VANILLA NAGING mabilis ang kanilang biyahe. Hindi na nagulat pa si Vanilla nang mapansin niyang sa Villa na naman ang destinasyon nila. Hindi niya alam kung ano ba ang gustong mangyari ni Zakari pero pagdating nila ng Villa at pagkababa pa lang nila ng kotse, nagulat na lang siya nang bigla na lang siyang salubungin ng isang batang lalaki "Mommy! Mommy!" tawag nito habang patakbong sumalubong sa kanya at mahigpit siyang niyakap. Hindi niya malaman kung ano ang irereact niya. Nagulat din kasi siya lalo na nang maramdaman niya ang pag-iyak ng batang lalaki "Mommy, don't leave me, okay? Please..promise, I'll be a good boy. I miss you so much, Mommy." umiiyak na sambit nito. Nagtatanong ang mga matang tumitig siya kay Zakari. Naguguluhan siya at hindi niya alam kung ano ang nangyayari. "Anak mo siya! Anak nating dalawa. Ang ating panganay. Si Nicholas!." seryoso nitong wika sa kanya. Kaagad namang nanlaki ang mga mata niya sa gulat. Feeling niya biglang lumubo ang ulo niya sa nari
"VANILLA WALA nang nagawa pa si Vanilla kundi pagbigyan ang nais ni Zakari. HIndi niya alam kung ano ba talaga ang sadya ng lalaking ito pero sana...sana lang talaga wala itong masamang balak sa kanilang mag-ina. Hindi niya alam pero feeling niya, nakuha ni Zakari ang loob ng mga anak niya na wala siyang kamalay-malay. Masyado din kasi siyang naging abala nitong mga nakaraang araw kaya hindi niya napapansin na lihim na palang pumupunta dito sa bahay niya ang lalaking iyun. Mukhang malalagot sa kanya ang dalawang gwardiya at tatlong kasambahay eh. Imagine, siya itong amo pero wala siyang kamalay-malay sa mga nangyari sa sarili niyang pamamahay. "Pakisabi sa amo mo na sa loob ng bahay kami mag-usap.'' seryoso niyang wika sa tauhan ni Zakari na hindi niya alam kung ano ang problema at bakit hindi pa rin ito umaalis sa may driveway. "Mam, bilin po ni Sir na sumama daw po kayo sa amin. Ang mabuti pa po, doon na kayo sa kotse niya at ako na lang nag magda-drive ng sasakyan mo." na
VANILLA Ilang araw pa ang mabilis na lumipas. Kahit papano, naging payapa ang buhay nilang mag-ina. Hindi na din nagpakita sa kanya si Zakari at kahit sa mga anak niya na labis niyang ipinagpasalamat. Naging abala na din siya sa negosyo nilang dalawa ni Darren. Pumapasok na din siya ng opisina habang ang kambal ay nasa bahay lang. Minsan, isinasama niya ang mga ito sa opisina pero kadalasan, kusang nag papaiwan sa bahay para maglaro. Hangang sa isang araw, niyaya niya ang mga anak niya na lumabas para bumili ng mga School supplies at iba pang mga gamit na gagamitin ng mga ito dahil ilang araw na papasok na sila sa iskwelahan. Kinder garden man sila, gusto niya nang kumpletuhin ang mga gamit ng mga ito. Isa pa, mmalapit na ang pasukan kaya naman ito na ang tamang pagkakataon para ihanda ang mga gamit nila sa pagpasok sa School. Pagdating sa mall, una nilang dinaanan ay ang book Store. Pagkatapos, dumaan din sila sa department store at kids section para ibili ng mga damit at kun
VANILLA Laglag ang balikat na naglakad siya ulit papasok ng bahay. Naabutan niya ang kambal na nasa living room at isa-isa nang binubuksan ang mga laruan na dala ni Zakari para sa kanila. "Nathan, Hannah..hindi ba't binilinan na kayo ni Mommy na bawal kayong makipag-usap sa stranger?" seryosong tanong niya sa mga ito. Napansin niyang nagtitigan pa ang dalawa bago sumagot si Nathan. "Mommy, hindi naman po siya stranger eh. Tsaka, pumunta na siya dito sa atin noong nakaraang araw kaya hindi po siya masamang tao." sagot naman ni Nathan sa kanya. "Nathan! Sino ang may sabi sa iyo na hindi siya stranger? Kailan niyo lang siya nakita tapos tumatangap na kaagad kayo ng mga regalo mula sa kanya?" seryosong tanong niya dito. Napansin niyang kaagad na natameme si Nathan. Dahan-dahan nitong nabitawan ang hawak na regalo at malakas na umiyak "Huhuhu! Mommy, galit po ba kayo sa akin? HIndi naman sinasadya ni Nathan eh. Tsaka, mukhang hindi naman po siya bad guy! Katunayan nga, kinarga ni
VANILLA "Huwag ang mag-aalala, Vanilla. Mukhang nagbago naman na si Zakari dahil hindi ka naman niya pinwersa kanina diba? Kusa din siyang umalis pagkatapos naming mag-usap. " seryosong wika ni Darren kay Vanilla. Nandito sila sa living room ng bahay at ramdam pa rin ni Vanilla ang takot sa puso niya dahil sa muling pagkikita nilang dalawa ni Zakari kani-kanina lang "Sa palagay mo kaya, hindi na siya babalik para guluhin ang buhay ko?" seryosong tanong ni Vanilla kay Darren. Kung hindi siguro involved ang mga anak niya, hindi siya matatakot ng ganito eh. Alam niya sa sarili niya na nagdududa si Zakari na anak nito ang kambal. Kung bakit naman kasi hindi siya nakapaghanda sa muli nilang pagkikita eh. Sabagay, hindi niya din naman akalain na magku-krus kaagad ang landas nila ng lalaking iyun. "Hindi natin masabi iyan pero I think, may kaunti naman akong nakitang pagbabago sa ugali niya. Hindi ka na niya pinilit kanina diba? kahit papaano, nakipag-usap din naman siya ng matino sa
ZAKARI Hindi mapigilan ni Zakari na mapangisi. Tingnan mo nga naman ang babaeng ito. Nakatulog kahit sa pinakamahirap na sitwasyon. Ah, baka naman nasanay na sa mga ganitong klaseng parusa? "Ilabas niyo siya. Gusto kong siyang makausap." seryosong utos niya kay Dark. Kaagad naman itong tumalima. Ini-unlock ang susi ng kulungan na siyang dahilan kaya nagising si Freya at nang mapansin nito ang presensya nito, malakas itong pumalahaw ng iyak. 'Zakari! Zakari! Maawa ka sa akin. Promose, hindi ko na uulitin. Magiging mabait na ako kay NIcholas basta, basta ilabas mo na ako dito. Please!" umiiyak nitong sambit. Hindi niya naman mapigilan ang mapaismid. "Nang tuluyan na itong nakalabas, inilapit ito sa kanya nila Dark kaya naman galit niya itong hinawakan sa ilalim ng baba para tanungin. "Ano ang ginawa mo kay Vanilla noong mga panahon na iyun?" seryosong tanong nya dito. Napansin niya ang takot sa mga mata nito habang nakatitig sa kanya. Hindi marahil inaasahan ang naging tanong