Love Me Simply

Love Me Simply

By:  Tikali  Ongoing
Language: English_tagalog
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
56Chapters
1.6Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Gulong-gulo ang isip niya. Hindi niya inaasahang sa isang iglap ay magbabago ang takbo ng buhay niya. “Huwag kang mag-alala baby Elisha, mula ngayon ako na ang mag-aalaga sa’yo,” pumatak ang luha niya ng hindi niya namamalayan. Labis ang pagdaramhating kanyang nararamdaman. Wala na ang nanay niya, maging ang bunsong kapatid na si Troy at ang girlfriend nitong si Elizabeth Del Castillo. Pupunta sana ang mga ito sa health center upang i-pacheck up ang tatlong buwang sanggol na noon ay mataas ang lagnat at kinukumbulsiyon. Sa di inaasahang pagkakataon ay nabalitaan na lamang niya ang masakit na pangayayri. Naaksidente ang sinasakyang dyip ng mga ito at tanging si Baby Elisha lamang ang nakaligtas. Handa siyang alagaan at ituring na tunay na anak ang pamangkin, hanggang dumating ang araw na gusto itong kunin ng mayamang pamilya ni Elizabeth. Nagdadalawang isip siyang palakihin ito sa mga Del Castillo. Natatakot siyang makuha nito ang masamang ugali ng tiyuhin nitong si George Del Castillo... ngunit higit sa lahat, natatakot siyang mawalan ng dahilan upang magkita pa sila ng binata.

View More
Love Me Simply Novels Online Free PDF Download

Latest chapter

Interesting books of the same period

Comments

No Comments
56 Chapters

Chapter 1: Love for family

Sa bahay...Isinandal niya ang likod sa kawayang upuan at hinilot nang bahagya ang sentido. Hindi niya maiwasang mastress dahil sa sitwasyon niya ngayon. Oo nga’t mayroon siyang trabaho ngunit sa aminin niya’t hindi, medyo hikahos pa rin sila sa buhay. Sapat lang ang sinasahod niya bilang isang public school teacher upang matustusan ang pang araw-araw na pangangailangan at pag-aaral ng dalawang kapatid sa kolehiyo.“O Estella anak, mukhang pagod ka na. Maanong magpahinga ka muna.” Sabi ng Nanay Lourdes niya.“Sandali na lang ho ito Nay at matatapos na rin ako.” Sagot niya sa ina.“O siya sige, huwag kang masiyadong magpapagod at baka magkasakit ka.” May himig pag-aalalang saad nito.Mula sa pagkakaupo inabot niya ang beywang ng ina at niyakap ito nang may pagmamahal. “Huwag po kayong mag-alala sa’kin Inay. Mukhang kayo po ang kailangang magpahinga.”Batid niyang magha
Read more

Chapter 2: Meeting An Arrogant Stranger

Nahihilo na siya sa biyahe. Mula sa airport ay agad siyang pumara ng taxi papunta sa hotel na pagdarausan ng seminar. Kung bakit naman kasi hindi niya naitanong kaagad noon kay Mrs. Castro kung saan ito gaganapin. Kailangan pa pala niyang lumuwas mula sa probinsiya nila hanggang dito sa NCR. “Tsk…it’s okay, anyway nandito naman na ako,” kausap niya sa sarili. Pumara ang sinasakyan niyang taxi sa isang magarang hotel. Sa unang tingin pa lang ay talagang nakakamangha ang ganda nito.“Del Castillo Hotel and Restaurant,” basa niya sa signage sa entrance nito. Agad siyang lumapit sa front desk.“Good morning ma’am, welcome to Del Castillo Hotel and Restaurant. How can I help you?” magiliw na bati ng hotel receptionist sa kanya.“I am here to attend a seminar,” pagsisimula niya. Sinabi niya ang pangalan ng seminar na dadaluhan.Mabuti na lang at may nakareserve na palang rooms
Read more

Chapter 3: Embarrassing Moment

Last day na ng seminar nila ngayon. At long last, makakauwi na rin siya sa pamilya na sobra-sobra na niyang nami-miss. Napagpasyahan nila Christine at Roselyn na mamasyal muna at mamili na rin ng mga pasalubong pagkatapos ng seminar at bukas na lang ng umaga umuwi. At siyempre, hindi pumayag ang mga ito na hindi siya sumama."Sige na Ella sumama ka na, minsan lang naman ito", pamimilit pa ni Christine. Ella ang tawag sa kanya ng mga kaibigan at dati niyang kaklase."Oo nga Ate Ella, 'wag masyadong kuripot. Bawasan din minsan ang pera mo sa bangko," natatawang biro naman ni Roselyn.Wala na nga siyang nagawa at sumama na rin. Tama rin naman ito, minsan lang talaga ito. Bihira na siyang nakakapamasyal simula ng mamatay ang tatay niya at maipasa sa kanya ang pagtataguyod sa kanilang pamilya. Mahal niya ang nanay at mga kapatid niya kaya hindi mabigat sa loob niya kung siya man ang naging bread winner nila. Kung nabubuhay lamang ang tatay niya, hinding hindi sila ni
Read more

Chapter 4: Her brother's Girlfriend

Madaling araw pa lang ay gising na sila. Dala marahil ng stress sa nangyari nang nagdaang gabi ay hindi siya gaanong nakatulog. Idagdag pa ang sakit ng tagiliran na nararamdaman niya. Kahit puyat ay nagawa niyang bumangon at maghanda para sa mahaba-haba ring biyahe. "May malapit na fast-food dito, dumaan muna tayo nang malamnan ang mga tiyan natin bago tayo magbiyahe. Mahirap magbiyahe na walang laman ang tiyan," anyaya ni Christine. Sa loob ng isang linggo nilang pagsasama-sama nila sa isang hotel room ay ito ang laging nangunguna sa pagpapl
Read more

Chapter 5: Where Is Elizabeth Del Castillo?

George's POV:"Nacontact niyo na ba?" Tanong ng ama sa kanya."Not yet Dad." Medyo nabubwisit na siya sa kapatid. Magtatatlong araw na itong wala and none of her friends could tell where she is. Wala rin ang bestfriend nitong si Marie. Ayon sa parents nito ay nasa probinsiya raw. "If she's there with her, then why not bother to answer the phone!" Maktol niya."Try to call her again son. I'm so worried for your sister." Utos ng ama. "If you won't find her today, I'll get a private detective to go search for her."Mahal na mahal nito ang kapatid niya. Namatay kasi ang mommy nila sa panganganak dito kaya mula noon ay siniguro ng daddy nila na kahit wala ang mommy ay hindi mararamdaman ng kapatid na kulang sila. Ibinuhos nito ang pagmamahal sa bunso. Siya ng mga panahong iyon ay fifteen  years old na kaya nauunawaan na niya ang lahat. Katulad ng ama ay labis rin ang lungkot niya sa pagkawala ng ina. Mahirap lumaki na walang inang gumagabay. Sabihin mang
Read more

Chapter 6: Him and Her: Into Each Other

Estella's POV: Bago pa man makalabas ng pintuan ay natanaw niya ang pagbaba ng isang lalaki mula sa driver's seat ng sasakyan. He's a beautiful man in his middle thirty wearing a blue denim jeans, white t-shirt and a pair of cool white sneakers. He looks so fresh in his faded undercut hair style. His aura seems so powerful. Naramdaman niya ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso. Nakita na niya ang lalaking ito. Tama! Siya 'yung nabangga niya sa may elevator at sa Pasalubong Center three months ago. Pero ano ang ginagawa niya rito? Kinakabahan man ay naglakas loob siyang lumabas upang masagot ang mga tanong niya. George's POV: Sinuyod ng kanyang paningin ang bahay na kinaroroonan umano ng kapatid. Isa itong bungalow type of house. Shade ng blue ang pintura ng wall nito at at mas dark na blue naman ang bubong. Napapalibutan ito ng bakod na kawayan. Sa loob at kaliwang bahagi ng bakuran ay may dalawang puno ng mangga na may nakabitin na duyan. Maraming or
Read more

Chapter 7: Secret Admirer

Two weeks later...Bumalik na si Elizabeth sa Maynila kasama ng kuya nito. Si Troy naman ay bumalik na rin sa eskwela. Nangako si George na ibabalik ang kapatid kapag naayos na ang lahat. Ayaw nitong biglain ang ama kaya humingi ng panahon para masabi rito ang tungkol sa kapatid. Nalaman niya na tanging ang daddy na lang ng mga ito ang nabubuhay.Katulad ng dati, laging minomonitor ng ina ang dalawang kapatid. Sa katunayan ay mas naging mahigpit pa ito, lalo na kay Roxanne. Hindi na nito nais na maulit sa huli ang nangyari kay Troy. Mas lalo itong n
Read more

Chapter 8: The Arrogant Visitor

Araw ng Linggo...Maaga silang bumangon. Nakaugalian na nilang magsimba bawat Linggo kasama ang buong pamilya. Ngayon, nadagdagan na ang miyembro ng pamilya nila. Sa mga susunod na buwan ay isisilang na rin ni Elizabeth ang unang pamangkin niya. Natutuwa siya sa isiping ito. Masiyado pang maaga para maexcite dahil tatlong buwan pa lang naman ang tiyan nito ngunit hindi niya na mahintay ang pagdating nito."Handa na ba kayo? Tanong niya sa mga kapatid pagkalabas ng silid. Sabay-sabay sila lagi sa pagpunta sa simbahan."Oo ate, kanina ka pa nga namin hinihintay eh," sagot ni Roxanne."O siya tayo na." Wika niya sabay pulot sa sling bag. "Ang inay?" Hinanap ng kanyang paningin ang ina."Nasa labas na, kausap si Aling Teresa." Sagot nito. Ang magkasintahang Troy at Elizabeth naman ay nagpatiuna nang lumabas matapos magpaalam sa kanya."Ganoon ba? O siya, sige tayo na." Lumingon siya sa kusina at may hinahanap ang mga mata niya.Tumikhim s
Read more

Chapter 9: Unexpected Call

Mabilis na lumipas ang mga araw. Nasa ika-walong buwan na ng pagbubuntis ni Elizabeth ngayon. Ipinagpatuloy nito ang pag-aaral sa Maynila at si Troy naman ay ganoon din dito sa probinsiya. Hindi nawalan ng komunikasyon ang mga ito at dalawang beses din sa isang buwan kung lumuwas ang kapatid roon. Hindi naging problema iyon sapagkat hindi nagkulang sa suporta ang pamilya ni Elizabeth. Bagay na ipinagpapasalamat nila. Dahil Christmas break ay naisipan ng mga ito na doon na muna sa Maynila mamalagi hanggang sa makapanganak ito. Ito ang unang pasko na hindi sila magkakasama. Malungkot si Aling Lourdes dahil wala ang bunso nito ngunit nauunawaan naman nito na may obligasyon na ang anak. At isa pa ay excited na rin itong makita ang unang apo. Siya naman ay patuloy sa mga school reports. Ganito kasi ang maging isang guro. Kahit bakasyon ay may mga reports na kailangang isumiti, kahit dis oras na ng gabi ay nakakatanggap siya ng request mula sa school head na madalas ay to
Read more

Chapter 10: Confused Hearts

Estella's POV: Pagkatapos nitong patayin ang tawag ay saglit na nablangko ang isip niya. Tinawag siya nitong 'My Estella'? Hindi niya maintindihan ang nararamdaman ngayon. Parang gusto niyang kiligin na parang gustong kabahan. Liban sa insidente sa elevator at Pasalubong Center ay limang buwan pa lang simulang makilala niya ito, iyon 'yung araw na pumanta ito sa kanila para kunin si Elizabeth. Pangalawang beses naman niyang nakita ito noong inihatid nito ang mga gamit ng huli. At sa pagkakataong iyon ay nagtagal ito ng tatlong araw sa kanila kung saan nakakasabay niya ito sa almusal, tanghalian at hapunan ngunit hindi sila kailan man nag-uusap dahil lagi niya itong iniiwasan.
Read more
DMCA.com Protection Status