Share

Love To Hate Me
Love To Hate Me
Author: XyGel_0201

It's a Disaster

JANE's POV. 

.

.

"MOMMY! DADDY!"

"ANAK, TAKBO NA. SAVE YOURSELF ANAK! TAKBO BILIS!"

.

.

.

.

"BAAANGG!"

"BAAANGG!"

"BAAANGG!"

"BAAANGG!"

"NOOOOO! MOMMYYY!DADDYYY!"

"HINDI!"

~~~~~~ 

"MOMMYYY! DADDYYY!"

Nagising na naman ako dahil sa bangungot na ito. 

Agad akong napabalikwas habang sapu-sapo ang dibdib ko. Naghahabol ang aking paghinga sa sobrang kabog ng puso ko. Ang sakit, parang may nakadagang mabigat na halos mapatiran na ako ng hininga. 

At hindi ko mapigilan ang mga luha ko sa pagpatak nila.

Ito na naman, waring hindi na ako pinatatahimik ng aking nakaraan.

.

.

"Jane apo! Nanaginip ka na naman ba?" napalingon ako sa pinto at nakita ko si lola na napatakbo sa akin dahil sa ang kuwarto ko ay katabi lang nang sa kanya. 

Siya nalang ang natitira kong kamag-anak dito dahil parehong nag-iisang anak lang si mommy at daddy. At simula ng namatay sila kay lola na ako tumira. 

Si mommy at daddy, tanda ko pa kung paano sila walang awa na pinatay sa loob ng bahay namin. 

I am 10 years old that time.

Pinilit ako ni daddy na tumakbo nun ngunit dahil nandyan na sila kaya nagtago nalang ako sa loob ng kabinet. At doon ko sila nakitang pinagbabaril hanggang sa mamatay.

Napayakap ako ng mahigpit kay lola. 

"Lola, nandyan na naman sila. Ayaw nila akong tantanan. Natatakot ako, sariwa pa rin sa ala-ala ko ang hirap na dinanas nila mommy sa mga kamay nila. Pero pangako po paglaki ko magiging pulis ako at huhulihin ko ang pumatay sa kanila. Pangako yan!" humihikbi kong sinabi kay lola. 

"Sshhh apo kumalma ka. Alam kong sobrang hirap para sayo ang nangyari na yun pero huwag mong hayaang makulong ka sa mapait na ala-ala na yun. Magbabayad din sila. Hindi man ngayon pero may tamang panahon." mahinahong sinabi sakin ni lola habang yakap ako. Pasalamat ako dahil nandito siya na nagsilbi nang magulang ko. 

Mula sa araw na ito, sinusumpa kong hahanapin ko sila at sisingilin. At hindi ako titigil.

======

-AFTER 15 YEARS-

"I need to go Irene. Kailangan maaga akong pumunta sa station ngayon, we have an urgent meeting daw sabi ni chief." pagpapaalam ko kay Irene, ang bestfriend ko. 

Noong namatay si lola dahil sa sakit ay natuto na akong mamuhay na mag-isa at dito ko nakilala si Irene na naging kaklase ko hanggang college. At naging magkasama na kami since then.

"Noted po Sergeant Jane Kim. Hehe." birong sagot nya sakin. 

"Aiish parang sira ka dyan. Ahm by the way nakapagluto na din ako ng breakfast kaya pag gising ni Daniel kumain na kayo at para di siya malate sa school. Iniwan ko na din ang pera dyan sa ibabaw ng ref okay?" bilin ko pa habang nag-aayos ng sarili. 

Well ganito talaga ako eh. Nasanay na akong gusto ko laging organized ang lahat. Ayaw ko ng magulo, hassle eh. 

By the way, Daniel is my son. He is 3 years old. Anak namin siya ni Kiel na ex-boyfriend ko. 

Tssss. Yung walang hiyang yun! After akong mabuntis magloloko din pala. He got me with his flowering words. Tapos nawala nang na parang bula.

But now i've learned from it. Kaya after nun hindi na ako nakipag relasyon pa and i just focused with my son and my job. Wala na din akong balita pa sa hinayupak na yun, wala naman na din akong pake. 

~~~~~~~ 

@The Station

"Good morning Mam Jane" bungad sakin ni Jillian habang nakasaludo pa.

"Goodmorning Jillian. Carry on." sagot ko naman. 

Jillian is my bestfriend also. She's my classmate together with Roseann and Irene during our college days. 

Now she's a Corporal. Well, mababa lang ng konti ang rank nya sakin.

"Tara na sa conference room. Kanina pa naghihintay si Chief." utos ko sa kanya at sabay na kaming naglakad papasok dun.

@The Conference Room

"So, kaya ako nagpatawag ng urgent meeting na ito dahil i want to tackle with you this one important mission." panimula ni chief. 

All eyes on the screen nang may something siyang ipinakita doon. 

"Everyone, he is Mr. Cooper or also known as "Lion Man". Well, we're not sure sa real identity nya dahil paiba-iba ito ng name na ginagamit. Masyado siyang matinik. He have so much illegal activities. One is child trafficking, illegal gambling and illegal drugs shipping. And we need to get him as soon as we can! Nabalitaan kong nandito siya sa bansa para dito naman magkalat ng lagim." pagdi discuss ni chief sa amin. 

Grabe. Nakakagigil itong taong ito. May puso pa ba yan?!  

"Sergeant Jane Kim and Corporal Jillian Seo i want you to participate in this mission. You will join the Omega squad for this. And i want this mission to start ASAP!" utos nya. 

"YES SIR!" sabay-sabay naming sagot. 

Malipas ang ilang minuto ay natapos na din kami.

-TIME SKIP- 

It's already breaktime kaya tumawag muna ako sa bahay to check on Irene and Daniel.

Papunta kami ni Jillian ngayon sa carinderia kung saan lagi kaming kumakain. Makakatipid kasi dito at mura pa. 

"Hoy Jane! Libre naman dyan! HAHAHA wala pa sahod eh." hirit ni jillian sa akin nang makaupo na kami. 

"Naku, ang daya ah! Bukas ikaw naman. Lugi ako sayo eh kung maka-order akala mo di na kakain kinagabihan. Psh." sagot ko habang naka-irap sa kanya.

Matapos ay lumapit na ako dun para mag-order. 

Naka civilian lang kami pag ganitong break at casual lang kaming dalawa. Dun lang kami sa station seryoso. 

"Ohh ayan na ha. Tara let's eat na." sabi ko nang maihanda na sa amin ang mga pagkain at kumain na kaming dalawa. 

Natatawa ako habang nakatingin sa kanya. 

Kung makakain kasi akala mo barako eh. Kung di ko lang bestfriend ito di ako sasama dito eh. 

.

.

.

"Grabe kagutom talaga! Thank you jane. Busog na naman!" sabi nya sakin at pangiti-ngiti pa. 

"Sige babayaran ko na nang makabalik na tayo sa station." sagot ko sabay tayo. 

Nagpunta na ako sa harap para magbayad.

Nilabas ko na ang wallet ko para kumuha ng pera. 

"Magkano po ate?" tanong ko sa tindera

"365 po mam." tugon nya.

Magbabayad na sana ako nang biglang may humablot sa wallet ko. 

.

.

.

.

"HEY! Yung wallet ko!" sigaw ko nang may biglang umagaw nito. 

Napatakbo ako agad para habulin yun. 

.

.

"HOY JANE!" sigaw ni jillian pero hindi ko nalang nilingon pa dahil sa pagmamadali ko. 

Aiiissshh! Ang bilis nyang nawala sa paningin ko. 

"Ate! May tumakbo ba ditong payatot na babae? Naka puting shirt at blue maong??" tanong ko sa aleng nagtitinda sa bangketa. 

"Ayy oo miss. Andun pumasok dun sa eskinita." turo nya. 

"Thank you." humahangos kong naisagot.

At mabilis akong nagtungo dun. 

Dumire-direcho lang ako hanggang sa mapunta ako sa dulo. 

Halos wala nang bahay dito pero may isang bakanteng bahay na animo tambayan kung titingnan. 

Dahan-dahan akong naglakad papalapit doon at nakita ko ang ilang mga bata. Madudungis sila. Tingin ko mga pulubi ito. 

Mas lumapit pa ako nang mas makita ko. 

Ayun! Nakita ko na ang hinahanap ko. 

I was about to approach them nang marinig ko siyang kinausap ang mga bata at may iniabot na pagkain sa mga ito. 

Napatigil ako habang nakamasid lang sa kanila. 

"Ohh heto mga bata kumain na kayo. Sabi ko naman sa inyo diba huwag na kayong mamalimos sa kalsada paano kung may sindikatong kumuha sa inyo." rinig kong sinabi nya na waring nanenermon sa mga bata.

"Pasensya na po ate nagugutom na kasi kami eh." sagot ng isang bata. 

"Hays, sa susunod makikinig kayo sa akin ha? Mas kabisado ko ang kalakaran sa labas. Ohh ayan kumain na kayo." sabi pa nya sa mga ito. 

Saglit ko silang pinagmasdan hanggang sa nakita kong palabas na ang target ko. Kaya naman naghanda na ako. 

.

.

.

.

"AT SAAN KA PUPUNTA HA?!" madiin kong sabi sabay suot ng posas sa kamay nya. 

Laking gulat naman nya sa ginawa ko at nagtama ang aming mga paningin.

~~~~~~ 

LISA's POV. 

Nakakatuwa silang tingnan. 

Isang pamilya na masayang napadaan sa harapan ko. 

Hawak-hawak ng mga magulang ang kamay ng anak nila.

Sobrang saya ng bata. 

At nakadama na naman ako ng pagka-inggit.

Ano kaya ang pakiramdam ng may mga magulang? Mula bata kasi ako never ko pang naranasan yun. 

Namulat na ako sa piling ng mga madre sa bahay-ampunan. 

Sabi nila sanggol palang daw ako nang may nag-iwan sa akin doon. Hindi nila nakilala kung sino at kailanman ay wala nang bumalik para sa akin. 

Madami din akong naging kaibigan sa ampunan noon pero isa-isa rin silang nawala at iniwan ako dahil may umampon na sa kanila. 

Ayaw kong mapunta sa pamilyang hindi ko naman kinalakihan kaya noong 9 years old ako ay tumakas na ako dun sa ampunan.

Kung saan-saan ako napunta. 

Kung ano-ano din ang ginawa ko para lang mabuhay ako. 

Grade 3 lang ang natapos ko noon nung nasa ampunan pa ako at di na ako nag-aral pa dahil wala naman akong pera. 

Kung sana may mga magulang ako hindi sana napariwara ang buhay ko. 

Gusto ko silang mahanap. 

Nasaan kaya sila? Hinahanap kaya nila ako?? Naaalala kaya nila ako?? Ayan ang palaging tanong ko sa isipan ko kapag ganito.

.

.

.

.

.

"HOOOOOYY! Tulala pa sige!"

"ARAY! Gago to ah!" reklamo ko nang batukan ako ni Nadia.

"Tangina Lisa, wala na tayong kuryente naputulan tayo tapos nakukuha mo pang tumambay dyan." sabi nya. 

"Ohh? Ehh kababayad lang natin nun isang buwan ha?" sagot ko sa kanya. 

"Baliw! Isang buwan lang nabayaran natin eh apat na buwan yung balance natin kaya ayan pinutol na." paliwanag nya naman. 

"Tsk. Ano ba yan! Ohh sige gagawan ko ng paraan. Didiskarte muna ako ng pagkakaperahan." sabi ko sa kanya sabay alis. 

~~~~~ 

Naglalakad-lakad ako at napapaisip ng gagawin. 

Tanghali na pala, medyo nagugutom na din ako pero keri pa naman.

Napadaan ako dito sa carinderia at sakto. Eto na yata ang sagot sa problema ko. 

May babae na naglabas ng wallet nya, tingin ko mukhang magbabayad na ito. 

Kung idi-describe ko siya well maputi, maganda, may matang parang pusa kaso pandak hahaha di bale hot naman. Witwiw! 

Kung titingnan parang angat naman ito sa buhay kaya sakto siya na ang biktima ko. 

Mabilis akong tumakbo papalapit at  walang-alinlangang tinangay ang wallet nya. 

Takbo. Yuhoooo! 

.

.

.

Walang lingon-lingon basta takbo lang. Mabuti dito ako magaling sa pagtakbo hahaha. 

Agad akong lumiko sa isang eskinita at sakto may bakery kaya napabili muna ako ng pagkain doon saka dumirecho sa hide-out ng mga bata. 

"Sorry sa hot chick kanina. Trabaho lang. Sayang ganda pa naman." bulong ko sa sarili.

Pagdating ko sa hide-out ay naabutan ko ang mga bata na mukhang galing na naman sa raket nila. Hindi ko maiwasang sermunan sila dahil para ko na rin silang mga kapatid at hindi ko gusto na palagi silang nasa lansangan. 

Matapos kong kausapin ay agad kong binigay ang pagkain sa mga bata at umalis na. 

Subalit laking gulat ko nang may sumulpot sa gilid at biglang pinosasan ako. 

.

.

.

.

"AT SAAN KA PUPUNTA HA?!" sabi nya. 

Paglingon ko, bumungad sakin ang magandang nilalang na ito. 

"OMG. Nasa heaven na ba ako?" bigla kong nasabi habang nakatitig sa maganda niyang mukha.

"Oo. Dadalhin kita sa Heaven." sagot nya naman. 

"Yiieee. May balak ka sakin ha. Wait di pa tayo magkakilala miss. So what's your name? Are you lost baby girl?" pilya kong sinabi. 

"Well ako lang naman ang nakatadhana sayo. Ang nakatadhanang magkukulong sayo. LAKAD DALI!!" sabi nya naman na ikinagulat ko.

"Ayy hala. Ano ito? At bakit may pa posas? Itatanan mo na ba ako miss? Wait di pa ako prepared." sunod-sunod kong sinabi. 

Pilit nya akong pinapalakad at hindi ko alam kung saan kami pupunta basta ang alam ko lang eh ang ganda niya kaya napako na ang mga mata ko kakatingin.

"Ang daming satsat. Just walk!" utos nya pa. 

At wala na akong nagawa pa. 

~~~~~~

@The Station

"Miss Ganda, palabasin mo na ako. Sorry na oh. Miss.. huhuhu." paki-usap ko sa kanya. 

"MISS GANDAAAA!"

"HEY SEXY!" 

"DYOSA SA AKING MUNDO!" sunod-sunod kong pagtawag sa kanya.

"Hey shut up you monkey! Ingay mo dyan naiistorbo sila sayo!" masungit na sagot nya sakin. 

Grabe oh mas maganda pala siya pag nagsusungit hehe. 

"Hoy Jane, anong gagawin mo dyan?? Tutuluyan mo ba??" rinig kong tinanong ng kasama nya.

"Sssshhhh basta. Yaan mo lang yan dyan ng magtanda." bulong nya na halos di ko na narinig sa hina. 

.

.

.

.

"MISS GANDA palabasin mo na ako. Paano nang future nating dalawa kung nandito ako." 

"Hindi ka ba naawa sa cute na ito oh? Huhuhu. Sorry na di na mauulit kamahalan." pagpapa-awa ko baka sakaling gumana. Wala naman akong pampiyansa kasi. Hays.

.

.

.

.

"YAAAHH!! Nadadamage ang beautiful ears ko sa ingay mo!" sigaw nya sa inis.

"Hala. Sorry na kasi Mahal ko. Ajujuju.." sabi ko pa. Ang hirap naman magpa cute sa babaeng ito.

Paano na yan? Hapon na at nandito pa ako nakakulong. 

Paano ako makakadelehensya ng pera para sa pambayad ng kuryente?? 

Yari ako nito kina Nadia. 

Pero di bale. Kung kasing ganda at hot naman nito ang magkukulong sa akin, willing ako.

Willing akong maging bilanggo...ng pag-ibig nya. Yiieeee awittt! 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status