Share

Chapter 5

"Can you please stop that?" Sigaw niya sa akin ng maabutan ko siya.

Ang sungit naman nito. Paglabas namin sa office ni Chief ay dinumog agad ako ng mga tao sa loob.

"Ikaw ba si Jay?" Tanong ng isang lalaki na nasa pinto.

"Ang cute mo naman," sabi naman ng isa pang lalaki.

"Ikaw ba ang bagong partner ni Lorenzo?" Tanong nila kaya tumango ako at binigyan sila ng matamis na ngiti.

Lumapit silang lahat sa akin at halos yakapin nila ako.

"Will you please go back to your work?" Sigaw ni Lorenzo. Dahil sa sigaw ni Lorenzo ay sa isang iglap ay nasa upuan na silang lahat. Grabe siya oh! Daig pa niya ang boss dito. Hmph!

"Good luck to your first work," sabay nilang sabi sa akin na ikinangiti ko.

"Salamat," sabi ko at nginitian sila. Unang umalis si Lorenzo kaya tumakbo ako para makahabol ako sa kanya sa elevator.

Nang nakahabol na ako sa kanya sa elevator ay agad ko siya tinanong.

"Ano ang gagawin natin?" Tanong ko sa kanya.

"Shut up and just keep your mouth shut," malamig na sabi niya kaya napa kibit-balikat na lang ako.

Habang papunta sa parking lot ay bigla siyang nagtanong.

"Do you have a car?" Malamig na tanong niya.

"Wala pero bisikleta meron," sabi ko at itinuro ang road bike ko. Hindi niya binigyan pansin ang road bike ko at hinarap ako na may galit sa mukha.

"What the! Don't use your bicycle, stupid kid!" Malamig na sabi niya. Tama nga ako. Isa talaga itong grumpy. Well, hindi ko siya masisi dahil sa unang meeting namin ay binaril ko siya at iniwan. Hindi ko alam kung pinipigilan niya lang ang sarili niya na makaganti sa akin. Parang nanindigtuloy ang mga balahibo ko ng maalala ko na muntik na niya baliin ang kamay ko. Binaliwala ko na lamang ang pagtrato niya sa akin at sumunod sa kanya.

Binuksan ni Lorenzo ang pinto ng isang sports car na ferrari na kulay asul. Pumasok siya agad. Pumasok din ako at umupo sa tabi niya. Napa hissed na lang siya. Wala talaga akong kaide-ideya kung saan kami pupunta ngayon. Para akong bata na binigyan ng candy para mapasunod. Well, wala naman sigurong problema. Baka call on duty ang pupuntahan namin. Bigla tuloy ako kinakabahan na nasasabik.

Pagkatapos ng isang oras sa pagbiyahe ay huminto kami sa isang abandonado na gusali.

"Stay behind my back," he said. Tumango ako kahit hindi niya nakita. Pumasok kami sa loob ng abandonadong gusali at katulad ng sinabi niya ay nasa likod niya lang ako. Nang nasa pangalawang palapag na kami ay biglang may bumaril sa amin. Buti na lang ay sumablay ang mga bumaril.

Lagot! Magsisimula na pala ako ngayon magtrabaho? Akala ko makikipagmeeting lang ako ngayon! Pero inaasahan ko na rin ang ganitong sitwasyon. Isa pa ay nakalimutan ko na dalhin ang precious 9mm ko! Lagot na talaga ako.

Agad kami nagtago sa isang pader.

"I'm the one will shot them all," ma awtoridad na sabi niya pero hindi ako susunod sa ganyang klase na utos. Balak niya ba na i-monopolize ang trabaho? Haler? Para saan pa at sinama niya ako rito? Para takotin?

"No, I'll fight back," I firmly said. Pero tinignan lang niya ako ng masama.

Nakipagbarilan siya sa mga kalaban. Habang busy siya sa pakikipaglaban ay biglang may kalaban na sumulpot sa harap namin kaya kinuha ko ang kutsilyo ko sa bulsa ko at ibinato sa kalaban na tumarak sa kamay nito. Gumulong ako papunta doon sa natamaan ko at binunot ang kutsilyo ko at pinatulog siya. Pinulot ko ang 9mm na hawak nito. Pinagbabaril ko isa-isa ang mga kalaban sa paa.

"I said I'm the one who will do it!" Galit na sigaw niya kaya tinignan ko siya ng malamig. Sa pagkakataon na nasa labanan ako, wala akong pinapatakas.

Isa na lang natira dahil napatumba ko na halos lahat na mga kalaban na mas lalong nagpaliyab sa galit ni Lorenzo. Hinabol niya pababa ang natirang kalaban. Hindi ko sila sinundan. Nanatili ako sa ikalawang palapag at inasinta ang kalaban na kasalukuyan na hinahabol ni Lorenzo. Malapit na ito makatakas at medyo malayo na sila. Napagpasyahan ko na barilin ang dalawang binti ng kalaban na nagpahinto sa kanilang dalawa. Agad na kumilos si Lorenzo at pinusasan ang kalaban.

Tinignan ko lang siya na may kinausap sa cellphone niya pagkatapos pinusasan ang kalaban. Mula doon ay tumingin siya sa akin ng masama. Pagkalipas ng sampong minuto ay dumating ang mga ibang pulis at dinakip ang mga kalaban. Hindi pa rin ako kumikilos sa kinatatayuan ko. Pumasok ang mga pulis dito sa gusali kasama siya. Pagkaharap niya sa akin ay hinila niya ako ng marahas papunta sa gilid ng kotse niya. Hinablot ko ang kamay ko mula sa kanya na ngayon ay pulang pula na. Anong problema niya? Bakit nanghahablot siya ng kamay? Kung itong kamay ko ay ma-injured hindi ko talaga siya mapapatawad.

"I told you! I'm the one who will shoot them," he said angrily.

"May kalaban sa harap ko habang nakikipag barilan ka sa likod kaya inagapan ko lang," pagtatanggol ko sa aking sarili.

"And you brought a knife instead of a gun? You're an irresponsible person! The plan is to bring four alive enemy but you ruined the plan!" Galit na pagsisisi niya sa akin. Naiirita naman ako dahil sa sinabi niya.

"So kasalanan ko pa ang nangyari? At saka nanlaban sila. Dapat sinabi mo sa akin ang plano pero anong sinabi mo sa akin? Ang pagtunganga sa harap ng trabaho? I'm not the irresponsible person here! You! You have a responsibility to share to me the plan even in just a short period of time but you didn't give to me! Isa pa, lahat ng mga nakalaban ko ay buhay!" I shouted at his face at pumasok sa loob ng kotse niya.

Nakakainis talaga siya at ang hilig pa manigaw. Naiinis talaga ako dahil sa mga pinagsasabi niya at sa pagtrato niya sa akin. Ngayon sinisisi niya pa ako sa kapalpakan ngayong araw. Kung tutuusin ay hindi palpak ang mission namin ngayong araw kung pagbahasehan ang mga salita niya kanina. Pagpasok niya sa loob ng sasakyan ay sinigawan niya ako.

"It's still your fault!" Sigaw niya sa galit at pinatakbo ng mabilis ang sasakyan niya na agad na kinabundol ng likod ko sa upuan. I didn't put on the seat belt but I don't care.

Pagbalik namin sa gusali na pinasukan ko kanina ay nauna na akong bumaba at pumasok sa gusali. Agad nagsarado ang elevator pagpasok ko. Masama na masama talaga ang araw ko ngayon kaya kumakalat sa paligid ang masamang awra ko dahil sa galit at inis. Pagpasok ko sa loob ng Special A ay diretso agad ang direksiyon ko sa opisina ni Chief.

"Oh, Jay you're back." Nakangiting pagbati ni Chief sa akin.

"You didn't told me that I'm starting working today," inis na sabi ko sa kanya. I know I'm being disrespectful now, but I can't control my temper when it comes to that guy. Tinawanan lamang ako ni chief Franco.

"Sorry, your partner is hot-headed so, I didn't have a chance to tell you. And I forgot to give these to you," sabi niya at ibinigay sa akin ang Official I.D ko at ang 9mm na gagamitin ko. Nawala ang masamang pakiramdam ko at kumikinang ang mga mata ko dahil sa dalawang bagay na hawak ko ngayon. Naudlot lang dahil biglang bumukas ng malakas ang pinto.

"You!" Napalingon ako sa sumigaw.

"Bakit? Anong kailangan mo tanda?" Tanong ko kay Lorenzo na ngayon ay parang pulang-pula na dahil sa galit.

"What. Did. You. Call. Me?" Galit na tanong niya sa akin. Nagkakaroon na kami ng manonood dito sa loob ng office ni chief.

"Tanda. Patas na tayo oi. Kid ang tawag mo sa akin at tanda naman sa iyo. Nice code name, right?" Pang-iinis ko sa kanya habang naka ngisi na mas lalong nagpagalit sa kanya. Wew, ramdam ko na biglang tumayo ang mga buhok ko dahil sa nakakatakot niyang awra. Parang mga ilang sandali ay babawian niya ako ng buhay dahil sa mga mata niya na masamang nakatitig sa akin.

"You!" Susugurin na sana niya ako ng nagsalita ng seryoso si Chief Franco na nagpatigil kay tanda.

"Stop it Lorenzo. Respect your new partner," seryosong sabi ni Chief at umupo sa swivel chair niya.

"It's already three in the afternoon, you can go home now Jay, and you too, Lorenzo. You are dismissed," nakangiting sabi ni Chief kaya nginitian ko siya ng pilit at umalis na. Nilagpasan ko si tanda pagkatapos nginisihan ng nakakaasar. 'Yan ang napapala mo tanda.

"Hello sa inyo." Pagbati ko sa iba. Gusto ko sana makilala sila pero kailangan ko ng umuwi.

Nagpaalam ako sa kanila at dumiretso sa parking lot. Isinuot ko na ang helmet ko at sumakay sa road bike ko. Ipapadyak ko na sana ang pedal ko ng may humablot sa kamay ko.

"We are not done talking yet," malamig na sabi niya. Hinablot ko ang kamay ko mula sa kanya pero hinawakan niya lang ito ng mahigpit.

"Off Duty na ako para sa araw na ito kaya wala na tayong dapat pag-usapan pa. Kung tungkol sa pagsira ko sa plinano niyo ay oo na. Kasalanan ko na kaya bitawan mo na ang kamay ko, tsk," sabi ko at hinablot ng malakas ang kamay ko mula sa kanya. Ayaw ko na makipag talo sa kanya kasi baka abutan pa kami ng isang dekada kung kokontra pa ako sa sasabihin niya. Pasalamat siya mabait ako ngayon dahil first day ko sa trabaho.

Pinadyak ko ng mabilis ang pedal para hindi niya ako mahabol kung susundan man niya ako.

Hindi ko alam kung bakit galit siya sa akin. Dahil ba sa ginawa ko noon sa araw ng kasal ni Margaret? O sa ako ang naging partner niya? O dahil sa sinira ko ang plano na hindi ko alam? Iwan ko pero sinisisi niya lahat sa akin ang mga masama na nangyari sa araw na ito. Mas pinabilisan ko na lang ang pag padyak para makauwi ako sa bahay ng maaga.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status