Share

BLOOM

His eyes, his body, and his voice . . . he's a total perfection.

Sa loob ng dalawang linggo, naging mas malapit kami sa isa't isa. Lagi kaming magkausap, laging magkasama, at halos nalibot namin ang maraming lugar sa Spain. From Ibiza Town to Barcelona, at sa iba pang maaaring puntahan dito. Mahilig siyang humawak sa kamay ko. Noong una, parang nakakailang pero habang patagal nang patagal, mas nararamdaman ko na ligtas ako sa bawat oras na gagawin niya 'yon. Para akong natutulog na bituin sa gabi, na bigla na lang lumiwanag mula sa madilim na kalangitan.

Is this still right? We're both guys, dreaming about having families of our own.

It's my twenty-third day in Ibiza, mabilis na lumipas ang oras. Hindi ko na rin namalayan ang araw at minuto sa tuwing magkasama kami. Para akong bulaklak na bagong namumukadkad. Parang ibon na bagong nag-aaral lumipad. Para akong nagising mula sa matagal nang nakatagong katotohanan.

Nagising ako sa dibdib ni Gael. He's also sleeping, mukhang napagod sa paggala namin kahapon. Sa kuwarto ko na rin siya natulog dahil gabi na nang nakauwi kami galing sa meeting na in-attend-an ko kung saan sinamahan niya akong dumalo. Dahan-dahan akong tumayo mula sa kama upang hindi siya magising, dumiretso ako sa kusina para ipagluto na rin siya ng agahan.

I was busy cooking that time nang may yumakap sa akin mula sa likuran ko. Lumingon ako, it's him hugging me tightly. He smiled at me and kissed me on the neck. Pinatay ko ang lutuan at humarap sa kaniya.

"Can't you see? I'm cooking our breakfast, ano ba?" nakangiti kong sambit sa kaniya.

Patuloy niya akong hinalikan. "Puwede ba kumain muna tayo?" tanong ko.

"Mabubusog ka rin naman sa 'kin, ah . . . you may eat me." Nanlaki ang mga mata ko sa sagot niya, tila ba nabigla ako sa napakaaga niyang pagbibiro.

"I'm just kidding, ano ba'ng niluluto mo?" tanong niya. Bumalik ako sa pagluluto ko habang nakayakap pa rin siya sa 'kin mula sa likuran ko.

"Fried rice at potato omelet." Naupo na kami sa hapag para mag-agahan, nakatitig pa rin siya sa 'kin, nakangiti.

"Ano na naman?" I asked him.

"Wala lang, bawal ba? Kumusta na pala ang ginagawa mong libro? May I read your draft?"

"I'll let you read it 'pag natapos na, pero ngayon, e, hindi muna."

Dinampot niya ang baso ng gatas sa mesa at marahan itong ininom. Kumindat siya sa 'kin at ramdam na ramdam ko ang bawat paglunok niya sa gatas. I'm feeling thirsty, ngunit hindi tubig ang papawi ng uhaw na 'to.

Matapos kumain ay dumiretso na ako sa shower para maligo, tanghali na rin pala nang magising kami. Habang nasa kalagitnaan ng paliligo ay pumasok siya sa loob, lumingon ako at nakita ang kaniyang hubad na katawan. Lumapit siya sa 'kin, niyapos ako mula sa likuran, at hinalikan ang aking batok. Pareho na kaming basa pero patuloy pa rin siya sa paghalik sa 'kin.

Dinilaan niya ang tenga ko, down to my shoulder, to my back, and lastly, to my nectarine. Napahawak ako sa pader, I can't tell him to stop because I'm loving every moment that he licks my thing.

Humarap ako sa kaniya, tumayo siya at binuhat ako. Inihiga niya ako sa couch, pareho kaming basa pero hindi ako makaramdam ng ginaw sa init ng aming katawan.

"Do you want to make it extra hot?" tanong niya.

"Would you mind to?"

He played my nipple with his tongue while his left hand's playing my ass. Dinilaan niya ang aking leeg pataas sa aking tainga, sabay bulong ng, "Let me in."

It's my first time for that kind of thing, but his kiss made me decide na ipaubaya na sa kaniya ang lahat. Sa oras na 'yon, malayang pinag-isa ng kalawakan ang aming mga katawan.

Idinapa niya ako at muling dinilaan ang aking batok. I heard him spit at naramdaman ko na lang ang mainit na likido na dumampi sa akin matapos niyang ipahid ang kaniyang palad. Hinawakan niya ang pareho kong mga kamay at inilagay ito sa aking likuran, then he slowly inserted his thing into my hole. I can feel the pain, the hotness of his pecker, the love, so I moaned.

"Gael, be gentle!"

He's kissing my lips, slowly but still painful. Ang kaninang tubig ay napalitan na ng pawis, then he hugged me tightly.

Muli akong humarap sa kaniya. He kissed me on my neck, marked his territory, and locked me again with his stare. Nilamas niya ang aking dibdib. Tumayo siya at lumuhod sa harap ko. He then sucked me. He sucked it deeply, he played it with his tongue and made it wet with his saliva.

We ended up cuddling on my bed. We're both tired and weak. Napansin niya na tahimik lang ako na nakatulala sa kisame.

"Are you okay?" he asked.

"Yeah." Humarap ako sa kaniya.

"Why are you sad? You're acting unusual."

"Gael, I think this is wrong. Everything's wrong. This! And . . . us."

"What's wrong with this? This is usual, hindi ba ginusto natin 'to? Bakit ba nagi-guilty ka after sex?"

"But . . ." He kissed my lips, kaya hindi ko na naituloy pa ang sinasabi ko.

"But what? We're just enjoying our lives, maybe one day pagsisisihan natin 'to, pero nandito na tayo ngayon. We can't always overthink and predict what's gonna happen. Sometimes we have to break the rules, our own rules. Hindi kailangan nakaplano ang lahat, hindi kailangan sumunod tayo sa gusto ng iba, hindi kailangan idikta kung ano'ng mali o tama."

"Gael, umaasa ako na magkakapamilya ako. Gusto kong tumanda na may asawa at may mga anak. I'm looking forward for the wedding with my future wife."

He kissed me again. Hinawakan niya ang aking kamay at niyakap ako nang mahigpit. "Can we just be like this? Kahit minsan lang? Habang wala ka pa sa pangarap mo, puwede ba?" tanong niya.

Inalis ko ang kaniyang kamay sa pagkakayakap sa akin at umupo mula sa pagkakahiga ko.

"Can we promise na walang mahuhulog sa atin? Natatakot ako, nabigla ako sa mga nangyari. Ambilis ng lahat, hindi ko pa rin maintindihan kung ano ako ngayon. Gusto kong maging masaya tayo pareho sa mabubuo nating pamilya, sa magiging asawa natin, sa mga magiging anak natin. Hindi sa ganito, maybe we're just horny or thirsty to explore things. Baka bukas, hindi na ganito ang nararamdaman natin. Baka mamaya, totoong nabibigla lang tayo."

Tumalikod siya sa 'kin, itinaas ang kaniyang kumot, at hindi sumagot sa mga sinabi ko.

Kinagabihan, nagpunta kami sa isang bar. Since ilang araw na lang ay pauwi na ako ng Pilipinas, we drink and drink hanggang sa malasing kami. Hindi ko alam kung gano'n ba talaga siya kalakas uminom, o dinaramdam pa rin niya ang sinabi ko sa kaniya. Mabilis siyang nalasing, hinawakan niyang muli ang kamay ko at hinalikan ako.

"Let me do this, kahit ngayon na lang." Matapos akong halikan ay binitiwan niya ako at naglakad palayo. Sobrang daming tao sa bar kaya hindi ko nakita kung sino na ang mga kasama niya.

Ilang oras na rin ang lumipas, hindi niya ako binalikan mula sa puwesto namin kaya kahit sa sobrang dami ng tao ay naglakas-loob akong hanapin siya. Hindi ko alam, bigla na lang akong nasaktan nang makita siya na may kahalikang babae.

Hindi ba hiniling ko 'to? Bakit ako nasasaktan? Hindi ba ako ang may gusto nito? Bakit bigla akong naluluha?

Hindi ko na alam, naguguluhan na ako. Is it just about sex and my book? Or I'm slowly falling in love with him? To be honest, nahihirapan na ako.

Napalingon siya at napansin ako na nakatingin sa ginagawa niya. I was just standing in front of them, hindi ko alam ang gagawin. May tama na rin ako ng alak, magkakagulo lang siguro kung iimik pa ako. It was an awkward moment for me kahit hindi ako sigurado sa nararamdaman ko sa kaniya.

"Uuwi na ako," sambit ko sa kaniya sabay talikod.

Mali ba ang hilingin kong sana hindi na lang ako napunta sa sitwasyong ito? Mali ba kung hihilingin kong sana hindi na lang kita nakilala?

Bakit ganito?

Mag-isa akong umuwi sa hotel, dala ang pangamba at panibagong mga katanungan sa sarili ko. Umaasa akong uuwi siya at matutulog sa tabi ko, gaya ng mga nakaraang gabi na magkayakap kami sa kama.

Kinabukasan ay nagising akong wala siya, agad kong tiningnan ang phone ko kung may mensahe siya o missed calls pero wala. Lumipas pa ang ilang mga araw, at sa pagsikat ng bagong umaga, hindi na kami nagparamdam sa isa't isa.

Aaminin ko, nami-miss ko siya. Pero ayaw ko na siyang guluhin.

Pasikreto akong dumaan sa kaniyang shop pero sarado ito. Pumunta ako sa museum kung saan kami unang nagkita, hinintay siya roon pero hindi ko nasilayan ang mukha niya, o maski ang boses niya ay hindi ko narinig.

Gustong-gusto ko na siyang tawagan pero pinangungunahan ako ng kaba, ng takot, ng hiya, at ng pag-aalala na baka masaktan ako sa maririnig kong sasabibin niya. Marahil, ito ang ginusto ko, o baka ito ang isinulat ni Bathala sa kuwento naming dalawa. Kung gaano kabilis nangyari ang lahat, ganoon din kabilis nawala.

On my last day sa Spain, naglakas-loob akong i-text siya. "Gael, I'm going back to the Philippines tomorrow. Can we meet sa airport? Before I go, I want to hug you. Kahit sa huling beses, I want to say goodbye. Por favor, Señor!"

Alam n'yo kung ano 'yong malungkot? Sa oras na magkasama kami, masyado akong naging masaya, na nakalimutan ko na ang kumuha ng litrato niya. Sa loob ng halos isang buwan ay hindi man lang kami nagkaroon ng litratong magkasama. Pero siguro, mas maganda na 'yon, mas maayos nang wala kaming larawan para wala na akong babalikang alaala niya.

Nakakalungkot na isa akong photographer pero ni minsan hindi ko naisip na kunan siya ng larawan. Baka masyado akong nalinlang ng pagiging masaya namin sa mga oras na magkasama kami.

Hindi pa rin ako mapakali, hindi ako matahimik. Iniisip ko kung kumusta na kaya siya? Iniisip ko kung iniisip din kaya niya ako?

Hindi ko man lang nalaman kung mahal ba niya ako? Pero para saan pa ba kung alam naman nating matatapos din ang lahat? Para saan pa na malaman nating mahal tayo ng tao kung alam nating matatanaw rin natin ang dulo? Para saan pa na malaman ko ang totoo, kung kahit ako, takot sa maaaring mangyari?

Bakit nga ba namin pinasok 'to?

Hindi ko mapigilan ang maiyak habang iniisip ang lahat. Kinagabihan ay natulog muli akong mag-isa habang yakap ang unan na ginamit niya. I can still smell his fragrance on my pillow. I can still hear his laugh, his voice. I can still feel his touch, his hug, and his lips on mine.

I miss you.

Ngayon ko lang naramdaman ang lamig ng gabi, ang lungkot ng bawat oras na mag-isa ako, na dati naman ay kinasanayan ko na. Ngayon ko lang naramdaman na ang lawak pala ng kama. Ngayon ko lang napansin na ang lungkot pala ng buwan na mag-isa sa kalangitan. Muli kong naramdaman ang lungkot noong panahon na iniwan ako ng mundo.

Ang hirap magsimula muli sa umpisa, simula sa mga oras na wala ka pa.

Baka ngayon lang 'to. Baka bukas, makalimutan ko na siya.

Baka bukas, hindi na ako malulungkot. Baka bukas, ayos na.

Pero kailan ba naging madali ang paglimot?

Sana bukas, ayos na . . . sana.

The next day, maaga akong pumunta sa airport. Gabi pa ang flight ko pero maaga na akong pumunta sa pagbabaka-sakaling pupunta rin siya.

Lumipas ang isa, dalawa, tatlo, apat, at limang oras pero wala. Patuloy ang pag-andar ng kamay ng relo, umaasa pa rin na mayayakap ko siya, kahit sa huling pagkakataon. Paubos na ang oras pero wala pa siya.

Hindi ko naman alam na ganito pala kahirap 'yon. Ganito pala kahirap na pumasok sa bagay na hindi ka sigurado, 'tapos mag-isa ka na lang sa huli. Mag-isang lilipad, mag-isang maglalakbay. Mag-isa ka na ulit, gaya ng dati.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status