Share

Kabanata 4

Author: avaaeri
last update Huling Na-update: 2021-10-18 20:13:13

Kabanata 4

"Bye. Ingat sa pag-uwi."

Niyakap kami ni Lisa at bineso bago kami tuluyang lumabas ng pinto ng bahay nila. It's already 6 in the afternoon kaya naman medyo padilim na ang langit.

"Tita! Aalis na po kami!" sigaw ni Rae sa Mama ni Lisa na nasa loob. Sumagot ito saying na mag-iingat kami.

Hindi na kami hinatid ni Lisa sa sakayan ng jeep dahil nandoon si Bam, kami na rin mismo ang nagsabi sa kaniya na ayos lang na hindi na niya kami ihatid.

Walking distance lang naman so walang problema. Tumigil kami sa tapat ng 7/11 at doon naghintay.

"Inaantok na ako." reklamo ni habang nag-iinat, akala niya na ata kaming dalawa lang ang nandito.

Hinawakan ko ang kamay niyang nakataas at ibinaba, nginuso ko yung babaeng nasa likod niya na muntik na niyang matamaan. Rae said sorry at mukhang namang mabait si Ate dahil nginitian niya kami. Sa bagay, muntik pa lang naman siya matamaan.

Naramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko kaya naman kinuha ko iyon. May tumatawag sa akin from unknown number. Nagdalawang isip pa ako kung sasagutin ko ba dahil baka mamaya ay na wrong call lang o kaya naman nantitrip pero in the end, sinagot ko pa rin.

"Hel—"

[Stay right there. I'll pick you up.]

Napakunot ang noo ko at muling tingnan ang caller pero 'unknown number' pa rin ang naka-sulat. Napalinga ako sa paligid hanggang sa mapunta ang tingin ko sa may harap, doon banda sa may Jollibee at nakita ko doon si Carwyn, kumakaway.

Nanlaki ang mata ko at bumilis ang tibok ng puso ko. Saktong may pumarada na jeep sa may harap namin kaya naman naghanda na si Rae para sumakay. Nagpa-balik balik ang tingin ko sakanilang dalawa at sa huling pagtama ng tingin ko kay Rae ay nakatingin na siya sa akin habang naka-kunot ang noo.

Hindi pwedeng makita ni Rae na nag-uusap o personal na magkakilala kami ni Carwyn, sigurado ii-issue ako ng babaeng 'yon.

"Ah... Mauna ka na pala muna... ano kasi..." napatingin ako sa may 7/11 na nasa likuran namin pagkatapos ay tiningnan ko siya ulit. "May bibilhin pa ako sa 7/11. Bye!"

Tinulak ko si Rae kaya naman wala siyang choice kung hindi ang sumakay sa jeep. I waved at her. Napa-iling nalang siya at tuluyang pumasok sa loob dahil may mga naghihintay sa may likod niya.

I prayed silently na sana ay umandar na ang jeep na sinasakyan niya. Mabuti na lang at hindi traffic. Saktong nakalayo na sila ay dumating sa harap ko si Carwyn na naka-motor. Natagalan, mukhang nag U-turn ata since nasa kabila siya kanina.

"Tara na. Pinapa-sundo ka ng Kuya Luke mo."

Inabot niya sa akin ang helmet at tinitigan ko iyon.

Fuck shit! Ayokong sumakay sa motor. Takot ako sa pagsakay sa motor dahil naaalala ko pa rin yung muntikan naming sumemplang ni Kuya Rod noong junior high ako. Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay sinumpa ko na hindi na ako ulit mag mo-motor.

Kaya naman paano ako sasakay ngayon?

Tiningnan ko si Carwyn at umiling. "Sasakay na lang ako ng jeep."

Inabot ko sakaniya ang helmet na binigay niya kanina at kinuha niya naman iyon. Nabato ako bigla ng isuot niya sa akin iyon ng walang kahirap-hirap.

"Sakay. Babagalan ko lang. 'Wag ka ng matakot," mahinahon nyang sabi. Walang bakas ng iritasyon doon.

Iniisip ko kasi na baka naaartehan siya sa akin ngayon. Syempre, ako nalang yung sinusundo tapos ang dami ko pang kaartehan.

Tinapik niya ang balikat niya. "Humawak ka dito para hindi ka mahirapang sumakay."

Hindi ako gumalaw kaagad kaya naman kinuha niya ang isang kamay ko para tulungan akong sumakay.

Pagka-upo ko ay kinabahan na ako lalo. Nararamdaman ko na ang panginginig ng tuhod ko. Gusto ko ng bumaba pero nahihirapan na ako.

"Gutom ka na ba?" tanong niya.

"H-hindi."

Hindi ako nagugutom at gusto ko ng maka-uwi.

"Okay. Gutom na ako, eh."

Napatingin ako sa likod niya since nasa likuran niya ako.

Ano naman ngayon kung nagugutom siya? Pinaparating niya ba sa akin na kasalanan ko kung bakit siya nagugutom ngayon dahil sinundo niya ako? Pwede naman siyang tumanggi kay Kuya Luke since may choice naman sya.

Carwyn started the engine kaya naman napakapit ako sa bag ko na nasa harap. Napa-pikit ako.

"Kamay mo," sabi niya kaya naman napadilat ako.

"H-huh?" wala sa sariling tanong ko. Para saan?

"Kamay mo." pag-uulit niya.

Kahit nagtataka ako ay inabot ko sakaniya ang mga kamay ko. Kinuha niya iyon at ipinulupot sa bewang niya. Magrereklamo na sana ako pero bigla niyang pinaandar ang motor.

Gusto kong sumigaw pero pinli kong 'wag na lang. I shut my mouth at pumikit. Mabilis ang patakbo niya at paminsan-minsan ay tumitigil siya. Hindi ko alam kung nasaan na kami dahil nanatili akong naka-pikit. Muli siyang huminto at sa pagkakataong ito ay nagsalita siya.

"Baba."

Sa pagkakataong ito ay nagmulat ako. Agad na napa-kunot ang noo ko ng makita na nasa labas kami ng South Supermarket dito sa Malinta. Nagtataka akong bumaba, tinanggal ang helmet at tiningnan siya pero hindi na ako nagtanong.

Ipinarada niya ang motor niya kaya naman naghintay ako sa gilid at sabay kaming pumasok. Nagdiretso kami sa Mc Donalds at sinabihan akong maghanap ng mauupuan namin at oorder na siya. Sinunod ko naman siya.

Nag scroll ako sa F******k habang hinihintay ang pagdating niya. Halos tatlong minuto ata siyang nandoon sa counter at pagdating niya sa pwesto namin ay ibinaba na niya ang inorder niya.

"Hindi na kita binilhan kasi sabi mo hindi ka naman gutom," he said which made me speechless.

Gusto kong saktan at murahin ang lalaking nasa harapan ko na prenteng naka-upo at sarap na sarap sa kinakain niyang Ala King dito sa Mc Do.

Sa totoo lang, kanina ko pa pinipigilan ang sarili ko nung bumalik siya dahil good for one person lang ang inorder niya. Anong klaseng lalaki 'to? Sana man lang ay inihatid na niya ako pauwi kung mag isa lang naman pala siyang kakain diba?

Hindi naman ako nagugutom pero parang... Shit.

Calm down, Ami. 'Wag mong ipapahalata na nanggigigil ka kay Carwyn dahil lagi ka naman talagang gigil sakaniya. I sighed. Iyan, ganiyan nga. Kalma lang.

Sinalpak ko ang earpods sa tenga ko at nagcellphone ulit para maalis ang atensyon ko sa fries na mukhang iti-take out niya dahil naka-plastic at mc float na ininuman niya. Nakaka-gigil itong aaminin ko, natatakam ako.

Kuya Chris chathead pop up kaya naman binuksan ko. Isa pa 'to, napaka-tagal mag reply akala mo ay walang signal. As if naman na ako yung nag cha-chat sakaniya at gusto ko siyang i-chat 'no! Mabait lang akong tao at ayokong maging bastos kaya naman nagrereply ako chats niya.

Pero nakakagigil din yung mag rereply siya sa chat ko na ilang minuto ko ng nai-send tapos ako ay napaka-bilis na i-seen at replyan ang chats niya. Parang hindi naman ata tama 'yon.

Mali 'yon. Hindi dapat ganoon. Baka mamaya isipin niya na interesado ako sakaniya.

Ibinaba ko ang cellphone ko sa table at muli nanamang sumalubong sa akin ang pagmumukha ni Carwyn na kumakain. Kinuha niya pa ang mc float at kunwaring inabot sa akin pagkatapos ay uminom. Nainis ako sa ginawa niya kaya naman kinuha ko ang cellphone ko at nireplyan si Kuya Chris.

Mas okay ng pagtyagaan ang isang 'to kaysa naman makita ko ang pagmumukha ng lalaking nasa harap ko. Sa pagkakataong ito ay mabilis na nagreply si Chris kaya naman na-surprise ako. Akala ko kasi ay mamaya pa siya magrereply.

Chris dela Cuesta:

Why? What happened?

Napatingin ako sa chat ko dahil hindi ko gets ang reply nya. Bigla akong nahiya dahil sa nabasa ko. I told Kuya Chris na nakaka-inis at bwisit sya, bagay na kay Carwyn ko dapat sabihin. Gosh! Nai-stress ako.

"Hintayin mo 'ko saglit."

Tumayo si Carwyn at umalis. Hindi na ako nag abala pa na sundan siya ng tingin dahil wala naman akong pakialam kung saan man sya pumunta.

Bumalik siya at may dalang another take out na rice meal kaya naman tumayo na ako. Pagkalabas ay muli nanamang pumasok sa isip ko na sa motor nga pala kami sasakay kaya naman binalot nanaman ng kaba ang puso ko.

Hindi na inabot ni Carwyn ang helmet sa akin, sa halip ay siya mismo ang nagsuot sa ulo 'ko. Katulad kanina ay humawak ako sa balikat niya para maka-upo at muli niyang kinuha ang mga kamay ko para ipulupot sa bewang niya.

"Okay na?" he asked.

"Yes."

Pinaandar na niya ang motor at this time, tinry kong buksan ang mga mata ko. Actually, hindi naman bago sa akin yung lugar na 'to pero dahil gabi na ay nagpapadagdag ang ganda ng ilaw mula sa mga establishments sa view na hindi mo masyadong maa-appreciate 'pag naka-sakay sa jeep.

Sakto lang ang bilis ng patakbo niya pero feeling ko ay mabilis masyado dahil nakarating na kami kaagad sa bahay. Bumaba na ako ng motor nya.

"Thanks for the ride," I said right after tanggalin ang helmet.

Tumango lang siya at inaktong aalis na pero pinigilan ko siya.

"Hindi ka na ba papasok sa loob? Baka nandoon na sila Kuya," ani ko pero muli siyang umiling.

"I need to go home na. May mga gagawin pa ako."

"O-kay." I nod. "Ingat." mahinang sabi ko.

Nginitian niya ako pagkatapos marinig ang sinabi ko. Inabot niya sa akin ang tinake out niyang pagkain sa Mc Do kanina kaya naman napakunot ang noo ko.

"Bakit niya binibigay sa akin 'to?" tanong ko. Natawa siya kaya napa-nguso ako.

"That's for you." muli niyang inilahad sa akin ang tinake out niya pero hindi ko pa rin kinuha.

Malay ko ba kung pagsubok 'to? Mamaya sabihan niya pa ako na bumili ako kung gusto ko.

"Akala ko ba ayaw mo ko bilhan kasi busog ako," I said, still pouting.

Iyon naman kasi yung sinabi niya kanina sa Mc Do. Namali pa ako ng type kaya naman hiyang hiya ako kay Chris ngayon. Hindi kami close tapos nasabihan ko ng ganoon.

Pigil na tumawa si Carwyn but he failed, naging bungisngis tuloy.

"That's yours. Niloloko lang kita kanina. Dapat talaga fries lang yan... kaya lang mukhang inis ka sa ka-chat mo kanina, eh."

Hindi naman ako inis sa ka-chat ko dahil sakaniya ako naiinis kanina.

Kinuha niya ang isang kamay ko at inilagay doon ang tinake-out niya kaya naman wala akong choice kung 'di hawakan iyon.

"Bye. Good night," he said. He wink at me dahilan para matigilan ako.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Love Investment   Wakas

    WAKAS"Oops! Sorry!"Napatigil ako at tinitigan ng mabuti ang mukha ng babaeng naka-bungguan ko. Nasa may dibdib ko ang tingin niya habang pinupunasan gamit ng kamay niya ang nabasang t-shirt ko dahil natapunan noong nabunggo niya ako."Sorry talaga. Hindi ko po alam na nandyan kayo." muling saad niya.I felt something unexplainable kaya hindi ko mapigilan ang paggalaw ng bagang ko sa bawat pagdampi ng kamay niya sa dibdib ko kaya naman hinawakan ko 'yon. Hindi ko alam na naging marahas

  • Love Investment   Kabanata 45

    Kabanata 45 Naging masaya ang pagsalubong namin ng Christmas. May mga nag stay dahil mag-iinuman and some chose to sleep. Sila Kuya Luke ang kasama ko at katabi ko si Carwyn, nag-iinuman sila but I told them na 'wag magpapakalasing. Mahirap na. Sumandal ako kay Carwyn. May pinag-uusapan sila at hindi ko na iniintindi dahil bukod sa hindi ako maka-relate ay inaantok na rin ako. I yawned. Naramdaman ko ang paghalik niya sa buhok ko atsaka bumulong. "Are you sleepy?"

  • Love Investment   Kabanata 44

    Kabanata 44 Excited ako pagka-mulat ng mata ko pero agad rin 'yon naglaho noong wala si Carwyn sa tabi ko. Bumangon ako at kunot noo na nagtungo papuntang CR para i-check kung nandoon siya pero wala. Sumilip ako muli sa labas para tingnan ang oras bago tuluyang pumasok sa banyo. Alas sais pa lang. Nasan na siya? Naghilamos ako at nagtoothbrush pagkatapos ay lumabas. Tinatali ko ang buhok ko habang pababa ng hagdan. Labas pasok ang mga Tito ko. Yung iba ay kadarating lang kagabi at muli na naman nagkaroon ng heart to heart to talk at hot seat kay Carwyn.

  • Love Investment   Kabanata 43

    Kabanata 43 Nagising ako na may nakapulupot na kamay sa bewang ko. Carwyn is hugging me from behind. I checked myself, naka-bihis na ako at naka-boxer shorts na si Carwyn. Maingat ako na gumalaw paharap sa kaniya para hindi siya magising. I traced his face using my pointing fingers. Maya-maya pa'y hinawakan niya ang kamay ko at dahan-dahan siyang dumilat. "Good morning..." he said in his morning voice. I smiled. I found it sexy and attractive. Feeling ko inaakit niya ako dahil s

  • Love Investment   Kabanata 42

    Kabanata 42Inis kong hinampas ang dibdib ni Carwyn habang tawa siya ng tawa sa akin. He's topless at kumislap ang tubig dagat na nasa katawan niya dahil sa araw. He's happy dahil sa pang-aasar sa 'kin."I already told you that I don't know how to swim tapos bibitawan mo ako dito sa part na medyo malalim?" asik ko.Hawak niya ang bewang ko habang ang kalahati ng katawan namin ay naka-lubog pa rin sa tubig. Naka-hawak ako sa braso niya at natatakot na any moment from now ay bitawan na naman niya ako.

  • Love Investment   Kabanata 41

    Kabanata 41 Wala na sa tabi ko si Carwyn noong magising ako. Tinatamad akong bumangon at pumunta ng CR para mag-ayos at pagkatapos ay bumaba na ako para mag-agahan. Si Mama at ang iba pang kasambahay ang naabutan ko sa kusina. They're busy preparing for our breakfast. Nangunot ang noo ko bago tumalikod para umaalis pero tinawag ako ni Mama kaya naman lumingon ako. "Good morning, anak!" bati niya ng naka-ngiti. Naglakad ako papalapit sa kaniya at binati sya sa pabalik. I gave her

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status