Iyak lang ako ng iyak sa bawat araw na nagdaan hindi dahil sa nangyari kay Jane kundi dahil naalala kona.Naalala ko na ang lahat.Bat kung kelan huli na?Kung kelan alam kong hindi na puwede.Natatakot ako sa puwedeng mangyari. Sa puwedeng gawin samin ni tito Zleo.Hindi ko na hahayaang mangyari ang dating nangyari.Kahit masakit pipiliin ko ang alam kung tama.At 'yon ang tamang gagawin ko.Sa ilang araw na nagdaan kailangan ko ng kausapin si kuya Branden dahil sa mga naalala ko.Hinanap ko lang siya sa loob ng mansyon nila. Dahil nakauwi na kami pagkatapos ng nangyari.Inikot ko ang buong bahay ngunit hindi ko siya mahanap. Tinignan ko na din siya sa kwarto niya pero wala din siya.Nang makasalubong ko si Zildjian ay tinanong ko siya kung nakita pa niya si kuya Branden.Sinabi lang niya na napansin niyang nasa garden. Kaya dali dali ko siyang pinuntahan dun para maka usap.-----Ilang araw na ang lumipas pero hindi ko parin nakakausap si Shawn.Gustong gusto ko na siyang kausapin.
Lumipas ang mga araw at nakauwi na kami dito sa bahay namin.Simula ng may aksidenteng nangyari pansin ko na laging wala sa bahay sila mama at papa.Pansin ko din na hindi na lumalabas ng kwarto si Shawn at bukang-bibig niya ang mga katagang wala siyang kasalanan.Ilang araw na ang lumipas pero ito parin siya takot na takot sa nangyari. Minsan nga nakikita ko siyang umiiyak ng mag isa.Araw araw ganun nalang ang ikot ng buhay namin.Uuwi lang sila mama para tignan kami at pagsabihan si Shawn.Hindi ko alam kung nakakatulong ang ginagawa nila dahil palagi parin umiiyak si Shawn.Hindi ko alam kung sinisisi din ba nila si Shawn o hindi.Pinagbawalan din ako ni papa na lumapit kay Shawn ng hindi ko alam.Minsang sumuway ako ay nakatikim ako sa kanya ng sakit ng katawan.Hindi ko alam kung anong nangyayari pero isa lang ang sigurado ako.Sinisisi nilang lahat si Shawn.Dahil ang p
Ilang araw ang lumipas. Patuloy ko parin iniiwasan si kuya Branden.Lagi akong nasa labas. Papasok lang ako pag alam kung tapos na silang kumain.Lagi akong nakatambay sa tabing dagat.Naging place ko na 'yon. Bukod sa tahimik, maaliwalas din pag masdan.Hindi naman na naging makulit si kuya sakin. Hinayaan nalang din siguro niya ako.Gusto ko na ngang umuwi. Pero pag naalala ko na sa kanila nga pala ako nakatira ay mas gugustuhin ko nalang dito.Dahil dito malaya akong gawin ang gusto ko. Sa mansyon nila limitado nalang dahil hindi na katulad nun dito.Tsaka mga katulong lang ang makakausap ko dun kadalasan busy pa sa pagtratrabaho kaya ayun lagi lang akong nakakulong sa kwarto. E, dito kahit saan akong pumunta ay malaya kong puntahan.Lakad lang ako ng lakad ng mapansin kung makakasalubong ko si Jane.Si Jane na laging sunod ng sunod kay kuya.Kahit hindi naman na siya pinapansin.
Masaya ang buhay lalo na kung mahal mo ang kasama mo sa bawat araw.Sa bawat araw na nagdaan ay hindi nakakasawang kasama ang taong mahal mo.Naalala ko tuloy 'yong mga araw na lagi kaming magkasama ni Shawn.Lagi kaming nag-lalasing ni Shawn dito parin sa tagaytay. Kung puwede ij,q nga lang araw araw ay ginawa na namin ang kaso bata parin kami. Pasikreto lang ang pag-inom namin lalo na kapag andito sila tito at tita. Tuwing bakasyon ang pinakamatagal na pag-stay nila dito ay dalawang linggo pagkatapos nun. Malaya na kaming dalawa ni Shawn dahil tulad ng nakagawian maiiwan kaming dalawa dito.Na hindi naman na nila tinututulan. Suportado pa nga nila kami dahil nagiging independent na kami. Lalo na sa edad namin ay dapat na matuto na talaga kaming maging independent.Pero kahit ganun sakanila parin ang perang ginagamit namin.Isa din sa dahilan kaya pumapayag sila tito at mama dahil kilala naman nila ang mga tao dito. Hi
Ang dami kung nagawa ngayong araw kakahintay kay kuya.Ala una na pala ng tanghali pero ito ako naghihintay parin sa pagdating niya.Panay ang labas ko lalo na pag may naririnig akong humihintong sasakyan sa mismong tapat ng mansyon na ito.Baka kasi si kuya Branden na.Lumipas pa ang mga oras ay wala paring Branden ang nagpapakita sakin.Panay ang tanong sakin nila tita kung bakit andito lang ako sa labas.Ngiti lang ang sinusukli ko sa mga tanong nila.Paminsan minsan sinasagot ko na naglilibang lang sa labas.Pero alam ko naman na alam na nila kung bakit.Si kuya Marvin bago mag-inuman kinagabihan ay umalis siya kinabukasan kaso hindi ko alam kung kelan ang balik. O, kung babalik paba.Sa ngayon siya na kasi ang umaasikaso ng mga business nila lalo na at nagkaroon ng problema kaya kailangan niyang puntahan.Namimiss ko na din siya dahil siya lang ang nakakaintindi sa akin.
9:30 am na pala, ayun sa oras na naka rehistro sa phone ko.Nakatulog pala ko kagabi pagkatapos ng pag-uusap namin ni kuya.Ansarap ng tulog ko, wala naman akong nararamdamang hang over. Sakto lang kasi ang nainom ko kagabi pero nalasing parin ako.Naalala ko bigla na hindi nga pala ako sa kwarto ko nakatulog, nang iikot ko ang paningin ko ay napadako ang tingin ko kay kuya Branden na mahimbing na natutulog.'Magkatabi kaming natulog?' Tanong ko sa sarili ko.Parang nabuhayan ang loob ko dahil sa naiisip, hindi ako nilipat ni kuya bagkus hinayaan niya lang ako dito sa kwarto niya. Habang magkatabi kami.Sobrang saya ko sa nararamdaman ko ngayon. Nawala lahat ng sakit na nararamdaman ko ng hindi niya ko pinansin at sinungitan lang niya ko kagabi.Gusto ko siyang lapitan at halikan habang natutulog. Pero natatakot akong magising kaya hinayaan ko lang ang sarili ko na pagsawaan ang mukha niya.Bumibilis ang tibok n