Nakatayo ang office ni West sa pinakasikat na building ng Milchester. Mula sahig hanggang kisame na mga bintana, kitang-kita ang gabing tanawin nang kabuuan halos ng siyudad. Ayon sa haka-haka ay may isang drama na gustong rentahan ang office niya, at hiningan niya ito ng PHP 100,000.00 per day, na nagdulot upang magalit ang direktor at tinanggihan ito.
Komportableng nakaupo si West sa sofa habang ninanamnam ang kanyang kape.
Napatingin naman siya sa kaharap na hindi niya inaasahang makikita niya ulit.
Kung tutuusin ay artistahin talaga ito kung nakadamit at mala-dyosa kung n*******d.
Malinis at marilag ang kagandahan ni Amber, at sa debut performance nito, nakuha niya agad ang puso ng marami.
“May case ako para sa’yo, Atty. Lancaster.”
Inukay niya ang kape at sumagot, “A beast in human form is worthy of Ms. Harrington’s case?”
Ngumiti si Amber, “A beast in human form is a compliment at times.”
Pagpapalusot niya.
“For example?” malamig na tanong nito.
“In bed.” Diretsahan niyang sagot.
Mukhang epektibo naman ito dahil tila nagliwanag ang mukha nito, pero masungit pa rin. “I want to remind you that my consulting f*e is PHP 25,000.0 per hour.”
“Buti ‘di mo naiisipan mangholdap ng bangko? Wala namang pinagkaiba ‘yan.”
“I prefer brainless rich people like you to give me money than robbing a bank.” Inis na inis naman si Amber nang maibalik ang patama niya sa kanya.
“Tatanggapin mo ba o hindi?”
“Ayoko.” Mabilis nitong sagot.
“Bakit?”
“Shouldn’t a male lead better be better than me? Or a sporty college student?”
Hindi naman siya nakasabat pero sobra-sobra na ang pagsisi niya na linunod ang sarili sa alkohol, mas lalo lang siyang namroblema ngayon.
Ang dami ng lalaki sa mundo, o sa bar na ‘yun, bakit si West pa ang pinuntirya niya.
Ngumit siya nang pasuyo, “Mr. Lancaster, hindi naman natin kailangan pagkainitan ang bagay na ‘yun ‘di ba?”
Sumandal lang si West sa sofa, “Hindi mo lang akong ginawang panakip-butas sa ginawa sa’yo ng fiancé mo, trinato mo rin ako na parang p****k.”
“…please?”
“Not bringing up your past is already a courtesy.”
Napasapo naman siya ng noo. “Huwag ka na ngang magalit. 10 billion ang nakasalalay dito.”
“Atty. Lancaster, bring up my past as often as you want. Holding grudges is bad for your health. Ang stress ay nakakalbo, alam mo ba ‘yun? Para sa buhok mo, ako na mismo ang magdadala sa’yo ‘dun.”
Sumulyap ito sa kanya, ‘tila namangha sa kanyang katapangan. “Tsk, mapilit ka talaga ‘no…”
Ngumisi naman si Amber, “Matagal nang nakabaon ang kasaysayan ko. Hindi na ‘yan makakaapekto sa swerte ko. Think of this as a house renovation, sino bang may ayaw ng bagong simula ‘di ba?”
Napabungisngis naman si West, patuloy na namamangha sa pagiging agresibo ni Amber. "I never expected Miss Hua to be so... kind-hearted, especially considering she’s not exactly easy on the eyes."
At doon na nga nasagad ang pasensya ni Amber. ‘Ni isa, kahit sumubok, ay walang nagtangkang insultuhin ang itsura niya, tanging si West lamang.
Hindi ba nito naiisip na isa nang karangalan ang makilala niya? Pero hindi, mas pinili pa rin nitong maging gago.
Nang walang ano-ano’y kinuha niya ang kape sa mesa at at isinabuy ito sa kanya. “Maayos naman bibig mo pero wala ka man lang sinabing matino!”
Pero dahil alerto si West, agad itong nakaiwas.
Nang mapagtanto ang ginawa, agad na tumayo si Amber, tumalikod, at handa nang tumakbo paalis suot ang kanyang heels. Mabilis naman siyang naabutan ni West nang dalawang hakbang lang. Isinara nito ang pinto, at nakulong siya sa bisig nito at ng sementadong dingding.
Ang boses nito ay napakamapanganib, nababalot nang buong pagpipigil. “Did you just throw that at me?”
Ang mga daliri niya’y bahagyang nanginig. Biglang umalingawngaw sa kanya ang reputasyon ni West bilang King of Hell ng legal circle. Ang mga usap-usapan tungkol sa kanya ay nakakasindak, at kahit na ang iba’y sobra-sobra, isa lang ang sigurado siya, ang lalaking kaharap niya ay nakukuha ano man ang gusto nito, ano man ang kapalit.”
Isang alamat sa legal na mundo. Isang lalaking hindi nadungisan ang kanyang kamay dahil mayroon itong isang daang paraan upang gawing miserable ang buhay ng iba sa lugar niya.
Ang nag-iisang diablo, West Lancaster.
Pinilit naman ni Amber na ngumiti. “May…may Parkinson’s disease ako.”
Biglang kumurba ang labi nito nang nangungutyang ngiti. “Oh? Interesting. Your so-called Parkinson’s conveniently acted when you threw coffee at me, but not when you touched me there last night?”
Ang isa nitong kamay ay dumulas pabalot sa kanyang bewang, hinila siya palapit, ang paghinga nito ay dumadapo sa balat niya.
“Should I remind Ms. Harrington of what happened?”
“Hindi na kailangan.” Nagngitngit si Amber sa galit, ang kanyang pride ay tila nag-aapoy. Ang kahihiyan ay hindi niya matiis. Mas mabuti nang kumain ng lupa kaysa piliti ang gagong kaharap niya.
Siya ang taong linuluharan ng lahat, at hindi ang kabaliktaran. Kung tatanggihan ni West ang alok niya, wala siyang magagawa. Malawak ang mundo, ang isang abogado ay hindi mahirap hanapin.
Itinuwid niya ang postura, at malamig na sinambit, “Mr. Lancaster, kung ayaw mong tanggapin, then fine. But we’re all in the same circle. Even if a deal falls through, there’s still room for friendship. Name a price, I’ll consider it as an apology for my reckless behavior.
Nandilim naman ang tingin ni West. Ito ang Amber na kilala niya, gumagamit ng pera bilang kanyang sandata.
“You really didn’t get your title for nothing. Pinag-isipan mo ba ‘to nang mabuti?” tanong nito, ang kanyang boses ay bakas ang pagkamangha. “You think throwing money around will solve your problems?”
Napangisi si Amber. “I have money. Sa tingin mo ba mahihirapan akong makahanap ng disenteng abogado?”
Napailing naman si West, ang mga mata nito ay nagningning ng tila ‘di mawari. “Is that so?”
“Oo, hindi kita ililibre ng pagkain, mas lalo na ang magmakaawa para tulungan mo.”
Napatawa naman si West, isang ngisi ang nanatili sa kanyang labi. Kumuha ito ng panyo at pinunasan ang kape sa leeg niya, ang pagiging walang pakialam nito sa pangyayari ay mas lalong nagpainis kay Amber.
“Shall I escort you out then?”
Napanguso si Amber, tila may binubulong sa ilalim ng paghinga niya, na mas mabuti nang hindi siya gumastos kahit piso.
Padabog niyang binuksan ang pintuan ng opisina, para lang makasalubong mukha sa mukha ang assistant nito na pakatok na pala.
Napakurap ito sa gulat at nag-aalangang nagsalita, “Mr. Lancaster, may naghahanap po sa inyo ang pangalan daw ay Adam Harrington.”
Parang nalaglag naman ang tiyan ni Amber.
Adam Harrington? Ang tusong pangalawang kapatid niyang iyon?
Kung sakaling pumayag si West na irepresenta ito, malalagot siya.
Magiging alipin ba siya ng Mommy niya? Mapipilitang manood habang binabalandra ni Nathan ang perpekto nitong pamilya?
Hindi maaari.
Ang hangin sa tabing-dagat ay malamig, ngunit hindi iyon sapat upang pawiin ang init ng tensyon na bumabalot sa paligid. Sa gitna ng umpukan, bumulwak ang isang tinig, malamig, matalim, at puno ng galit.“Charlene, saan ka na naman gumapang ngayon?” Malinaw at buo ang boses ng babae, tila kutsilyong dumadaplís sa balat. “Talagang wala kang hiya. At ngayon, nagpapaawa ka pa? Huwag mong sabihing nakalimutan mo na kung paano mo ako dinuraan at tinapakan noon, literal. Ngayon, kunwari ka pang inosente. Noon, sobrang landi mo. Nakabuyangyang ka pa sa harap ng camera. Napanood ko ‘yon, buong-buo. ‘Yan ba ang balak mong ipamana sa anak mo?”Parang apoy na pinandiligan ng gasolina ang reaksyon ng mga tao. Mula sa mga bulong at ungol, naging lantaran ang mga reaksiyon. Napuno ng ingay ang paligid, bawat isa’y nag-aabang sa susunod na mangyayari.Ngunit hindi pa tapos ang babae. “At sasabihin mong ako ang masama? Ang tapang mong umakto, pero ngayon takot kang mapag-usapan? Kung sa sinaunang pan
“Hindi ko akalaing mahilig si Miss Harrington sa mga balita tungkol sa ekonomiya,” ani West, malamig ang tono nito habang panakaw na sinulyapan si Amber mula sa kanyang kinauupuan sa loob ng sasakyan.Ikinuyom ni Amber ang isang hibla ng buhok sa daliri at tumikhim, halos nakangisi. “Gusto ko lang namang mas maintindihan si Attorney Lancaster.”Kalmado ang ngiti sa kanyang labi ngunit malinaw ang intensyon sa kanyang salita. Hindi siya hangal. Hindi dapat nag-aaksaya ng panahon ang isang babae sa lalaking hindi niya pa lubusang kilala. Lalo na kung sakaling ang lalaking ito ay walang-wala pala. Nakakatawang trahedya iyon.Pero sa kaibuturan ng kanyang isipan, alam niyang hindi ganoon si West. Ang lalaking ito, kaya ang kahit anong uri ng buhay, maliban na lamang sa pagiging miserable.Hindi na sumagot si West. Bahagyang sumikip ang kanyang mga mata at may bahagyang kurbang nabuo sa kanyang labi, isang mapait na ngiting hindi umabot sa kanyang mga mata. Hindi siya naniwala sa palusot n
Napatitig lamang si Amber kay West, hindi makapaniwala sa kanyang narinig. Parang may umalingawngaw na tanong sa kanyang isipan; seryoso ba talaga ito? Sa dami ng pwede niyang maramdaman sa sandaling iyon, hindi niya alam kung alin ang uunahin. Gusto niyang matawa dahil parang biro lang ang lahat. Ngunit may parte rin sa kanya na gustong manuntok dahil hindi niya maintindihan kung anong larong pinasok ni West, at kung bakit pakiramdam niya ay unti-unti siyang hinihigop nito sa isang mundong puno ng tukso.“Sigurado akong nasisiraan ka na ng bait,” mariing sambit ni Amber, kasabay ng pagyuko upang damputin ang kanyang bra. Hindi na siya tumingin pa kay West. Sa halip, buong determinasyon siyang nag-ayos ng sarili, handang umalis, handang limutin ang kakaibang tensyon na unti-unting namumuo sa pagitan nila.Ngunit bago pa siya makalakad palayo, mabilis na inabot ni West ang kanyang pulso. Mahigpit, ngunit hindi marahas. Parang sinasabi ng kanyang pagkakahawak na hindi pa tapos ang usapa
Sa kabilang banda ng silid, muling suminga si Amber. Marahang inabot ni Wendy ang tasa na may nakatimplang gamot. “Inumin mo na gamot mo,” mahinang sabi nito, pero puno ng kabaitan at pag-aalala.Tahimik na sumunod si Amber. Hindi na siya umangal, hindi na rin nagtalo. Kita sa mukha niya ang pagod, pero pinilit niyang ngumiti ng bahagya.Samantala, pumulot si Wendy ng mga nagkalat na tissue at itinapon sa basurahan. Maingat ang bawat galaw, para bang iniingatan niyang hindi madumihan ang kanyang sarili kahit pa naliligo na sa kalat ang paligid.At sa eksaktong sandaling iyon, bumukas ang pinto.Pumasok si West, tahimik pero mabigat ang presensya. Nakatayo siya roon, ang mga mata ay may bagyong hindi pa bumubuhos. Ang kanyang mukha ay seryoso, parang may bitbit na paniningil.“Amber…” mahinang tawag niya. Pero sa tono pa lang, dama na ang paniningil nito.Napakurap si Amber. Hindi niya alam kung anong kasalanan na naman ang kailangan niyang pagbayaran.Pero ramdam niya agad. Hindi siya
Sa loob ng Whitmore Estate, nanatiling malamig at mabigat ang katahimikan. Parang usok ng insenso sa sinaunang templo, gumagapang ito sa bawat sulok ng silid. Dahan-dahang ibinaba ni Nathan ang hawak na cellphone, at sa kanyang mga mata’y may bakas ng lungkot, pagkadismaya, at kawalan ng direksyon. Hindi siya agad nakapagsalita, tila may mabigat na bagay na nakadagan sa kanyang dibdib, hindi siya makagalaw.Sa kabilang dulo ng silid, nakaupo ang kanyang ama, si Nicolas, ang taong sa isang tingin pa lang ay kayang magpatahimik ng buong mundo. Ang mga mata nito ay parang naglalagablab na karbon, handang sunugin ang anumang pagtutol.“O, pumayag ba?” tanong nito, malamig ang tono pero puno ng paghuhusga.Hindi kumibo si Nathan. Wala ni isang salitang lumabas sa kanyang bibig. At sa sandaling iyon, dumagundong ang palad ng kanyang ama sa armrest ng silya. Tumalbog ang alingawngaw ng tunog sa apat na sulok ng kwarto, tila isang kulog sa gitna ng bagyo.“Sa dinami-rami ng babae, bakit si Am
Napatawa nang bahagya ang babae. “Ako po ang housekeeper na in-hire ni Mr. Lancaster. Permanenteng naka-assign dito sa unit.”Huminga nang malalim si Amber, parang may tinik na biglang nawala sa lalamunan niya. Housekeeper lang pala. Hindi madrasta. Hindi miyembro ng pamilya.Sapat na ang stress niyang kasama si West. Kung may isa pang taong dapat niyang pakisamahan, at kamag-anak pa, baka tuluyan na siyang pumutok.“May kailangan po ba kayo, Miss Harrington?” tanong ng babae.“Mainit na tubig lang, salamat,” sagot ni Amber habang inaayos ang kumot sa balikat.“Binanggit ni Mr. Lancaster na naghanda na raw po siya ng almusal bago siya umalis kanina. Gusto n’yo na po ba, o mamaya na lang?”“Mamaya na lang. Salamat.”Hindi pa man siya tapos magsalita, biglang tumunog ang cellphone niya mula sa gilid ng sofa. Tumigil siya sa paglakad at dahan-dahang kinuha ito.Pagtingin niya sa screen, halos malaglag ang cellphone niya sa pagkabigla.Nakita niya ang isang pangalang matagal na niyang hind