Share

Chapter 25 - Jealous Overload

Isang Linggong makalipas, ngayon ang alis namin sa bahay at nakausap ko na si Mama tungkol dito. Sabi niya na bahala ako mag desisyon. Si Manang Gina kanina pa nakaalis at may sumundo sa kanya. Anak niya yata yung sumundo sa kanya kanina. May mga iniwan akong ibang gamit namin dito sa bahay. Just incase, bumalik kami bigla at hindi namin dala ang gamit namin ay may magagamit kami dito.

Nakaayos na ang lahat at nakalagay na rin sa bag. We are ready to go. Nilagay na rin ni Adrian sa likod ng kotse at nakita ko si Eros na nakatingin sa kanyang kwarto. Para bang nagpapaalam siya sa kwarto niya

"Anak? Uuwi rin naman tayo." Sabi ko sa kanya at hinalikan ko siya sa kanyang noo.

"Let's go?" pumasok si Adrian at nagyaya ng umalis. Halatang excited pa siya dahil doon na kami sa bahay nila.

Pumasok na kami sa kotse para makaalis na. Matagal ko tinitigan ang bahay bago kami tuluyang umalis. Siguro isang linggo lang kami doon. Ayaw ko rin magtagal doon dahil hindi ko kasundo ang nanay niya.

I in
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status