VANILLA Ilang araw pa ang mabilis na lumipas. Kahit papano, naging payapa ang buhay nilang mag-ina. Hindi na din nagpakita sa kanya si Zakari at kahit sa mga anak niya na labis niyang ipinagpasalamat. Naging abala na din siya sa negosyo nilang dalawa ni Darren. Pumapasok na din siya ng opisina habang ang kambal ay nasa bahay lang. Minsan, isinasama niya ang mga ito sa opisina pero kadalasan, kusang nag papaiwan sa bahay para maglaro. Hangang sa isang araw, niyaya niya ang mga anak niya na lumabas para bumili ng mga School supplies at iba pang mga gamit na gagamitin ng mga ito dahil ilang araw na papasok na sila sa iskwelahan. Kinder garden man sila, gusto niya nang kumpletuhin ang mga gamit ng mga ito. Isa pa, mmalapit na ang pasukan kaya naman ito na ang tamang pagkakataon para ihanda ang mga gamit nila sa pagpasok sa School. Pagdating sa mall, una nilang dinaanan ay ang book Store. Pagkatapos, dumaan din sila sa department store at kids section para ibili ng mga damit at kun
VANILLA Laglag ang balikat na naglakad siya ulit papasok ng bahay. Naabutan niya ang kambal na nasa living room at isa-isa nang binubuksan ang mga laruan na dala ni Zakari para sa kanila. "Nathan, Hannah..hindi ba't binilinan na kayo ni Mommy na bawal kayong makipag-usap sa stranger?" seryosong tanong niya sa mga ito. Napansin niyang nagtitigan pa ang dalawa bago sumagot si Nathan. "Mommy, hindi naman po siya stranger eh. Tsaka, pumunta na siya dito sa atin noong nakaraang araw kaya hindi po siya masamang tao." sagot naman ni Nathan sa kanya. "Nathan! Sino ang may sabi sa iyo na hindi siya stranger? Kailan niyo lang siya nakita tapos tumatangap na kaagad kayo ng mga regalo mula sa kanya?" seryosong tanong niya dito. Napansin niyang kaagad na natameme si Nathan. Dahan-dahan nitong nabitawan ang hawak na regalo at malakas na umiyak "Huhuhu! Mommy, galit po ba kayo sa akin? HIndi naman sinasadya ni Nathan eh. Tsaka, mukhang hindi naman po siya bad guy! Katunayan nga, kinarga ni
VANILLA "Huwag ang mag-aalala, Vanilla. Mukhang nagbago naman na si Zakari dahil hindi ka naman niya pinwersa kanina diba? Kusa din siyang umalis pagkatapos naming mag-usap. " seryosong wika ni Darren kay Vanilla. Nandito sila sa living room ng bahay at ramdam pa rin ni Vanilla ang takot sa puso niya dahil sa muling pagkikita nilang dalawa ni Zakari kani-kanina lang "Sa palagay mo kaya, hindi na siya babalik para guluhin ang buhay ko?" seryosong tanong ni Vanilla kay Darren. Kung hindi siguro involved ang mga anak niya, hindi siya matatakot ng ganito eh. Alam niya sa sarili niya na nagdududa si Zakari na anak nito ang kambal. Kung bakit naman kasi hindi siya nakapaghanda sa muli nilang pagkikita eh. Sabagay, hindi niya din naman akalain na magku-krus kaagad ang landas nila ng lalaking iyun. "Hindi natin masabi iyan pero I think, may kaunti naman akong nakitang pagbabago sa ugali niya. Hindi ka na niya pinilit kanina diba? kahit papaano, nakipag-usap din naman siya ng matino sa
ZAKARI Hindi mapigilan ni Zakari na mapangisi. Tingnan mo nga naman ang babaeng ito. Nakatulog kahit sa pinakamahirap na sitwasyon. Ah, baka naman nasanay na sa mga ganitong klaseng parusa? "Ilabas niyo siya. Gusto kong siyang makausap." seryosong utos niya kay Dark. Kaagad naman itong tumalima. Ini-unlock ang susi ng kulungan na siyang dahilan kaya nagising si Freya at nang mapansin nito ang presensya nito, malakas itong pumalahaw ng iyak. 'Zakari! Zakari! Maawa ka sa akin. Promose, hindi ko na uulitin. Magiging mabait na ako kay NIcholas basta, basta ilabas mo na ako dito. Please!" umiiyak nitong sambit. Hindi niya naman mapigilan ang mapaismid. "Nang tuluyan na itong nakalabas, inilapit ito sa kanya nila Dark kaya naman galit niya itong hinawakan sa ilalim ng baba para tanungin. "Ano ang ginawa mo kay Vanilla noong mga panahon na iyun?" seryosong tanong nya dito. Napansin niya ang takot sa mga mata nito habang nakatitig sa kanya. Hindi marahil inaasahan ang naging tanong
ZAKARI "Kung limang taon kang nagdurusa sa pagkawala ni Vanilla, paano pa kaya ako? Alam mo bang minu-minuto akong kinakain ng matinding konsensiya dahil sa nangyari kay Lexi? Oo, ikaw ang huli niyang kasama bago siya nawala pero sana...sana inisip mo man lang ang mararamdaman ko. Gusto ko siyang makita sa huling pagkakataon pero pinagkait mo siya sa akin, Zakari. Sabihin mo sa akin...talaga bang kaibigan kita?" puno ng pait sa tono ng boses ni Darren habang sinasabi ang katagang iyun na siyang labis na ikinagulat ni Zakari. "Si Lexi? So, kung ganoon, gumaganti ka sa akin dahil kay Lexi?' seryosong tanong niya dito "Yes...kung paganti man ang lahat ng ginawa ko....maaring totoo! Maraming taon na ang lumipas at kung saan-saang bansa na ako nakarating para makalimot pero hindi pa rin siya mawala-wala sa puso at isipan ko. Hinahanap ko ang presensya niya at hindi ko alam kung magiging masaya pa ba ako. Siguro, mamatay na lang akong malungkot." sagot ni Darren. "Si Lexi? Si Lexi?
Zakari "Yeah...maybe! Maybe nababaliw na nga ako. Alam mo ba kung bakit? Dahil sa sobrang pagkahumaling ko sa iyo....lahat na lang ng galing sa iyo ay gusto kong angkinin. Limang taong kang naglaho na parang bula at hindi mo man lang ba naisip ang posible kong maramdaman? Akala ko ba galit ka kay Darren, pero bakit siya ang kasama mo ngayun?" seryosong tanong ni Zakari kay Vanilla. Ang kaninang pagtitimpi niya ay tuluyan nang naglaho "Imagine, nagalit ka sa akin ng sobra noon dahil sa mga larawan at mga fake videos na nagkalat sa internet! Hindi mo ba alam na si DArren ang may kagagawan ng lahat ng iyun? Sa akin ka nagalit noon dahil akala mo kagagawan ko ang lahat! Pero, alam mo inintindi kita. Umaasa ako na kapag maiharap ko na si Darren sa iyo...magiging maayos din ang pagsasama natin. Pero ano ang ginawa mo? Sa loob ng limang taon...siya ba ang kasama mo? Ha?" muilng tanong ni Zakari kay Vanilla. Sa pagkakataon na ito, ramdam na ni Vanilla ang matinding pagkasimaya sa boses ni