Share

Chapter 6

Author: Dragon88@
last update Last Updated: 2023-08-19 21:21:04

Thalia’s Point of view

“Sadyang ang buhay ay kay hirap unawain

Walang hanggang kasiyahan

Kaakibat ay kalungkutan

Pangakong binitiwan

Katumbas ay pag-asa

Ngunit matamis na salita

nagdulot ng matinding kapighatian

Bakit kailangan na ako’y paasahin

Kung iyong salita ay di kayang panindigan?”

“Apat na araw na ang lumipas ng makadaupang palad iyong estranghero na naligaw sa aking silid. Puso ko ay tahimik na naghihintay sa kanyang pagbabalik, mabuti pang hindi na lang niya ako pinaasa, sapagkat matinding sakit ang idinulot nito sa aking puso.

Sino nga ba naman ako para pag-aksayahan ng panahon? Isang munting bulag na walang silbi?

Naninikip ang dibdib ko at halos hindi na ako makahinga.

Bakit ba ako nasasaktan gayung hindi ko naman siya kilala? Ngunit bakit ganun? Higit na mas masakit ito sa mga taong nawala sa akin.

Hinawi ang pangahas na luha, at sinikap na kalmahin ang sarili.

Sinikap ko na ituon ang atensyon sa paglikha ng tula, sa tuwing nalulumbay ako ay ito ang aking sandigan. Mabuti pa ang mga letra at ang aking makinilya ni minsan ay hindi ako iniwan.

“Iha, kumain ka na, baka magkasakit ka niyan.” Nag-aalala na sabi ni Yaya sa akin na may halong pakiusap ngunit nanatili lang akong tahimik habang patuloy sa pagtipâ ang aking mga daliri sa makinilya. Simula kahapon ay nawalan na ako ng ganang kumain, kaya labis na nag-aalala sa akin si Yaya Lani.

Ilang sandali pa ay tumigil sa pagtipâ ang aking mga daliri dahil muli na namang naglandas ang masaganang luha sa aking pisngi.

“Yaya, hanggang kailan ka mananatili sa aking tabi? Iiwan mo rin ba ako tulad nila?” Lumuluha kong tanong sa kanya. Sa totoo lang ay naha-habag na ako sa aking sarili dahil simula ng pumanaw ang aming mga magulang ay tuluyan kong naramdaman ang pagiging inutil ko.

Narinig ko ang impit na iyak ni Yaya kasunod noon ay ang mahigpit na yakap nito sa akin.

“Iha, hanggat ako’y nabubuhay ay mananatili ako sa iyong tabi.” Umiiyak na sagot niya sa akin, kaya tuluyan na akong napahagulgol ng iyak.

“Yaya, paano na ako kapag wala ka na? Alam kong matanda ka na, at ang tanging kahilingan ko, kung sakaling dumating ang panahon na lisanin mo ang mundo, pakiusap, isama mo ako.” Humihikbi kong saad habang mahigpit na nakayakap ang aking mga braso sa may katabaan niyang katawan.

“Anak, huwag kang magsalita ng ganyan, darating ang araw na makakakita ka rin, dahil batid ko na hindi ka kinalimutan ng iyong kapatid.” Malumanay na sagot niya sa akin, humiwalay ako sa kanya at humarap sa ibang direksyon.

“Hindi ko na pinangarap ang makakita pa, mas pipiliin ko ang lisanin na lang ang mundo. Dahil kung sakaling ako’y makakita, hindi ko rin alam kung paano haharapin ang mundo sa labas ng kwartong ito.” Malungkot kong pahayag na tila nawawalan na ng pag-asa.”

Habang nag-uusap ang dalawa ay hindi nila namalayan ang pagdating ni Alistair kaya malinaw niyang narinig ang lahat ng mga sinabi ng dalaga.

Tila dinurog ang puso niya ng mga salitang binitiwan nito, matinding pagkahabag ang nararamdaman niya para kay Thalia, kaya mula sa kaibuturan ng kanyang puso ay isang pangako na kailanman ay hindi niya ito iiwan.

Nagulat si Yaya Lani ng makita niya ang binata na nakatayo sa nakabukas na pintuan, nakakaunawa na tumango siya kay Alistair kaya umalis siya sa tabi ng dalaga at tahimik na lumabas ng kwarto upang makapag-usap ng maayos ang dalawa.

“Yaya?” Tawag ni Thalia ngunit wala siyang narinig na sagot mula sa matanda, natigilan siya ng malanghap niya ang pamilyar na amoy ng isang mamahaling pabango. Hindi malaman ni Thalia kung matutuwa ba siya o magagalit kaya mas pinili na lang niya ang manatiling tahimik.”

Alistair Poin of view

“Alam ko na nagtatampo ka sa akin,” panimula ko at saglit na huminto sa pagsasalita at umayos ng upo sa tabi ng dalaga.

“Sana ay mapatawad mo ako, hindi ko sinadyang sirain ang pangako ko sa iyo nagkataon lang na may inayos akong problema. Sana ay hindi ka tuluyang magalit sa akin at bigyan mo ako ng pagkakataon na maitama ang maling iniisip mo sa akin.” Mahabang pahayag ko na may halong pakiusap ngunit kaakibat nito ay kabâ dahil natatakot ako na baka ipagtabuyan niya ako.

Natigilan ako ng masaksihan ko na tahimik na lumuluha si Thalia habang nilalaro nito ang mga daliri niya na nakapatong sa ibabaw ng kanyang mga hita. Parang pinipiga ang puso ko sa tuwing nakikita ko siyang umiiyak. Mabilis ko itong kinabig at mahigpit na niyakap.

“Sshhh… tahan na, huwag ka ng umiyak, nandito na ako at hindi na ako aalis pa sa tabi mo.” Malambing na bulong ko sa tapat ng kanyang tainga. Hindi ko na napigil ang aking sarili at tuluyan ng lumapat ang mga labi ko sa bibig ni Thalia.

Nagulat naman ito sa aking ginawa, halatang wala pa itong karanasan at masaya ako, dahil ako ang unang lalaki na humalik sa kanyang mga labi.

Ang halik na aming pinagsaluhan ay nagdulot ng matinding kilabot sa bawat himaymay ng aming mga kalamnan. Hanggang sa kusang pumikit ang kanyang mga mata na tila nilalasap ang kakaibang sarap mula sa pagkakahinang ng aming mga labi.

Marahang gumalaw ang labi ng dalaga na wari mo ay nananant’ya, kaya isang ungol ang kumawala mula sa aking bibig.

Ang mga labi ng dalaga ang pinakamasarap na natikman ko sa buong buhay ko. Dahil ibayong ligaya ang hatid nito sa aking pakiramdam.

Dala ng matinding pananabik sa dalaga ang banayad na halik ay naging mapusok at halos s******n ko na ang laway nito.

Ilang minuto ang lumipas bago tuluyan kong nakontrol ang aking sarili, hinihingal na humiwalay sa dalaga at pinagdikit ang aming mga noo habang ang dalawang kamay ko ay nanatili sa magkabilang pisngi nito at masuyong hinahaplos ng aking hinlalaki.

“Hindi ka na galit sa akin?” Malambing kong tanong sa kanya habang nanatiling magkalapat ang aming mga noo. Nakangiting umiling ang dalaga saka masuyong hinaplos ng kanang kamay niya ang aking mukha.

Naipikit ko ang aking mga mata ng maramdaman ang mainit na palad ng dalaga parang may kung anong kilabot ang bumabalot sa buong katawan ko. Ilang babae na ba ang nagdaan sa buhay ko na halos hindi na mabilang sa daliri. Pero ni minsan ay hindi ko naranasan sa kanila ang kasiyahang nararamdaman ko ngayon.

“Hindi na ako magagalit kung iyong maipapangako na kailanman ay hindi mo na ako iiwan.” May bahid lungkot na saad niya habang nakatitig sa aking mukha ngunit batid ko na hindi ako nito nakikita.

“Hindi na, mananatili na ako sa iyong tabi kailanman at hindi na kita iiwan.” Nangangako kong sagot, makikita sa aking mukha ang determinasyon na tutuparin ko ang aking pangako.

Isang matamis na ngiti ang sumilay sa mapupulang labi ni Thalia at mabilis itong yumakap sa akin. Isang masuyong halik sa bibig ng dalaga ang iginawad ko sa kanya at buong pagmamahal na niyakap ko itong muli.

“So, It means, nobya na kita.” Masayang kong pahayag, dahil sa sobrang kasiyahan ay pinupog ko ito ng halik sa mukha. Parang gustong sumigaw ng puso ko “na sa wakas ay pag-aari ko na ang magandang babae na ito!”

“S-sandali, nakikiliti ako, tama na!” Saway niya sa akin ngunit imbes na tumigil ay nagpatuloy pa rin ako hanggang sa kapwa kami napahiga sa kanyang kama.

Sa pagkakataong ito ang buong kwarto ng dalaga ay muling napuno ng mga halakhak. Huminto ako at humiga sa tabi ni Thalia, inangat ko ang ulo nito at ipinatong sa kanang braso ko. Pumulupot ang kaliwang braso ko sa katawan ng dalaga saka ito niyakap ng mahigpit.

Tila nagustuhan naman ni Thalia ang ginawa ko dahil kusang yumakap ang isang braso niya sa aking katawan.

Isang mariin na halik ang iginawad ko sa noo nito kaya pumikit ang kanyang mga mata na wari mo’y nilalasap ang init ng aking mga halik.

“I love you, Thalia.” Madamdaming pahayag ko ngunit natigilan si Thalia at wala sa sarili na biglang kinalas ang pagkakayakap nito sa akin.

Bumangon siyang bigla at saka umayos ng upo.

“Bakit? Hindi mo ba nagustuhan ang sinabi ko? Wala ka bang nararamdaman sa akin?” Naguguluhan kong tanong dahil sa kakaibang inakto nito, nakadama ako ng kabâ ng pumasok sa aking isipan na baka taliwas ang nararamdaman niya sa nararamdaman ko para sa kanya.

“Ipagpaumanhin mo kung hindi mo nagustuhan ang naging reaksyon ko, labis akong naguguluhan kung bakit ang isang bulag na tulad ko ay natutunan mong mahalin?” Malungkot na tanong niya sa akin, lumambong ang aking mukha dahil sa tinuran nito. Kinuha ko ang mga kamay niya at dinala ito sa aking bibig.

“Kapag nagmahal ka ay hindi mo titingnan kung ano ang kasiraan o kakulangan niya bagkus ay tatanggapin mo siya ng buong buo at mamahalin ng higit pa sa sarili mo. Ganoon kita kamahal Thalia, napakaimposible mang paniwalaan dahil ito pa lang ang pangalawang pagkakataon ng ating pagkikita ngunit iyon ang totoo.

Minahal na kaagad kita ng una ko pa lang masilayan ang maganda mong mukha.” Tagos sa puso na pahayag ko sa kanya.”

Tuluyang napaiyak si Thalia at mahigpit na yumakap sa binata na ngayon ay kanya ng nobyo. Marahil ay inosente ang kanyang puso sa mga ganitong bagay ngunit isa lang ang alam niya, kailanman ay ayaw na niyang mawalay pa sa nobyo. Ikamamatay yata niya kung sakaling mangyari iyon.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Octav Bibi
update po please..........
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Love Between The Words   Chapter 47

    One year later…“Ahhhh! Pagkatapos ng isang malakas na sigaw ay kasabay nito ang paghawi ni Marco sa mga gamit na nasa ibabaw ng kanyang lamesa. Malakas na nag taas-baba ng kanyang dibdib sanhi ng matinding galit. Maya-maya ay nanlulumo na naupo siya sa kanyang swivel chair. Mula sa kanyang balintataw ay biglang lumitaw ang imahe ng kanyang asawa. Iniisip niya ngayon kung ano na ang kalagayan nito marahil ay malaki na ang kanilang anak. Sa isang iglap ay napuno ng kalungkutan ang puso nito at nakadama ng pananabik na masilayan ang kanyang mag-ina kaya isang desisyon ang nabuo mula sa kanyang isipan. Mabilis na tumayo at inayos ang lahat ng kanyang gamit. Bitbit ang isang makapal na envelope na lumabas ng kanyang opisina.Isang taon ang mabilis na lumipas ng maluklok siya bilang isang CEO ng WELSH company. Habang si Alistair ay tuluyang tinalikuran ang kanyang mana. Nagsikap siya na maitaguyod ang sariling kumpanya na kanyang pinaghirapan. Dahil sa malaki ang tiwala sa kanya ng mga i

  • Love Between The Words   Chapter 46

    Mula sa labas ng resthouse ay nahinto sa pagwawalis si Alice dahil sa isang mamahaling sasakyan na pumarada sa mismong tapat ng bahay. Maging si Nelia na nagdidilig ng halaman ay sandaling tumigil sa kanyang ginagawa at kapwa nakatingin sa isang makintab at itim na sasakyan.Ilang sandali pa ay bumaba ang sakay nito at ganun na lang ang labis na pagkagulat ng dalawa ng makita nila si Ali. Kalaunan ang gulat sa kanilang mga mukha ay napalitan ng galit.“Ano ang ginagawa mo dito?” Galit na tanong ni Nelia sabay harang sa dinaraanan ni Alistair ngunit nanatiling seryoso ang mukha nito na hindi apektado sa galit ng mga taong kaharap.“Kukunin ko ang asawa ko.” Matigas na sagot ni Alistair bago nilampasan nito ang dalawa. Nanlaki ang mga mata ng magkapatid at hindi makapaniwala sa kanilang mga narinig. Diretsong pumasok si Alistair sa loob ng bahay ng walang paalam dahil iniisip niya na pag-aari din niya ang lahat ng ito. Sapagkat ang lahat ng pag-aari ng kanyang asawa ay pag-aari din niya

  • Love Between The Words   Chapter 45

    Alistair Point of view“Kanina pa ako hindi mapakali sa aking kinahi-higaan, hindi ako makatulog dahil sa malakas na kabog ng dibdib ko. Wala sa loob na bumangon at lumipat sa aking wheelchair. Sa totoo lang ay dalawang araw na akong walang maayos na tulog dahil nasanay na ako na nasa tabi ko si Thalia. Parang hindi ko yata kayang panindigan ang aking galit dahil ngayon ay hinahatak ako ng aking katawan patungo sa naka-saradong silid ng aking asawa. Pinihit ko ang seradura ng pintuan at tuluyan itong binuksan ngunit sumalubong sa akin ang bakanteng silid.Inisip ko na baka nasa loob lang siya ng banyo, tuluyan na akong pumasok at isinarado ang pintuan. Nakakabinging katahimikan ang nangingibabaw sa loob ng silid kaya batid ko na walang tao sa loob ng banyo. Pinaandar ko ang wheelchair patungo sa closet at ng buksan ko ito ay wala na ang ilang pirasong damit ni Thalia maging ang ilang importanteng gamit nito. Nilamon ng matinding takot ang puso ko dahil sa isipin na tuluyan na akong

  • Love Between The Words   Chapter 44

    Thalia’s Point of viewIsang araw na ang lumipas at parang dinudurog ang puso ko dahil sa malamig na pakikitungo sa akin ng aking asawa. Mula ng magalit siya sa akin ay sa ibang kwarto na ito natutulog ni hindi niya ako magawang hawakan. Wari moy isa akong taong may sakit na ketong kung kanyang pandirihan. Ganun pa man ay hindi ako nagtanim ng galit sa kanya bagkus ay higit ko pang nilawakan ang aking pang-unawa. Sapagkat ako ay umaasa na maayos din ang sigalot na ito sa pagitan naming mag-asawa. Alang-alang sa aming anak ay magtitiis ako at gagawin ko ang lahat para lang mabigyan ko ito ng isang buo at masayang pamilya.Lumabas ako ng kwarto at tumungo sa kusina ngunit isang bakanteng lamesa ang sumalubong sa akin. Batid ko na hindi na naman kumain si Alistair at labis akong nababahala para sa kanyang kalusugan. “Manang, hinatiran na ba ng pagkain ang aking asawa?” Malumanay kong tanong sa aming Mayordoma. “Naku, Iha, simula kahapon ay walang maayos na pagkain si Señorito dahil la

  • Love Between The Words   Chapter 43

    “Ahhhh!” “Crash!” Nilamon ng malakas na sigaw ni Marco ang buong kabahayan. Sumabog na siya sa matinding galit dahil isang katotohanan ang kanyang natuklasan. Kahit anong gawin niya ay kailanman hindi niya matatalo ang pinsan na si Allistair dahil bago pa man ito nadisgrasya ay nabuntis na niya si Thalia.Malinaw pa sa sikat ng araw na isa siyang talunan at ang lahat ay tuluyan ng mawawala sa kanya. Biglang pumasok mula sa kanyang isipan ang imahe ng asawa kaya lalong nagpupuyos ang kanyang kalooban.“Hindi ako papayag na magtagumpay ka na makuha ang lahat sa akin, Alistair…” nanggagalaiti niyang bulong sa hangin. Mabilis na dinampot ang susi at kaagad na tinungo ang kinaroroonan ng kanyang pinsan. Determinado siya na sirain ang buhay nito.Alistair Point of View“Sir, Mr. Marco was here, he wants to talk to you.” Magalang na pagbibigay alam ng aking secretary, kumunot ang noo ko dahil labis akong maguguluhan kung ano ang kailangan sa akin ni Marco. Ngayon lang na nangyari ito na sina

  • Love Between The Words   Chapter 42

    Thalia’s Point of view“Bakit ang lalim yata ng iniisip mo?” Nag-aalala na tanong sa akin ng aking asawa. Kasalukuyan kaming nandito ngayon sa loob ng kwarto. Alas nuebe na ng gabi at naghihintay na lang kami kung kailan dalawin ng antok. Itiniklop ni Ali ang laptop na nakapatong sa mga hita nito at inilagay ito sa ibabaw ng maliit na side table kung saan nakalagay ang lampshade. Isinandal niya ang likod sa headboard bago matamang tinititigan ang aking mukha.Bumangon ako mula sa pagkakahiga at lumipat sa kanyang kandungan, umupo ako paharap sa kanya bago isinandig ang aking ulo sa dibdib nito. Dinig ko ang bawat pintig ng kanyang puso na para bang musika sa aking pandinig na sinamahan pa ito ng init na nagmumula sa kanyang katawan kaya pakiramdam ko tuloy ay para akong idinuduyan.“Nag-aalala kasi ako kay ate Ashley, baka mamaya ay sinasaktan siya ni Marco.” Ani ko sa malungkot na tinig bago ko niyakap ang may kalakihan niyang katawan. Narinig ko na nagpakawala siya ng isang mabigat

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status