Share

Simula

Author: avaaeri
last update Last Updated: 2021-08-27 19:30:17

Simula

Maingay pagpasok ko sa loob ng bahay. Nandito pala ang mga kaibigan ng mga pinsan ko. Kaka-uwi ko lang din kasi galing school.

Nagdiretso ako sa hagdan para umakyat sa kwarto pero nakita ako ni Kuya Roni, isa sa pinsan ko.

"Ami!" tawag niya sa 'kin. Galing siyang kitchen at may dala pang ice cubes.

"Bakit?" kunot-noo kong tanong. Sinulyapan ko ang hawak niyang yelo. "Mag-iinom kayo? Pumayag si Lola?" dagdag ko.

Kuya Roni winked at me. Lumapit ito at inakbayan ako.

"Oo. Pumayag si Lola since dito naman sa bahay. Isa pa, they're not around. Nasa Biliran nanaman. May aayusin daw doon."

"Si Mama?" agad na tanong ko.

"Kasama ni Lola pati si Mommy."

Kung wala sila ay mukhang maiiwan nanaman ako sa pangangalaga ng mga pinsan ko.

"Kaya pala nandito ka," I said at tinanggal ang pagkaka-akbay sa akin.

"Oh, oh, oh!" pag-aawat niya dahil nga tinatanggal ko ang pagkaka-akbay niya sa akin. "Ba't ayaw mo na magpa-akbay? May boyfriend ka na ba?"

Nalukot ang mukha ko dahil sa sinabi niya. Ako? May boyfriend? Paano mangyayari 'yun, bantay sarado sila sa akin at isa pa, wala pa rin naman akong nagugustuhan. Hindi pa rin ako nakaka-hanap ng lalaki na worth it pag invest-an ng feelings. Yung hindi ka ii-scam-in.

"Luke! Rod! Si Ami may boyfriend na!" sigaw niya kaya naman nasuntok ko ang tyan niya.

Pinanlakihan ko siya ng mata. Kahit kailan talaga ang isang 'to madalas ako ipahamak. Panigurado akong papagalitan nanaman ako nila Kuya Luke dahil sa pinagsasabi niya.

Ayaw kasi nila Kuya Luke na malalamang may boyfriend ako. Ang gusto nila, nanliligaw pa lang ay sasabihin ko na para daw matakot nila at layuan ako.

"What?" rinig kong sigaw ni Kuya Rod mula sa sala.

Nilamon na ako ng kaba at inis. Gigil kong pinaghahampas si Kuya Roni at tawa lang siya ng tawa.

"Nakaka-inis ka!" patuloy ang paghampas ko sa braso niya. "Papagalitan ako nila Kuya ng dahil sayo!"

Napagod ako sa kaka-hampas pero sya ay tuloy lang sa pagtawa.

"Amora Mina!" pagalit na tawag ni Kuya Luke sa pangalan ko. Mariin akong napa-pikit.

Si Kuya Roni ay lumapit kila Kuya Luke na naka-tayo sa di kalayuan. Mukha pang nagsusumbong dahil sa panghahampas ko sa braso niya. Namumula iyon dahil madaling mamula ang balat namin kaya naman may ebidensya siyang ipapakita.

"Lumapit ka dito," utos ni Kuya Rod.

Naka-simangot ko silang nilapitan.

"Huwag mo kaming simangutan. Alam mong hindi 'yan uubra," pagbabanta ni Kuya Luke.

Napa-nguso tuloy ako. Partida, tatlong pinsan ko pa lang ang nandito, paano pa kaya kung nandito ang iba pa? Puro lalaki sila at ako lang ang nag-iisang babae kaya naman kung ituring nila ako parang bata. Maraming bawal, maraming hindi pwede.

"Hindi naman totoo 'yun, eh. Niloloko lang kayo ni Kuya Roni," I said ng makalapit ako. Hindi ko na hinintay pa na magsalita sila, nauna na ako.

Tiningnan ko si Kuya Roni ng masama pero dinilaan niya lang ako. Napaka-pilyo, parang bata. Akala mo hindi third year college, eh.

"Luke! Pinsan mo?" rinig kong sigaw nung isa sa mga kaibigan niya kaya naman napalingon silang tatlo.

"PLV? Same school sila ni Carwyn," saad nung isa pa.

Napa-taas ang kilay ko nung marinig ang pangalan na Carwyn. I know him. Ka-department ko siya at President ng org.

Dahil natatakpan ako ng tatlo kong pinsan, kinailangan ko pang umusog ng kaunti para makita sila.

Sa tingin ko ay nasa sampu sila at halo-halo, may kaibigan ni Kuya Luke, Kuya Roni at Kuya Rod. Ang iba sa kanila ay namumukhaan ko at ang iba naman ay bago sa paningin ko, parang si Kuya Carwyn. Hindi ko naman alam na kaibigan din siya ng mga pinsan ko.

Lumingon si Kuya Luke sa akin pagkatapos ay ibinalik ang tingin sa mga tropa nila.

"Oo nga, no? Sa PLV ka rin nag-aaral, Wyn."

Hindi sumagot si Kuya Carwyn at ngumiti lang.

"Senior mo pala 'to," pang-aasar ng isa sa kaibigan nila.

"You know her Wyn?" tanong naman nung isa pa. Tumango si Carwyn dahilan para manlaki ang mata ko. Really?

"How?" Kuya Luke asked. Lumapit na sila Kuya Luke at Kuya Rod sa mga tropa nila. Si Kuya Roni nalang ang naiwan sa tabi ko.

Napa-tingin ako kay Kuya Luke habang hinihintay ang isasagot ni Kuya Carwyn. I want to see his expression habang sinasabi ni Kuya Carwyn kung gaano ako kabait na estudyante. Never pa akong napasok sa gulo, no!

"Lagi ko siyang nakikita sa library."

Napa-ngiti ako ng marinig ang sagot ni Kuya. See? Napaka-studious ko, hindi lang halata.

"Parang hindi na nga siya pumapasok sa klase niya at tumatambay nalang doon kasama yung dalawa niyang kaibigan. Pino-pormahan ata yung Engineering student na naka-duty doon, eh."

Biglang naglaho ang ngiti sa mga labi ko matapos marinig ang mga sinabi niya. Pakiramdam ko ay pinagbagsakan ako ng langit at lupa. Kung kanina ay natutuwa ako sakaniya, ngayon ay hindi na. Parang mali ata ako na tinawag ko pa siyang Kuya.

Salubong ang kilay ni Kuya Luke nung lingunin ako kaya naman napa-atras ako. Tumingin ako kay Kuya Roni, asking for help.

Hindi naman kasi totoo ang sinasabi niya. Oo, madalas kami sa library pero kapag break time at oo, nandoon kami para sa Engineering student na crush ni Lisa pero pumapasok naman kami. Napaka-fake news ng isang 'to!

"Really, Ami?" this time, naka-taas na ang isang kilay ni Kuya.

Aligaga akong napa-iling. "N-no!" mabilis na sagot ko but it sound defensive. Sabagay, I'm defending myself. Hindi naman kasi totoo ang sinasabi niya.

Muli kong nilingon si Kuya Roni pero mukhang wala syang balak na tulungan ako. Shit naman, oh!

I gulped when I met Kuya Luke's eyes. Napa-iling naman si Kuya Rod.

"Gago, tol. Mukhang mayayari ata si Ami ng dahil sa 'yo."

"Why? Nagsabi lang ako ng totoo." Nanliit ang mata ko dahil sa sinagot ni Carwyn sa kaibigan niya.

Wow ha? Totoo? 50/50 kaya ang sinabi niya! Tapos kung sumagot sya sa ngayon parang siguradong-sigurado pa siya na totoo ang sinasabi niya. Shuta.

"Hindi naman totoo yung sinasabi mo." pagkontra ko.

"Talaga? Kaya pala nilapitan mo yung isang on duty na Engineering student para kuhanin ang number." I bit my lower lip. Shookt. I'm dead.

Paano niya nalaman 'yon? Nagawa ko lang naman 'yun kasi dare ni Rae sa akin 'yon. Natalo kasi ako sa rock-paper-scissor na laro.

"T-that was a dare." pilipit ang dilang sagot ko. Shuta naman! Why did I stutter? Nagmukha tuloy akong nagsisinungaling.

"Stop it, Ami," ani Kuya Rod na medyo galit.

Hinawakan ako ni Kuya Ron sa braso sabay sabing, "Hawak ko na, hindi na 'to makakawala." Seriously?

"Bukas tayo mag-uusap. For now, go to your room and change your clothes. Kumain ka na rin pagkatapos," saad ni Kuya Luke at tinalikuran ako pagkatapos.

Tiningnan ko ng masama si Carwyn at pahablot na binawi ko ang braso ko kay Kuya Roni. Naka-nguso akong umakyat sa kwarto ko. Pagkapasok ay agad akong sumigaw dahil sa inis.

Tangina mo, Carwyn Jose! Bwisit ka! Pahamak.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Love Investment   Wakas

    WAKAS"Oops! Sorry!"Napatigil ako at tinitigan ng mabuti ang mukha ng babaeng naka-bungguan ko. Nasa may dibdib ko ang tingin niya habang pinupunasan gamit ng kamay niya ang nabasang t-shirt ko dahil natapunan noong nabunggo niya ako."Sorry talaga. Hindi ko po alam na nandyan kayo." muling saad niya.I felt something unexplainable kaya hindi ko mapigilan ang paggalaw ng bagang ko sa bawat pagdampi ng kamay niya sa dibdib ko kaya naman hinawakan ko 'yon. Hindi ko alam na naging marahas

  • Love Investment   Kabanata 45

    Kabanata 45 Naging masaya ang pagsalubong namin ng Christmas. May mga nag stay dahil mag-iinuman and some chose to sleep. Sila Kuya Luke ang kasama ko at katabi ko si Carwyn, nag-iinuman sila but I told them na 'wag magpapakalasing. Mahirap na. Sumandal ako kay Carwyn. May pinag-uusapan sila at hindi ko na iniintindi dahil bukod sa hindi ako maka-relate ay inaantok na rin ako. I yawned. Naramdaman ko ang paghalik niya sa buhok ko atsaka bumulong. "Are you sleepy?"

  • Love Investment   Kabanata 44

    Kabanata 44 Excited ako pagka-mulat ng mata ko pero agad rin 'yon naglaho noong wala si Carwyn sa tabi ko. Bumangon ako at kunot noo na nagtungo papuntang CR para i-check kung nandoon siya pero wala. Sumilip ako muli sa labas para tingnan ang oras bago tuluyang pumasok sa banyo. Alas sais pa lang. Nasan na siya? Naghilamos ako at nagtoothbrush pagkatapos ay lumabas. Tinatali ko ang buhok ko habang pababa ng hagdan. Labas pasok ang mga Tito ko. Yung iba ay kadarating lang kagabi at muli na naman nagkaroon ng heart to heart to talk at hot seat kay Carwyn.

  • Love Investment   Kabanata 43

    Kabanata 43 Nagising ako na may nakapulupot na kamay sa bewang ko. Carwyn is hugging me from behind. I checked myself, naka-bihis na ako at naka-boxer shorts na si Carwyn. Maingat ako na gumalaw paharap sa kaniya para hindi siya magising. I traced his face using my pointing fingers. Maya-maya pa'y hinawakan niya ang kamay ko at dahan-dahan siyang dumilat. "Good morning..." he said in his morning voice. I smiled. I found it sexy and attractive. Feeling ko inaakit niya ako dahil s

  • Love Investment   Kabanata 42

    Kabanata 42Inis kong hinampas ang dibdib ni Carwyn habang tawa siya ng tawa sa akin. He's topless at kumislap ang tubig dagat na nasa katawan niya dahil sa araw. He's happy dahil sa pang-aasar sa 'kin."I already told you that I don't know how to swim tapos bibitawan mo ako dito sa part na medyo malalim?" asik ko.Hawak niya ang bewang ko habang ang kalahati ng katawan namin ay naka-lubog pa rin sa tubig. Naka-hawak ako sa braso niya at natatakot na any moment from now ay bitawan na naman niya ako.

  • Love Investment   Kabanata 41

    Kabanata 41 Wala na sa tabi ko si Carwyn noong magising ako. Tinatamad akong bumangon at pumunta ng CR para mag-ayos at pagkatapos ay bumaba na ako para mag-agahan. Si Mama at ang iba pang kasambahay ang naabutan ko sa kusina. They're busy preparing for our breakfast. Nangunot ang noo ko bago tumalikod para umaalis pero tinawag ako ni Mama kaya naman lumingon ako. "Good morning, anak!" bati niya ng naka-ngiti. Naglakad ako papalapit sa kaniya at binati sya sa pabalik. I gave her

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status