“O-Of course. S-Sa akin ang kwintas na ‘yan." “Then, what?" “H-Huh?" Ibinaba ni Yael ang kaniyang cell phone sa mesa at tumayo. Nakatingin siya kay Livina at pinag-aaralan ang kilos nito. Naglakad siya palapit sa kinatatayuan nito at ipinakita ang kwintas. “Ano ang nakaukit sa lock ng kwintas na ito?" Napalunok si Livina. Tumaas ang dalawang kilay ni Yael. “Do I need to repeat myself again, Miss Wright?" Huminga nang malalim si Livina. Alam niyang galing ang kwintas na iyon sa ina ni Luna. ‘Bahala na,’ isip-isip niya. Umayos siya ng tayo at saka nagsalita, “L-L. W. ang nakaukit sa lock ng kwintas. It stands for Livina Wright." Hindi niya p'wedeng ipahalata sa lalaki na nanghula lang siya. "Is that all?" 'Ano? May iba pa bang nakaukit doon?' Tumaas muli ang dalawang kilay ni Yael. "B-Buwan. May imahe ng buwan sa tabi ng initials," nakangiting sabi ni Livina nang maalala niya ang palaging sinasabi noon ni Luna sa kaniya. "To be exact, a crescent moon." ‘She’s rig
Last Updated : 2025-08-07 Read more