MARIAM POV
Tuluyan ng natahimik si Mariam. Kung tama man ang kanyang hinala na ito nga si Stanley Montecillo ng sikat na kumpanya ay talaga namang malalagot siya. Kilala ang Montecillo Group of Companies na tagagawa ng mga dekalidad na appliances at iba’t-ibang makinarya. It’s her dream to work in this company ngunit maaaring mapurnada ngayong nakabanggaan niya ang tagapagmana nito.
“What should I do?” Mababakas sa mukha ni Mariam ang pag-aalala.
“Bakit hindi ka na nagsalita diyan?” May halong pang-aasar sa boses ni Stanley sabay tingin sa dibdib niya na tinatakpan pa rin niya ng kanyang mga braso. Bumalik nanaman ang inis niya dito.
“I’m sorry if I slapped you, but I won’t apologize for calling you a perv!” mariing sagot ni Mariam. Kaya niya naman magpakumbaba subalit kuhang-kuha ni Stanley ang gigil niya. Pinalaki siyang konserbatibo ng kanyang mga magulang kaya naman big deal sa kanya ang nagawang pagyapos ni Stanley. Naniniwala siyang intentional ang ginawa nito.
Napakunot naman ang noo ni Stanley sa narinig.
“Aba’t-” Hindi na natapos ni Stanley ang sasabihin dahil nagsalita muli si Mariam.
“Diyan ka na nga!” Inirapan niya ito at lumayo na. Subalit habang naglalakad palayo ay panay buntong-hininga niya at paninisi sa sarili. “Ano ba itong pinasok mo Mariam? Naku yari ka talaga.”
Nag-quick shower at nagpalit agad siya ng damit pagkadating sa kuwarto. Habang nagpapatuyo ng buhok ay naisipan niyang mag-research tungkol sa Montecillo Group of Companies. Nakumpirma niya na ang lalake nga kanina ay si Stanley Louis Montecillo, ang upcoming CEO ng kumpanya.
“Sh*t!” Napabulalas ni Mariam habang sapo-sapo ang noo. Naisipan niyang tawagan si Violet upang humingi ng suhestiyon kung ano ang maaaring gawin.
“Yes, girl?” sagot ni Violet pagkatapos ng dalawang ring.
“Kamusta naman diyan?” tanong niya sa kaibigan. Ang totoo ay medyo nag-aalangan at nahihiya siyang i-open ang problema.
“Ganoon pa rin. Hinahanap ka pa rin nila. If I were you, magpapalit ako ng pangalan at baka ma-trace ka nila. You should stop using your cards as much as possible,” babala ni Violet. Kinabahan naman siya dahil pangalan niya ang ginamit niya sa pag-check-in sa resort.
“Nagkapatong-patong na,” nasambit ni Mariam na siya namang narinig ni Violet.
“Anong nagkapatong-patong na?” tanong nito. Bumuntong-hininga siya bago ilahad ang nangyari.
“I’m dealing with another problem, Vi.” saad niya.
“What do you mean? Anong nangyari ba?” Pag-aalalang tanong ni Violet.
“It’s a big misunderstanding. Nayapos niya kasi yung… yung…” Medyo nahihirapan si Mariam sabihin dahil she find it sensitive.
“Yung ano?” curious na tanong ng kaibigan.
“Breasts ko,” medyo nahihiyang sagot ni Mariam. “I feel violated so I slapped him on his face only to find out na ginawa niya lang pala iyon para pigilan ako. Akala niya kasi magpapakalunod ako sa dagat kaya he tried to stop me but—,” may pagka-defensive sa tono ng boses ni Mariam.
“Teka hinay-hinay lang… Him? Magpapakalunod? naguguluhang tanong ni Violet.
“Yes, na-misinterpret niya lang. I just wanted to swim and feel the wave. It’s been a while, you know.” Pilit inilalaban ni Mariam ang side niya.
“So when he tried to stop you, he accidentally touched your breasts, and you slapped him because of that,” dagdag pa ni Violet.
“I don’t think na aksidente lang iyon. It lasted for a few seconds. Kung hindi pa ko nagpumiglas hindi pa niya bibitawan iyon,” pangangatwiran ni Mariam. “Tama lang na tinawag ko siyang manyak.”
“So sinampal mo na tinawag mo pang manyak? Iba ka rin, girl.” Kahit na hindi nakikita ay masasabing nakangisi si Violet.
“Yes, it’s a defense reaction. Nag-apologize naman ako for slapping his face but not for calling him a perv.” may halong pagmamalaki sa boses ni Mariam.
“Honestly, I feel bad for the guy. Malas niya at nakabangga niya ang anak ni Gabriela Silang.” Sabay halakhak ng kaibigan. “But wait… anong nangyari nang sinampal mo siya at tinawag mo na manyak?”
“Ito na nga. He asked me to talk to his lawyer to settle this. He’s Stanley Montecillo of the Montecillo Group of Companies. I just confirmed na siya nga iyon,” worried na sagot ni Mariam.
“Oh, no! Mas malas ka pala, girl. Malaking gulo nga iyan kapag nagkataon. Imagine if ma-broadcast pa yan. Hindi lang mababandera sa media mukha mo malalaman pa sa inyo kung nasaan ka,” ani ni Violet.
“Oo nga ‘no! Hindi ko agad naisip ‘yan. What should I do, Vi?” Mas lalong umigting ang pagkabahala ni Mariam. Kung hindi sana siya nagpadala agad sa bugso ng damdamin.
“Simple. Lower your pride and apologize to him sincerely,” mungkahi ng kaibigan.
*****
STANLEY POV
Panay ngiti ni Stanley habang inaalala ang insidente kanina sa dagat. Hindi niya maalis sa isipan ang napakaamong mukha ng dalagang nakasagutan niya and her feisty attitude na siyang isa pang nagustuhan niya dito. She’s obviously the conservative type of woman. Ibang-iba sa mga babaeng nakilala niya. Sayang nga at hindi niya nakuha ang pangalan nito.
Gusto niya pa ito makilala subalit mukhang galit na galit ito sa kanya. The truth is he feel guilty in a way. Totoong aksidente niya lamang nahawakan ang dibdib nito subalit totoo rin na hindi niya napigilan ang sarili na lamasin ang mga ito ng bahagya. They are soft and big at hindi niya maitatanggi na nabuhay ang pagkalalaki niya.
However, he is raised to be a gentleman kaya naman wala na siyang balak mag-take advantage ulit sa dalaga kung mauulit man ito. The woman deserves to be respected. He wants to get to know her better in a decent way and see where it goes. Ngunit paano? Gayong mukhang galit na galit sa kanya ito.
“If there’s a chance to see her again, I won’t waste it and will do my best for her to like me,” pinangako ni Stanley sa sarili.
Maya-maya ay may narinig siyang mahinang katok sa pinto niya. Agad naman niya itong binuksan sa pag-aakalang home service ito ngunit nagulat siya ng makitang ito ang babae kanina na nakabanggaan niya.
“Hi. Can we talk?” nahihiyang tanong nito.
STANLEY POVIt was a sudden decision. Bigla lang naisip ni Stanley, but he thinks it’s a great idea kung sumama nalang siya kay Mariam.Halata namang nagulat si Mariam at namula. “You’re kidding, right?” paninigurado ni Mariam.“Seryoso ako,” sagot naman ni Stanley.“Bakit ka sasama sa akin?” tanong ni Mariam.“Wala, gusto ko lang… I think mas okay kung mag-abroad na lang. Tutal hindi ko rin nakikita ang future ko dito sa Pinas,” chill na sagot ni Stanley.“Okay, you don’t see your future here. Pero bakit kailangan mo pa sumama sa akin? Pwede naman sa ibang lugar nalang,” nagtatakang tanong ni Mariam.“Because I want to be near you.” Ito ang gustong isagot ni Stanley subalit hindi niya masabi dahil alam niyang maiilang nanaman lalo si Mariam.“Bakit ba? Eh, gusto ko rin sa Melbourne magpunta e,” pangungulit ni Stanley.“No. Find some other place,” sagot ni Mariam.“Bakit naman? I’ll go wherever I want to go,” pagmamatigas ni Stanley.“But not near me,” firm na sagot ni Mariam.“Why?”
MARIAM POVMariam is stunned. Iba talaga ang karisma ni Stanley. Habang tumatagal ay lumalakas ang epekto nito sa kanya. The annoying part is nahihirapan na siyang i-resist ito.Stanley throws her a mesmerizing gaze, ‘yung tipong nakakapanghina ng tuhod. Luckily, hawak nito ang bewang niya kung hindi ay kanina pa siya nahulog.“I can’t give in to his charm. Not this way…” Tinulak ni Mariam ng palayo si Stanley upang makawala sa pagkakahawak nito. Lagi na lang siyang pinagtritripan nito.“Ano nanaman sinasabi mo? It was just an act. Ngayon, mas marami nang naniniwala about our fake relationship,” wika ni Mariam. “Balik muna ako sa kwarto.” She is about to leave when Stanley grabs her hand. Nilingon niya ito ng may halong pagtataka.“Maya na tayo bumalik sa kwarto, hon,” sagot ni Stanley may halong paglalambing. Nagulat siya sa akto nito, lalo na nang niyakap siya nito ng mahigpit.“What are you doing?” bulong ni Mariam na bahagyang tinutulak si Stanley. Nang marinig niya ang boses ni
MARIAM POVNabigla rin si Mariam sa kanyang sarili. Para bang awtomatikong gumalaw ang katawan niya. Pero bakit!? Dahil ba nagseselos siya? “No!” Agad siyang huminto sa paglalakad. Nagtaka naman si Mika na kasalukuyang sumusunod sa kanya na siyang napahinto rin. “Bakit ka huminto? Tara puntahan natin ang mga babaeng ‘yan!” Sulsol ni Mika. Mukhang inis-inis din ito sa mga babae.“Baka naman may tinatanong lang,” mahinahon niyang tugon. Hanggang sa napansin niyang nagtatawanan na ang mga ito at pabirong pinalo ng isang babae si Stanley. “At gustong-gusto naman niya!” inis na nasambit ni Mariam sa isip.Naalala niya na ito rin ang mga babae noon sa buffet restaurant.“Ayan ba ang may tinatanong!? They are obviously flirting with your husband!” puna ni Mika. Parang biglang kumulo ang dugo ni Mariam nang makita ang ginawa ng babae gayon din ang reaksiyon ni Stanley. Nanggigigil siya sa mga ito! Mika is right. They are intentionally flirting with Stanley.“How should I handle this?” Pin
STANLEY POV Inabangang maigi ni Stanley kung ano ang isasagot ni Mariam sa kanya. He decided to make a move, and flirting with her is the start.Tinitigan ni Stanley ng matiim si Mariam, ngunit nanatiling tahimik lang ito.“Hey, I’m asking you?” tanong ni Stanley.“I think I don’t need to answer that. It’s my private thing,” sagot ni Mariam.“Yes, but my name was being mentioned,” pilit ni Stanley.“Bakit? Ikaw lang ba ang Stanley na kilala ko?” Nakataas ang kilay na sagot ni Mariam. Hindi naman agad nakasagot si Stanley.Medyo dismayado siya na hindi niya nakuha ang sagot na gusto niya. Bakit nga ba siya umasa na makakaisa siya kay Mariam e saksakan ng pagkama-pride at konserbatibo nito?Napabuntong-hininga na lamang siya. Maya-maya ay tumunog ang phone niya at nakitang natawag si James. Sinagot niya ito agad.“Hello, pre,” ani niya. “Pre… Baka naabala kita, gising na ba kayo ng misis mo?” tanong ni James. Tumingin si Stanley kay Mariam, ngunit nanatiling poker-faced ito. “Gising
MARIAM POV Lumapit pa si Stanley kay Mariam kasama ang kanyang upuan at kinulit muli ito.“Bakit hindi ka na sumagot diyan?” tanong nito na nakangisi pa. Hindi naman alam ni Mariam ang isasagot niya. “Totoo ba? Narinig niya akong nagmo-moan? At paano niyang nalaman na kasama siya sa panaginip ko?” Hindi makapaniwala si Mariam na narinig siya ni Stanley. It’s supposed to be a secret!“Mag-isip ka, Mariam! Huwag mo siyang hayaang isipin na nagkaroon ka ng wild dream about him.” Nag-isip ng maigi si Mariam kung ano ang pwedeng i-alibi.“Hay naku! Wala akong alam sa sinasabi mo. Lasing nga ko, remember?” pagpapalusot ni Mariam. Ipinagpatuloy niya ang paghigop ng sabaw na kunwari ay walang pakialam.Napatawa naman bigla si Stanley habang pinapanood siya. “Anong nakakatawa?” tanong ni Mariam.“You’re not good at lying, aren’t you?” Pang-aasar ni Stanley.“Lying ka d’yan. Tigilan mo na nga ako. Let me eat in peace,” pilit na umiiwas si Mariam. Sa totoo ay hindi talaga siya marunong magsin
STANLEY POVMuling nagbalik sa alaala ni Stanley ang nangyari kinagabihan, nang hawakan ni Mariam ang kanyang kamay at hilingin na huwag siyang iwan.He was so happy after hearing it and had decided to stay. “Okay, I’ll stay,” ani ni Stanley. Umupo siya sa gilid ni Mariam na hawak pa rin ang kanyang kamay. Hanggang sa tuluyan nang pumikit ang mga mata nito.Pinagmasdan niya ito habang natutulog. Napakaamo ng mukha nito na para bang isang anghel. Ngunit kung anong amo ng mukha nito ay siyang ilap naman na parang usa.Kung hindi pa ito nalasing nang ganito, ay paniguradong hindi siya makakalapit at mapapagmasdan ang mukha nito ng ganitong katagal.“Hindi siya nakakasawang tignan,” nasabi ni Stanley sa isip. Hanggang sa tumagilid ito ng higa kaya naman napunta ang buhok sa mukha nito.Lumipat si Stanley ng pwesto at pumunta sa harap nito upang hawiin ang buhok nito at nilagay sa likod ng tainga. Hanggang sa hindi niya napigilan ang sarili na humiga katabi nito while facing her.He strok