Share

When Will I See You Again?

JANE's POV. 

I am busy checking these files kaso di ko maiwasang madistract dahil sa ingay ng monkey na yun. Psh. 

"Aiisshh! Nasaan na ba yung binabasa ko?!" bulyaw ko dahil sa pagkalito.

"Jill! Paki double check nga ito at kailangan na daw ni chief. Hinihintay nya yang files na yan." utos ko kay jillian na nasa tabi ko lang.

"Yes mam. Teka saan ka ba pupunta? Salubong na naman yang kilay mo?" pansin nya pero di na ako sumagot at lumabas na ng office.

.

.

.

.

"Oy miss ganda! Sabi na hindi mo ko matitiis eh. Hehe." bungad agad nitong monkey na ito pagkakita sakin. 

Lumapit naman ako sa kanya. 

"Oo hindi ko na matiis. Di ko matiis yang ingay mo! Can you please shut up?! I have lots of works to do!" bulyaw ko sa kanya sa pagka-irita.

"Ehh kasi naman eh. Palabasin mo na ako oh. Kapag hindi, sige ka mag-iingay ako dito. Ayy miss ano bang favorite mong kanta? Gusto mo haranahin kita? Yiiee minsan kumakanta ako sa ilalim ng overpass eh sideline. Hahaha." hirit nya pa. Ewan ba kung walang pakiramdam ito o sadyang nambubuwisit na. 

"Ohh talaga?" tanong ko. 

"Oo nga. Baka di mo naitatanong habulin kaya ako. At baka pagtapos kong kumanta maging isa ka na sa kanila. Yiieee don't worry kapag ikaw kahit ilang kiss pa." banat nya.

"Ohh gusto mo?"

"Syempre naman!" 

"Sumabog nguso mo?! Shut up monkey!"sigaw ko pa. 

"Awwwtttss! My pakening poor hurt is hurt huhuhu. Hindi pa man tayo may LQ agad!" 

"BALIW! Malala ka na." 

"Aminado akong malala na... yung tama ko sayo. Ayyiiieeee kikiligin na yan. HAHAHA. Bati na tayo misis ko." 

Aba! Ewan ko kung ganito ba talaga itong tao na ito o nababaliw na nga. 

"KRRUUUKK!"

.

.

.

.

Ano yun?! Hahaha ang lakas ng tunog ng tyan nya. Gutom na ang gunggong! 

I can't help it. 

"HAHAHAHA. Sabi na eh nalipasan ka lang ng gutom kaya pati utak mo napasma na. HAHAHA!" hagalpak ko sa tawa at nakita kong namumula sya sa hiya. 

"Grabe ang pahamak ng tyan ko binubuking ako. HAHAHA. Di bale napatawa naman kita. Mas maganda ka kapag tumatawa ka." nakangiting sinabi nya sakin. 

Pero inirapan ko lang sya. 

"AHHHHH yung puso ko! HELP!" sabi nya. 

Napahawak siya sa dibdib nya. 

Ay hala anyare? 

"Hoy! Napapano ka dyan?! HOY!Walang doktor dito." sabi ko naman.

"Help! Yung puso ko nahulog....nahulog sayo! HAHAHA." sabay tawa.

Ay potaena nito ah. Akala ko seryoso. 

"Tssss. Bahala ka dyan! Manahimik ka ah!" sabi ko pa sabay pasok uli sa loob ng office. 

"Ohh ano kamusta yung lover girl mo don? Hehe." tanong ni jillian.

"Ayun.. malala na ang tama sa utak. Ang daming alam yun pala gutom lang. HAHAHAHA. Nakakatawa yung monkey na yon!" sagot ko sa kanya. 

"Ay hala teka iba na yan ha?" pansin nya. At napakunot-noo ako.

"Wehh? Anong iba ka dyan? Hmmmm.." 

"Ikaw. Kakaiba yan eh. Parang ngayon nalang yata kita ulit nakitang tumawa ng ganyan since college tayo." paliwanag nya. 

Hmmm..talaga ba? Di ko napansin yun sa sarili ko. Pero ewan tama yata siya.

"Ahh eh pano nakakatawa naman talaga yon hehe. Issue ka ha tsk!" inis kong sagot habang nag-aayos ng mga gamit.

"Tara sabay na tayo umuwi?" pagyaya ko sa kanya kaso magpapaiwan daw siya at may tatapusin pa. 

"Paano yun isa dun pala?" pahabol nyang tanong.

"Ako na bahala." sagot ko bago lumabas ng pinto. 

~~~~~~

"Pssstt oy, sige na laya ka na!" sabi ko. 

Napatayo naman siya mula sa pagkakaupo at nakita kong nagliwanag ang mukha. 

"Talaga?? Thank you kamahalan ambait mo talaga." sagot nya. 

Ohh himala hindi yata ito bumanat ngayon. 

Binuksan ko na ang kulungan at dahan-dahan syang naglakad habang nakahawak sa tyan. 

"Ano masaya kana nyan ha?? Kapag umulit ka pa nako kahit anong gawin mo kalaboso ka talaga!" diing sinabi ko pa. 

Di naman siya umimik at ngumiti lang sakin. Pansin kong namumutla din siya.

"Sige na. Uwi na at ako'y uuwi na din." sabi ko.

"W-wait miss! Hatid na kita sa sasakyan mo." sabi nya sa akin. 

Ang seryoso yata nito ngayon ah parang di ako sanay. Kanina lang parang manok na putak ng putak. Naubusan din ng lakas malamang gutom nga.

"Ahmmm... mamaya na ako uuwi. Tara sumunod ka sakin dali!" utos ko. 

Dire-direcho lang akong naglalakad habang sya'y nakasunod sakin. 

Pumunta kami dito sa carinderia. 

"B-bakit tayo nandito??" tanong nya sakin.

"Upo dali! Wala nang tanong tanong basta maupo ka dyan!" utos ko at agad naman siyang sumunod. 

Nag-order ako ng pagkain para sa aming dalawa. 

Habang naghihintay, nilabas ko na muna ang phone ko para makatawag kina Irene sa bahay. 

-📱

ME: Hello, pauwi na ako kaso may dinaanan lang saglit. I'm gonna buy something for dinner na din. Tell Daniel na hintayin ako. 

IRENE: Okay sige. Kanina ka pa nga hinihintay nito eh. May homework daw sila family tree kaya heto umiiyak bakit wala daw syang papa. 

ME: Tsss. Grabe naman nursery palang may pa family tree agad. Di bale ako na bahala maya. Sige na bye. 

-📱

I dropped the call dahil dumating na ang order namin. 

"Hey monkey, kain na!" sabi ko sa kanya. 

"Thank you miss ganda. Nakakahiya naman ikaw pa nanlibre. Babawi ako next time." sagot nya sa akin. Hindi na nakatanggi gutom na nga talaga.

"Anong next time? As if meron. This is the last time na makikita kita kaya wala ng susunod!" diing sinabi ko naman.

"Aray naman! Gigil na gigil? Bakit ang init ng ulo mo sakin? Buti nalang mahal kita misis ko." hirit nya. 

"YAAAHH! Stop calling me your misis nakakahiya baka isipin nila na totoo! I have a name!" napasigaw ako sa inis. 

"Eh ano nga bang name mo misis ko?"

.

.

.

.

"JANE KIM!" bulyaw ko. 

"BINGO! Yun pala ang name mo. Bagay sayo yang name mo. Sekshiiii~" maloko nyang sinabi.

"SHUT UP!"

"Thank you hahaha. By the way ako naman si Lisa, Lisa Mendez. Ang forever mo." ngingisi-ngisi nyang sinabi. 

I rolled my eyes on her. Kagigil. Grabe yung confidence level ng taong ito. 

"Kumain ka nalang dyan at baka mabuwisit ako ibalik kita sa kulungan!" inis ko.

"Heto na nga kumakain na po kamahalan." 

At napatahimik siya.

Maeewan ako talaga kapag ito kasama ko. Nawawala ako sa wishu. 

~~~~~~~

LISA's POV. 

Grabe kasungit talaga nitong mapapangasawa ko in the future. 

Di bale ayos lang atleast ngayon palang alam ko na kung paano ko siya susuyuin hehe. 

Napako na ang mga mata ko kakatitig sa kanya. 

Akalain mo may ganito kaganda pala akong makikita. 

"Lisa..." 

Ang sexy nya sumubo. 

Ang hot nya ngumuya ng pagkain. 

"Hoy Lisa!" 

Ay potaena. Wala na akong masabi. Nasa heaven na yata ako. Ang swerte ng araw ko. 

.

.

.

.

"HOY GUNGGONG!"

.

.

.

"HALA. Saan galunggong?" bigla kong nasabi. 

"HAHAHA. Galunggong pa nga?" Aalis na ko. Bye." sabi nya sa akin. 

"W-wait lang!" napatayo ako agad at hinarangan sya. 

Sinamaan na naman nya ako ng tingin. 

"Ihatid na kita sa kotse mo. Please." pakiusap ko at nagpapacute pa. 

"Oh sige bahala ka." 

"Yey! Salamat." 

Nakangiti akong naglalakad habang sumusunod sa kanya. 

Tinitignan ko ang likuran nya at pilit kong sinasabayan ang bawat hakbang ng mga paa nya. 

Bigla kaming napahinto. Nandito na pala kami. 

Sayang malapit lang pala to. Bitin!

"I need to go home na. Tandaan mo yun sinabi ko ha? Tumino kana dahil kapag ikaw nahuli ko ulit wala ka nang kawala pa." bilin nya kasabay ng pagbukas nya ng pinto ng sasakyan.

"Ayy gusto ko yan! Okay lang mahuli basta sayo ako babagsak. BOOM!! Hehehe." banat ko

"Puro kalokohan tssss. Umayos ka na. Maraming pwedeng trabaho dyan tigilan mo na yung gawain mo." dagdag nya pang bilin.

"Oo na ho. Yiiee concern siya sakin oh. Thank you misis ko." sagot ko naman at inalalayan siya.

Grabe inirapan na naman ako hahaha di bale ang cute naman. 

"Bye Lisa. Sana ito na ang huling pagkikita natin kaya be good." paalam nya.

"Sa susunod na magkita tayo mas maayos na ko. Pangako." sagot ko at saka na sya umalis. 

Naiwan akong puno ng ngiti sa labi habang pinagmamasdan ang kotse nya na papalayo. 

Ilang minuto din akong ganito hanggang sa tuluyang mawala na ang sasakyan sa paningin ko. 

Napahawak ako sa dibdib ko. 

Grabe ang bilis ng tibok nito. 

"Ay hala. Bakit ganito? Tinamaan nga yata talaga ako. Pwede pala yun?" bulong ko sa sarili. 

Teka kailangan ko nang umuwi. Ala-sais na pala. 

Nako yari wala pala akong nadelehensyang pera. Wala kaming pambayad ng kuryente bukas.

Bubungangaan na naman ako nito nila Nadia at Sunny.

-ILANG ORAS ANG LUMIPAS-

Sa labas palang ng bahay kita ko nang madalim. 

Pagpasok ko sinalubong agad ako ni Nadia habang si Sunny eh nagluluto naman ng hapunan. 

"Bakit ngayon ka lang Lisa??" tanong nya. 

"Wala eh, walang swerte nakulong pa ako." mahina kong sagot. 

"Ehh talaga?? Kaya pala ang tagal mo. Ohh ano nakadiskarte ka ng pera?" usisa nya pa.

"Yun nga rin eh. Wala eh. Biruin mo yung na-snatchan ko pulis pala. Kaya ayun sa rehas ako dinirecho. Pero ayos lang mala dyosa naman hehe." kwento ko sa kanilang dalawa. 

"Ay hala. Sana ayos ka lang. Nakulong na masaya pa." sabat ni Sunny.

"HAHAHAHA ewan ko sa inyo. Kumain na kayo. Busog na ako eh." sabi ko at iniwan kona sila. 

Lumabas muna ako saglit para magpahangin sa labas. 

Naupo ako dito sa tabi at iniisip yung mga nangyari buong maghapon. 

Kahit ganito na ang hirap ng buhay naman dito, nakukuha pa rin naming tumawa. 

Eh kasi naman kung malulungkot kapa lalo lang bibigat ang lahat para sayo. 

Naaalala ko nga yun sa school nun ang sabi ni mam eh "Laughter is the Best Medicine" daw. 

Tama naman yun. Kaya hangga't maaari eh sinisikap naming maging masaya pa din.

Ayy teka wala nga pala kaming kuryente hehe paano yan? 

Ang bilin sa akin ni kamahalan eh umayos na daw ako. 

At gagawin ko yun.

Gusto ko siyang makita ulit. 

Pero hindi na sa kulungan hehe. 

Paano ko nga ba siya makakausap ulit? Hanapin ko kaya sa f******k??

Oo tama. 

Agad akong napatakbo papuntang tindahan para magpaload ng pang data. 

Magpapatulong nalang ako kina Sunny para mahanap ang account niya. 

"Misis ko, magkikita tayo ulit. Wag mo akong masyadong mamiss. Hehe." nakangiti kong nabulong sa sarili ko. 

Hindi mawala ang ngiti sa labi ko habang iniisip siya. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status