Share

Kabanata 8.2

Kumuha ako ng limang kaha ng sigarilyo sa basket na cart na nakatali sa baywang ko para suportahan ang binebenta kong mga sigarilyo. Iba't ibang flavor ito pero pareho-pareho lang din ng brand. "Kilala ang mga tao, dahil sugapa tayo sa lahat ng mga bagay. Hindi tayo marunong makuntento sa kararampot lang, minsan pa nga kahit meron na o kahit sandakmakmak pa 'yan, hindi pa rin sapat..." tumigil ako sa pagsasalita at tiningnan ang limang kaha ng sigarilyo na hawak-hawak nang dalawang kamay ko dahil hindi kaya ang isa.

Bago ko sila tinapunan ng tingin na may makahulugang ngiti sa mga labi. "Will you buy it, or..." Hinilig ko ang leeg ko, na bawat binibigkas ko'y may mga malalalim na kahulugan. "Just be contented of what you got right now?" mababa ang aking boses ngunit katamtaman lang para marinig nilang lahat, hindi na rin gano'n kalakas ang tugtugan dahil pinalitan na ito ng pang-romansa

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status