-GILLIAN- NAPABUSANGOT ako habang hawak- hawak ang isang kamay ni Terrence. Pagkababa namin ng sasakyan, inutusan niya ako na hawakan ang kamay niya. Oo, hawak kamay daw kami. Tulad daw ng ibang mag-asawa, kapag daw lumalabas, nakaholding hands. Kaya ngayon, papasok kami sa entrance ng Mall nang magkawak ang aming mga kamay. Tinupad nga ni Terrence yung sinabi niya kanina habang kumakain kami. Magdi-date daw kami. At ang date na ‘yun ay ngayon. Pasado alas- kuwatro na ng hapon, kaya maraming mga tao sa mall. Ako na nga ‘yung nahihiya dahil kasama ko ‘yung lalaking sikat sa larangan ng pagiging negosyante. Pinagtitinginan siya ng mga babae sa bawat dinaraanan namin. Sino ba naman hindi lilingon kung mayroon kang makakasalubong na matangkad, matipuno at guwapong lalaki sa daanan. Grabe, ako ‘yung nahihiya e. Kasi pagkatapos kiligin ang mga babaeng fan ni Terrence, nadismaya sila ng makitang magka holding Hands kami ng lalaking hinahangaan nila. Natutuwa ako na ewan.
Nandito ako sa kuwarto ko— I mean sa kuwarto namin ni Terrence. Inaayos ko yung mga gamit niya sa cabinet. Wala pa siya. Hindi pa siya nagti-text kung pauwi na ba siya. Ewan ko ba! Pero hinahanap hanap siya ng mata ko. Pinanindigan ko na tuloy ang pagiging asawa ko sa kaniya. Kasi Di ba, kapag mag-asawa, may care na sa isa't isa? Parang ganun na kasi 'yung ginagawa ko ngayon. Gusto ko rin itanong sa kaniya kung para saan yung mga toys na pinadala niya. Eh, wala namang bata dito. Alangan naman siya ang gagamit nun? Impossible!Tatanungin ko siya pagdating niya dito sa bahay.SUMAPIT ang dilim, nakapagluto na ako ng dinner namin ni Terrence. Pero ang lalaking ‘yun hindi pa rin dumadating. Kaya ang ending, kumain ako kasabay ang dalawang katulong.Ewan ko pero naiinis ako. Balak ko pa namang kumain na Kasabay siya. Bahala na siya, tiyak naman hindi yun gutom. Mapera ‘yun e…Matapos kong kumain nagpaalam na ko kay Caren na pupunta na ko sa kuwarto. Binilinan ko naman sila na
ONE week later, nandito ako ngayon sa rooftop ng pamamahay ni Terrence. Dito ko mas piniling tumambay para magmuni-muni. At para libangin na rin ang sarili ko. Super miss ko na si Tress, dalawang araw na kasi kaming hindi nagkakasama. Buti na lamang at matalino ang anak ko, dahil lahat ng paliwanag ni mom sa kanya ay naiintindihan naman niya. Ang hindi ko lang maiwasan ay ang ma-miss ang anak ko ng sobra. Kagabi lang ay na-meet ko na rin ang parents niya, pero wala du’n ang kapatid niyang si Tyron. According to their parents, next month pa ang balik ni Tyron sa Pinas. Mabait ang parents nila Terrence. Welcome na welcome talaga ako sa pamilya nila. Ipinaliwanag sa kanila ni Terrence na asawa na niya ako, at ako daw ang dinidate niya ng patago. Hindi ko ini-expect na maririnig ko iyon mula sa mismong bibig ng lalaking ‘yon. Pero nakisakay na lang ako sa pagsisinungaling niya kahit na hindi ko iyon gusto. Wala akong magagawa. Kailangan kong magpanggap, kaya iyon ang ginagawa ko ng
CHAPTER 12“ITO ang bahay natin. Actually 2 years na ito, pinagawa ko ito para sa ating dalawa . At para na rin sa magiging anak natin. Nagustuhan mo ba?” Tanong niya sa akin habang paakyatkami sa hagdan. Dinala niya ko sa bahay kuno namin. But infairness, maganda at maaliwalas ang paligid ng bahay. Halatang halata na inaalagaan ito ng mabuti. Sana lahat inaalagaan at pinapahalagahan. Yung ex ko kasi, binigay ko na lahat-lahat pero nakuha pa kong ipagpalit. But anyway, matagal na yun. Naka move-on na pati ako. Hindi ko lang talaga maiwasang humugot. Maganda ang bahay ng lalaking ito. May second floor lang, at ang kulay ng dingding ay mint green. Madami ding sariwang bulaklak sa flower vase. Mukhang bagong harvest. “Dito ka nakatira?” tanong ko ng huminto kami sa isang pintuan. “No. Sa condo ako nakatira. Pero dito na ‘ko titira kasi kasama na kita. Mas lalong gaganda ang bahay na ito dahil sa ‘yo.” Saad niya, napailing naman ako. May pagka sinto-sinto na nga, pilyo pa. “Nagpag
—Gillian—Napakagat labi na lamang ako ng hilahin ako ni Terrence sa hallway ng isang gusali. Pinagtitinginan kami ng mga nagtatrabaho sa gusaling ito. At halos sila ay nagbubulungan. Hindi ako sanay ng pagtitinginan. I mean iyong tingin ng mga tao kasi ay para bang nakikiusisa kung ano ang relasyon ko sa lalaking ito. “Bagong babae ni sir.”“Break na kaya sila ni Ms. Yesia?”“Mukhang new girlfriend ni sir.” “Mukha namang gold digger iyan ih.”Ilan lang ‘yan sa mga bulungan na naririnig ko mula sa mga babaeng nakakasalubong namin. Hindi naman bulong iyon dahil rinig na rinig ko.Itong lalaking humihila sa ‘kin ay parang walang naririnig. Chill lang kasi ito at diretso ang tingin sa daan. Mukhang sanay na itong pagbulungan ng kung sino-sino.Hanggang sa makapasok kami sa isang kuwarto. At sa madaling salita ito na ang office ng lalaking ito. Dahil binitawan ako nito at dumiretso siya sa swivel chair katapat ng isang mamahaling computer. Sa isa pang bakanteng upuan naman ay nakaupo
-Gillian-“BAKIT mo ba ako dinala dito Mr. Anderson?” galit-galitan kong tanong nang ibaba ako ni Terrence sa tapat ng kotse niya. Paano ko nasabing kotse? Dahil nandito kami sa parking lot ng hotel. Talagang buhat-buhat niya ko na para bang isang sakong bigas kanina. “Ang ingay pala ng mapapangasawa ko? Mukhang mapapasabak ako sa araw-araw na gigising ako, simula ngayong gabi? Tama ba ko, Mrs. Anderson?” nakangising sabi nito. Halos kapusin ako ng hininga dahil sa paglabas ng hangin sa ilong ko dahil sa nangyayari sa ‘kin ngayon. Ito ba talaga ang ugali ng lalaking ito? Akala ko seryosong tao, pero hindi pala. Parang mahirap basahin ang ekspresyon ng mukha niya, pero nagkakamali ako ng hinala. “Misis ko, bakit hindi ka na nagsasalita diyan? Kaninang buhat kita, hindi ka matigil sa kakatili. Gusto mo bang buhatin pa ulit kita?” sabi niya. Kaagad naman akong umiling, bago lumayo sa kotse niya ng dalawang hakbang. “Tigilan mo ko, Mr. Anderson…”“Don’t call me, Mr. Anderson, misis