“Unang beses pa lang tayong nagkatagpo, mahal na agad kita, Terrence Anderson.” - Gillian Gomez. Matapos niyang makipag hiwalay sa kaniyang kasintahan. Pumunta si Gillian sa bar para kalimutan ang lahat. Pero ng paalis na siya sa bar ay hinaras siya ng grupo ng kalalakihan. Nang biglang sumulpot ang isang maskuladong lalaki para tulungan siya sa mga lalaking humaharas sa kaniya. Nakaramdam kaagad si Gillian ng kakaibang pakiramdam at nasabi niya sa sarili na “I like this man” . Dahil sa kalasingan at pagkahumaling sa estranghero ay ibinigay niya ang kanyang pagkabirhen sa lalaking iyon.Isangg umuusok na gabi na nangyayari. Pinagsaluhan nila ang isang romantikong gabi sa pagitan ni Gillian at ng estranghero. Ano ang mangyayari kay Gillian, kapag napagtanto niyang isang malaking pagkakamali ang ginawa niya? Pagmamahal nga ba ang nararamdaman niya sa lalaking unang beses niya pa lamang nakilala? O isang temptation lamang dahil sa matinding kalasingan?
Lihat lebih banyak—GILLIAN GOMEZ—
PARA bang binuhasan ako ng malamig na tubig sa aking naabutan. Ano ang nagawa kong mali, para gawin sa akin ang kasuklam suklam at nakakadiring panloloko sa ‘kin ng kaibigan ko at ng boyfriend ko? “Ven, p-paano mo nagawa sa ‘kin ito?” Garalgal ang boses kong tanong sa boyfriend kong bagong gising. Katabi niya ang kaibigan ko, habang walang saplot. Nag-s*sex sila! Nagtaksil sila sa ‘kin. Kumurap pa ng ilang beses ang boyfriend ko, habang nakatingin lang sa akin ang kaibigan ko. Parang normal lang sa kaniya ang lahat. Ni hindi ko makita sa mukha niya ang gulat o pagsisisi sa ginawa niyang kababuyan. “Babe? Bakit nandito ka? Akala ko nasa business trip ka?” sunod- sunod na tanong ni Ven. Ngumiti ako ng mapait, “ Oh? Bakit, hindi na ba ako welcome dito? Naabala ko ba kayo? At oo galing ako sa business trip. At umuwi lang ako dito ng maaga para lang ma-surprise kita. Pero ako pala ‘yung masusurpresa. Ako pala ‘yung iiyak.” Natatawa kong sambit. Akma niya akong lalapitan ng magsalita akong muli. “Huwag kang lalapit sa ‘kin, Ven. You know how much I love you. Alam mong ikaw lang ‘yung lalaking mahal ko. At kahit isang beses hindi ako nakagawa ng kasalanan sa ‘yo. Dahil gusto kong maging perpekto ang relasyon natin! Pero ano ‘to?!” bulyaw ko sa kaniya. “Babe… please, calm down. Let's talk calmly,” pakiusap na saad ni Ven. Natawa naman ako. “Huwag mo akong tawaging, Babe. At hinihiling mo na, mag-usap tayo ng mahinahon? Pagkatapos ng lahat ng ito? Hindi ka man lang ba nahihiya sa akin o kahit man lang sa sarili mo? Ven, limang taon na tayong magkasintahan Pero masisira lang pala ang magandang pinagsamahan natin, dahil hindi ka makapaghintay na may mangyari sa ‘tin? Tama ba ko?” “Gillian, huwag mong sabihin na pampalipas oras lang ako ni Ven. We love each other, kaya ginawa namin ‘to.” Biglang sabat ng kaibigan ko, napabaling ako sa direksyon niya dahil sa sinabi niya. “Shut up! Don’t ever speak, Kaity!” Galit na saway ni Ven sa kaibigan ko. “What? I'm just telling the truth. Totoo naman kasi na hindi kayang ibigay ng girlfriend mo ang hinihingi mo sa kaniya, di ba? Kaya ka lumapit sa akin kasi hindi ka niya mapagbigyan!” Litanya ni Kaity. “Shut up! Shut up!” galit na utos ni Ven sa kaibigan ko. “Kasalanan ko pa pala? Kung gano’n, sorry ha? Kasi hindi naman talaga ako pumapayag na may mangyari sa amin ng boyfriend ko! Alam mo kung bakit, Kaity? Dahil ang gusto ko, ikasal muna kami ng lalaking iyan bago namin gawin ‘yun. At dahil hindi makapaghintay ang lalaking mahal ko, ikaw ang nilapitan niya. Malinaw na sa ‘kin ang lahat. Malinaw na malinaw na!” Litanya ko, ngumiti ako ng malapad at napaismid. “Babe, patawarin mo ko. Alam mo naman di ba na matagal ko ng hinihingi itong bagay na ‘to sa ‘yo. Pero ayaw mo kong pagbigyan. Kaya ko nagawa ‘to. Sana maintindihan mo ‘yung pangangailangan ko bilang isang lalaki.” Maamong sabi niya, napasinghap ako ng dahil sa sinabi niya. Kasalanan ko pa talaga… “Oo, naiintindihan ko na ngayon. Na we need to end this relationship between me and you! Kung ngayon pa nga lang, nagagawa mo na ang ganitong kadiring bagay, paano pa kaya kung kasal na tayo?” sarkastiko kong sabi. Bigla namang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Ven. Naging galit ang ekspresyon niya na ikinatawa ko. “What did you say? Makikpaghiwalay ka sa ‘kin? I’m not letting you break me up, Gillian. Akin ka lang! I will marry you and you will become my wife!” Galit niyang sabi. Nagulat naman ako ng bigla siyang humkabang palapot sa akin at hinaklit niya ang braso ko. Napadaing ako dahil sa higpit ng pagkaka hawak niya. Kaya naman kumuha ako ng lakas para bawiin ang braso ko sa kaniya. Nang magtagumpay ako, mabilis ko siyang sinampal. Nagulat naman siya sa ginawa ko, pero wala akong pakialam. Matapang ko siyang tinignan at dinuro ko siya gamit ang hintuturo ko. “Hibang ka na! Pareho kayong hibang ng kaibigan ko! Sa tingin niyo ba patatawarin ko kayo? Oo, Ven. Mahal nga kita, pero hindi ko masisikmura na ipagpatuloy pa ang relasyon natin. Hindi ako gano’n kadisperada para gawin ‘yon! Ikaw nga, Ven, nagawa mo ito ng hindi mo man lang iniisip ang mararamdaman ko. Makasarili ka at ang kaibigan ko. Bagay kayong magsama!” galit kong sabi sa kaniya. “It’s not my fault! Kung pinagbigyan mo lang sana ako, edi hindi sana aabot dito.” Pagsisi sa akin ni Ven. “ Pakipot ka pa kasi, hindi naman kawalan para sa ‘yo, kung ibibigay mo sa ‘kin ang sarili mo!” dugtong pa niya. “Huwag ako, Gillian. Pasalamat ka pa nga dahil umabot tayo ng limang taon. Kung hindi kita tiniis, hindi tayo magtatagal ng ganito. Akala mo kasi, napaka perpekto mong babae, dahil kahit anong gawin mo hindi ka magiging perpekto. Sa simpleng bagay na hinihingi ko sa ‘yo, tinatanggihan mo pa. Pakipot ka pa. Kaya dapat maintidihan mo kung bakit ko ito ginawa!” Hindi ako nagsalita. “Alam mo bang, pinagtatawanan ako ng mga kaibigan ko because of you! Akala nila takot ako sa ‘yo dahil hindi kita mapapayag na makipag sex sa ‘kin. I respect your decision, but my limitation is not what you think. I love you, but I need you to make my day complete. Sa tingin mo ba sa simpleng halik at lambing mo sa ‘kin, kuntento na agad ako? You’re wrong, Gillian” Mahabang litanya ni Ven, napapikit ako ng mariin dahil sa pinagsasabi niya. Bakit biglang nagkaganito. Ako yung biktima dito… pero bakit parang bumaliktad na ang sitwasyon? “Kapal ng mukha mo, Ven! Tama na! Pagod na ko!” Saad ko. Pinasadahan ko ng tingin ang kaibigan ko, bago muli kong binalingan ang ex-boyfriend ko. “Let’s break up!” Sambit ko, bago tumalikod para umalis. Mabilis ang ginawa kong paghakbang para lang makalabas sa condo ng ex-boyfriend ko. Hanggang sa makapasok ako sa elevator, napahawak ako sa dibdib ko dahil para bang tinutusok ng libo-libong karayon ang dibdib ko. Hindi man lang sila nagsisi! Hindi naman ako robot para walang maramdaman. Mahal na mahal ko si Ven, pero hindi niya ‘yon pinahalagahan. At ang kaibigan kong parang kapatid ko na, hindi ko lubos maisip na hahantong sa ganito ang lahat. “Ahhh!” sigaw ko sa loob ng elevator. Nanlalabo ang paningin ko dahil sa luhang kumakawala sa mata ko. Hindi ko alam kung paano ako ulit magsisimula. Gusto kong makalimot. Kahit saglit lang… Durog na durog ang pusa ko. Inapakan ni Ven at ng kaibigan ko ang buo kong pagkatao. Napaka unfair ng mundo! Kay Ven, ko lang binuhos ang bawat araw. Si Ven lang naman ang hiniling ko na sana magtagal kami, at sana siya yung makasama ko habang buhay. Pero lahat ng nais ko ay biglang naglaho. Hindi ko lubos akalain na pati ang bestfriend na itinuring kong kapatid at karamay ay siyang karibal ko sa puso ng boyfriend ko. Nagawa nilang pagtaksilan ako! Sobrang sakit. Ano na lamang ang sasabihin ko sa magulang ko? They expect too much... Na failed ko sila... But, I know to myself that I'm a good person. I'm a good girlfriend... Now, ang kaibigan at boyfriend ko ay may relasyon. Gusto kong makalimutan ang lahat ng ito. Pero paano ko ito makakalimutan? Kailangan ko bang magpasagasa sa truck para mawala yung sakit na nararamdaman ko? O kailangan kong magkaroon ng amnesia, para makalimutan ko na nangyari ito. Kung magpakamatay na lang ako? Pero hindi ko dapat gawin ‘yun. Pinahid ko ang luha ko ng makalabas ako sa elevator. Inayos ko ang sarili ko at tuluyang lumabas ng building. Tumawag ako ng taxi at nagpahatid sa bar. Bar ang unang naisip ko, na maaaring makatulong sa ‘kin para makalimutan ko saglit ang nangyari.NAPABUSANGOT ako ng sabihin ni Terrence na mauna na raw akong umuwi sa bahay niya. Kanina, nang matapos kaming kumain sa resto, tumawag sa kaniya yung secretary niya. May naghahanap daw sa kaniya, at kailangan niyang pumunta sa kumpanya. Pasado alas syete na rin ng gabi! Gusto kong sabihin na sasama na lang ako, tutal, bored naman sa bahay. Pero, si Terrence na mismo nagsabi na umuwi na lang daw ako. Pina-book na niya ko ng grab, para daw hindi na hassle sa akin ang umuwi. Kapag daw nakauwi ako, i-message ko daw siya. Nakakainis lang dahil quick date lang pala. Ganito ba talaga buhay ng isang negosyante? Imbis na umuwi ako, naisipan ko munang pumunta saglit sa bahay. Sasaglit lang naman ako. Hindi naman kakainin ng mahabang oras ang pagbisita ko sa anak ko. …Naabutan ko si Tres na mahimbing ng natutulog sa kuwarto niya. Good timing na din na tulog na ang batang ito. “Ang goodboy naman ng baby ni Mama, maaga natutulog.” Malambing kong sabi habang pinagmamasdan
-GILLIAN- NAPABUSANGOT ako habang hawak- hawak ang isang kamay ni Terrence. Pagkababa namin ng sasakyan, inutusan niya ako na hawakan ang kamay niya. Oo, hawak kamay daw kami. Tulad daw ng ibang mag-asawa, kapag daw lumalabas, nakaholding hands. Kaya ngayon, papasok kami sa entrance ng Mall nang magkawak ang aming mga kamay. Tinupad nga ni Terrence yung sinabi niya kanina habang kumakain kami. Magdi-date daw kami. At ang date na ‘yun ay ngayon. Pasado alas- kuwatro na ng hapon, kaya maraming mga tao sa mall. Ako na nga ‘yung nahihiya dahil kasama ko ‘yung lalaking sikat sa larangan ng pagiging negosyante. Pinagtitinginan siya ng mga babae sa bawat dinaraanan namin. Sino ba naman hindi lilingon kung mayroon kang makakasalubong na matangkad, matipuno at guwapong lalaki sa daanan. Grabe, ako ‘yung nahihiya e. Kasi pagkatapos kiligin ang mga babaeng fan ni Terrence, nadismaya sila ng makitang magka holding Hands kami ng lalaking hinahangaan nila. Natutuwa ako na ewan.
Nandito ako sa kuwarto ko— I mean sa kuwarto namin ni Terrence. Inaayos ko yung mga gamit niya sa cabinet. Wala pa siya. Hindi pa siya nagti-text kung pauwi na ba siya. Ewan ko ba! Pero hinahanap hanap siya ng mata ko. Pinanindigan ko na tuloy ang pagiging asawa ko sa kaniya. Kasi Di ba, kapag mag-asawa, may care na sa isa't isa? Parang ganun na kasi 'yung ginagawa ko ngayon. Gusto ko rin itanong sa kaniya kung para saan yung mga toys na pinadala niya. Eh, wala namang bata dito. Alangan naman siya ang gagamit nun? Impossible!Tatanungin ko siya pagdating niya dito sa bahay.SUMAPIT ang dilim, nakapagluto na ako ng dinner namin ni Terrence. Pero ang lalaking ‘yun hindi pa rin dumadating. Kaya ang ending, kumain ako kasabay ang dalawang katulong.Ewan ko pero naiinis ako. Balak ko pa namang kumain na Kasabay siya. Bahala na siya, tiyak naman hindi yun gutom. Mapera ‘yun e…Matapos kong kumain nagpaalam na ko kay Caren na pupunta na ko sa kuwarto. Binilinan ko naman sila na
ONE week later, nandito ako ngayon sa rooftop ng pamamahay ni Terrence. Dito ko mas piniling tumambay para magmuni-muni. At para libangin na rin ang sarili ko. Super miss ko na si Tress, dalawang araw na kasi kaming hindi nagkakasama. Buti na lamang at matalino ang anak ko, dahil lahat ng paliwanag ni mom sa kanya ay naiintindihan naman niya. Ang hindi ko lang maiwasan ay ang ma-miss ang anak ko ng sobra. Kagabi lang ay na-meet ko na rin ang parents niya, pero wala du’n ang kapatid niyang si Tyron. According to their parents, next month pa ang balik ni Tyron sa Pinas. Mabait ang parents nila Terrence. Welcome na welcome talaga ako sa pamilya nila. Ipinaliwanag sa kanila ni Terrence na asawa na niya ako, at ako daw ang dinidate niya ng patago. Hindi ko ini-expect na maririnig ko iyon mula sa mismong bibig ng lalaking ‘yon. Pero nakisakay na lang ako sa pagsisinungaling niya kahit na hindi ko iyon gusto. Wala akong magagawa. Kailangan kong magpanggap, kaya iyon ang ginagawa ko ng
CHAPTER 12“ITO ang bahay natin. Actually 2 years na ito, pinagawa ko ito para sa ating dalawa . At para na rin sa magiging anak natin. Nagustuhan mo ba?” Tanong niya sa akin habang paakyatkami sa hagdan. Dinala niya ko sa bahay kuno namin. But infairness, maganda at maaliwalas ang paligid ng bahay. Halatang halata na inaalagaan ito ng mabuti. Sana lahat inaalagaan at pinapahalagahan. Yung ex ko kasi, binigay ko na lahat-lahat pero nakuha pa kong ipagpalit. But anyway, matagal na yun. Naka move-on na pati ako. Hindi ko lang talaga maiwasang humugot. Maganda ang bahay ng lalaking ito. May second floor lang, at ang kulay ng dingding ay mint green. Madami ding sariwang bulaklak sa flower vase. Mukhang bagong harvest. “Dito ka nakatira?” tanong ko ng huminto kami sa isang pintuan. “No. Sa condo ako nakatira. Pero dito na ‘ko titira kasi kasama na kita. Mas lalong gaganda ang bahay na ito dahil sa ‘yo.” Saad niya, napailing naman ako. May pagka sinto-sinto na nga, pilyo pa. “Nagpag
—Gillian—Napakagat labi na lamang ako ng hilahin ako ni Terrence sa hallway ng isang gusali. Pinagtitinginan kami ng mga nagtatrabaho sa gusaling ito. At halos sila ay nagbubulungan. Hindi ako sanay ng pagtitinginan. I mean iyong tingin ng mga tao kasi ay para bang nakikiusisa kung ano ang relasyon ko sa lalaking ito. “Bagong babae ni sir.”“Break na kaya sila ni Ms. Yesia?”“Mukhang new girlfriend ni sir.” “Mukha namang gold digger iyan ih.”Ilan lang ‘yan sa mga bulungan na naririnig ko mula sa mga babaeng nakakasalubong namin. Hindi naman bulong iyon dahil rinig na rinig ko.Itong lalaking humihila sa ‘kin ay parang walang naririnig. Chill lang kasi ito at diretso ang tingin sa daan. Mukhang sanay na itong pagbulungan ng kung sino-sino.Hanggang sa makapasok kami sa isang kuwarto. At sa madaling salita ito na ang office ng lalaking ito. Dahil binitawan ako nito at dumiretso siya sa swivel chair katapat ng isang mamahaling computer. Sa isa pang bakanteng upuan naman ay nakaupo
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen