Love Never Lies

Love Never Lies

last updateLast Updated : 2025-05-07
By:  DheyskieOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
3 ratings. 3 reviews
22Chapters
158views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

After running away from her wedding, Mariam finds refuge in a beautiful beach resort in Quezon. Hanggang sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakabangga niya si Stanley, ang tagapagmana ng isa sa mga sikat na kumpanya sa bansa. Dahil sa isang misunderstanding ay nasampal ni Mariam si Stanley. Takot na baka malaman ng mga magulang kung nasaan siya kapag idinemanda siya nito, she agreed to have a contract marriage with him. It’s also for their own benefits upang hindi na sila maobligang pakasalan ang mga taong pinipilit sa kanila ng mga magulang. It’s only for 6 months and will be a fake wedding. However, a fake wedding comes with a fake relationship as well. Kailangan nilang mapaniwala ang lahat na mahal talaga nila ang isa’t isa to make it worth it. Ngunit as they spend time with each other, their pretense slowly becomes REAL… They find themselves truly, madly, deeply in love with each other. But would they get their happy ending easily knowing na may mga taong hindi makakapayag na mangyari ito? At kung magtagumpay man ang mga ito, is there a chance they find each other again and rekindled the love na sobra nilang ipinaglaban noon? No one can tell what the future holds for the both of them, but one thing is certain… LOVE never lies…

View More

Chapter 1

Chapter 1: The Escape

MARIAM POV

Hindi mapakali at makatulog si Mariam ng gabing iyon. Paano ba naman ay kinabukasan na ang kanyang kasal sa lalaking ipinagkasundo sa kanya ng mga magulang. Schoolmate niya ito nung college at patay na patay sa kanya ngunit wala siyang ni katiting na nararamdaman para sa lalaki. Bumangon siya sa pagkakahiga at pumunta sa kusina upang uminom ng tubig. 

Ito na ba talaga ang kapalaran ko? Ang matali sa lalaking di ko naman lubusang kilala at mahal?” tanong ni Mariam sa sarili. 

“Bakit gising ka pa, iha?” Napalingon si Mariam sa likod at nakitang nanay niya pala ito. “You should sleep, wedding mo na bukas,” ani ni Amerie. Sa kanya niya minana ang angking kagandahan at pagiging konserbatibo. Mukhang bata pa ito sa edad niyang 50 at parang nasa 40’s pa lamang.

“Ma… can we call off the wedding, please?” bakas sa boses ni Mariam and pagsusumamo. Agad namang kumunot ang kilay ng ina at nagalit sa kanya.

“Nasisiraan ka na bang bata ka!? You know we can’t!” Halos mabingi si Mariam sa boses nito. Subalit mahinahon pa rin niyang sinamo ito.

“Pero hindi ko siya mahal ma… There could be another way para mabayaran natin ang utang natin sa pamilya nila—” Hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin dahil biglang nagsalita ang ina.

“There’s no other way, Mariam! We already agreed with the Tevez. Ikakasal kayo ni Michael sa ayaw mo man o gusto!” Nanggagalaiti na sa galit ang ina at parang pinipigilan ang sarili na saktan ang anak. Hindi naman napigilan ni Mariam na ipaglaban ang sarili.

“How could you be so unfair!? All my life naging mabuti akong anak sa inyo ni Papa! For once, hayaan niyo naman ako magdesisyon para sa sarili ko!” Tuluyan ng tumulo ang luha sa mga mata ni Mariam ngunit walang epekto ito sa kanyang ina. Imbes ay hinawakan nang mariin ang kanyang mga balikat at matiim na tinitigan. 

“This is for your own good, anak. Gusto lang namin ma-secure ng papa mo ang kinabukasan mo and Michael can give you that. You will learn to love him and become happy eventually,” Amerie’s voice became calmer this time.

“Kinabukasan ko o ninyo!? You chose to sacrifice my own happiness para lang mabayaran ang utang ninyo na nilustay niyo sa mga luho niyo!” Pinunasan ni Mariam ang kanyang luha at inalis ang pagkakahawak sa kanyang mga balikat ng kanyang ina. 

“You don’t bring me to my sanctuary, but to my grave.” Tuluyang iniwan ni Mariam ang ina patungong kwarto. Natigilan naman si Amerie at hindi na nakapagsalita pa. Naramdaman niya ang sakit na nadarama ng anak.

Sumalampak sa higaan si Mariam at bumuntong hininga. Gusto niyang lumayo sa kumplikadong mundo niya. Malayong-malayo sa mga magulang niya at sa bagong buhay na naghihintay sa kanya. Maya-maya ay tumunog ang phone niya at nakitang natawag ang matalik na kaibigang si Violet. Agad niya itong sinagot.

“Hello Vi…” Bakas pa rin sa boses ni Mariam ang pagkalungkot na agad naman nahalata ng kaibigan.

“Bakit ganyan boses ng bride-to-be?” Naging malungkot na rin ang boses ni Violet. “What’s wrong, girl?”

“Nagkasagutan kami ni mama. Why are they so unfair, Vi? Hindi ba dapat doon sila kung saan ako masaya? Bakit kabaliktaran ang nangyayari?” pagra-rant ni Mariam sa kaibigan.

“I’m sorry to hear that, girl. Kung may magagawa lang ako para sa’yo,” malungkot na tugon ni Violet.

“It’s okay… Bakit ka ba napatawag? tanong ni Mariam.

“Well… This is supposed to be my wedding gift sa inyo ni Michael, but I don’t think it’s the right time,” nag-aalalang tugon ni Violet.

“I see… you don’t have to pero salamat. Ano ba iyon?” Medyo curious si Mariam.

“I have a 3-days free accommodation coupon for the two of you at Marilag Beach Resort sa Quezon,” sagot ni Violet. Nang biglang may sumagi sa isipan ni Mariam na nagpabangon sa kanya. 

“Oh, my God, Vi! Hulog ka ng langit!” nabulalas ni Mariam na tila excited sa naisip.

“Ha!? What did I do?” nagtataka si Violet sa biglaang reaksyon ng kaibigan.

“Let’s meet tonight sa Cafe Marcelo and don’t forget the coupon. I’ll explain it to you later, okay? See you, Vi.” May sasabihin pa sana si Violet ngunit in-end call na ito ni Mariam. Agad-agad siyang nag-impake ng mga damit sa maleta at nag-ayos ng sarili upang kitain si Violet. Buo na ang kanyang pasya. Tatakasan niya ang kaniyang kasal.

STANLEY POV

Kararating lamang ni Stanley ng hapong iyon sa Marilag Beach Resort at masasabing nabighani siya sa malaparaisong ganda nito. Perpektong lugar ito para makapag-unwind siya at lumayo sa pressure ng mga magulang. 

Pinipilit siya ng mga ito na i-take over na ang CEO position kahit na hindi pa siya handa. At ang malala ay ang i-date ang ex-girlfriend niyang si Margaux na siya ring ipinagkasundo sa kanyang ipakasal. 

Kaya nga hiniwalayan niya ito noon ay dahil hindi niya maatim ang masamang ugali nito subalit inilalapit na naman siyang muli ng mga magulang dito para sa business partnership. 

“The heck with them! I’ll never let them dictate my life!” matapang na nasabi ni Stanley sa sarili. Palubog na ang araw noon kaya naman naghanap ng magandang spot si Stanley kung saan niya mapapanood ang sunset. Nakahanap naman siya ng spot sa tagong part ng resort at roon ay naupo sa ilalim ng mataas na coconut tree. Siya lamang ang tao roon.

Pinagmamasdan niya ang dagat habang iniimahe sa isip ang isang magandang dalagang naliligo rito. Napapangiti siya sa imahinasyong ito nang maya-maya ay may napansin nga siyang isang babae na nalusong sa dagat. Manipis lamang ang suot nito kaya naman hulmang-hulma ang balingkinitan nitong katawan.

Hanggang sa nakita niyang palayo na ito nang palayo at sa tingin niya ay parang may hindi tama. Tumayo siya upang tanawin ito hanggang mapansin niyang may parating na malaking alon. 

“Miiiisssss!” sigaw niya ngunit hindi siya nililingon nito. Hindi ito natinag na labis niyang ikinabahala. “Is she trying to kill herself!? Sh*t!” Agad-agad siyang tumakbo sa babae upang iligtas ito.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Love Reinn
nice story <33
2025-05-06 18:54:30
0
default avatar
纳特纳特
SOBRANG GANDA NG STORY ......️
2025-04-19 19:51:26
2
user avatar
Ziam Tot
nice story .........
2025-04-19 19:17:29
1
22 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status