Share

XXVI

IT'S ALREADY TEN THIRTY in the evening when Shen arrived at Valkyrie. Ito 'yong night club na sinasabi ni Sir Ace, turns out malapit lang pala ito sa tinitirhan niya. Akala nga niya ay hindi na siya matutuloy. Paano ba naman, wala nang masyadong taxi na dumadaan sa bukana ng village nila. Isang oras pa ang nakalipas bago niya maisip na mag-book ng Uber.

Nagdadalawang isip pa siya sa pagpasok habang sinusuri ang sarili. Marahas siyang napabuga ng hangin. Tuloy ay nagsisi siya kung bakit high-waist skinny jeans at black spaghetti strap ang isinuot niya. Nayakap pa niya ang sarili nang umihip ang malamig na hangin. Sana pala ay nag-jacket din siya, sa isip-isip niya. Hinawi pa niya ang nakalugay na buhok na bahagyang nililipad ng hangin. Halos lahat ng makikita niyang pumapasok sa loob ay pulos naka-bodycon dress. Ang iba ay napapaindak pa dahil sa lakas ng music mula sa loob.

She slowly went to

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status