STANLEY POV
Pinipigilan ni Stanley na mangiti habang pinagmamasdan si Mariam. Paano ba naman ay mukha itong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ba talaga nito naisip ang mga pagbabago kapag nakasal sila?
“Are you okay?” tanong ni Stanley na may halong pagngisi.
“Y-yes,” sagot ni Mariam ngunit hindi pa rin naalis sa mukha ang pag-aalala.
“Really? It doesn’t seem like it,” ani ni Stanley. “Are you bothered na magsasama tayo sa room?” Ngunit mukhang hindi naman pinapakinggan ni Mariam ang sinasabi niya dahil para bang may iniisip itong iba. Nang bigla itong magsalita.
“Wait… What if I’ll go back to my room pag kalaliman na ng gabi para wala nang makakita sa akin?” Medyo natuwa siya sa naisip at bumaling ng tingin kay Stanley. “What do you think?”
“It would be risky. Kailangan maingat tayo,” pagtanggi agad ni Stanley. Ang totoo ay hindi na siya makapaghintay na magkasama sila sa iisang kuwarto.
“I would be cautious,” sagot naman ni Mariam.
“So do you mean you will still get a room under your name? Hindi kaya magsuspetya ang mga personnel sa atin niyan?” habol ni Stanley.
“Oo nga ‘no.” Nawala uli ang ngiti sa mga labi ni Mariam at nadismaya. Nakatulis ang nguso nito na siyang lalong kina-cute niya. Hindi maiwasan ni Stanley na mapangiti habang pinagmamasdan siya.
“Kailangan ba talaga magsama tayo sa kwarto? Paano kung bigla mo akong gapangin!?” biglang dagdag ni Mariam. Napatawa si Stanley sa narinig. Nanatili namang seryoso ang mukha ni Mariam.
“Excuse me. Hindi ako ganoong klaseng lalake. Unless aakitin mo ako,” may pang-aasar ni Stanley.
“At bakit naman kita aakitin!? Hindi kita type!” namumulang tugon ni Mariam.
“Ohhh… okay. If that’s the case then wala ka dapat ipag-alala di ba?” dugtong ni Stanley.
“Y-yes,” medyo nag-aalangang sagot ni Mariam.
“Then goods na tayo diyan. Once we get married, you need to move to my room.” Excited si Stanley ngunit tinatago niya ito dahil baka magalit nanaman si Mariam sa kanya.
Napabuntong-hininga ng malalim si Mariam. Maya-maya ay nag-ring ang cellphone nito.
“Excuse me. I have to take this call,” paalam ni Mariam.
“Sure,” tugon ni Stanley. Agad namang tumayo si Mariam at lumayo kay Stanley.
*****
MARIAM POV
Dali-daling nagtungo si Mariam sa isang tabi malayo kay Stanley upang sagutin ang tawag ni Violet.
“Hello Vi,” mahinang sagot ni Mariam. Nag-iingat siyang huwag marinig ni Stanley.
“Bakit ang hina ng boses mo? Nasaan ka ba?” tanong ng kaibigan.
“Nandito ako sa pavillion,” sagot ni Mariam.
“Ano ginagawa mo diyan?” Walang ideya ang kaibigan dahil hindi niya nasabi dito. Masyadong okupado ang isip niya kagabi tungkol sa contract marriage na iyan.
“I’m having a date with Stanley,” medyo nahihiyang sagot niya.
“Oh, my God! The hot, handsome bachelor Stanley Montecillo!? Spill!” Excited na reaksyon ni Violet. Sobrang lakas ng boses nito at para bang nabasag ang ear drum ni Mariam.
“Hey, tone down. You said I should say sorry ‘di ba? He said he will let it slide if I date him,” sagot ni Mariam.
“Sorry naman. Kinikilig lang ako sa inyo! Type ka niyan pustahan tayo!” pangangantiyaw ng kaibigan.
“Hindi ‘no. It’s not like that. This is for our own benefits,” seryosong sagot ni Mariam sabay rin ng pamumula ng kanyang mga pisngi.
“Our own benefits? Sa’yo alam ko na kung bakit, how about him? What’s in it for him?” pagtatakang tanong ni Violet.
“Should I tell Violet about our contract marriage?” Naguguluhan si Mariam kung sasabihin ba niya sa kaibigan o hindi.
“Uy, nawala ka na?” naiinip na tanong ni Violet.
“We are in the same situation kasi. His parents also want him to marry someone he doesn’t like, kaya we decided to have an agreement.” Hindi matiis ni Mariam na hindi sabihin sa kaibigan ang sitwasyon niya.
“And that agreement is?” dugtong ni Violet.
“Na… we’ll have a contract marriage,” nahihiyang sagot ni Mariam.
“Woah! Seryoso ba!?” Gulat ang boses ni Violet mula sa kabilang linya.
“Yes… Crazy, right? But this is the only way we see para tigilan na kami ng mga parents namin. And besides… this will only last for 6 months, then we can start our new lives again,” pagpapaliwanag ni Mariam.
Nang biglang naputol sa kabilang linya si Violet. Marahil ay nadisconnect ang kaibigan o na-lowbatt. Wala na siyang choice kung hindi bumalik sa kanyang kinauupuan kaharap si Stanley.
“I’m sorry if it takes too long. It’s my best friend,” paliwanag ni Mariam.
“It’s okay. Did you tell her?” tanong ni Stanley.
“Yes… about the contract marriage. Pero di ko sinabi na fake ‘yon. Would that be okay? It’s hard to keep secret from her.” ‘Tila naman napaisip si Stanley at hindi nakasagot agad. “I can promise you na mapagkakatiwalaan naman ang friend ko na ‘yan,” dagdag ni Mariam.
“Okay, if you say so. Wala dapat makaalam na peke lamang ang magiging kasal natin,” paalala ni Stanley.
“Alam ko naman ‘yon. Don’t worry, I’ll be careful about it,” paninigurado ni Mariam.
“Great. Now, let’s talk about our wedding,” Napaismid si Mariam ng narinig ang tungkol sa wedding. Kinabahan siya kahit na peke lamang ito.
“Okay. How are we going to do it?” tanong ni Mariam na pilit itinatago ang kaba.
“I’m planning it to be a simple private wedding. I will ask someone to come over para i-officiate ang wedding natin at ayusin ang mga documents. Ayos lang ba sa’yo iyon?” tanong ni Stanley. Mababakas ang excitement sa boses nito.
“Oo ayos lang sa akin ang simple. This is a fake wedding anyway,” may bigat ang pagkakasabi ni Mariam at napansin niyang napawi ang ngiti sa mga labi ni Stanley. For some reason, nabahala naman siya. Is there something wrong about what she said?
Bigla namang umakto si Stanley na parang naghahanda ng umalis.
“Mabuti pa, let’s call it a night so we can rest and prepare for tomorrow,” seryoso na ang boses nito.
“Tomorrow? Bakit anong meron bukas?” nagtatakang tanong ni Mariam.
“Because tomorrow is our wedding,” sagot ni Stanley.
STANLEY POVIt was a sudden decision. Bigla lang naisip ni Stanley, but he thinks it’s a great idea kung sumama nalang siya kay Mariam.Halata namang nagulat si Mariam at namula. “You’re kidding, right?” paninigurado ni Mariam.“Seryoso ako,” sagot naman ni Stanley.“Bakit ka sasama sa akin?” tanong ni Mariam.“Wala, gusto ko lang… I think mas okay kung mag-abroad na lang. Tutal hindi ko rin nakikita ang future ko dito sa Pinas,” chill na sagot ni Stanley.“Okay, you don’t see your future here. Pero bakit kailangan mo pa sumama sa akin? Pwede naman sa ibang lugar nalang,” nagtatakang tanong ni Mariam.“Because I want to be near you.” Ito ang gustong isagot ni Stanley subalit hindi niya masabi dahil alam niyang maiilang nanaman lalo si Mariam.“Bakit ba? Eh, gusto ko rin sa Melbourne magpunta e,” pangungulit ni Stanley.“No. Find some other place,” sagot ni Mariam.“Bakit naman? I’ll go wherever I want to go,” pagmamatigas ni Stanley.“But not near me,” firm na sagot ni Mariam.“Why?”
MARIAM POVMariam is stunned. Iba talaga ang karisma ni Stanley. Habang tumatagal ay lumalakas ang epekto nito sa kanya. The annoying part is nahihirapan na siyang i-resist ito.Stanley throws her a mesmerizing gaze, ‘yung tipong nakakapanghina ng tuhod. Luckily, hawak nito ang bewang niya kung hindi ay kanina pa siya nahulog.“I can’t give in to his charm. Not this way…” Tinulak ni Mariam ng palayo si Stanley upang makawala sa pagkakahawak nito. Lagi na lang siyang pinagtritripan nito.“Ano nanaman sinasabi mo? It was just an act. Ngayon, mas marami nang naniniwala about our fake relationship,” wika ni Mariam. “Balik muna ako sa kwarto.” She is about to leave when Stanley grabs her hand. Nilingon niya ito ng may halong pagtataka.“Maya na tayo bumalik sa kwarto, hon,” sagot ni Stanley may halong paglalambing. Nagulat siya sa akto nito, lalo na nang niyakap siya nito ng mahigpit.“What are you doing?” bulong ni Mariam na bahagyang tinutulak si Stanley. Nang marinig niya ang boses ni
MARIAM POVNabigla rin si Mariam sa kanyang sarili. Para bang awtomatikong gumalaw ang katawan niya. Pero bakit!? Dahil ba nagseselos siya? “No!” Agad siyang huminto sa paglalakad. Nagtaka naman si Mika na kasalukuyang sumusunod sa kanya na siyang napahinto rin. “Bakit ka huminto? Tara puntahan natin ang mga babaeng ‘yan!” Sulsol ni Mika. Mukhang inis-inis din ito sa mga babae.“Baka naman may tinatanong lang,” mahinahon niyang tugon. Hanggang sa napansin niyang nagtatawanan na ang mga ito at pabirong pinalo ng isang babae si Stanley. “At gustong-gusto naman niya!” inis na nasambit ni Mariam sa isip.Naalala niya na ito rin ang mga babae noon sa buffet restaurant.“Ayan ba ang may tinatanong!? They are obviously flirting with your husband!” puna ni Mika. Parang biglang kumulo ang dugo ni Mariam nang makita ang ginawa ng babae gayon din ang reaksiyon ni Stanley. Nanggigigil siya sa mga ito! Mika is right. They are intentionally flirting with Stanley.“How should I handle this?” Pin
STANLEY POV Inabangang maigi ni Stanley kung ano ang isasagot ni Mariam sa kanya. He decided to make a move, and flirting with her is the start.Tinitigan ni Stanley ng matiim si Mariam, ngunit nanatiling tahimik lang ito.“Hey, I’m asking you?” tanong ni Stanley.“I think I don’t need to answer that. It’s my private thing,” sagot ni Mariam.“Yes, but my name was being mentioned,” pilit ni Stanley.“Bakit? Ikaw lang ba ang Stanley na kilala ko?” Nakataas ang kilay na sagot ni Mariam. Hindi naman agad nakasagot si Stanley.Medyo dismayado siya na hindi niya nakuha ang sagot na gusto niya. Bakit nga ba siya umasa na makakaisa siya kay Mariam e saksakan ng pagkama-pride at konserbatibo nito?Napabuntong-hininga na lamang siya. Maya-maya ay tumunog ang phone niya at nakitang natawag si James. Sinagot niya ito agad.“Hello, pre,” ani niya. “Pre… Baka naabala kita, gising na ba kayo ng misis mo?” tanong ni James. Tumingin si Stanley kay Mariam, ngunit nanatiling poker-faced ito. “Gising
MARIAM POV Lumapit pa si Stanley kay Mariam kasama ang kanyang upuan at kinulit muli ito.“Bakit hindi ka na sumagot diyan?” tanong nito na nakangisi pa. Hindi naman alam ni Mariam ang isasagot niya. “Totoo ba? Narinig niya akong nagmo-moan? At paano niyang nalaman na kasama siya sa panaginip ko?” Hindi makapaniwala si Mariam na narinig siya ni Stanley. It’s supposed to be a secret!“Mag-isip ka, Mariam! Huwag mo siyang hayaang isipin na nagkaroon ka ng wild dream about him.” Nag-isip ng maigi si Mariam kung ano ang pwedeng i-alibi.“Hay naku! Wala akong alam sa sinasabi mo. Lasing nga ko, remember?” pagpapalusot ni Mariam. Ipinagpatuloy niya ang paghigop ng sabaw na kunwari ay walang pakialam.Napatawa naman bigla si Stanley habang pinapanood siya. “Anong nakakatawa?” tanong ni Mariam.“You’re not good at lying, aren’t you?” Pang-aasar ni Stanley.“Lying ka d’yan. Tigilan mo na nga ako. Let me eat in peace,” pilit na umiiwas si Mariam. Sa totoo ay hindi talaga siya marunong magsin
STANLEY POVMuling nagbalik sa alaala ni Stanley ang nangyari kinagabihan, nang hawakan ni Mariam ang kanyang kamay at hilingin na huwag siyang iwan.He was so happy after hearing it and had decided to stay. “Okay, I’ll stay,” ani ni Stanley. Umupo siya sa gilid ni Mariam na hawak pa rin ang kanyang kamay. Hanggang sa tuluyan nang pumikit ang mga mata nito.Pinagmasdan niya ito habang natutulog. Napakaamo ng mukha nito na para bang isang anghel. Ngunit kung anong amo ng mukha nito ay siyang ilap naman na parang usa.Kung hindi pa ito nalasing nang ganito, ay paniguradong hindi siya makakalapit at mapapagmasdan ang mukha nito ng ganitong katagal.“Hindi siya nakakasawang tignan,” nasabi ni Stanley sa isip. Hanggang sa tumagilid ito ng higa kaya naman napunta ang buhok sa mukha nito.Lumipat si Stanley ng pwesto at pumunta sa harap nito upang hawiin ang buhok nito at nilagay sa likod ng tainga. Hanggang sa hindi niya napigilan ang sarili na humiga katabi nito while facing her.He strok