공유

Chapter 26

작가: Dragon88@
last update 게시일: 2023-10-16 22:30:42

Thalia's Point of view

Naalimpungatan ako ng maramdaman ko ang maligamgam na tubig sa aking katawan. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at tumambad sa aking paningin ang loob ng banyo habang ang aking katawan ay nakalubog sa bathtub na puno ng tubig. Napabalikwas ako ng bangon mula sa bathtub ng huminto ang aking paningin sa dalawang babae na nakatayo sa bandang paanan ko kaya halos magtalsikan ang tubig sa sahig.

"S-sino kayo? nasaan ako?" Magkasunod kong tanong bago mabilis na tinak
이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터

최신 챕터

  • Love Between The Words   Chapter 47

    One year later…“Ahhhh! Pagkatapos ng isang malakas na sigaw ay kasabay nito ang paghawi ni Marco sa mga gamit na nasa ibabaw ng kanyang lamesa. Malakas na nag taas-baba ng kanyang dibdib sanhi ng matinding galit. Maya-maya ay nanlulumo na naupo siya sa kanyang swivel chair. Mula sa kanyang balintataw ay biglang lumitaw ang imahe ng kanyang asawa. Iniisip niya ngayon kung ano na ang kalagayan nito marahil ay malaki na ang kanilang anak. Sa isang iglap ay napuno ng kalungkutan ang puso nito at nakadama ng pananabik na masilayan ang kanyang mag-ina kaya isang desisyon ang nabuo mula sa kanyang isipan. Mabilis na tumayo at inayos ang lahat ng kanyang gamit. Bitbit ang isang makapal na envelope na lumabas ng kanyang opisina.Isang taon ang mabilis na lumipas ng maluklok siya bilang isang CEO ng WELSH company. Habang si Alistair ay tuluyang tinalikuran ang kanyang mana. Nagsikap siya na maitaguyod ang sariling kumpanya na kanyang pinaghirapan. Dahil sa malaki ang tiwala sa kanya ng mga i

  • Love Between The Words   Chapter 46

    Mula sa labas ng resthouse ay nahinto sa pagwawalis si Alice dahil sa isang mamahaling sasakyan na pumarada sa mismong tapat ng bahay. Maging si Nelia na nagdidilig ng halaman ay sandaling tumigil sa kanyang ginagawa at kapwa nakatingin sa isang makintab at itim na sasakyan.Ilang sandali pa ay bumaba ang sakay nito at ganun na lang ang labis na pagkagulat ng dalawa ng makita nila si Ali. Kalaunan ang gulat sa kanilang mga mukha ay napalitan ng galit.“Ano ang ginagawa mo dito?” Galit na tanong ni Nelia sabay harang sa dinaraanan ni Alistair ngunit nanatiling seryoso ang mukha nito na hindi apektado sa galit ng mga taong kaharap.“Kukunin ko ang asawa ko.” Matigas na sagot ni Alistair bago nilampasan nito ang dalawa. Nanlaki ang mga mata ng magkapatid at hindi makapaniwala sa kanilang mga narinig. Diretsong pumasok si Alistair sa loob ng bahay ng walang paalam dahil iniisip niya na pag-aari din niya ang lahat ng ito. Sapagkat ang lahat ng pag-aari ng kanyang asawa ay pag-aari din niya

  • Love Between The Words   Chapter 45

    Alistair Point of view“Kanina pa ako hindi mapakali sa aking kinahi-higaan, hindi ako makatulog dahil sa malakas na kabog ng dibdib ko. Wala sa loob na bumangon at lumipat sa aking wheelchair. Sa totoo lang ay dalawang araw na akong walang maayos na tulog dahil nasanay na ako na nasa tabi ko si Thalia. Parang hindi ko yata kayang panindigan ang aking galit dahil ngayon ay hinahatak ako ng aking katawan patungo sa naka-saradong silid ng aking asawa. Pinihit ko ang seradura ng pintuan at tuluyan itong binuksan ngunit sumalubong sa akin ang bakanteng silid.Inisip ko na baka nasa loob lang siya ng banyo, tuluyan na akong pumasok at isinarado ang pintuan. Nakakabinging katahimikan ang nangingibabaw sa loob ng silid kaya batid ko na walang tao sa loob ng banyo. Pinaandar ko ang wheelchair patungo sa closet at ng buksan ko ito ay wala na ang ilang pirasong damit ni Thalia maging ang ilang importanteng gamit nito. Nilamon ng matinding takot ang puso ko dahil sa isipin na tuluyan na akong

  • Love Between The Words   Chapter 44

    Thalia’s Point of viewIsang araw na ang lumipas at parang dinudurog ang puso ko dahil sa malamig na pakikitungo sa akin ng aking asawa. Mula ng magalit siya sa akin ay sa ibang kwarto na ito natutulog ni hindi niya ako magawang hawakan. Wari moy isa akong taong may sakit na ketong kung kanyang pandirihan. Ganun pa man ay hindi ako nagtanim ng galit sa kanya bagkus ay higit ko pang nilawakan ang aking pang-unawa. Sapagkat ako ay umaasa na maayos din ang sigalot na ito sa pagitan naming mag-asawa. Alang-alang sa aming anak ay magtitiis ako at gagawin ko ang lahat para lang mabigyan ko ito ng isang buo at masayang pamilya.Lumabas ako ng kwarto at tumungo sa kusina ngunit isang bakanteng lamesa ang sumalubong sa akin. Batid ko na hindi na naman kumain si Alistair at labis akong nababahala para sa kanyang kalusugan. “Manang, hinatiran na ba ng pagkain ang aking asawa?” Malumanay kong tanong sa aming Mayordoma. “Naku, Iha, simula kahapon ay walang maayos na pagkain si Señorito dahil la

  • Love Between The Words   Chapter 43

    “Ahhhh!” “Crash!” Nilamon ng malakas na sigaw ni Marco ang buong kabahayan. Sumabog na siya sa matinding galit dahil isang katotohanan ang kanyang natuklasan. Kahit anong gawin niya ay kailanman hindi niya matatalo ang pinsan na si Allistair dahil bago pa man ito nadisgrasya ay nabuntis na niya si Thalia.Malinaw pa sa sikat ng araw na isa siyang talunan at ang lahat ay tuluyan ng mawawala sa kanya. Biglang pumasok mula sa kanyang isipan ang imahe ng asawa kaya lalong nagpupuyos ang kanyang kalooban.“Hindi ako papayag na magtagumpay ka na makuha ang lahat sa akin, Alistair…” nanggagalaiti niyang bulong sa hangin. Mabilis na dinampot ang susi at kaagad na tinungo ang kinaroroonan ng kanyang pinsan. Determinado siya na sirain ang buhay nito.Alistair Point of View“Sir, Mr. Marco was here, he wants to talk to you.” Magalang na pagbibigay alam ng aking secretary, kumunot ang noo ko dahil labis akong maguguluhan kung ano ang kailangan sa akin ni Marco. Ngayon lang na nangyari ito na sina

  • Love Between The Words   Chapter 42

    Thalia’s Point of view“Bakit ang lalim yata ng iniisip mo?” Nag-aalala na tanong sa akin ng aking asawa. Kasalukuyan kaming nandito ngayon sa loob ng kwarto. Alas nuebe na ng gabi at naghihintay na lang kami kung kailan dalawin ng antok. Itiniklop ni Ali ang laptop na nakapatong sa mga hita nito at inilagay ito sa ibabaw ng maliit na side table kung saan nakalagay ang lampshade. Isinandal niya ang likod sa headboard bago matamang tinititigan ang aking mukha.Bumangon ako mula sa pagkakahiga at lumipat sa kanyang kandungan, umupo ako paharap sa kanya bago isinandig ang aking ulo sa dibdib nito. Dinig ko ang bawat pintig ng kanyang puso na para bang musika sa aking pandinig na sinamahan pa ito ng init na nagmumula sa kanyang katawan kaya pakiramdam ko tuloy ay para akong idinuduyan.“Nag-aalala kasi ako kay ate Ashley, baka mamaya ay sinasaktan siya ni Marco.” Ani ko sa malungkot na tinig bago ko niyakap ang may kalakihan niyang katawan. Narinig ko na nagpakawala siya ng isang mabigat

  • Love Between The Words   Chapter 10

    “Ate Lani! Ate Lani!” Malakas na sigaw ni Alice ang bumulabog sa loob ng kusina na siyang gumulat sa magkapatid na Lani at Nelia. Ang mukha ni Alice ay parang nakakita ng multo at bakas sa mukha ang labis na pag-aalala.“Ano ba ang nangyayari sayo Alice at tinalo pa ng bibig mo ang wawang ng ambulans

  • Love Between The Words   Chapter 9

    Thalia’s Point of view Ding… Dang…Nang marinig ko ang tunog ng malaking orasan ay batid ko na alas dose na ng hating gabi, ngunit hindi pa rin ako makatulog dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin humuhupâ ang kasiyahan na nararamdaman ng puso ko.Samo’t-saring emosyon ang bumabalot sa buong pagkatao k

  • Love Between The Words   Chapter 8

    “Bakit Alice? Anong nangyayari sayo?” Nagtataka na tanong ni Lani sa kanyang kapatid, labis silang naguguluhan sa kakaibang ikinikilos nito.“A-ang ibig kong sabihin ay hindi ko na ilagay ang gulay sa pinapakuluan kong karne.” Bahagya pa itong nautal sa pagsasalita bago alanganing ngumiti sa kanila,

  • Love Between The Words   Chapter 7

    Alistair’s Point of view“Ali, wala ka bang trabaho ngayon?” Malambing na tanong sa akin ni Thalia kaya nilingon ko ito mula sa kanang bahagi ko at nanggigigil na pinatakan ito ng isang halik sa labi. Gusto kong matawa ng bigla itong sumimangot dahil sa ginawa ko.“Ilang ulit ko bang sasabihin sayo na

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status