax. Tingnan niyo, ngiting-ngiti sa atin si Don Fridman. We should smile back at him,” wika ni Damon sabay ngiti kay Don Fridman. Hinawakan niya ang kamay ni Mariz at itinaas niya ito, para mapansin ng

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status