The man sitting at the dark corner heard several tiny steps coming towards him. Naramdaman niyang huminto ito ilang distansya mula sa upuan niya.
"Uncle, why do you seem so sad," Nate said.
Hindi siya gumalaw ni lumingon dito, ngunit sumagot siya sa tanong nito. "I just love a dark surrounding little Nate. Who is with you?"
Dahan-dahan itong lumapit sa kanya at huminto sa mismong harapan niya. Tumingala at titig na titig ang mapupungay nitong mga mata sa kanya. "Mommy is with me. She's in the kitchen preparing food for you. Galing kami kay Dad kanina, dinalaw namin sya,"
"You talk fluently, huh? You're just only two years old!" the man said.
"Mommy said, I'm intelligent like you and Dad. Uncle, you look sad!" anito.
Bahagya siyang ngumiti, "How did you know that I'm sad?"
"Your eyes show sadness, like Dad!" anito.
"I see. Tell your Mom, thank you for visiting me. No need for her to cook often for me. I can order food anytime through mobile apps,"
"Uncle, next month, Mom told me, grandma will come to visit our house," Nate said.
Nagulat siya ng marinig ang sinabi ng pamangkin. Walang binanggit ang Mommy niya tungkol sa pagbisita nito.
"I see! You can go now! Uncle wanted to be alone!"
Nag-aalangan itong humakbang palabas ng kwarto niya. Nang mawala na ang pamangkin tila daloy ng tubig na bumabalik sa ala-ala niya ang gabing tinawagan siya ng ina.
***
Flashback of the Night, he received a call from his Mother….
“Where are you?” umiiyak na tugon ng Mommy niya sa kabilang linya.
"Mom, why are you crying?" He asked.
"Your brother is in bad condition, one of his men told me, he was at the hospital in Beijing!"
“Hospital? Why?” napabangon siya mula sa higaan.
“Hindi ko alam ang buong pangyayari pero sabi binaril siya ni Mr. Brent Santillian. You need to check on him! Help him son! Hindi ko kakayanin na may mangyayari sa Kuya mo, lalo na sa mga kamay ng mortal nating kalaban,” umiiyak nitong tugon.
"Relax, I will be checking on him tomorrow. I don't know that Kuya Simon had done a revenge plan against the Santillian," mahinahon niyang tugon.
"Son, you need to take revenge for your brother. I can't accept another defeat coming from the Santillian. Nakakulong pa hanggang ngayon ang Uncle Celso mo. Kapag may mangyayari kay Simon, hindi ko na alam paano ko tatanggapin pa lahat ng ito,"
Bumuntong huminga muna siya bago muling nagsalita. "Don't tell Dad about it. He can't handle this. His heart wasn't in good condition lately. Rest assured, Kuya will get through on this. Ako na ang bahala sa lahat," aniya.
"Please take revenge for your brother. Please?"
"Yeah! Just relax and rest, okay?" He said.
“Balitaan mo ako agad kung anuman ang kalagayan ng Kuya mo,” umiiyak nitong tugon.
"Noted on it! Bye, Mom!"
When the call ended, he quickly opened the television. Tumambad sa kanya ang buong pangyayari maging ang pagkakabaril ng Kuya niya. Nahagip ng paningin niya ang babaeng kinunan ng pahayag ng isang reporter bago ito sumakay sa ambulansya.
He can't forget the woman's face. The one who caused him several sleepless nights a few years ago. The woman who took his attention with a one night encounter. He quickly gets his phone and searches for the information about the Santillian.
Saka lamang bumungad sa kanya ang katotohanan. Ang babaeng minsan na niyang nakasama noon ay walang iba kundi ang bunsong anak ni Brent Santillian. It says that the woman's name is Denise Santillian. A popular blogger and heiress of her family's empire.
Tila binuhusan siya ng malamig na tubig ng matuklasan ang buong katotohanan. Ang babaeng minsan nang nagpatibok ng kanyang puso, na hindi niya alam ang tunay na pangalan dahil sa ikli ng pagkakataon na nakasama niya ito ay nabigyan na rin ng pangalan.
He started searching for more information about her and began to follow her secretly. Kinabukasan, nang dalawin niya si Simon sa hospital ay doon lamang niya napagtanto na masama ang kalagayan nito. Later, he was told by Simon's doctor that they need to remove his two legs to save him. Nang sinabi niya ito kay Simon, tutol ito ngunit kalaunan napilitan din itong pumayag lalo na't nalaman nitong nanganganib ang kalagayan nito. Dumagdag pa sa pressure nito ang kalagayan ni Samantha nung sinabi nitong buntis ito at si Simon ang ama.
After a few months, the Santillian family sued Simon and he was sent to jail. Naging mahirap para sa kanya na ipaliwanag ang lahat sa Mommy niya. Naging mainitin din ang ulo ni Simon sa tuwing palihim siyang dumadalaw rito. Madalas nitong sinasabi sa kanya na kailangan niyang gumawa ng paraan para gumanti sa mga Santillian.
The government confiscated some of Simon's assets later on. His brother was pushed to the edge when Brent and Brielle Santillian showed some pieces of evidence of Simon's illegal activities. He witnessed her Mom's grievance when she heard about what had happened to Simon. Sunud-sunod na kahihiyan at pagkasira ng Yun Enterprise ang naging mitsa ng pagbagsak ni Simon. Nakikita niya ang paghihirap ng kapatid na siya namang pag-angat ng kalaban nila, kaya't naipangako niya sa sarili na sisirain niya ang mga anak ni Brent Santillian at uumpisahan niya kay Denise.
Naalala pa niya ang huling mga sandali na kasama niya ang dalaga, lasing ito at inagaw ang cellphone niya:
“Hoy, Mr. Right, why are you smiling?” sita ni Denise sa kanya.
“Natatawa ako sa mga kwento mo. Ang daldal mo kasi at tinatawag mo akong Mr. Right. Reymond ang pangalan ko,” He said.
“Hindi ko tinatanong ang pangalan mo dahil ayokong tanungin mo rin ako ulit kung ano ang pangalan ko,”
“Bakit ayaw mong sabihin ang pangalan mo? Ilang oras na tayong magkasama at--”
“Hush! Zip your mouth. I told you, do not mention that we’ve kissed. Bakit ba parang big deal sayo ang kiss na iyon tapos na iyon ah, hahaha, aminin mo may crush ka sa akin?” pangungulit nito sa kanya at inilapit nito ang mukha sa kanya.
“Eh, paano nga kung may crush ako sayo?” agad niyang tanong rito.
“Hindi ka pwedeng magkakagusto sa akin dahil may man of my dreams na ako. Carl! Carl ang pangalan niya. Doctor Carl,” tahasang tugon nito.
“Carl? Is he your boyfriend?” malungkot na tanong niya rito ng marinig niyang binanggit ng dalaga ang pangalan ng lalaking gusto nito.
“Bakit mo tinatanong kung boyfriend ko siya? At bakit ka namumula ng husto, type mo ako ano?” makulit pa rin nitong tanong.
"Gusto ko lang malaman kung boyfriend mo na siya. Masama bang magtanong?" balik tanong niya.
“Aminin mo muna na may gusto ka sa akin,”
“Kung aaminin ko, anong mararamdaman mo?” tinatantiya niya ang isasagot ng dalaga.
“Ah, kapag aaminin mo papayagan kitang i-kiss ako ulit,” lasing na tugon nito.
“Ganyan ka ba ka-wild na nagpapahalik sa isang taong di mo kilala at di mo alam ang pangalan?” inis niyang tugon.
“Sabi nila stubborn ako at kakaiba ang personality, so I assume it’s okay to kiss a stranger,”
“Lasing ka na, ihahatid na kita sa inyo. Sabihin mo sa akin ang address ng bahay mo,” akma na niyang patatakbuhin ang sasakyan ng pinigilan siya nito.
"Iniiba mo ang usapan. Ayokong umuwi. Hindi ko sasabihin sayo ang address ng bahay namin," she giggles seductively.
“Lasing kana uuwi na tayo,”
“Hindi, ayoko! Di pa tayo nag-kiss ulit,” makulit nitong tugon.
“Masama ang humalik sa isang estranghero,” inis niyang tugon.
"Ah, duwag ka, eh. Dali na kiss na. Dami mo pang sinasabi," she drew closer to him and pouted her lips.
“Are you out of your mind? Lasing kana tumigil ka,” umiiwas siya rito dahil sa inis na nararamdaman nang malamang may mahal na itong iba.
Nahagip ng paningin nito ang cellphone niya sa dashboard. Mabilis nitong dinampot at sinubukang buksan.
“Password! Open it!” utos nito sa kanya.
"You are invading my privacy. What are you going to do with my cellphone?" naguguluhang tugon niya.
“I said, open it! Do it!” utos nito ulit sa kanya.
Wala siyang nagawa kundi sundin ito dahil hindi niya matanggihan ang dalaga. Nang mabuksan ang cellphone, kinalikot ito ni Denise at binuksan ang record button nito.
"Hi! I am your beautiful Miss blogger. Tonight, I am spending a few hours with this handsome stranger and guess what, we've kissed each other! Hahaha! He is blushing right now, look! Hey, Mr. Right, say Hi, to your camera. Oy, nahihiya siya, c'mon! I am your beautiful blogger girlfriend for one night. Come! Come closer! I will give you another kiss!"
Nahihiya siyang lumingon rito.
"Hey, stop it! You're drunk already. Akin na ang cellphone ko tama na iyan," pilit na inaagaw niya rito ang cellphone.
The woman grabbed him and kissed him fiercely. Suddenly he felt her deep breath, and she went to sleep. The next day, they had a few conversations, and the woman even told him a lie. She gave him a fake name and insulted him.
KNOCK! KNOCK! KNOCK!
Sunud-sunod na katok sa pinto ang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan.
“Brother, I cook food for your dinner. Di na ako papasok sa kwarto mo, aalis na kami ni Nate dahil pagabi na rin,” boses ni Samantha ang naririnig niya.
Lumapit siya sa pintuan at sumagot sa hipag niya, "Thank you, sister! Sorry, I am so busy the whole day. I heard from Nate that you visited Kuya Simon, earlier,"
"Yeah! Dinalhan ko ng bagong damit ang Kuya mo. Namimiss na rin siya ni Nate!" anito.
"I see. Mag-ingat ka sa pagmamaneho pauwi. Dadalawin ko rin kayo ni Nate sa bahay niyo,"
"Okay. Aalis na kami!"
Mahinang yabag nito palayo sa pinto ng kwarto niya ang huling narinig niya.
HER hands shivered while tightly gripping the whip and the high-power laser. Her jaw locked and she greeted her teeth. Naglaho lahat ng paghanga niya sa pekeng Drake Yin. Napalitan ng galit ang pagmamahal na sana unti-unti na niyang naramdaman dito.Marahang umangat ang duguang kamay ni Reymond para sana punasan ang mga luha ni Denise ngunit mabilis niya itong tinabig.Mahinang yugyog ng balikat sanhi ng marahang tawa ang naging tugon ni Reymond. Alam niyang ito na ang huling mga sandali niya at gagamitin niya na lang ito para humingi ng kapatawaran dito.“Bakit? Bakit mo nagawa sa akin ito? Anong kasalanan ko sa’yo?” malakas na sigaw ni Denise kay Reymond.Marahang nag-angat ng mukha si Reymond. Puno ng pasa at sugat ang katawan
IN a quick reflexes Reymond tried to escape from their grasp but he was too tired to make it. Pumihit paharap sa kanya si Brent at unti-unting naglakad palapit sa kanya.“Sir, ano po ang ibig sabihin nito?” kalmadong tanong ni Reymond kahit may nakaambang panganib ayon na rin sa hinala niya.Hindi sumagot si Brent at nang huminto ito sa harapan niya bigla itong nagtanong, “Nakalimutan mo na ba na ako si Brent Santillian? At malinaw kong sinabi sa’yo noon na aalagaan mo ang anak ko kapag ipagkakatiwala ko siya sa’yo? Ha ha ha! Ang laki kong hangal dahil naniwala ako sa panlilinlang mo!”Bago pa man nakasagot si Reymond malakas na hinila ni Brent ang suot niya maskara. Sinundan agad nito ng malakas na suntok sa sikmura niya.
NAMULA lalo ang mga mata ni Reymond. Ang salitang binitawan ng anak niya ang tanging natitirang pag-asa niya para maitama lahat ng kasalanan niya pagkatapos niyang isagawa ang heart surgery nito.Marahan siyang tumango, “Oo naman. Hindi ako aalis hanggang sa gumaling ka ng tuluyan.”Nag-angat ng mukha si Andrei at pinahid ang mga luha ni Reymond, “Bakit ka umiiyak?”“Nalungkot lang ako dahil tayo lang dalawa ang narito eh. Wala ang Mommy mo na sana inasahan kong dadatnan siya rito. Marahil nga masaya na siya na bumalik si Carl,” madamdaming tugon niya.Umiling si Andrei, “Tulog pa si Mommy nang umalis kami. Late na rin kasi siyang umuwi kagabi, pero tiyak ako kapag nagising na iyon mamaya susunod siya rito
NAPANSIN ni Brent na tulala ang manugang niya at saglit itong namutla. He snapped his finger in front of Ivana.“Penny, on your thoughts, Ivana?” Brent gazed at her daughter-in-law with a bit of doubt.“Ah-- I was just shocked with the news, dad. Who is the good doctor that will perform the surgery?” She queried calmly, avoiding Brent’s eyes.Brent smiled lightly, “It’s Drake Yin!”Lihim na naikuyom ni Ivana ng mariin ang kamay dahil tulad ng inasahan niya si Reymond nga ang tinutukoy ni Brent. Gustong magalit ni Ivana kay Reymond ng mga sandaling ito dahil pinapairal nito ang katigasan ng ulo.“Wow, I can’t believe Drake will do that!”
SAGLIT na natigilan si Brielle. Hindi niya inasahan ang ganitong sitwasyon na kinalalagyan ng matalik niyang kaibigan. Ngunit hindi niya rin masisisi ito na tumakas sa poder ng magulang dahil niloko rin ito ng sariling ama.Bahagya siyang nakadama ng awa para rito at tulad ng pinangako niya noon kay Carl, mananatili siyang magtuturingang magkapatid.“Don’t worry, I will be at your back. Just make sure to win back my sister’s trust. Lately, I could sense her anxious thoughts about you.” Brielle said, trying to console his best friend.“Yeah. Actually, a minute ago, we had a bit of a hateful confrontation, no… it’s an argument. I think she was typing a message for Reymond, so I came to her angrily, telling her that she was cheating on me.” Carl let out
MAHIGIT dalawang araw na ang nakalipas ngunit hindi na muling nagpakita si Reymond kay Denise. Hindi rin nag-abalang mag-message ang dalaga sa kanya kaya’t nagmumukmok lamang siya loob ng kanyang kwarto.He tried to comfort himself and preparing for Andrei’s surgery but deep inside his heart there was an emptiness he could barely bear. Halos hindi siya makatulog sa loob ng dalawang araw at iba’t-ibang imahe nina Denise at Carl na masayang magkasama ang paulit-ulit na naglalaro sa utak niya.Ilang beses na rin nagdala ng pagkain si Manang Carol sa silid niya ngunit ni hindi niya ito halos galawin. Nawalan siya ng ganang kumain at lalo itong ikinabahala ng mga kasambahay niya.He jolted when his phone suddenly rang.“Reymond,