“I do love you Alouette..” agap nito sa sasabihin niya. Napapikit tuloy siya dahil sa ganda ng salitang iyon sa tenga niya. But choose to open her eyes again mahirap na at baka umasa na naman siya sa wala. “Yeah I know you love me but just a sister, oo na wag munang ulit ulitin pa.” she smirk. “Basta hayaan mo muna akong mahalin ka Luttrell 'yon lang ang hinihingi ko hanggang sa matanggap ko na ang katotohanan na—” she choose not to say it and just sighed heavily bago tumingkayad para bigyan ito ng halik sa pisngi. “I see you tomorrow salamat ulit, Good night..” Aniya bago tinalikuran ito bigla kasing uminit ang pisngi niya mahirap na at baka mapansin nito. “Good night..” he replied but then hindi na niya nakuhang lingunin ito dahil nagmamadali na siyang pumasok sa loob. ——————“Wahhh! Ang sakit talaga mommy..” malakas na hikbi ni Alouette habang binibigyan siya ng tissue nito. She was on her room at halos nagkalat ang mga ginamit niyang tissue sa paligid na ginamit niyang pamunas
"I missed her.." she said and heave a deep breath bago ibinaba ang cellphone niya sa mesa. Break nila kaya naman mas pinili niyang manatili na lamang sa classroom nila. Medyo wala rin siyang ganang kumain kaya minabuti na lamang niyang hindi lumabas. Napasulyap naman siya sa cellphone niya bago umayos sa pagkaka-upo. Kinuha niya ulit iyon at sinubukan ulit na tawagan ang kaibigan. But to her disappointment answer machine na naman ang bumungad sakanya. Napapikit na lamang siya sa labis na pag-aalala at pakiramdam niya ay nanghihina siya sa labis na pag-iisip kung ano ng nangyari dito. It has been a month since the last time she saw her. At halos isang buwan narin siyang hindi makatulog ng maayos. Nag-aalala siya at mas lalong namimiss na niya ito, she can't stand another month na hindi ito makita. Pati ang teacher nila ay hinahanap ito pero dalawang linggo lang ang tinagal dahil sa sumunod na linggo ay tila ok lang dito na hindi pumapasok ang kaibigan niya. Naiinis man ay hindi s
Dumeretso ito sa table nito at may kinuhang folder sa mesa at tahimik na umupo. Naisipan rin niyang umupo at inilagay ang sketch pad sa gilid niya habang iniligay naman niya ang sketch pencil set sa kandungan niya. Binuksan niya iyon at kinuha ang charcoal pencil. Kinuha pa niya ang sharpener para ihanda iyon sa pag e-sketch niya. Tutok na tutok siya sa ginagawa ng maramdaman ang mainit na titig ni Luttrell sa gawi niya. She is not being assuming pero talagang ramdam niya iyon, nanayo ba naman ang pinong balahibo niya sa katawan. "You shouldn't be here after school, dapat dumeretso ka ng umuwi.." seryosong sabi nito sakanya. Hindi naman siya nag-angat ng tingin at nagpatuloy lang sa ginagawa bago tumugon. "I wanted to see you, dapat alam mo na iyan, I texted you remember? Atsaka dapat masanay ka na. Three years ko na 'tong ginagawa ngayon ka pa ba mag c-complain." She blow the small dust na galing sa charcoal pencil niya bago ito tinignan at matamis na ngitian ito. Kaagad naman i
That really pain her at ang kaalamang itinanggi rin siya nito sa harap ng babaeng iyon ay talagang nagbibigay ng subrang sakit sa dibdib niya. Tila ba may maliliit na karayom na tumutusok doon. It was painful and a mixture of bitterness na hindi niya kailanman maisip na mararamdaman niya. She never thought na masasaktan siya ng ganoon ni Luttrell. Yung Luttrell na kilala niya ay hindi naman siya kayang saktan atleast not intentionally, maalaga ito at mas lalong iniisip palagi ang kaligtasan at kapakanan niya. But now, he seems to be a stranger to her. At hindi niya alam kung bakit sakabila ng pinapakita at pinaparamdam nito sakanya ay mahal niya parin ito. She wonder how far can she endure the pain. Malungkot na inalis niya ang sarili sa pagkakasandig sa pintuan at mabigat ang paang umalis doon. Hindi na niya hihintayin pang lumabas ang mga ito, she maybe young but she knows very well na hindi lang kamustahan ang gagawin ng dalawa sa loob. Sukat sa naisip ay bumagsak ang mga balika
Isa-isang nilagay niya sa art studio ang mga canvass na katatapos niya lang kuhanan ng larawan. She's planning to sell all of the finished canvass para sa kaibigan niya. Especially now at may bagong myembro na sa pamilya nila. Mag-iipon siya incase for emergency baka lang kasi dumaan sa isip nito na maglayas o may plano itong mag evaporate atleast may pera siya at ready siya para samahan ito. Napailing siya bago nagpatuloy sa pag-aayos. Nang matapos siya ay kaagad na lumabas siya at padapang humiga siya sa kama niya, lumundo pa iyon ng bahagya bago kinuha ang iPad na nakapatong sa may unan niya, she log-in to her fake account bago nagsimulang mag upload ng photos. She took half an hour kaka-post at entertain sa mga legit buyers. Medyo sumakit ang ulo niya bago niya napagdesisyonang patayin ang gadget. Napa-inat siya bago tumingin sa orasan. Its already 6:30pm may 30 minutes pa siya para mag-ayos. Napahilot pa siya sa leeg niya ng makaramdam ng pangangawit. Medyo hindi maganda an
He looks intimidating and she hates it. Wala itong karapatan na maging malamig sa harap nilang lahat lalo na at may kasalanan rin ito. Tuloy hindi niya mapigilang samaan ito ng tingin. Sa tanang buhay niya hindi siya naging bastos sa kuya, she respected him dahil mahal niya ito. Kahit sabihing pasaway siya hindi naman siya gumawa ng bagay na ikakagalit nito. She admit that she's being naughty sometimes especially when Luttrell is around pero hindi naman umabot sa punto na may ginawa siyang ikakagalit nito. Napairap siya, sa mga oras na iyon parang wala siyang takot na irapan ito lalo na at hindi parin siya makapaniwala na may nangyari dito at sa kaibigan niya. He took advantage on her friend's innocence kaya wala munang kapatid, kapatid at hindi sila bati. She gently grip her friends hand ng maramdamang namamawis iyon at nanlalamig. Alam niyang naiintimidate ito sa kuya niya kaya gusto niyang iparating dito na wala itong dapat na ikabahala. Nakuha pa niyang umirap ulit sa kuya ni
Hindi niya ito maintindihan, kung iniisip nito ang kapakanan ng kaibigan niya bakit hindi nito kayang panindigan ang ginawa? He acted so cold yet he knew na ito naman ang may kasalanan ng lahat.Hindi na nga sasampahan ng kaso tapos kung makapag desisyon naman ito malulugi pa 'yung kaibigan niya. "I hate you kuya! I hate you!" paulit ulit na sambit niya rito na hindi man lang natinag at nanatiling tinatanggap ang pananakit niya. "Alouette that's enough.." she heard her mother but she didn't stop, masamang masama ang loob niya sa kuya niya at hindi niya mapigilan ang sarili. "Ali tama na please..""Bakit ang sama sama mo kuya! You're being unfair, i hate you! Hazel loves you so much that she's willing to compromise for the sake of the baby and for you, yet ikaw pa ang ganang umakto ng ganyan! You took her innocence and now that she's pregnant 'yung bata lang ang pananagutan mo, nahihibang ka na ba!" she shouted. "You're just a kid Alouette you don't know anything about-" "Yes! Bata
Kinabukasan maaga siyang gumising at dumeretso sa bahay ng kaibigan. She left exactly 7am nakatanggap rin kasi siya ng text message galing dito. Naka-uwi na daw ito kagabi palang, matapos kasi itong masugod sa ospital kahapon ay na discharge kaagad ito ng malamang wala namang masamang nangyari dito. Normal lang naman daw kasi ang makaramdam ng hilo atsaka kailangan rin nito ng maraming pahinga sabi ng doctor na sumuri dito. Bawal na bawal dito ang ma stress lalo na at first pregnancy pa lamang nito. Nakahinga naman siya ng maluwag sa kaalamang iyon, and now there she was, sitting on the couch while peeling some of the fruits she bought a while ago. While Hazel is enjoying eating it. “So, nag-kausap na ba kayo ni kuya?” she asked at nagtaas ng kilay habang nagpatuloy sa ginagawang pagbabalat. Napatigil naman ito sa pagsubo ng mansanas bago napa-angat ang tingin sakanya. Nakita niya ang pagdaan ng sakit sa mga mata nito na dagli rin namang nawala at kiming ngumiti sakanya bago na