Dumating na ang araw na pinakahihintay niya. Ito ay ang pagbabalik bansa ng asawa. Lumuwas sila ng Maynila para salubungin ito sa airport. Mula sa mansiyon ay nagpahatid sila sa family driver ng mga ito. Walang pang kinse minutos na paghihintay ay natanaw na niya ang paglabas nito sa airport.
"George!" Tawag niya rito.
Kumaway ito at nakangiting lumapit sa kinaroroonan nila. "My Estella," sabi nito at agad siyang niyakap at hinalikan sa noo. "Hey, pretty girl." Anito sa pamangkin na noon ay karga niya.
"Honey dali, lapit ka!" Tawag niya sa asawa. Nakaupo siya noon sa kama habang nagpapahinga. Nagmamadali naman itong lumapit at nagtataka."Why?" Maang na tanong nito."Akin na ang kamay mo," sabi niya sabay kuha sa kamay nito at inilagay sa ibabaw ng kanyang tiyan. Saktong gumagalaw ang baby sa kanyang sinapupunan."Wow!" Bulalas nito nang maramdaman ang pagkilos ng anak. Ipinatong nito ang tainga sa
Estella's POV:Pagkaalis ng asawa upang pumasok sa opisina ay siya namang pagdating ni Roxanne. Karga niya noon si Elisha habang tumitingin sila sa mga bulaklak sa harden. Natutuwa ang bata sa mga nagliliparang paru-paro na iba-iba ang kulay."Ate! Elisha!" Tawag ng kapatid.Agad niyang nakilala ang boses nito kaya agad siyang lumingon. Nasorpresa pa siya dahil buong akala niya ay sa susunod na Lingg
Estella's POV:Christmas eve..."Merry Christmas!" Masayang bati nila sa isa't-isa. Kanya-kanya silang bigayan ng mga regalo."Merry Christmas honey!" Bati niya sabay halik sa asawa."Having you by my side is indeed the merriest Christmas, my Estella.
George's POV:Apat na araw na nakabalik mula sa bakasyon si Evan. Bumalik naman si Angela sa HR kung saan ito dating naka-assign. Unang araw pa lang ng pagbabalik trabaho nito ay may mahalagang bagay na na iniutos siya dito. At ngayon, narito ito sa office niya para ibalita ang impormasyong nakalap ng mga tauhan nito. Mataman siyang nakikinig rito."So, this is what happened." Pagsisimula nito. "On the 23rd day of November, she collapsed during her classes and was brought to the school clinic. This did not end there. She was brought to the hospital
Malaki ang pasasalamat ni Estella na nariyan ang kanyang asawa na handang tumulong sa pagpapagamot ni Roxanne. Pagkatapos ng bagong taon ay bumalik sa probinsiya ang kapatid dahil sa magsisimula na rin ang pasukan. Sa kabila ng pagiging malayo rito ay hindi niya kinalimutan na ipaalala rito ang pangangalaga sa sarili. Sinisiguro niya na naiinom nito sa tamang oras ang mga gamot nito. Kinuha niya ang isa nilang pinsan upang mag-alaga rito. At dahil nahihiya naman siya na iasa lahat sa asawa ang gastusin sa pagpapagamot ng kapatid ay nagdesisyon siyang mag-apply bilang online English teacher. Dahil sa qualified naman siya ay agad siyang natanggap. Mabilis na lumipas ang mga araw. Naging abala sila sa pagsasaayos ng mga kakailanganin para sa unang kaarawan ni Elisha. Mas pinili nilang isagawa ang handaan dito mismo sa mansiyon. Kasalukuyang nag-i-ski
Pagkatapos mananghalian ay nagpahinga muna sila bago umalis upang magpa-ultrasound. Nalibang siya sa katitingin sa mga nagtataasang building, mga taong paroo't parito at maging mga sasakyan na abala sa kalsada kaya hindi niya namalayan na malapit na sila sa clinic."We're here." Wika ng asawa nang maiparada ang sasakyan sa parking lot. Bumaba ito at umikot upang pagbuksan siya ng pinto. Inalalayan siya nito sa pagbaba, "Be careful," anito.Magkahawak kamay silang pumasok ng clinic. Agad naman silang binati ng assistant ng magiging OB niya.
Estella's POV:Maaga pa lang ay gising na gising na ang lahat sa mansiyon. Ngayon ang unang kaarawan ni Elisha at excited ang lahat. Kahit malaki na ang tiyan ay nagboluntaryo siyang paliguan ang pamangkin. Namiss niya rin kasing gawin ito. May yaya naman ang bata na siyang nagpapaligo at nag-aalaga rito, pero sa araw na ito gusto niyang muling gawin ito. Sa aminin niya man o hindi, bigla niyang namiss ang nanay at si Troy maging si Elizabeth. Habang pinapaliguan niya si Elisha ay tumulo ang kanyang luha. Ngunit agad namang nawala ang kanyang lungkot ng marinig ang masayang boses ng bata na tumatawag sa kanya.
Estella's POV:Pagod na pagod ako sa maghapong preparasyon at pagdiriwang ng kaarawan ni Elisha. Salamat at natapos ito nang maayos. Kanina ko pa hinahanap ang asawa ko ngunit hindi siya maapuhap ng mga mata ko. Napansin marahil ako ni Daddy Manolo kaya kinausap niya ako at pinayuhang pumanhik na upang makapagpahinga. Inutusan pa nito si Pauline na samahan ako sa silid naming mag-asawa."Pinsan, okay ka lang ba?" Tanong ni Pauline sa akin."Ha? Ah, oo okay lang ako," pagsisinungaling ko pa."Kanina ka pa kasi hindi mapakali. Kung iniisip mo ang asawa mo, dahil napansin ko rin na kanina pa siya wala, eh baka may importante lang na pinuntahan." Mahabang wika nito. "Huwag kang masyadong mag-iisip, makakasama iyan sa pinagbubuntis mo." Pahabol pang paalala nito.Huminga ako nang malalim bago nagsalita. "Hindi niya ugaling hindi magpaalam sa'kin," wika ko. "Kino-contact ko siya, hindi niya naman sinasagot ang tawag ko." May himig na inis na sa bos