Share

Chapter two

Author: Dragon88@
last update Huling Na-update: 2023-08-11 15:10:48

Thalia’s Point of view

Sa sariwang hangin humuhugot ng lakas

Samo’t saring isipin gumugulo sa isipan

Ibayong sakit ang siyang bumabalot

sa puso kong puno ng kalungkutan.

Wari moy tuliro, nanatiling walang alam

Pangahas na luha’y naglandas sa makinis na pisngi

Naalala ko may kasamang lumbay

Ang malamyos na tinig ng mahal kong ina

At masuyong yakap ng mahal kong ama

Puso ko ay nangulila, hinahanap ng lubos

Malamig na simoy ng hangin

Siyang yumakap sa akin

Di yata’t akoy nasasaktan sa di malamang dahilan?

Mga matang walang silbi ay aking ipinikit

mapanglaw na dilim aking nasilayan

naramdaman na lubos kawalan ng silbi

Mula sa pag-iisa, tanging kaulayaw

bisa ng hangin mong walang katulad.

“Habang binibigkas ang bawat kataga mga daliri koy patuloy sa pagtipâ. Nanatiling nakapikit ang aking mga mata dinadama ang kakaibang simoy ng hangin. Kakatwang patuloy pa rin sa pagpatak ang luha ng kahinaan. “M-mama! Ahhhh…” hindi ko na kinaya ang nararamdaman na sakit, saglit na huminto sa pagtipa ang aking mga daliri at wala sa loob na napa-hawak ng mahigpit sa tapat ng aking dibdib.

Nararamdaman ko na may hindi magandang nangyari sa aking mga magulang, ngunit wala akong magawa kung hindi ang tamihik na lumuha sa loob ng apat na sulok ng silid na ito at maghintay sa kung anong mangyayari sa mga susunod na sandali.

Sa mga oras na ito ay hinawi ang sarili, sinikap na kumalma at binura mula sa isipan ang mga di kanais-nais. Tatlong ulit na huminga ng malalim upang mapawi ang bigat ng dibdib.

Nakuha ang atensyon ko sa tunog ng seradura, sunod na bumukas sara ang pintuan at mula sa mabigat na yabag ay aking nakilala kung sino ang aking panauhin.

Nakadama ako ng kasiyahan ng pumasok si Yaya Lina, kaagad akong umayos ng upo at naghintay sa kanyang paglapit.

Naramdaman ko ang presensya niya sa aking harapan kaya dinig ko ang bawat hangin na ibinubuga nito.

Inangat ko ang aking mga kamay sa ere, tila naunawaan niya ang nais kong mangyari kaya naramdaman ko ang mainit niyang palad na dumantay sa aking mga kamay.

“Yaya, hindi mo kailangan na malungkot, pasasaan ba’t ang lahat ay magiging maayos.” Ani ko dito habang banayad na tinatapik ang kanyang kamay.

“Hindi ako malungkot, Thalia, paumanhin ngunit masama lang talaga ang aking pakiramdam.

Nagdala ako ng prutas para sa iyo, nais kong samahan ka dito baka sakaling gusto mo ng makakausap.” Sagot niya sa tinig na pilit pinasigla, kung iniisip niya na ako’y kanyang madadaya ay nagkakamali siya. Dahil nararamdaman ko na may nililihim siya sa akin.

Ramdam ko ang bawat kumpas ng kanyang mga kamay at dinig ko ang isang impit na iyak na sinisikap niyang pigilin.

Tumayo ako at humakbang ng isang beses patungo sa kanyang direksyon, ngayon ay ramdam ko ang kanyang presensya sa mismong harapan ko na marahil ay may dalawang dangkal ang layo mula sa akin.

Umangat ang dalawang kamay ko at niyakap ito ng mahigpit. Dahil sa aking ginawa ay humulagpos ang bigat na nararamdaman nito at mula sa aking mga bisig ay tuluyan na siyang napaiyak.

Kahit hindi niya sabihin ay nauunawaan ko kaya mas pinili ang manahimik na lamang habang kumakalat ang matinding sakit mula sa kaibuturan ng aking puso.”

Ashley Point of view

“Mama! Papa! Ahhhh….” Bakit sa inyo pa ito nangyari, paano na kami ni Thalia?” Ani ko sa pagitan ng pagtangis habang pinagmamasdan ang aking mga magulang na nakahimlay sa loob ng dalawang ataol.

Matinding sakit ang nararamdaman ko at pakiramdam ko ay parang gusto ko na ring mamatay.

Kararating ko lang galing sa isang business trip kasama ang aking Uncle Samuel dahil kasalukuyan ako nitong tinuturuan kung paano pamahalaan ang mga ilang negosyo ni Papa. Ngunit hindi ko inaasahan ang isang tawag na natanggap ko kinaumagahan mula sa isang pulis.

Labis akong nagimbal ng sabihin nito na nabangga ng isang malaking truck ang kotse na sinasakyan ng aking mga magulang at dead on arrival na ang mga ito ng dalhin sa hospital.

Parang gumuho ang mundo ko at labis akong pinanghinaan ng loob, kaagad na pumasok sa aking isipan ang kapatid kong si Thalia.

Naramdaman ko ang isang kamay na dumantay sa aking balikat bago masuyong hinaplos ang aking likod.

“Huwag kang mag-alala, iha, hindi ko kayo pababayaan, magpakatatag ka alang-alang sa iyong kapatid.” Malumanay na payo ni Uncle Samuel, mahigpit na yumakap ako sa kanya at sa malapad niyang dibdib ay doon ko binuhos ang lahat ng bigat na aking nararamdaman, walang patid ang aking pag-iyak.

“Alam na ba ni Thalia ang nangyari sa inyong magulang?” Malungkot na tanong ni Uncle Samuel habang hinihimas ang aking likod.

Humiwalay ako mula sa pagka-kayakap sa kanya saka pinahid ang aking mga luha bago sumagot.

“Marapat na huwag muna niyang malaman, baka panghinaan pa siya ng loob, hihintayin ko na maoperahan muna siya bago ko sasabihin ang lahat.” Ani ko bago muling hinarap ang labi ng aking mga magulang.

Napag desisyunan ko na sa mansion iburol ang labi ng aming mga magulang dahil natatakot ako na baka malaman ng publiko ang tungkol kay Thalia. Hindi sana’y sa presensya ng ibang tao ang aking kapatid at mas pinagtutuunan ko rin ang kanyang kapakanan.

“Uncle maiwan muna kita dito dahil simula ng dumating ako ay hindi ko pa na dalaw ang aking kapatid.” Paalam ko sa kanya, marahan naman siyang tumango kaya iniwan ko na ito at tinungo ang aking sasakyan na nakaparada sa harap ng mansion.

Nagsisimula ng dumating ang mga tao at ang ilan sa kanila ay mga kasosyo ni Papa sa negosyo. Ngunit higit na maraming supporters nito ang nakikiramay.

Mahigit na isang oras ang itinagal ng biyahe bago ko narating ang aming ancestral house.

May trenta minuto na akong nakatayo sa harap ng kwarto ni Thalia ngunit nagdadalawang isip ako kung papasok ba ako o hindi.

Natatakot kasi ako na baka hindi ko mapigilan ang emosyon ko sa harap ng aking kapatid.

Pinuno ko muna ng hangin ang aking dibdib at ilang segundo ang nakalipas bago ko ito pinakawalan.

Nanginginig ang kamay na pinihit ko ang seradura ng pinto at dahan-dahan itong binuksan habang pilit na pinasisigla ang sarili upang hindi mahalata ng aking kapatid ang totoong saloobin ko.

May kung anong damdamin ang humaplos sa puso ko ng masilayan ko ang aking kapatid na tahimik na nakaupo sa isang silya. Kung titingnan mo siya ay wari mo’y isang normal na tao na nakamasid sa magandang tanawin ngunit hindi maikukubli ng mga mata nito ang katotohanan.

Lumapit ako sa kanya at masuyong h******n ang makinis niyang pisngi, pumikit ang kanyang mga mata na wari mo ay dinadama ang mainit na halik na kanyang natanggap.

“Isang buwan na lumipas ng huli kitang nakasama, di yata’t ako’y kinalimutan mo na?” Tanong niya sa akin na may halong hinampo, hinaplos ng awa ang puso ko kaya ikinulong ko siya sa aking mga bisig.

“Patawarin mo ang ate, bunso, matanda na kasi sina Papa at kailangan na nila ng katuwang sa mga negosyo kaya masyado na akong abala. Alam ko naman na nauunawaan mo ako.” Malambing kong saad habang hinahaplos ang likod nito, nang maalala muli ang aming mga magulang ay hindi ko na napigilan ang aking emosyon.

Kusang pumatak ang aking mga luha habang kagat ang ibaba kong labi.

Nagulat ako ng yakapin ako nito saka hinagod ng palad niya ang aking likod na wari mo ay sinisikap na pagaanin ang aking nararamdaman.

“Kahit hindi mo sabihin sa akin ay nauunawaan ko, ngunit labis na ikina-sasama ng loob ko ay kung bakit kailangan n’yo pang mag lihim sa akin. Maaaring bulag ako, pero hindi ako tanga upang hindi maunawaan ang mga nagaganap sa aking paligid.” Puno ng lungkot ang tinig nito at halatang masama ang kanyang loob.

Labis akong namamangha sa aking kapatid dahil sa talas ng pakiramdam nito, tama sina mama at papa na kay hirap dayain ang aking kapatid.

Ipinanganak siyang matalino at lubos na kahanga-hanga ang ugali nito maging ang katatagan niya. Aaminin ko na sa aming magkapatid ay ako ang mahina ang loob samantalang si Thalia ay nasa kanya na ang lahat, maganda, matalino at talentado. Isa lang ang kulang sa kanya at iyon ay ang kanyang paningin.”

“P-patawarin mo ako, Thalia, ayoko lang na mag-alala ka.” Hinging paumanhin ko sa kanya bago mas hinigpitan ang yakap sa katawan nito.

“Kahit hindi n’yo sabihin sa akin ay nararamdaman ko.” Ani nito sa garalgal na tinig hanggang sa tahimik na itong umiiyak.

Napuno ng emosyon ang buong kwarto at walang may nais na magsalita, tanging mga iyak lang namin ang maririnig habang nanatiling yakap ang isa’t-isa.”

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Love Between The Words   Chapter 47

    One year later…“Ahhhh! Pagkatapos ng isang malakas na sigaw ay kasabay nito ang paghawi ni Marco sa mga gamit na nasa ibabaw ng kanyang lamesa. Malakas na nag taas-baba ng kanyang dibdib sanhi ng matinding galit. Maya-maya ay nanlulumo na naupo siya sa kanyang swivel chair. Mula sa kanyang balintataw ay biglang lumitaw ang imahe ng kanyang asawa. Iniisip niya ngayon kung ano na ang kalagayan nito marahil ay malaki na ang kanilang anak. Sa isang iglap ay napuno ng kalungkutan ang puso nito at nakadama ng pananabik na masilayan ang kanyang mag-ina kaya isang desisyon ang nabuo mula sa kanyang isipan. Mabilis na tumayo at inayos ang lahat ng kanyang gamit. Bitbit ang isang makapal na envelope na lumabas ng kanyang opisina.Isang taon ang mabilis na lumipas ng maluklok siya bilang isang CEO ng WELSH company. Habang si Alistair ay tuluyang tinalikuran ang kanyang mana. Nagsikap siya na maitaguyod ang sariling kumpanya na kanyang pinaghirapan. Dahil sa malaki ang tiwala sa kanya ng mga i

  • Love Between The Words   Chapter 46

    Mula sa labas ng resthouse ay nahinto sa pagwawalis si Alice dahil sa isang mamahaling sasakyan na pumarada sa mismong tapat ng bahay. Maging si Nelia na nagdidilig ng halaman ay sandaling tumigil sa kanyang ginagawa at kapwa nakatingin sa isang makintab at itim na sasakyan.Ilang sandali pa ay bumaba ang sakay nito at ganun na lang ang labis na pagkagulat ng dalawa ng makita nila si Ali. Kalaunan ang gulat sa kanilang mga mukha ay napalitan ng galit.“Ano ang ginagawa mo dito?” Galit na tanong ni Nelia sabay harang sa dinaraanan ni Alistair ngunit nanatiling seryoso ang mukha nito na hindi apektado sa galit ng mga taong kaharap.“Kukunin ko ang asawa ko.” Matigas na sagot ni Alistair bago nilampasan nito ang dalawa. Nanlaki ang mga mata ng magkapatid at hindi makapaniwala sa kanilang mga narinig. Diretsong pumasok si Alistair sa loob ng bahay ng walang paalam dahil iniisip niya na pag-aari din niya ang lahat ng ito. Sapagkat ang lahat ng pag-aari ng kanyang asawa ay pag-aari din niya

  • Love Between The Words   Chapter 45

    Alistair Point of view“Kanina pa ako hindi mapakali sa aking kinahi-higaan, hindi ako makatulog dahil sa malakas na kabog ng dibdib ko. Wala sa loob na bumangon at lumipat sa aking wheelchair. Sa totoo lang ay dalawang araw na akong walang maayos na tulog dahil nasanay na ako na nasa tabi ko si Thalia. Parang hindi ko yata kayang panindigan ang aking galit dahil ngayon ay hinahatak ako ng aking katawan patungo sa naka-saradong silid ng aking asawa. Pinihit ko ang seradura ng pintuan at tuluyan itong binuksan ngunit sumalubong sa akin ang bakanteng silid.Inisip ko na baka nasa loob lang siya ng banyo, tuluyan na akong pumasok at isinarado ang pintuan. Nakakabinging katahimikan ang nangingibabaw sa loob ng silid kaya batid ko na walang tao sa loob ng banyo. Pinaandar ko ang wheelchair patungo sa closet at ng buksan ko ito ay wala na ang ilang pirasong damit ni Thalia maging ang ilang importanteng gamit nito. Nilamon ng matinding takot ang puso ko dahil sa isipin na tuluyan na akong

  • Love Between The Words   Chapter 44

    Thalia’s Point of viewIsang araw na ang lumipas at parang dinudurog ang puso ko dahil sa malamig na pakikitungo sa akin ng aking asawa. Mula ng magalit siya sa akin ay sa ibang kwarto na ito natutulog ni hindi niya ako magawang hawakan. Wari moy isa akong taong may sakit na ketong kung kanyang pandirihan. Ganun pa man ay hindi ako nagtanim ng galit sa kanya bagkus ay higit ko pang nilawakan ang aking pang-unawa. Sapagkat ako ay umaasa na maayos din ang sigalot na ito sa pagitan naming mag-asawa. Alang-alang sa aming anak ay magtitiis ako at gagawin ko ang lahat para lang mabigyan ko ito ng isang buo at masayang pamilya.Lumabas ako ng kwarto at tumungo sa kusina ngunit isang bakanteng lamesa ang sumalubong sa akin. Batid ko na hindi na naman kumain si Alistair at labis akong nababahala para sa kanyang kalusugan. “Manang, hinatiran na ba ng pagkain ang aking asawa?” Malumanay kong tanong sa aming Mayordoma. “Naku, Iha, simula kahapon ay walang maayos na pagkain si Señorito dahil la

  • Love Between The Words   Chapter 43

    “Ahhhh!” “Crash!” Nilamon ng malakas na sigaw ni Marco ang buong kabahayan. Sumabog na siya sa matinding galit dahil isang katotohanan ang kanyang natuklasan. Kahit anong gawin niya ay kailanman hindi niya matatalo ang pinsan na si Allistair dahil bago pa man ito nadisgrasya ay nabuntis na niya si Thalia.Malinaw pa sa sikat ng araw na isa siyang talunan at ang lahat ay tuluyan ng mawawala sa kanya. Biglang pumasok mula sa kanyang isipan ang imahe ng asawa kaya lalong nagpupuyos ang kanyang kalooban.“Hindi ako papayag na magtagumpay ka na makuha ang lahat sa akin, Alistair…” nanggagalaiti niyang bulong sa hangin. Mabilis na dinampot ang susi at kaagad na tinungo ang kinaroroonan ng kanyang pinsan. Determinado siya na sirain ang buhay nito.Alistair Point of View“Sir, Mr. Marco was here, he wants to talk to you.” Magalang na pagbibigay alam ng aking secretary, kumunot ang noo ko dahil labis akong maguguluhan kung ano ang kailangan sa akin ni Marco. Ngayon lang na nangyari ito na sina

  • Love Between The Words   Chapter 42

    Thalia’s Point of view“Bakit ang lalim yata ng iniisip mo?” Nag-aalala na tanong sa akin ng aking asawa. Kasalukuyan kaming nandito ngayon sa loob ng kwarto. Alas nuebe na ng gabi at naghihintay na lang kami kung kailan dalawin ng antok. Itiniklop ni Ali ang laptop na nakapatong sa mga hita nito at inilagay ito sa ibabaw ng maliit na side table kung saan nakalagay ang lampshade. Isinandal niya ang likod sa headboard bago matamang tinititigan ang aking mukha.Bumangon ako mula sa pagkakahiga at lumipat sa kanyang kandungan, umupo ako paharap sa kanya bago isinandig ang aking ulo sa dibdib nito. Dinig ko ang bawat pintig ng kanyang puso na para bang musika sa aking pandinig na sinamahan pa ito ng init na nagmumula sa kanyang katawan kaya pakiramdam ko tuloy ay para akong idinuduyan.“Nag-aalala kasi ako kay ate Ashley, baka mamaya ay sinasaktan siya ni Marco.” Ani ko sa malungkot na tinig bago ko niyakap ang may kalakihan niyang katawan. Narinig ko na nagpakawala siya ng isang mabigat

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status