Sa mansion nang mga Harrington ay nakaluhod si Nathan at nanginnginig sa takot.
“Dad, hindi ko naman inaakalang may mangyayaring ganun kahapon. I was just having fun with that woman.”
“Talaga ba? Mukhang hindi naman, gustong-gusto mo nga. Sa tingin mo makapangyarihan ka na? Suki ka ng mga prostitute and you’re throwing me that?”
“Dad, wala akong magawa. Mahigit isang taon na kaming engaged ni Amber pero hindi siya nagpapahawak sa’kin. Lalaki ako, may pangangailangan rin ako.”
“Hayop.” Malamig na komento ni Arthur na kakarating lang sa pintuan ng bahay ng mga Harrington.
Lumapit siya at susuntukin na sana ito pero nang akmang itataas na sana niya ang kamay niya ay nahimatay ito.
-
Matalim ang titig ng manager ni Amber sa kanya na para bang gusto nitong buksan ang ulo nito para makita kung ano ang laman ng utak nito.
“Yes, you can sleep with anyone else. Pero si West Lancaster? Amber, gusto mo bang mawalan ng trabaho? Puwede ka niyang ireport for soliciting a prostitute.”
“So inaamin niyang p****k siya?”
“Sino ba ang mas mawawalan, ikaw na makukulong o siya na p****k? Amber, hindi ka pa nga nakakasimula ng pundasyon mo sa showbiz tapos ganito na.”
Ramdam ni Amber ang galit ni Susie at pinipigilan lang nitong murahin siya.
“Alam mo bang maraming artista ang gustong maging abogado si West?”
Masakit ang ulo niya kaya ayaw na niyang pahabain ang away nila, at umangkla sa katabi. “Anyway, matutulog na’ko kaya ‘wag mo na’kong pagalitan. Wala ka ring mapapala HAHAH! What if aralin mo ang public relations para walang mawala sa’kin?”
Ang mga endorsements, pelikula, at patalastas niya ay dahil lang sa kanyang status na galing sa kanyang pamilya. Kung sakali mang mabuwag ang kontrata niya, ay mas malaking kawalan sa kanya.
“Oo nga pala. Pinaalis na ng bansa si Nathan ang babaeng iyon ng mga Harrington.”
“Oh? Kelan pa?” Nagulat siya sa nalaman. Hindi pa nga siya nakakaganti e pinaalis na kaagad. Ano kaya ang iniisip ng mga Harrington? “Binibiro mo ba ako?”
“Nagbibiro ba’ko? Nawalan ng malay ang daddy mo sa bahay niyo dahil sa sobrang gulit. Ngayon, hindi sigurado ang buhay ng daddy mo. Pinagplanuhan yata nila, lalo na’t buntis ‘yung babae.”
Hindi siya nakaimik. Nagpahinto siya sa isang spa dahil kahapon pa niya gustong magrelax, hindi naman niya alam na hindi pala siya hiyang sa paglalasing at may nangyari pa. pero bago pa man siya pumasok ay may tumawag na sa kanya.
“Mamamatay na ang daddy mo, bumalik ka agad.”
Napaupo naman siya uli sa kotse. Takang-taka naman si Susie kung bakit bumalik ito kaagad. “Lagi niya nalang sinasabi na mamamatay siya, mamamatay ba talaga siya?”
“Dami mong tanong. Ang Kuya mo at ang ibang anak niya sa labas ay papunta na. Kung magpapahuli ka, wala kang makukuha.”
Ang matanda ng pamilya Harrington ay isang malanding tao. Ang gusto nitong tao sa buhay niya ay babaeng nasa bente anyos palang at hindi nga ito nagbago kahit nang tumanda siya.
Sa pagtanda nito, iilang anak sa labas ang patuloy na sumusulpot sa bahay nito. Ang kanyang ina na si Mildred, ang ikalawang asa ng matanda, ay hindi na nagugulat sa mga pangyayaring iyon. Wala itong pakialam kung ilan ang anak nito sa labas, pero kailangan niyang makakuha ng mana mula rito.
Nang makabalik si Amber sa lumang mansion nila, agad siyang hinila ni Mildred sa kwarto. “Maghanap ka ng abogado at tingnan kung paano paghahatiin ang ari-arian niya.”
“Sinabi ko na ba? Walang will.”
“Pakiramdam ko e malala na talaga ngayon. Kailangan natin ang mabuting abogado para lang kung ano ang mangyari…”
“Sino ba ang naiisip mo?”
“West Lancaster.”
“Pfft…” May nangyari palang sa kanila tapos ngayon magmamakaawa siya? “Iba nalang.”
“Hindi pa siya natatalo sa kasaysayan ng Pilipinas,” determinadong saad ni Mildred.
“Mommy, may nangyari palang sa’min. Hindi ‘yan magandang idea.”
“Isn’t that perfect? Mas mabilis magagawa ang mga bagay pagkatapos ng sex. Gusto mo bang mapunta sa mga anak sa labas ang mamanahin mo?”
“Amethyst Bertrice, 10 billion o 1 billion, pumili ka.”
Napaisip naman si Amber. Sino ba ang gagawa ng maling desisyon para sa isang bobong desisyon? 10 billion dapat.
“Galing ka palang sa issue. At alam na ng Harrington na mamamatay na ang daddy mo kaya ang iba ay nagpaabroad na para umiwas sa atensyon ng media. At ikaw na hindi kayang mabuhay nang walang suporta sa daddy mo, matitira ka dito. Ang kikitain mo sa trabaho mo e lilipas rin ‘yan. Pagkatapos ng dalawang taon o higit pa, babalik si Nathan kasama ang anak at asawa niya para insultuhin ka sa tingin mo ba kakayanin mo?”
Syempre hindi. Hindi niya magagawang tumingin lang kung sakaling dumating ang araw na iyon. Hindi siya magpapatalo. Matatanggap niya ang maging mahirap pero ang yabangan ng isang Nathan Whitmore? Hindi niya iyon matatanggap.
Isa itong napakalaking kahihiyan.
“Pupunta na’ko.”
Nakatayo ang office ni West sa pinakasikat na building ng Milchester. Mula sahig hanggang kisame na mga bintana, kitang-kita ang gabing tanawin nang kabuuan halos ng siyudad. Ayon sa haka-haka ay may isang drama na gustong rentahan ang office niya, at hiningan niya ito ng PHP 100,000.00 per day, na nagdulot upang magalit ang direktor at tinanggihan ito.Komportableng nakaupo si West sa sofa habang ninanamnam ang kanyang kape.Napatingin naman siya sa kaharap na hindi niya inaasahang makikita niya ulit.Kung tutuusin ay artistahin talaga ito kung nakadamit at mala-dyosa kung nakahubad.Malinis at marilag ang kagandahan ni Amber, at sa debut performance nito, nakuha niya agad ang puso ng marami.“May case ako para sa’yo, Atty. Lancaster.”Inukay niya ang kape at sumagot, “A beast in human form is worthy of Ms. Harrington’s case?”Ngumiti si Amber, “A beast in human form is a compliment at times.”Pagpapalusot niya.“For example?” malamig na tanong nito.“In bed.” Diretsahan niyang sagot
Samantalang nagpapalit naman si West ng polo nitong nadumihan ng kape.Kaba ang bumalot sa puso ni Amber. Agad siyang lumapit sa assistant, at madiing sinabi, “No. Sabihin mong umalis na siya.”“Pero, hindi pa sumasagot si Mr. Lancaster.”Naningkit naman ang mata ni Amber. “Hindi ba sapat ang sinabi ko?”Sasagot pa sana ang assistant pero sinarado na niya ang pinto.Nang tumalikod siya ay nakita niya ang nakangising si West habang nagbubutones ng bagong suot nitong polo. “Hindi ka pa aalis?”Pakiramdam ni Amber ay parang sinampal siya sa mukha, mabilis, hindi inaasahan, at nakakagalit. Sinulyapan niya si West nang may inis. "Mas mabuti pang kumain ako ng tae."Si West, gaya ng dati, ay kalmado lang at may bahagyang ngiti sa labi.Kung makuha ni Adam ang karamihan ng mana, talaga namang maghahanda siya ng kutsilyo, huhukayin ang bangkay ng Daddy niya, at hihimayin ito ng pino.Bahagyang umalog ang dibdib ni West, parang pinipigil ang tawa. Pagkatapos, seryoso siyang tumango. "If you li
Nagkunwaring nag-isip si Amber. “Hindi naman imposible. Basta papayag ka muna.”Isang gabi ulit ng pag-iisa ng kanilang mga katawan? Kumpara sa mana na nagkakahalaga ng bilyun-bilyon, wala ‘yon sa kalingkingan ng makukuha niyang saya. Kung may nangyari na sa kanila, anong masama kung mangyari ulit?Napangisi si West at binitiwan siya.Kilalang-kilala si Amber sa Milchester sa pagiging palabiro, pero hindi siya nakakakuha ng kahit anong simpatya mula kay West.“Attorney, huwag ka munang umalis! Pwede nating pag-usapan ‘to. Kung hindi ka pa rin masaya, mag-iisip ako ng ibang paraan.”Hindi siya pinansin ni West at tinanggal ang kanyang wrist guard, handa nang umalis sa golf course. Pero bago pa siya makalayo, nakita ni Amber si Adam sa di kalayuan. Agad siyang lumapit kay West at hinawakan ang braso nito.“Amber?”“Kuya, aba’t ang swerte naman! Nagkita tayo rito.”Nagbago ang ekspresyon ni Adam. Napako ang tingin niya sa braso ni Amber na nakapulupot kay West. “Kilala mo si Atty. Lancas
Nang sumunod na araw, natutulog pa rin si Amber nang tumawag si Gideon.“Gising ka na ba?” tanong nito.“Kalahating gising, kalahating tulog,” halos pabulong niyang sagot.“Then go approve your memorial,” tuyong sabi nito.Napasimangot si Amber. “Anong ibig mong sabihin?”Dahan-dahan siyang napaupo.“Kalat na kalat sa internet. Bakit hindi mo tingnan at asikasuhin?”Agad naman niyang binuksan ang social media niya. Kulang nalang ay ingudngod niya ang mukha sa hawak niyang cellphone.Shock! Isang sikat na baguhang aktres nahuling nagtotwo-time!Basa niya sa isip ng headline.Isa ay picture nila ni West, at ang isa ay si Chito. Ibig sabihin ang dalawang iyon ay mula sa nangyari kahapon. Hindi siya nagulat na nahagip ito ng media, pero hindi niya inasahang sa dalawa siya malilink.Wala ba talaga akong taste sa lalaki? Mapait niyang tanong sa sarili.Bago pa siya makapunta sa comments ay tumawag ang kanyang ina.“Nasa huling hantungan na niya ang Daddy mo at nasa’n ka? Nasa labas naghahabo
Ginamit ni Amber lahat ng nalalaman niya para masuri ang batasan ni West, kalmado at mapanukala. Parang kalkulado nito lahat ng kanyang galaw bago pa man ito mangyari, lahat ng kanyang salita bago ito lumabas sa kanyang bibig. Hindi siya interesado dito noon, pero ngayon ay nakuha na nito ang interes niya.Suwail si Amber noong nag-aaral pa siya. Habang ang lahat ay abala sa pag-aaral nang mabuti, naubos ang oras niya sa pakikipagrelasyon sa mga guwapo sa high school. Ayon sa paniniwala niya, mas marami mabuti.Isang araw, nakita niya si West sa palaruan. Sinulatan niya ito ng love letter, at dalawang letra lang ang sinagot sa kanya ni West. OK.Akala niya’y pumayag ito, kaya nagpacute siya dito at binigyan niya ito ng masarap na pagkain. Pero isang araw, napagtanto niyang NO pala ito at dahil sa ginamit niyang ballpen. Akala niya ay bagay sila, tipikal na magkarelasyon, malamig ang lalaki at sweet ang babae, pero iba pala. Hindi niya noon naisip na nagmukha siyang kulang sa atensyon.
Pagkatapos magsalita ni Lazaro ay isa-isa namang nilabas ni Amber ang alas niya. “Bakit naman kailangang pahirapan ng babae ang kapwa niya babae. Walang nakuha si Mommy sa kakasunod sa matandang iyon buong buhay niya. You can say she was already a widow. Pero nang malaman niyang mamamatay na ang matanda, ayaw na niya halos iwan ‘to. Do you get my point? Women are often kinder than men.”Saad ni Amber, dahan-dahang tumayo at tumingin kay Abilene. “Makakaalis ka na pagkatapos nito.”“Hindi mo ‘ko ipapakulong?” gulat nitong tanong.“Anong magandang maidudulot sa’kin ng pagpapakulong sa’yo? Habang buhay ka, may hati ka sa yaman ng matanda. At kung hindi, hindi ba ako naging kriminal n’yan? Ako makukulong? It’s not worth it.” Madiing sabi ni Amber bago lumabas ng interrogation room.Nang makalabas ito, agad niyang inangkla ang kamay sa braso ni West. “Mukhang hindi na kailangan ng abogado ni Ms. Harrington.”Sinuot niya muna ang sunglasses niya bago nagsalita, “Atty. Lancaster, you may not
"Atty. Lancaster!" Nang makita ni Lilith si West, tila bumalik ang kulay sa kanyang mukha. Araw-araw niyang naririnig si Amber na nagrereklamo tungkol kay ‘Señor Ginto’ kaya't nabuo sa isip niya ang imahe ng isang elitista at materyalistang lalaki. Pero ngayong nakikita niyang patakbong papalapit si West, hindi ito mukhang kalaban, parang kamag-anak pa nga. Isang mabait na napadaan din ang lumapit at tinulungan siyang makalabas ng sasakyan. Ngunit si West, hindi man lang siya tinapunan ng tingin. Diretso itong umakyat sa bubong ng nawasak na sasakyan, hinahanap ang isang tao. "Nasaan si Amber?" tanong niya, malamig ang boses. Samantala, sa kabilang kalsada, si Amber ay papara na sana ng taxi. Ayaw niyang maantala ang kanyang hapon para lang sa isang aksidente. Ngunit tila may ibang plano ang tadhana, hindi pa man nakakalayo ang sasakyan, isang trak ng pandilig ng halaman ang bumangga rito. Ngayon, mula sa overpass, dinig na dinig niya ang galit na sigaw ni West. Natawa siya nang
"Tangina! Mas marami pang anak sa labas ang tatay mo kaysa sa mga nakafling ko."Malalim na bumuntong-hininga si Amber habang walang sawang nag-scroll sa kanyang cellphone, hinahanap ang Instagram ni West. Ilang minuto na ang lumipas, pero wala pa rin siyang makita. Nasaan na ba ‘yon?Kahit bahagyang naiinis, nagpalit siya ng diskarte at hinanap na lang si Chito sa kanyang contacts at tinawagan ito."Mr. Rossi, puwede bang magtanong kung ano ang Instagram ni West?" Ipinatong niya ang mga daliri sa kanyang tuhod habang hinihintay ang sagot.Halos agad namang nag-reply si Chito, ngunit ang sagot nito ay mas nakakainis pa sa hindi pagsagot. "Hindi puwede."Napangisi si Amber, mabilis na nakaisip ng sagot. "Parang nasa iisang spa kami ng nanay mo. Itatanong ko na lang sa kanya sa susunod. At habang nandito na tayo sa usapang ‘to, pag-usapan natin ang mga bago mong kaganapan sa love life mo, gusto mo?"Sa kabilang linya, may narinig siyang sunod-sunod na mura mula kay Chito. Halatang inis
Parang minulto si West. Anong klaseng malas ito? Ni hindi naman siya kumain ng isda ngayon pero bakit parang may tinik sa lalamunan niya.Si Whitney. Sa dinami-dami ng gabi, siya pa ang naka-duty sa ER.“Ano’ng nangyari?” tanong ni Whitney, pero sa mata niya, si Amber lang ang tinitingnan nito.Pagkakita sa mukha ni Amber, halos malaglag ang tray niya. Parang biglang naging manonood sa teleserye si West, kalmado at tahimik sa isang tabi.“Bali ang paa niya,” paliwanag niya. Ang kanyang puting polo ay may bahid ng dugo—hindi kanya, pero halatang may dinaanang gulo.Lumuhod si Whitney upang tingnan ang sugat sa talampakan ni Amber. “Kapit ka. Malalim ang sugat. Kailangang linisin ko ng maayos para hindi ka ma-tetano.”Nang dumikit ang hydrogen peroxide sa sugat ni Amber ay…“Aaaah! Aray! Ang sakit! Aaaaah!”“May bakal kasi. Kailangang i-disinfect. Tiisin mo na lang. Para rin sa kakayahan mong makalakad.”Namumula ang mata ni Amber sa sakit. Alam niyang tama si Whitney, pero ang kirot ay
“Lazaro!”Ang sigaw ni West ay pumunit sa katahimikan ng gabi, matalim at mariin, na para bang tinaga ng tabak ang hangin. Nagsilbing alarma ito sa mga pulis sa paligid na agad siyang sinundan.Hindi na siya nag-aksaya ng oras. Sa gitna ng kaguluhan, agad niyang nakita sina Lazaro at ang mga tauhan nito na papalapit. Mabilis niyang hinubad ang suot na coat at inakbayan si Amber, marahan pero mariin, itinakip niya ito sa balikat ng dalaga na nanginginig sa takot.Ayaw niyang makita siya ng kahit sino sa ganitong ayos. Hindi habang siya ang naroon.Karaniwan, kung ganito ang eksena, tiyak na may mapang-asar na biro si Amber. Isang kilig na sulyap, isang malambing na insulto. Pero ngayon, takot ang bumalot sa kanya, hindi lamang dahil sa nangyari kundi dahil kay West mismo.Pak!Isang malakas na hampas mula sa hawak ni West ang dumapo sa balikat ng isa sa mga lalaki. Tumilamsik ang dugo, at kasabay nito ay ang igik ng lalaking hindi na muling nakapagsalita.Hindi pa roon nagtapos.Isa pa
Sa harap ng publiko, si West Trenton Lancaster ay isang huwarang abogado, laging magara ang bihis, mahinahon magsalita, at kayang baligtarin ang kaso gamit lang ang isang ngiti.Pero sa mga nakakakilala sa kanya, isa siyang tusong diyablo na bihasa sa batas, at mas bihasa pa sa laro ng kapangyarihan.Sa loob ng isang abandonadong pabrika, sa gitna ng kalawangin at basang sementong sahig, biglang bumagsak ang isang baldeng malamig na tubig sa mukha ni Amber.Napasinghap siya, halos malunod sa sarili niyang hininga. Umubo siya ng sunod-sunod habang pilit na isinusuka ang tubig na pumasok sa kanyang ilong at bibig. Basa ang kanyang buhok, nanlalagkit ang suot na damit, at nanginginig siya sa lamig.Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata. Sa halip na kisame ng kwarto niya o liwanag ng araw, ang tumambad sa kanya ay sirang bubong, kalawanging bakal, at ang amoy ng bulok na langis.“Putangina mo, West...” pabulong niyang bulalas, halos isang buntong-hininga ng galit at pagsisisi.Kung hin
Umalingawngaw ang tuyong ubo ni Amber sa loob ng underground parking lot, ang tunog ay tila isang matinis na sigaw na lumulunod sa katahimikan. Nanlalabo ang paningin niya habang nakakapit sa kanyang baywang, ang isang kamay ay pilit na nakaturo kay West, ang lalaking halang ang bituka.Hayop ka, West. Talagang sinakal mo ako gamit ang sigarilyo.Walang masabi si Amber. Tanging sunod-sunod na ubo at galit ang namutawi sa kanyang katawan. Pilit niyang pinigilan ang panginginig ng tuhod habang sinusubukang makapagsalita.“West... ikaw...” hinabol niya ang hininga, pilit na isinisiksik ang tinig sa gitna ng hapdi sa lalamunan.Si West naman ay kalmadong humithit ng sigarilyo, saka unti-unting umatras habang pinapanood si Amber na halos di na makatayo ng tuwid sa patuloy na pag-ubo. Wala ni anong pag-aalala sa mga mata niya, parang isang makapangyarihang diyos na malamig ang tingin sa isang nilalang na pinapahirapan.Bigla, isang alaala ang pumasok sa isipan ni Amber, ang tinig ng kanyang
Ang dahilan kung bakit naroon si West ngayong araw ay dahil may appointment siya kay Adam.Pero malinaw na hindi na iyon matutuloy.“Hoy, tara na. Ihatid mo ako.” Walang pasakalye si Amber. Binuksan niya agad ang passenger door ng kotse ni West, pero hindi pa man siya nakakaupo, napatigil na siya.Isang babae ang papalapit, nakapulang damit, mabagal ang hakbang, diretsong patungo sa elevator.“Tinago mo ba ang tatay mo?”Napangiti si Amber, umayos ng tayo habang nakasandal sa kotse. “Mrs. Harrington, kung magsasalita ka ng ganyan, sana may ebidensiya ka. Kung wala, baka makasuhan pa kita ng paninirang-puri.”Si Sophia Harrington—ang unang asawa ni Adam. Matapos ang tatlong beses na pagpapakasal at pakikipaghiwalay, napagtanto ni Adam na mas madaling kontrolin ang orihinal. Kaya muli niya itong pinabalik sa bahay, hindi bilang legal na asawa, kundi bilang katuwang sa pagpapalaki ng anak at tagapangalaga ng kanyang nanay.Binigyan niya si Adam ng buong pamilya, pero walang papel, walang
Kakaapak pa lang ni Amber sa bahay nang tumunog ang cellphone niya. Hindi na niya kailangang tingnan kung sino ang tumatawag, isa lang naman ang gumagamit ng gano'ng ringtone, parang boss na may deadline.“Magkakaroon ng pagtitipon ng mga prominenteng pamilya sa Milchester bukas ng gabi,” ani Gideon, kalmado pero tuwiran. “Pinapaalala ng nanay mo na dapat kang dumating... nang hindi nalelate.”Binuksan ni Amber ang gripo at sinimulang hugasan ang mga kamay. Mainit ang tubig. Pinanood niya ang pag-agos nito habang marahang sumagot, “Mamamatay na ang tatay ko, tapos may gana pa siyang mag-party?”“Tanungin mo siya,” sagot ni Gideon, diretso.Gano’n naman talaga. Iba ang takbo ng utak ng mga mayayaman, at hindi 'yon madaling maunawaan ng mga tulad niya na galing sa baba.Si Mildred, ang ina ni Amber, ay klasikong halimbawa ng babaeng sosyal mula '90s. Sabihin mong madiskarte, medyo. Sabihing wala siyang utak, hindi naman. Wala siyang kakayahang magtaguyod ng sarili, pero pagdating sa pak
Maingat na hinugasan ni Lazaro ang baso bago ito pinuno ng malamig na tubig. Tahimik niya itong inilapag sa harap ni Amber, saka naupo sa kabilang upuan, seryoso ang ekspresyon, parang may lecture na naman siyang ihahanda.“Hindi ko alam kung maswerte ka ba o malas,” panimula niya habang pinapahinga ang mga braso sa mesa. “Kung tutuusin, maswerte ka, tatlong beses ka nang napunta rito ngayong linggo, at buhay ka pa rin. Pero kung iisipin, malas ka rin, kada habulan, kami ang sumasalo sa mga umahabol sa’yo.”Tahimik lang si Amber, pinagmamasdan ang patak ng hamog sa baso.Umayos ng upo si Lazaro at pinatong ang dalawang kamay sa batok, parang relax na relax. “Alam mo, para ka na talagang mascot ng grupo namin. Sa mga nakakakilala sa’yo, alam nilang malas ka. Pero ‘yung mga hindi? Akala nila ginagamit mo lang ang pagiging dating magkaklase natin para sa koneksyon.”Hindi na nakapigil si Amber. “Lazaro, alam mo ba kung bakit ayoko sa’yo?”Napataas ang kilay nito. “Bakit?”“Kasi ‘yung muk
Magaling pa rin si Adam pagdating sa kasiyahan, wala pa ring kupas.Sa dami ng anak ng matandang iyon, bakit nga ba si Adam ang paborito? Hindi dahil sa siya ang pinakamasipag o pinakamasunurin. Hindi rin dahil siya ang panganay. Ang totoo, si Adam lang ang tunay na nagmana ng tuso at makapang-akit na diwa ng ama—isang natural na manlalaro sa larangan ng pag-ibig at kalokohan.Bata pa siya, oo. Pero punong-puno na ng kababaihan ang mundo niya, palit-palitan, walang patid.Kung may kasabihang “Habang bata, dapat romantiko ang lalaki,” si Adam ang literal na ehemplo niyon.At kung hindi ko siya matatalo, hindi ako mapapalagay.Tahimik na lumakad si Amber papunta sa bungad ng eskinita. Doon, nakita niya ang ilang lasing na binatilyo, naka-sando, pawisan, at lantaran ang kababuyan sa mga mata.Inilabas niya ang ilang bungkos ng perang papel, mapula, makapal, at tiyak na maaakit kahit sinong tambay. Walang sinabi si Amber, pero sapat na ang tingin niya.Makalipas ang tatlo o limang minuto,
“Parang paunti na nang paunti ang suot ni Ms. Harrington,” bulong ng isang staff habang dumaraan si Amber sa hallway, tila hindi alintana ang mga matang nakasunod sa kanya.Hindi siya nagpahalata. Sa halip, inangat niya ang leeg, inayos ang kuwelyo ng silk blouse na bahagyang nakabukas, at ngumiti nang may bahagyang panunuya.“Gusto ko lang naman mapagaan ang buhay ni Atty. Lancaster,” sagot niya, malambing pero may tinatagong sibat ang tono.Tahimik lang si West. Sa halip na sumagot, napailing lang siya habang nakatuon sa mga dokumentong nakakalat sa mesa. Sanay na siya sa mga mapanganib na birong ibinabato ni Amber na tila alon, magaan sa simula, pero kayang palubugin ang barko kung hindi ka mag-ingat.Habang umiikot siya sa gilid ni Amber, napansin niya ang food box sa mesa, may nakadikit pang sticker na kulay pink: Breakfast with Love.“Pati ba ‘yung mga reporter sa labas may loving breakfast din galing sa’yo?” malamig ang tanong ni West, hindi man lang tiningnan si Amber.Umikot