로그인WINSTON IMPERIAL POV Para akong naistatwa sa aking kinatatayuan habang nakasunod ang paningin ko kay Devi. Unti-unti siyang nawala sa aking paningin nang tuluyan siyang lumiko papunta sa second floor. Ngunit kahit wala na siya roon, hindi pa rin ako makakilos. Parang may mabigat na bagay na dumagan sa aking dibdib. Ang lapit niya lang sa akin. Ilang hakbang lang ang pagitan namin kanina. Pero pakiramdam ko, napakalayo niya. Parang kahit habulin ko pa siya nang buong buhay ko, hindi ko na rin siya maaabutan. Sabagay, kasalanan ko rin naman. Hindi ako naging mabait sa kanya noon. Hindi ko siya pinrotektahan noong panahon na kailangan niya ng kakampi. Mas pinili kong pairalin ang pride ko kaysa unawain siya. At siguro, hanggang ngayon, sariwa pa rin sa alaala ni Devi ang lahat ng sakit na ipinatikim ko sa kanya. Kaya siguro ganito siya kalamig. Kaya siguro sa tuwing titingin siya sa akin, parang wala na siyang nakikitang kahit katiting na kabutihan sa pagkatao ko. "Kuya
DEVI POV Pagdating ko sa bahay nila Mommy, agad kong napansin ang isang pamilyar na pigura sa may gate. Si Mommy. Nakatayo siya sa harap ng gate na parang may hinihintay. At nang makita niya ako, kitang-kita ko ang tuwa sa kanyang mukha. “Anak! Devi!” wika niya. Kaagad niya akong sinalubong. “Diyos ko, saan ka ba galing?” tanong niya sa akin habang bakas ang pag-aalala sa boses niya. "Diyan lang po kina Sarah, Mom,” sagot ko. “Ah, kay Teacher Sarah? Iyung dati mong kaklase?” tanong niya sa akin. Kaagad naman akong tumango “Opo, siya nga po.” sagot ko. Pagkatapos noon, pasimple kong pinunasan ang pawis sa aking noo. “Naku, pawis na pawis ka na. Kumain ka na ba? Halika, ipaghahain kita.” Kaagad akong tumango. “Okay na po ako. Kumain na ako kina Sarah. Tsaka gusto ko po sanang magpahinga muna.” seryoso kong wika. Agad kong nakita ang bahagyang pagkalungkot sa kanyang mga mata. Na parang gusto pa sana niyang makasama ako pero hindi niya lang maisatinig. Alam k
DEVI POV “Uy, grabe ka naman kay Congressman Imperial. Ang harsh ng sinabi mo sa kanya kanina ha? Buti na lang mabait at hindi ka pinatulan.” may halong pagtataka at panunukso sa tinig ni Sarah habang nakatingin siya sa akin. Kakaalis lang ni Winston ilang minuto ang nakakalipas. Kahit anong pilit niya, hindi niya ako napasama sa pag-uwi niya sa bahay nila. At sa totoo lang, wala naman akong balak na sumunod sa kanya. Mas gusto ko pang manatili rito sa bahay ni Sarah. Tahimik. Presko. Walang mabibigat na alaala. Hindi pa naman magsisimula ang birthday party celebration ni Mommy kaya wala rin akong nakikitang dahilan para magmadali akong umuwi. Napangiti ako at sumandal sa kahoy na sandalan ng upuan dito sa kanilang shade house. Ang mainit na simoy ng hangin ay nararamdaman na ng aking balat. “Harsh ba? Sinabi ko lang naman kung ano ang laman ng isip ko. Isa pa, parang ang sarap ng ambience dito sa bahay ninyo. Ewan ko ba, pero ramdam na ramdam ko iyong province vibes.” n
DEVI POV Ang bahay ni Sarah ay isang tipikal na bahay sa probinsiya. May malawak itong bakuran at sa harapan ay nakatayo ang isang maliit na shade house na yari sa pawid at kawayan. Iminungkahi kong doon na lamang kami umupo at kumain ng agahan na agad naman niya akong pinagbigyan. Habang nagkukuwentuhan kami, hindi ko maiwasang mapatingin sa mga anak niya na naglalaro sa bakuran. "Grabe, ang lalaki na pala ng mga anak mo, Sarah!" mangha kong sambit. Ang panganay niya ay sampung taong gulang na samantalang lima naman ang bunso. Napangiti siya. "Awa ng Diyos, nabiyayaan kami ng tatlo. At tama na iyon. Sa hirap ng buhay ngayon, ayoko na silang sundan." Napangiti rin ako sa sagot niya. "Eh ikaw? Nag-asawa ka na ba?" tanong niya. "Grabe, simula nang umalis ka rito, nawalan talaga kami ng balita tungkol sa iyo." Napailing ako. "Wala eh. Wala pa akong asawa at wala rin akong balak mag-asawa." kaswal kong sagot. Nakita ko naman ang pagkagulat sa mga mata niya habang nakat
DEVI POV KINABUKASAN, kahit na kulang sa tulog, maaaga pa rin akong nagising. Siguro dahil nasanay na ang katawan ko sa mga puyatan. Pwede naman akong matulog anytime kong gusto ko eh Pagkatapos kong ayusin ang aking higaan, nagpasya na din akong maligo na muna. At nang masigurado kong maayos na ang hitsura ko,tsaka na akong lumabas ng aking silid Direcho ako ng kusina kung saan nadatnan ko ang mga kasambahay na abala sa paghihiwa ng kung anu-ano. Pero, nang makita nila ako, sabay-sabay silang bumati sa akin "Magandang umaga po, Ma'am Devi." "Magandang umaga po. Huwag niyo na po akong pansinin, kukuha lang ako ng water." sagot ko. Pagkatapos noon, kumuha ako ng baso at dumirecho sa may water dispenser para makainom na "Ma'am, dapat po sa dining area na po kayo dumirecho. Medyo mausok po dito sa kitchen. Marami pong nakasalang na mga pagkain at baka mangamoy ulam po kayo." wika ulit ng isang may edad na babae . Tipid naman akong ngumiti bago ako sumagot "Okay lang po.
DEVI POV Pagkatapos naming mag-usap ng kaibigan kong si Vanilla, nagpasya na rin akong humiga sa kama. Kailangan kong magpahinga. Kailangan kong makatulog, lalo na't hindi ko alam kung gaano ako magiging kaabala bukas. Bukas na ang kaarawan ni Mommy at narinig kong dito rin sa mansion gaganapin ang selebrasyon. Sigurado akong maraming bisita, lalo na't ang asawa niyang si Tito Vicente pa rin ang nagsisilbing Mayor ng lungsod na ito. Ngunit kanina pa ako pabiling baliktad ng higa sa kama. Pero, ayaw talaga akong dalawin ng antok. Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko ay naninibago ako. Siguro dahil matagal na rin akong hindi nakabalik sa kwartong ito. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata, ngunit gising na gising pa rin ang aking diwa. Sa huli, napabuntong-hininga na lamang ako at bumangon. Kung pipilitin ko pa ang sarili kong matulog, baka lalo lamang sumakit ang ulo ko. Kaya kahit gusto ko nang magpahinga, wala akong ibang pagpipilian kundi ang lumabas muna. Bi
VANILLA"AAYUSIN? Gusto mong bilugin ang ulo ko diba? Sa palagay mo ba, maniniwala pa ako sa iyo?" seryosong sagot niya dito'"Vanilla!" seryosong wika nito. Umangat sa ere ang kamay nito at patungo iyun sa kanyang pisngi pero mabilis siyang umiwas.Sa isang iglap, biglang naglaho ang tiwala niya d
VANILLA Hindi alam ni Vanilla kung paano niya nakaya na isubo ang pagkalalaki ni Zakari pero habang tumatagal, nag-eenjoy na din siya. Kahit na katiting na pandidiri, wala siyang naramdaman. Mahal niya na nga siguro ang lalaking ito kaya lahat ng alam niyang makakapagpaligaya dito ay kaya niyan
VANILLLA Kanina pa paikot-ikot si Vanilla sa buong paligid pero wala talaga siyang makita kahit na isang kasambahay. Hindi niya tuloy maiwasan ang magtaka. Ang alam niya talaga, maraming mga kasambahay si Zakari pero bakit parang naubos yata? Ni isa man lang sa kanila, hindi niya man lang maha
VANILLA POV "Gusto niyo bang uminom? Para naman hindi lang kaming dalawa ni Zakari ang malasing ngayung araw. Dapat kayo din." nakangiting wika ni Darren pagbalik naming dalaw ni Lexi dito sa table nila. Naupo ako sa tabi ni Zakari samantalang si Lexi naman ay naupo sa tabi ni Darren. Hindi pa







