FAZER LOGINHindi sumagot si Yael. Sa halip ay dahan-dahan siyang lumuhod sa tabi ng kama.Halos mapatayo si Luna sa gulat ngunit hindi siya masyadong makagalaw dahil ramdam niya ang pananakit ng tahi niya sa katawan. Napangiwi siya at winasiwas ang kamay, “Wait… wait—bakit ka ba lumuluhod d’yan?” Napahawak siya sa bibig niya nang unti-unting rumehistro sa utak niya ang nangyayari. “Oh my God…” bulong niya.Nanlaki ang mga mata ni Liana. “Kuya… bakit lumuhod si daddy?” pabulong niyang tanong kay Gael.Hindi rin agad nakasagot si Gael dahil nakatitig lang siya sa ama nila.Samantala, dahan-dahang binuksan ni Yael ang pulang kahon. Sa loob nito ay isang singsing na kumikislap sa ilalim ng ilaw ng silid. Tumingin si Yael kay Luna—diretso sa mga mata nito. “Luna…” mahinahon niyang simula. “After everything that happened… I realized something.” Maingat niyang hinawakan ang kamay ni Luna. “Life is too damn short to wait.”"Y-Yael..." Bahagyang napaluha si Luna. Hindi niya inaasahan ang nangyayari. Ang
Muling gumalaw ang mga mata ni Luna bago siya tuluyang nagmulat. Malabo pa ang paningin niya. Parang umiikot ang paligid niya pero ang unang malinaw na mukha na nakita niya ay ang maliit na mukha ni Liana na halos nakadikit na sa kaniya. “Mommy!” masayang sigaw ng bata. Napangiti si Luna kahit nanghihina pa ang katawan niya. “Liana…” mahina niyang tawag, halos pabulong lang. Sa sandaling iyon ay biglang napahagulgol si Liana. “Mommy! Gising ka na po!” umiiyak niyang sabi habang hinahawakan ang kamay ng kaniyang ina.Agad namang lumapit si Gael. “Mommy…” mahina niyang tawag, pero halatang nanginginig ang boses. Hindi na napigilan ni Yana ang sarili. “Babe!” bulalas niya bago siya napayakap sa kaniyang kaibigan. “Akala ko…” hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil sa pag-iyak. Napatawa nang mahina si Luna kahit halos wala siyang lakas. “Hey… hey…” mahina niyang sabi. Nanghihina pa rin ang katawan niya, pero pilit niyang itinaas ang kamay niya para haplusin ang buhok ni Liana
Tatlong araw nang hindi nagigising si Luna at sa bawat oras na lumilipas, ang pakiramdam nina Yael at Yana ay lalo lang humahaba ang paghihintay nila.Tulog na tulog ang dalawang paslit sa sofabed sa gilid ng presidential room. Ilang araw na rin silang hindi umaalis sa hospital. Kahit anong pakiusap ni Yael na umuwi muna ang mga ito para makapagpahinga ay matigas ang ulo ng magkapatid. Kaya wala siyang nagawa kung hindi ang hayaan ang dalawang paslit na manatili na lamang doon. Gusto raw ng mga bata na sila ang unang makikita ng mommy nila kapag nagising ito. Ngunit tatlong araw na ang nakalipas at hindi pa rin nagigising si Luna. “Damn it…” mahinang mura ni Yael. Nakatayo siya sa tabi ng hospital bed habang nakatitig sa mukha ng babaeng mahal niya. Mahimbing ang tulog ni Luna, parang payapa lamang na natutulog—pero alam nilang lahat na hindi iyon normal na pagtulog lang.Maraming nakakabit na linya sa katawan ni Luna. May monitor na dahan-dahang tumutunog sa tabi ng kama, bawat be
Saglit na ngumiti ang nurse bago siya sumagot. “Successful po ang operasyon.”Parang biglang huminto ang mundo sa narinig nina Yael at Yana.“Nasa recovery room na po siya ngayon,” dagdag pa ng nurse. “Stable na rin ang lagay niya.”Napasinghap si Yana. Agad siyang napatakip sa kaniyang bibig habang unti-unting namumuo ang luha sa mga mata niya. “Thank God…” bulong niya. Bumigay ang tuhod niya at napaupo siya sa sahig. Wala na siyang pakialam kung marumi o hindi ang sahig. Ang tanging nasa isipan niya lang ay ligtas na ang kaibigan niya sa bingit ng kamatayan.Samantala, si Yael ay napapikit nang mariin. Para bang sa wakas ay nakahinga siya nang maayos matapos ang napakahabang oras ng paghihintay. Mabagal siyang nagmulat ng mata. “P’wede na po ba namin siyang makita?” tanong niya, mas kalmado na ang boses ngunit halatang puno ng pag-aalala.Tumango ang nurse. “Sandali lang po. Inaayos pa po siya sa recovery room. Tatawagin po namin kayo mamaya.”“Salamat…” mahinang sagot ni Yana.Haba
Apatnapung minuto. Apatnapung minuto ng paghihintay pero parang isang taon na ang lumipas sa kanilang apat. Magkahawak kamay ang dalawang paslit na napapagitnaan nina Yana at Yael. Kinakabahan sila at hindi alam ang gagawin. Takot na takot silang mawala ang ina nila pero hindi nila magawang magreklamo dahil ramdam nilang natatakot din ang ama nila para sa kapakanan ng kanilang ina.Tanging ang tunog ng orasan sa dingding at ang ugong ng aircon sa loob ng private waiting room lang ang maririnig. At sa bawat segundong lumilipas ay lalo lang bumibigat ang dibdib ni Yana. Hindi siya mapakali. Panay ang sulyap niya sa orasan. Kasabay rin noon ang pagsulyap niya sa may pintuan. Nagbabakasakaling may pumasok na nurse o doktor para sabihing tapos na ang lahat.“Nagugutom na po ako…” mahina at halos nagmamakaawang sabi ni Liana habang marahan niyang hinihila ang laylayan ng suot na damit ng kaniyang ama. Sumulyap siya kay Yael, ang mga mata’y tila nanlalambot na dahil sa gutom. Mula kanina ay
“Yana, ano bang nangyari?" Umiling si Yana, pilit inaalala ang nangyari.“Bigla na lang siyang bumagsak. May bula sa bibig niya… hindi ko alam kung ano ’yon. Wala pa akong balita. Hindi ko pa nakakausap ang mga pulis pero ang sabi ng doktor, food poisoning daw." Napahawak si Yael sa ulo niya. “Shít…”“Nasaan ang doctor? May nakausap ka na ba?” tanong ni Yael, pilit kalmado.“Wala pa…” sagot ni Yana. “Diretso siya sa OR… wala pa silang sinasabi.”Natahimik sina Yael at Yana samantalang ang dalawang paslit naman ay tulala at parehong hindi na makausap. Ramdam ang bigat ng sitwasyon sa bawat mukha nila.Maya-maya ay lumapit ang isang nurse. “Ma’am, sir… dito po muna kayo sa waiting area.” Tinuro niya ang isang silid na katabi ng operating room. “Maghihintay po kayo roon habang ongoing ang operasyon.”Walang tumutol. Tahimik silang sumunod. Masyado pang magulo ang isipan nilang apat.Pagkaupo nila ay hindi pa rin mapakali si Liana.“Lord, please save our mommy…” bulong ni Liana, nanging
“Ano ka ba, Liv. Huwag kang maawa sa kanila lalong-lalo na riyan kay Allan. Kung hindi lang siya naging marupok at kung naging kontento lang siya sa pamilyang mayro'n siya, hindi sana mawawala sa kaniya ang lahat.”"Mama, hindi mo ba siya i-co-comfort man lang? He's struggling financially, emotiona
“How's it?" tanong ni Vida habang pinandidilatan niya ng mata ang anak niyang si Livina.Ngumiti si Livina at saka itinabi ang kaniyang cell phone sa kaniyang bag. Naglakad siya patungo sa couch kung saan nakaupo ang kaniyang ina at saka umupo sa tabi nito. Hinawakan niya muna ang dalawang kamay ni
The night was heavy over the city. Velvet skies laced with cold light. Inside Rafael Angelini’s private office, silence sat like a loaded gun. The only sound came from the slow ticking of the vintage clock hanging above his liquor shelf.Sumandal si Rafael sa kaniyang leather chair habang ang mga m
Nang mag sink in sa utak ni Luna ang sinabi ni Rafael ay agad siyang nagsalita. “Mga taon? Napakatagal no’n. Paano ang anak ko? Hindi ako papayag na lumaki siya sa puder ng mga hayóp na ‘yon!”“Babawiin natin siya, Luna, but first… you have to regain your strength. Pahilumin mo rin muna ang sugat s







