Two months later...
Hindi na sila nagkita o nag-usap man lang ni George simula noong kasal ng mga kapatid nila. Hindi na rin kasi ito tumawag Sa totoo lang ay namimiss na niya ito ngunit mas mabuti na rin na maagang naputol ang kanilang relasyon upang mas madali niya itong makalimutan.
Nakatulong ang pagiging abala niya sa trabaho upang hindi na gaanong isipin pa ang binata. Sa susunod na linggo na ang kasal ng bestfriend kaya nadagdagan ang pinagkakaabalahan niya.
Tinapos niya muna ang paggawa ng lesson plan bago nagpasyang umuwi. Pasado alas singko na kaya nasisiguro niyang nasa labas na ng paaralan si Mang Larry. Pagkatapos ligpitin ang mga gamit ay lumabas na siya ng school campus. Tinanaw niya ang lugar kung saan laging pumaparada ang matanda ngunit wala roon ang tricycle nito. Sa halip ay may nakaparada roong isang itim na Ford SUV. "Baka may pasahero pang inihatid," aniya sa sarili.
Lumabas mula sa sasakyan ang isang pamilyar na pigura at
Simula noong nagkaayos sila ni George ay lagi na itong tumatawag o nag-vivideo call. Ikalawang linggo na ngayon simula nang magka-ayos sila. Sinikap din niyang huwag nang mapalapit pa kay Simon sa kabila ng pagpupursigi nito."It's too early to give up, Estella. Mawawala lang ako saglit but I would surely come back," anito. "...then I will continue courting you." Malungkot na sabi nito."Please Simon, huwag mo nang pahirapan ang sarili mo." Sumamo niya rito.
Nagising siyang masama ang pakiramdam. Masakit pa rin ang dibdib niya dahil sa natuklasan noong nakaraang gabi."Umiyak ka ba ate?" Nag-aalalang tanong ni Roxanne habang nakatingin sa kanya. Sa iisang silid sila natutulog kapag narito ang nakababatang kapatid at pamilya nito. Nakaupo ito sa upuang malapit sa katre habang may tinitingnang papel. Narito ang kapatid dahil sa bakasyon na nito sa klase.Hindi siya sumagot. Bumangon na siya at iniligpit ang higaan.
Ipinaalam nila sa pamilya ni Elizabeth ang nangyari. Katulad nila ay labis din ang hinagpis ng mga ito. Matapos ang labing dalawang araw na burol ay inihatid na nila ang mga ito sa huling hantungan. Bumalik na rin sa Maynila ang mga kaanak ni Elizabeth. Nagbago ang lahat sa buhay nila. Naging tahimik ang dati ay masaya nilang tahanan. Tatlo na lang sila ngayon, siya, si Roxanne at ang tatlong buwan na si Elisha.Tatlong araw makaraang ilibing ang mga mahal sa buhay ay bumalik sa kanilang bahay si Don Manolo."Nais ko sanang kunin ang aking apo upang doon palakihin," anang matanda.Inaasahan niya na ang ganitong usapan ngunit hindi niya inakala na ganoon kadali itong mangyayari.Huminga siya ng malalim, "Tulad niyo ho ay gusto ho naming makasama at maalagaan si Elisha.""Alam ko hija," malungkot na sabi nito."Ngunit doon ay mas maalagaan namin siya." Sabad ni George habang nakatayo at nakapamulsa ang dalawang kamay.Tiningnan niya ito
Kinabukasan nga ay lumuwas si George papunta sa kanilang probinsiya. Mga bandang tanghali na ito dumating sa kanila. Karga niya si Elisha nang dumating ito. Nakahanda na rin ang mga gamit ng bata. Inilabas na niya ang mga ito sa sala upang madaling mabitbit kung sakaling aalis na.Nag-angat siya ng mukha ng maramdaman na may tumititig sa kanya. Naroon na pala ang binata at noon ay nakamasid sa kanya habang nakatayo sa may pintuan."Andiyan ka na pala," matamlay niyang sabi.
Hindi niya inaasahan ang araw na ito. Noong mga naunang araw lang ay halos kamuhian niya si George dahil sa inakalang panloloko nito. Pero ngayon, hito at magkahawak kamay sila habang ikinakasal sa huwis. Dahil sa mga koneksiyon nito ay nagawa nitong maayos ang lahat para sa kasal nila ng hindi niya namamalayan. Naroon si Roxanne na karga si Baby Elisha. Naroon din sina Odette at Josh at sina Delfin at girlfriend nitong si Judy upang tumayong witness."I now pronounce you husband and wife. You may now kiss your wife." Masayang wika ng huwis pagkatapos ng kanilang wedding vows at magpalitan ng singsing.
Tatlong buwan na ang nakalilipas simula ng ikasal sila ni George. Tinupad naman nito ang pangako na ibabalik si Elisha pagkaraan ng ilang Linggo. Walong buwan na ito ngayon at talagang malikot at bibong-bibo na. Hindi pa man nakapagsasalita ay maingay at madaldal na ito. Masarap itong yakapin lalo na't nagkakalaman na. Marunong na rin itong gumapang.Isang umaga..."M-mmamama" anito habang nakasubo ang mga daliri sa bibig. Nakaupo ito sa kuna.
Dumating na ang araw na pinakahihintay niya. Ito ay ang pagbabalik bansa ng asawa. Lumuwas sila ng Maynila para salubungin ito sa airport. Mula sa mansiyon ay nagpahatid sila sa family driver ng mga ito. Walang pang kinse minutos na paghihintay ay natanaw na niya ang paglabas nito sa airport."George!" Tawag niya rito.Kumaway ito at nakangiting lumapit sa kinaroroonan nila. "My Estella," sabi nito at agad siyang niyakap at hinalikan sa noo. "Hey, pretty girl." Anito sa pamangkin na noon ay karga niya.
"Honey dali, lapit ka!" Tawag niya sa asawa. Nakaupo siya noon sa kama habang nagpapahinga. Nagmamadali naman itong lumapit at nagtataka."Why?" Maang na tanong nito."Akin na ang kamay mo," sabi niya sabay kuha sa kamay nito at inilagay sa ibabaw ng kanyang tiyan. Saktong gumagalaw ang baby sa kanyang sinapupunan."Wow!" Bulalas nito nang maramdaman ang pagkilos ng anak. Ipinatong nito ang tainga sa