Home / Romance / Love Never Lies / Chapter 6: Fake Marriage 101

Share

Chapter 6: Fake Marriage 101

Author: Dheyskie
last update Huling Na-update: 2025-04-14 15:19:03

MARIAM POV

Mabilis pa sa alas-kuwatro ang sagot ni Mariam at nakita niya ang nabiglang reaksiyon ni Stanley.

“O bakit gulat na gulat ka? Sabi ko deal,” ani ni Mariam. Seryoso ang mga mata niya habang tinatanong si Stanley. Napangisi naman ang binata na tila na-excite ng kumpirmihin muli ito ni Mariam.

“I just didn’t expect na papayag ka agad. I thought pag-iisipan mo muna,” nakangiting sagot ni Stanley.

“Ayaw mo ba?” tanong ni Mariam. 

“Of course, gusto ko,” sagot ni Stanley.

“Ayun naman pala e… Just to remind you, pumayag ka na magbigay din ako ng kondisyon ko kapag pumayag ako sa contract marriage natin,” ani ni Mariam.

“Yes. I mean it,” tugon ni Stanley. 

“I have a question, though,” ani ni Mariam. 

“Go ahead,” ani ni Stanley.

“Why are you against the marriage? Sa tingin ko naman sa mga katulad niyong alta normal na ang arranged marriage. So alam mo na mangyayari ito from the start,” curious na tanong ni Mariam. Gusto niyang mas maintindihan pa si Stanley.

“Yes, I do. But it’s unacceptable on my end. Kailanman hindi ako sumang-ayon sa arranged marriage na ‘yan. Bakit mo sila hahayaan na manduhan ang kaligayahan mo?” mariing lahad ni Stanley.

“We have the same belief,” bulong ni Mariam sa isip.

“Kung ikaw nasa katayuan ko papayag ka ba sa gusto nila?” Napaismid si Mariam sa tanong ni Stanley. “Don’t tell me you’ll let them control your life,” dugtong ni Stanley.

Bumuntong-hininga si Mariam bago sagutin ang tanong ni Stanley. Sa tingin niya ay it’s about time para ilahad na rin ang sitwasyon niya.

“A big no. Actually, we’re in the same situation. Ikakasal na dapat ako kahapon tumakas lang ako at nagpunta rito. Crazy, right?” malungkot na tugon ni Mariam.

“What!? No, that’s not crazy. Tama lang ang ginawa mo,” magkahalong awa at pag-aalala ang mababakas sa mukha ni Stanley.

“That’s the reason why I want to settle things with you. Kapag lumawig pa ‘tong gulo natin pwedeng ma-broadcast at maaaring malaman ng parents ko. I don’t want them to find out na I’m here,” dagdag ni Mariam.

“Oh, I see… I get it now,” sagot ni Stanley. “Since you agree with the contract marriage hindi na aabot pa do’n. Sa totoo lang wala naman talaga akong plano na gawin ‘yon,” nakangising sagot ni Stanley.

“So you tricked me pala,” ang nasabi ni Mariam.

“I’m sorry,” Taos-pusong paghingi ng paumanhin ni Stanley. 

“It’s okay. It’s for my own benefit din naman,” ani ni Mariam.

“Hindi ka galit?” ‘Di makapaniwala si Stanley. Handa na sana siyang masampal o matadyakan nito.

“Of course not. You’re right. ‘Pag nakasal tayo di na nila tayo guguluhin pa.” Inabot ng umaga kakaisip si Mariam tungkol dito kaya naman na-late siya ng gising kanina. Pero na-realize niya in the end na this is the right thing to do.

“Great! Now we’re talking!” masayang tugon ni Stanley.

“It’s only for 6 months, right? Tapos ‘di kamo talaga tayo totoong makakasal?” paglilinaw ni Mariam.

“Yes. May kakausapin ako na ayusin ang fake documents ng kasal natin. Pero dapat mapaniwala din natin sila na mag-asawa nga tayo,” dagdag ni Stanley.

“Teka… ano ibig mo sabihin?” naguguluhang tanong ni Mariam.

“Kailangan natin magpanggap na sweet at mahal natin ang isa’t isa kapag nasa public place at harap ng mga tao. We can’t convince them kung ilag tayo sa isa’t isa.”

“Damn…” Mukhang hindi ito napaghandaan ni Mariam at napakamot ng ulo. 

“I thought you anticipated it nung pumayag ka.” Sabay inom ni Stanley ng kanyang juice habang lihim na nangingiti.

“Shocks. Six months? Kaya ko ba ‘yun?” mahinang tanong ni Mariam sa sarili. Kitang-kita sa mukha niya ang pag-aalala. 

“Oo naman. Mabilis lang ang 6 months ‘no. Dapat nga one year e para mas kapani-paniwala—” Hindi na natapos ni Stanley ang kanyang sasabihin dahil biglang nagsalita si Mariam.

“Okay na yung six months. Three months would be short, and one year would be too long. Tama na iyang 6 months,” ani ni Mariam.

“Okay, if you say so. Just a heads up din, we need to share a room for 6 months,” nakangiting habol ni Stanley sabay kindat.

Pinagpawisan si Mariam ng malagkit sa narinig. Why she didn’t see this coming? Siya at si Stanley, mag-share sa isang kuwarto!? Hindi alam ni Mariam kung ano ang gagawin niya.

“Oh… my… God!” tanging naibulalas niya sa sarili.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Love Never Lies   Chapter 22: Jokes are Half Meant True

    STANLEY POVIt was a sudden decision. Bigla lang naisip ni Stanley, but he thinks it’s a great idea kung sumama nalang siya kay Mariam.Halata namang nagulat si Mariam at namula. “You’re kidding, right?” paninigurado ni Mariam.“Seryoso ako,” sagot naman ni Stanley.“Bakit ka sasama sa akin?” tanong ni Mariam.“Wala, gusto ko lang… I think mas okay kung mag-abroad na lang. Tutal hindi ko rin nakikita ang future ko dito sa Pinas,” chill na sagot ni Stanley.“Okay, you don’t see your future here. Pero bakit kailangan mo pa sumama sa akin? Pwede naman sa ibang lugar nalang,” nagtatakang tanong ni Mariam.“Because I want to be near you.” Ito ang gustong isagot ni Stanley subalit hindi niya masabi dahil alam niyang maiilang nanaman lalo si Mariam.“Bakit ba? Eh, gusto ko rin sa Melbourne magpunta e,” pangungulit ni Stanley.“No. Find some other place,” sagot ni Mariam.“Bakit naman? I’ll go wherever I want to go,” pagmamatigas ni Stanley.“But not near me,” firm na sagot ni Mariam.“Why?”

  • Love Never Lies   Chapter 21: Heart-to-Heart

    MARIAM POVMariam is stunned. Iba talaga ang karisma ni Stanley. Habang tumatagal ay lumalakas ang epekto nito sa kanya. The annoying part is nahihirapan na siyang i-resist ito.Stanley throws her a mesmerizing gaze, ‘yung tipong nakakapanghina ng tuhod. Luckily, hawak nito ang bewang niya kung hindi ay kanina pa siya nahulog.“I can’t give in to his charm. Not this way…” Tinulak ni Mariam ng palayo si Stanley upang makawala sa pagkakahawak nito. Lagi na lang siyang pinagtritripan nito.“Ano nanaman sinasabi mo? It was just an act. Ngayon, mas marami nang naniniwala about our fake relationship,” wika ni Mariam. “Balik muna ako sa kwarto.” She is about to leave when Stanley grabs her hand. Nilingon niya ito ng may halong pagtataka.“Maya na tayo bumalik sa kwarto, hon,” sagot ni Stanley may halong paglalambing. Nagulat siya sa akto nito, lalo na nang niyakap siya nito ng mahigpit.“What are you doing?” bulong ni Mariam na bahagyang tinutulak si Stanley. Nang marinig niya ang boses ni

  • Love Never Lies   Chapter 20: Someone’s Jealous

    MARIAM POVNabigla rin si Mariam sa kanyang sarili. Para bang awtomatikong gumalaw ang katawan niya. Pero bakit!? Dahil ba nagseselos siya? “No!” Agad siyang huminto sa paglalakad. Nagtaka naman si Mika na kasalukuyang sumusunod sa kanya na siyang napahinto rin. “Bakit ka huminto? Tara puntahan natin ang mga babaeng ‘yan!” Sulsol ni Mika. Mukhang inis-inis din ito sa mga babae.“Baka naman may tinatanong lang,” mahinahon niyang tugon. Hanggang sa napansin niyang nagtatawanan na ang mga ito at pabirong pinalo ng isang babae si Stanley. “At gustong-gusto naman niya!” inis na nasambit ni Mariam sa isip.Naalala niya na ito rin ang mga babae noon sa buffet restaurant.“Ayan ba ang may tinatanong!? They are obviously flirting with your husband!” puna ni Mika. Parang biglang kumulo ang dugo ni Mariam nang makita ang ginawa ng babae gayon din ang reaksiyon ni Stanley. Nanggigigil siya sa mga ito! Mika is right. They are intentionally flirting with Stanley.“How should I handle this?” Pin

  • Love Never Lies   Chapter 19: Foolish Heart

    STANLEY POV Inabangang maigi ni Stanley kung ano ang isasagot ni Mariam sa kanya. He decided to make a move, and flirting with her is the start.Tinitigan ni Stanley ng matiim si Mariam, ngunit nanatiling tahimik lang ito.“Hey, I’m asking you?” tanong ni Stanley.“I think I don’t need to answer that. It’s my private thing,” sagot ni Mariam.“Yes, but my name was being mentioned,” pilit ni Stanley.“Bakit? Ikaw lang ba ang Stanley na kilala ko?” Nakataas ang kilay na sagot ni Mariam. Hindi naman agad nakasagot si Stanley.Medyo dismayado siya na hindi niya nakuha ang sagot na gusto niya. Bakit nga ba siya umasa na makakaisa siya kay Mariam e saksakan ng pagkama-pride at konserbatibo nito?Napabuntong-hininga na lamang siya. Maya-maya ay tumunog ang phone niya at nakitang natawag si James. Sinagot niya ito agad.“Hello, pre,” ani niya. “Pre… Baka naabala kita, gising na ba kayo ng misis mo?” tanong ni James. Tumingin si Stanley kay Mariam, ngunit nanatiling poker-faced ito. “Gising

  • Love Never Lies   Chapter 18: Caught Off Guard

    MARIAM POV Lumapit pa si Stanley kay Mariam kasama ang kanyang upuan at kinulit muli ito.“Bakit hindi ka na sumagot diyan?” tanong nito na nakangisi pa. Hindi naman alam ni Mariam ang isasagot niya. “Totoo ba? Narinig niya akong nagmo-moan? At paano niyang nalaman na kasama siya sa panaginip ko?” Hindi makapaniwala si Mariam na narinig siya ni Stanley. It’s supposed to be a secret!“Mag-isip ka, Mariam! Huwag mo siyang hayaang isipin na nagkaroon ka ng wild dream about him.” Nag-isip ng maigi si Mariam kung ano ang pwedeng i-alibi.“Hay naku! Wala akong alam sa sinasabi mo. Lasing nga ko, remember?” pagpapalusot ni Mariam. Ipinagpatuloy niya ang paghigop ng sabaw na kunwari ay walang pakialam.Napatawa naman bigla si Stanley habang pinapanood siya. “Anong nakakatawa?” tanong ni Mariam.“You’re not good at lying, aren’t you?” Pang-aasar ni Stanley.“Lying ka d’yan. Tigilan mo na nga ako. Let me eat in peace,” pilit na umiiwas si Mariam. Sa totoo ay hindi talaga siya marunong magsin

  • Love Never Lies   Chapter 17: The Sound

    STANLEY POVMuling nagbalik sa alaala ni Stanley ang nangyari kinagabihan, nang hawakan ni Mariam ang kanyang kamay at hilingin na huwag siyang iwan.He was so happy after hearing it and had decided to stay. “Okay, I’ll stay,” ani ni Stanley. Umupo siya sa gilid ni Mariam na hawak pa rin ang kanyang kamay. Hanggang sa tuluyan nang pumikit ang mga mata nito.Pinagmasdan niya ito habang natutulog. Napakaamo ng mukha nito na para bang isang anghel. Ngunit kung anong amo ng mukha nito ay siyang ilap naman na parang usa.Kung hindi pa ito nalasing nang ganito, ay paniguradong hindi siya makakalapit at mapapagmasdan ang mukha nito ng ganitong katagal.“Hindi siya nakakasawang tignan,” nasabi ni Stanley sa isip. Hanggang sa tumagilid ito ng higa kaya naman napunta ang buhok sa mukha nito.Lumipat si Stanley ng pwesto at pumunta sa harap nito upang hawiin ang buhok nito at nilagay sa likod ng tainga. Hanggang sa hindi niya napigilan ang sarili na humiga katabi nito while facing her.He strok

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status