Lumaki si Jay dala-dala ang mapait na ala-ala ng kaniyang kabataan mula sa lolo niya. He never believed in her. Sa mata nila, isang mahinang babae lamang si Jay na hindi p’wedeng maging sundalong gaya nila. Simula noon, ipinangako ni Jay sa kaniyang sarili na hahanapin niya ang kaniyang ina kasabay ng kagustuhan niyang mapatunayan sa lolo niya na mali ito ng naging husga sa kaniya. What Jay didn’t know, hindi lang pala simpleng giyera ang magagawa niyang suungin. She was able to dodge bullets but she wasn’t able to dodge when Lorenzo made her feel the happiness she’s longing for.
View MoreNadapa ako nang itinulak ako ng dalawang batang lalaki na pinsan ko dahil ayaw nila sa akin. Ayaw nila sa isang tulad ko. Ayaw nila sa babae.
"Gusto ko lang makipaglaro sa inyo," sabi ko habang pinipigilan ko ang aking luha na tumulo mula sa aking mga mata.
"Hindi pwede! Kasi babae ka at ang babae ay mahina! Kapag nasasaktan ay umiiyak!" singhal ni Nate na pinsan ko. Tumawa sila pagkatapos. Pinagtatawanan nila ako na parang isang pusa na kawawa sa paningin nila. Ayaw nila sa babae kasi mahina ako.
"Isuko mo na ang pangarap mo na maging sundalo Jay, kasi kahit kailan hindi ka magugustuhan ni lolo! Ang gusto ni lolo ay lalaking apo na magdadala sa apelyido niya at ng kanyang mga yapak,” sabi niya at iniwan nila ako na nakadapa at sugatan. Hindi ako naniniwala sa kanila. Alam ko na hindi ganon si lolo dahil mabait siya sa akin.
Pinunasan ko ang mga luha na kumawala sa mga mata ko at pilit na tumayo kahit masakit ang dalawang tuhod ko mula sa pagkakadapa. Alam ko na balang araw magiging magkaibigan din kami ng mga pinsan ko. Hindi ako susuko. Pinahid ko ang aking mga luha na kumalat sa aking mga pisngi at ngumiti ng pilit at umuwi na sa bahay.
Pagdating ko sa bahay ni lolo ay dumiretso ako sa library room niya upang sabihin sa kanya na gusto ko maging katulad niya na isang sundalo. Tamang-tama, bukas ang pinto. Ngunit pagpasok ko ay magsasalita na sana ako nang nadatnan ko si papa na kausap si lolo. Hindi ko makita si lolo dahil tanging likod lang ni papa ang nakikita ko. Sa tono ng boses ni papa ay halatang galit siya. Nag-aaway ba sila ni lolo?
"Why did you give me a granddaughter? Women are weak! They can't fight in war! Your daughter is useless! Now that your wife has died, find some woman and give me a grandson!" sigaw ni lolo. Nagulat ako sa narinig at hindi makapaniwala. Tama ba ang mga naririnig ko? Bakit sinabi ni lolo ang mga iyon? Ayaw niya ba talaga sa akin dahil babae ako? Papayag ba si papa na maghanap ng ibang babae na mapapangasawa niya? Kung mangyayari iyon, paano na ako? Kung magkakaroon ng bagong pamilya si papa at magkaroon ako ng bagong kapatid na lalaki, paano na lang si mama? Ang sabi ni papa hindi siya naniniwala na patay na si mama dahil walang ebidensya na magpapatunay na patay na si mama.
Biglang nanlambot ang mga tuhod ko. Ang ngiti na nakapaskil sa labi ko kanina ay unti-unting nabura at napalitan ng isang lungkot. Sobrang sakit ng mga salita na binitawan ni lolo. Akala ko ba mahal ako ni lolo? Bakit galit siya? Natatakot ako sa maaaring isagot ni papa kay lolo. Pilit ko pinipigilan ang mga luha at hikbi ko sa paglabas sa takot na baka makita nila ako na mahina.
"I will never change my wife! I'm not like you! If you can't accept my daughter as your granddaughter then, we will leave now this place!" May diin sa salita ni papa habang sinabi niya ang mga katagang iyon. Dahil sa sinabi ni papa ay lumiwanag aking mukha at napuno ng pag-asa. Aalis na sana ako sa kinatatayuan ko dahil sapat na ang mga narinig ko ngunit lumingon si papa sa direksyon ko. Pagkakita niya sa akin ay gulat ang rumehistro sa mukha niya at napalitan din ito ng isang malungkot na ngiti.
"Let's go home Jay, anak," mahinang sambit ng aking ama. Lumapit si papa sa akin at hinawakan ang kamay ko paalis sa silid na iyon. Sa araw na nilisan namin ang silid na iyon ay hindi ko pinalampas na tignan sa mga mata ang lolo ko. Wala itong emosyong ipinapakita kaya mas pinili kong suklian iyon ng mga blangkong tingin ngunit sa kaloob-looban ko ay nasasaktan ako dahil sa malamig na pakikitungo sa akin ni lolo ngayon.
In-empake ni papa ang mga gamit namin at umalis kami sa bahay na iyon. Nakita ko pa ang dalawang pinsan ko na inirapan ako ngunit imbis na pansinin sila ay tumingin ako diretso sa harap. Balang araw ay patutunayan ko sa kanila na kahit babae ay kayang harapin ang giyera. Maghapon kaming tumambay ni papa sa isang lugar malapit sa daungan ng barko habang hinihintay ang oras ng aming pag-alis. Pagsapit ng gabi ay nakasakay na rin kami sa wakas. Pagdating namin sa kwarto na kinuha ni papa para sa amin ay nagpaalam siya na lalabas muna at binilinan ako na matulog muna. Hindi ako makatulog dahil paulit-ulit na sumusulpot sa isipan ko ang mga sinabi ni lolo kanina kay papa. Lahat ng mga narinig ko kanina sa library ay parang tinik na tinutusok ang puso ko. Nagsisimula na may namoong luha sa mga mata ko at kalaunan ay napaiyak na ako ng tuluyan dahil sa mga salitang binitawan ni lolo. Kung naging lalaki lang sana ako ay hindi mag-aaway sina lolo at papa. Kung naging lalaki sana ako ay tatanggapin ako ng mga pinsan ko. Bakit naging babae pa ako? Dahil sa pag-iyak ay hindi ko namalayan na nakaidlip na pala ako.
Madaling araw ay nagising ako. Tinignan ko ang maliit na kama ngunit wala si papa sa aking tabi kaya napabangon ako. Akmang sisigaw na ako para tawagan si papa nang makita ko si papa na nakaupo sa gilid ng saradong pinto habang nakayuko at ang kaliwang binti ay nakatupi. Nakita ko na may tumulong butil na luha sa kanyang mga mata. Umiiyak ba si papa? Lumapit ako sa kanya at niyakap siya na ikinagulat niya. Mas lalo siya napahagulhol at niyakap din ako nang mahigpit. Nasasaktan ako na makita si papa na malungkot at umiiyak.
"Anak, everything will be okay," sabi niya. Alam ko ang pangungusap na iyon ay hindi lang para sa akin kundi para sa amin. I hugged him tightly with my small arms.
I never saw my papa crying, ngayon lang. Seeing him cry because of what happened to us, proved that he really is the best and strongest papa in the world. I'm lucky to have him as my father. He never replaces my mom, and he always protects me.
The day we arrived in Iligan City here in Mindanao, my papa resigned from being a soldier to spend more time with me. Since then, I promised myself that I will do my best to protect my father. Kung mabibigyan din ako ng pagkakataon ay gusto kong hanapin si mama dahil tulad ng paniniwala ni papa ay hindi rin ako naniniwala na namatay si mama sa aksidenteng nangyari. After all, we don't see an evidence that mama is dead. I'm sure of it, and also papa feels the same way.
Lumayo agad si Lorenzo at nilagay ang pagkaing dala sa bakanteng lamisa. Umupo naman siya sa bakanteng upuan at hinarap si Stacy habang ang mga braso nito ay naka cross sa dibdib.“Huwag mo ng ulitin gawin iyon,” mahinahong sabi ni Lorenzo kay Stacy.“Ang alin?” inosenteng tanong ni Stacy kay Lorenzo. Napabuntong hininga naman si Lorenzo dahil sa inakto ng dating nobya.“Stacy, alam mo na hiwalay na tayo at wala na dapat namamagitan sa atin. Ang ibig ko sabihin ay huwag mo ako halikan sa pisnge gaya ng ginagawa mo dati noon noong tayo pa,” paliwanag ni Lorenzo.“Yan ba ang ibig mong sabihin?” Tanong ni Stacy habang natatawa na ikanakunot ng noo ni Lorenzo. “Huwag kang mag-alala Lorenzo. Normal lang ‘yong ginawa ko. Ganun ang pagbati namin doon sa ibang bansa at nasanay ako na ganun ang pagbati,” paliwanag ni Stacy sa kanya.Napahinga naman ng maluwag si Lorenzo ng marinig ang paliwanag ni Stacy. Pinagmasdan naman ni Stacy ang reaksyon ni Lorenzo sa naging paliwanag niya. Biglang nagta
Sa panig ni Jay, nang makapasok siya sa guest room na inuukupa niya ay may bigla siyang naalala na itanong kay Lorenzo. Muli siyang lumabas sa guest room, at hinanap si Lorenzo upang mabigyan ng kasagutan ang mga tanong na nasa isip niya.Ngunit hindi niya matagpuan si Lorenzo sa loob ng bahay ni chief Franco kaya hinanap niya ito sa labas. Nakita naman niya na lumabas ng gate ang kotse ni Lorenzo kaya sinubukan niyang tawagan ang number ni Lorenzo dahil hindi niya ito mahabol upang tanungin kung saan siya pupunta sa ganitong oras.Ngunit hindi niya ma contact si Lorenzo dahilan upang mag alala siya sa kanyang nobyo. Napagdesisyonan niya na pumasok sa loob upang bumalik sa guest room at nag text kay Lorenzo tungkol kung saan siya ngayon. Mga ilang sandali ay nakatulog si Jay kakahintay sa tawag o sa reply ni Lorenzo sa kanyang text.Kinaumagahan, nagising si Jay dahil sa ingay sa kanyang paligid. Nang inimulat niya ang kanyang mga mata ay nakita niya si Risley at Marinette na nagtataw
Niyakap ni Lorenzo si Jay na nagpangiti kay Jay.“Salamat Jay. Salamat sa pagkonsidera. Kakausapin ko muna siya pagkatapos na mahatid kita sa inyo,” sabi ni Lorenzo na nagpabura sa ngiti ni Jay. Kumalas si Jay sa pagkakayakap ni Lorenzo at humarap kay Stacy na nakatingin sa kanya ng masama.Nagbago ang ekspresyon ni Stacy ng lumingon si Lorenzo sa kanya.“Stacy, pwede ba maghintay ka rito?” tanong ni Lorenzo kay Stacy. Tumango lang si Stacy at ngumiti kay Lorenzo.Humarap ulit si Lorenzo kay Jay at hinawakan ang kamay paalis sa mall. Nang nakarating sila sa parking lot bubuksan na sana ni Lorenzo ang pinto ng ng kanyang sasakyan ng humarang si Jay sa kanyang harap.“Lorenzo, sasakay na lang ako ng taxi,” sabi ni Jay at pilit na ngumiti kay Lorenzo. Naramdaman naman ni Lorenzo ang pagka dismaya sa boses ni Jay kaya hinawakan niya ang kamay ni Jay.“Jay, alam ko na nasaktan kita ngayon. Patawarin mo ako kung umabot man sa ganito ang sitwasyon natin. Ipapangako ko na walang magbabago. Ik
Kinilig naman si Jay sa ginawa ni Lorenzo. Naramdaman niya na lumuwag ang kanyang pakiramdam dahil sa wakas ay nasabi na niya kay Lorenzo ang kanyang naging desisyon.“Alam na ba ni chief Franco ang tungkol sa naging desisyon mo?” tanong ni Lorenzo kay Jay. Umiling naman si jay.“Hindi pa. Si Dad, Peter, Rose, ikaw pa ang nakakaalam tungkol sa naging desisyon ko,” sagot ni Jay kay Lorenzo.“Talaga? Kailan ang plano mo mag resign?” tanong ni Lorenzo.“Sa biernes,” sagot ni Jay.“Kung ganun, tatlong araw simula ngayon,” sabi ni Lorenzo.“Oo,” sagot ni Jay.“Salamat Jay dahil pumayag ka sa inalok ko sa iyo. Sobrang masaya ako sa desisyon mo. Alam ko na mahirap para sa iyo na tumigil sa pinapangarap mo na trabaho. Ngayon ay na-g-guilty ako dahil bibitawan mo ang pangarap mo dahil sa akin,” sabi ni Lorenzo. Umiling naman si Jay.“Huwag kang ma-guilty Lorenzo. Desisyon ko na bitawan ko ang trabahong ito. Alam ko mismo na delikado ang trabahong ito. May pagkakataon na baka ito pa ang magigin
Jay POVPagkatapos ng aming pagkikita nila Peter at Rose sa mall ay dumiretso ka agad ako sa opisina upang magtrabaho. Buo na ang desisyon ko na mag resign sa trabaho kaya ngayon araw ay itutuon ko ang buong atensyon ko sa trabaho.Hindi ko aakalain na aabot ako sa sitwasyon na ito na iiwan ko ang trabaho ko para sa kaligayahan na dumating sa aking buhay.Nang makarating ako sa opisina ay binati ako ng mga co-workers ko. Masaya ako na makasama ko sila kaya gusto ko na makasama ko sila sa huling pagkakataon.Nais ko mag-resign sa trabaho kapag nasabi ko na kay Lorenzo tungkol sa desisyon ko. Kaya sana ay matapos na siya sa kanyang misyon at makauwi ng ligtas.Alas siete na ng gabi ng matapos kami sa trabaho. Mabuti na lang ay sinundo ako ngayon ni Nate kaya hindi ko na kailangan sumakay ng public vehicle.“Ngayon araw ay wala tayong klase,” sabi ni Nate habang nag d-drive ng kotse.“Talaga? Bakit daw?” tanong ko sa kanya.“Sinamahan ni Simon si lolo sa importanteng lakad ni lolo,” sago
Pagkatapos nila magbabad sa hotspring ay umahon sila mula sa tubig at bumalik sa kwarto. Nagbihis sila at inaya si Jay na pumunta ulit sa restaurant. Sumama naman si Jay kay Marinette.Mula sa harap ng restaurant ay kita mula dito ang swimming pool. Nakita nila si Lizzy na may kausap na lalaki habang tumatawa. Hinanap nila si Risley pero hindi nila makita si Risley sa swimming pool kaya napagdesisyonan nila na pumasok na sa loob ng restaurant.Pagpasok nila ay nakita nila si Risley na nakailang ulit na ng pagkain. Nang makita sila ni Risley ay kumaway si Risley sa kanila.Lumingon naman si Marinette kay Jay.“Kilala mo ba ‘yan?” tanong ni Marinette.“Hindi eh. Kilala mo ba iyan?” tanong ni Jay.“Hindi rin eh. Tara umalis na tayo rito,” sabi ni Marinette at aktong aalis na sa loob ng restaurant.“Oi! Ang sama niyo,” sigaw ni Risley. Napatawa na lang si Marinette at lumapit sila sa lamesa ni Risley at umupo.“Naka ilang ulit ka na ba?” tanong ni Marinette kay Risley.“Pang limang beses
Welcome to GoodNovel world of fiction. If you like this novel, or you are an idealist hoping to explore a perfect world, and also want to become an original novel author online to increase income, you can join our family to read or create various types of books, such as romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel and so on. If you are a reader, high quality novels can be selected here. If you are an author, you can obtain more inspiration from others to create more brilliant works, what's more, your works on our platform will catch more attention and win more admiration from readers.
Comments