Nagising si Amber na hubad at walang maalala sa isang prestihiyosong hotel sa Milchester. Pero isa lang ang alam niya, hindi simpleng tao ang nakasiping niya kagabi. Si West Lancaster o King of Hell, kung siya'y tawagin ng kanyang mga trabaho. Ito ay dahil wala ito ni isang kaso na hindi naipanalo. At kung sino man ang nakakaharap nito sa korte ay siguradong magdudusa pagkatapos. Wala itong kinatatakutan. At ngayon ay nagising itong may iilang piraso ng isang libo pagkatapos ng mainit nilang pinagsaluhan. Ano nga ba ang naghihintay kay Amber matapos niyang tratuhin bilang isang bayaran ang batikan at kilala sa kanyang ginagawa? Mauuwi ba ang isa sa hindi inaasahang kasunduan na maglalapit sa kanila o sa walang katapusang bangayan na sisira sa kanilang dalawa?
View MoreSa loob ng isang silid ng Apex Hotel Suites kung saan ay nabalot ng hiyaw at ungol kagabi ay bahagya nang dumungaw ang sikat ng araw sa pagitan ng kurtina. Ang paghiyaw at hingal ay nahinto na, pero ang bakas ng kuko ni Amber sa likod ng isang binata, ay hindi naglaho.
Ano nga ba ang nangyari kagabi? Sa mismong engagement party sana ni Amber ay nagplay ang isang video ng fiancé niya at ang ex nito na nagtatalik.
Imbes na makuha ang simatya ng mga dumalo ay nagawa pa siyang maging katatawanan ng mga ito.
Linunod niya ang lungkot sa paglalasing at pakikipagtalik sa isang lalaki na kung tawagin sa larangan niya ay… King of Hell.
Diablo?
At ang pinakaimportante pa sa lahat ay inalok niya itong maging boyfriend niya ng isang araw, at nakipaghiwalay rin siya kalaunan.
At dahil sa ginawa niyang ito, pakiramdam niya ay babagsak na ang hindi pa nga nasisimulan niyang karera sa industriya.
“Gising ka na pala?” saad ni West Lancaster, ang abogadong wala ni isang talo sa lahat ng kaso na hinawakan niya. Sikat, guwapo, matalino, at mayaman. Lahat yata ng babae e titihaya nalang kapag siya na ang pinag-uusapan. Napatingin ito sa kanya na nakaupo at tila nagsisimula nang pagsisihan ang ginawa.
Sumandal ito upang kumuha ng sigarilyo habang nakangisi, “Anong klaseng laro ang ginagawa niyo ng fiancé mo?”
Napamura naman si Amber sa isip niya.
Inunat nito ang kanyang kamay upang abutin ang ashtray sa bedside table, “Ano ba’ng iniisip ng ipinahiyang ex- fiancé bago magpakama? Para mandiri ang ex- fiancé niya?”
Hindi na niya ito pinansin at binalot ang sarili sa comforter at tumungo upang kunin ang bathrobe niya.
Dahan-dahan siyang naglakad papalayo at lumingon. Bumungad sa kanya ang kalahating hubad na katawan ng lalaking nakasandal sa kama, ang kumot na iniwan niya ay siyang nagtatakip sa pang-ibabang katawan nito, habang may hawak na sigarilyo sa pagitan ng mga daliri niya.
Wala itong ginagawa pero nabubusog na siya sa presensya nito, parang hindi mula sa mundong ito.
Ang malalim, at maitim nitong mata ay nagawi sa kanya at hinihintay siyang magsalita.
Alam ng lahat na si West, ang prinsipe ng Manila Legal Circle, ay napakahirap pakisamahan.
“Bakit ka ba nandito?”
“Should I make you remember?” makahulugang sinabi nito sabay pakita sa kanyang room card.
Bahagya siyang napanganga sa sinabi nito. Hindi niya alam kung paano niya tatakasan ang kanilang pag-uusap. Dapat ba siyang tumahimik nalang at hindi ito pansinin? Pero, kasalanan din naman niya ang nangyari. Dapat ba siya maging testamento sa sinasabi ng iba na kapag nagtagpo kayo ni West sa korte e hindi ka makakatakas?
Pero sa kama kami nagtagpo, gaga. Amber kasi, bakit sa dami ng lalaki iyang attorney pa na ‘yan. Isip niya.
“Napadami ako ng inom kagabi. I hope Atty. Lancaster doesn’t mind.” Saad niya habang kunwari’y hindi siya binabagabag ng nangyari. Kinuha niya ang isang putting polo mula sa sahig dahil hindi niya makita ang dress niya at sinuot ito. Nahulog naman ang bathrobe niya dahilan para tumambad ang makinis niyang kutis.
“Ms. Harrington, natural lang ba sa’yo na kapag lasing ka e nagpapakama ka sa kahit kaninong lalaki? Pinipilit mo ba sila na makipagtalik sa’yo?”
Ayaw niyang magpaliwanag. Hindi naman sila close para sagutin niya ‘yun.
“I guess so. Minsan, kung napaparami e nakakadalawa ako sa isang araw.”
Kinuha niya ang bag niyang nasa sahig din at kumuha ng cash, at linagay ito sa couch sa dulo ng kama. “Ang pinakamalaking special service sa Apex Hotel ay 5000 kada isang gabi. 8000 ‘to kaya sana, puwede mo na ‘tong kalimutan at patawarin ako.”
Nang makita ni West ang paglapag ni Amber ng cash ay nagdilim ang kanyang mukha.
Ano siya p****k?
Bayaran?
“8000 per night? Masyado ka yatang nagmamataas, Ms. Harrington.”
Napaisip si Amber sa sinabi ni West at kumuha ng barya at ipinatong ito sa inilapag niyang cash kanina lang. “Can this be considered since it’s all I have?”
Totoo na wala na talaga siyang pera. Kung may pera man sa loob ng wallet niya, iyon ay pamasahe na niya pag-uwi.
“Tss.” Pero para kay West, hindi lang siya ginawang p****k nito, ininsulto pa siya. “Linoko ka ng fiancé mo, nalaman mo sa mismong engagement party niyo pa, at sa secretary niya pa. Dahil sa maliit niyong show ay mainit ang dalawang kilalang pamilya ng Whitmore at Sinclair. Sa tingin mo, ano ang makukuha mo kapag lumabas ang balita na may nangyari sa’tin?”
Tumayo si West at kinuha ang towel sabay pulupot nito sa kanyang pang-ibabang parte ng katawan. “Kung ako ikaw, hindi ako gagawa nang ikakalugi ko.”
“You are already looked down by a brainless second-generation rich guy, and been poached by a woman that may not be part of the wealthiest families but the most famous in the country, saan ka lulugar?”
Napakagat ng labi si Amber. “Pakialam mo?”
“Wala naman, pero…” ngumisi ito. “I’m just saying as someone who saw you naked.”
Natawa naman sa inis si Amber. “Hindi mo nga talaga masasabi ang ugali ng tao. Respetado ka ‘pag nakasuit pero hayop ‘pag n*******d.”
“Hinihintay kong magmakaawa ka sa’kin,” saad nito gamit ang malamig nitong boses at bahagya nitong kinurot ang baba niya.
Tinapik naman ni Amber ang kamay nito upang kumawala, “Dream on.”
Sa marangyang katahimikan ng villa ni Amber, halos hindi gumagalaw ang oras. Madilim ang silid, tanging ilang malalamlam na ilaw sa sulok ang kumikislap sa mapuputing pader, parang mga alingawngaw na hindi matahimik. Nakaupo si Blake sa isang malambot na upuang nakaharap sa salamin, hawak ang kanyang telepono habang panaka-nakang sumisilip sa babaeng nakahilata sa sofa. Si Amber, na natatakpan ang mga mata ng malamig na eye mask, ay parang inubos ang lahat ng kanyang luha buong maghapon.Hindi pa rin humuhupa ang tensyon sa paligid. Ang init ng mga nangyari kanina ay nananatili sa hangin, kumakapit sa bawat sulok ng silid. Bukas pa rin ang comment section ng live broadcast ni Amber at walang tigil ang pagbulwak ng mga opinyon, paratang, at intriga mula sa mga manonood. Minsan ay hindi napigilan ni Blake ang mapangiti habang binabasa ang mga komento.Tuloy-tuloy sa pag-scroll si Blake, tila ba naghahanap ng kasagutan sa sariling tanong. Ano nga kaya ang nasa isip ni Nicolas habang nan
Pamilyar na pamilyar na ang presensya ni Amber Harrington sa presinto. Para bang bahagi na siya ng araw-araw na gulo, isang mukhang hindi na kinakailangang ipakilala. Sa dami ng beses na siya'y nasangkot sa mga eskandalong kinasasangkutan ng mga sikat at may pangalan, halos naging routine na sa mga opisyal ang pagtanggap sa kanya. Subalit sa likod ng kanyang matatag at magarang panlabas, alam ng lahat na hindi niya sinasadyang lumikha ng ingay. Sadyang ganito ang mundo kung saan siya kabilang, isang mundong puno ng kamera, tsismis, at kasinungalingan na binabalot ng ilaw at palakpakan.Ngunit ngayong gabi, hindi si Amber lamang ang sanhi ng kaguluhan.Nakatayo si Nathan sa gitna ng silid, basang-basa at halos hubad, parang bagong ligo sa ulan pero walang kahit anong kasariwaan sa kanyang hitsura. Sa tabi niya, si Amber ay waring bumangon mula sa isang trahedya, ang kanyang buhok ay nakalugay at basa, ang kanyang suot ay parang kinaladkad sa baha, at ang kanyang titig ay tila hindi angk
Punung-puno ng ingay ang loob ng ballroom, parang dagat na sumisigaw at umaalon. Pero sa gitna ng ingay, sa mismong sentro ng bulwagan, isang salita lang ang bumulusok na parang kidlat sa katahimikan ng mga tao.“Putangina.”Kasunod ang halakhakan. Tila ba isang kabataan ang sumigaw, nagpipigil ng tawa habang nakatingin sa gitna ng kaguluhan.“Ang astig ni Amber!”“Walang awa kapag nagkakalmutan na. Walang habag.”“Sandali lang… 'Di ba si West 'yun?”Tumigil ang mundo ni Nathan. Nawalan ng kulay ang kanyang mukha, parang piniga ng kapalaran at itinapon sa harap ng lahat. Nakapako siya sa kinatatayuan, parang estatwa ng kahihiyan, habang ang mga bulung-bulungan ay unti-unting lumalakas. Ramdam niya ang tibok ng puso sa kanyang tainga, bumibilis, parang tambol na nagpapahayag ng panganib. Hindi na niya kailangang lumingon. Alam na niyang pinagtatawanan siya. Nilulunod siya ng mga matang sabik sa iskandalo.Ginagawang palabas ni Amber ang kanyang pagkasira—at ginagawa niya ito nang may s
Ang hangin sa tabing-dagat ay malamig, ngunit hindi iyon sapat upang pawiin ang init ng tensyon na bumabalot sa paligid. Sa gitna ng umpukan, bumulwak ang isang tinig, malamig, matalim, at puno ng galit.“Charlene, saan ka na naman gumapang ngayon?” Malinaw at buo ang boses ng babae, tila kutsilyong dumadaplís sa balat. “Talagang wala kang hiya. At ngayon, nagpapaawa ka pa? Huwag mong sabihing nakalimutan mo na kung paano mo ako dinuraan at tinapakan noon, literal. Ngayon, kunwari ka pang inosente. Noon, sobrang landi mo. Nakabuyangyang ka pa sa harap ng camera. Napanood ko ‘yon, buong-buo. ‘Yan ba ang balak mong ipamana sa anak mo?”Parang apoy na pinandiligan ng gasolina ang reaksyon ng mga tao. Mula sa mga bulong at ungol, naging lantaran ang mga reaksiyon. Napuno ng ingay ang paligid, bawat isa’y nag-aabang sa susunod na mangyayari.Ngunit hindi pa tapos ang babae. “At sasabihin mong ako ang masama? Ang tapang mong umakto, pero ngayon takot kang mapag-usapan? Kung sa sinaunang pana
“Hindi ko akalaing mahilig si Miss Harrington sa mga balita tungkol sa ekonomiya,” ani West, malamig ang tono nito habang panakaw na sinulyapan si Amber mula sa kanyang kinauupuan sa loob ng sasakyan.Ikinuyom ni Amber ang isang hibla ng buhok sa daliri at tumikhim, halos nakangisi. “Gusto ko lang namang mas maintindihan si Attorney Lancaster.”Kalmado ang ngiti sa kanyang labi ngunit malinaw ang intensyon sa kanyang salita. Hindi siya hangal. Hindi dapat nag-aaksaya ng panahon ang isang babae sa lalaking hindi niya pa lubusang kilala. Lalo na kung sakaling ang lalaking ito ay walang-wala pala. Nakakatawang trahedya iyon.Pero sa kaibuturan ng kanyang isipan, alam niyang hindi ganoon si West. Ang lalaking ito, kaya ang kahit anong uri ng buhay, maliban na lamang sa pagiging miserable.Hindi na sumagot si West. Bahagyang sumikip ang kanyang mga mata at may bahagyang kurbang nabuo sa kanyang labi, isang mapait na ngiting hindi umabot sa kanyang mga mata. Hindi siya naniwala sa palusot ni
Napatitig lamang si Amber kay West, hindi makapaniwala sa kanyang narinig. Parang may umalingawngaw na tanong sa kanyang isipan; seryoso ba talaga ito? Sa dami ng pwede niyang maramdaman sa sandaling iyon, hindi niya alam kung alin ang uunahin. Gusto niyang matawa dahil parang biro lang ang lahat. Ngunit may parte rin sa kanya na gustong manuntok dahil hindi niya maintindihan kung anong larong pinasok ni West, at kung bakit pakiramdam niya ay unti-unti siyang hinihigop nito sa isang mundong puno ng tukso.“Sigurado akong nasisiraan ka na ng bait,” mariing sambit ni Amber, kasabay ng pagyuko upang damputin ang kanyang bra. Hindi na siya tumingin pa kay West. Sa halip, buong determinasyon siyang nag-ayos ng sarili, handang umalis, handang limutin ang kakaibang tensyon na unti-unting namumuo sa pagitan nila.Ngunit bago pa siya makalakad palayo, mabilis na inabot ni West ang kanyang pulso. Mahigpit, ngunit hindi marahas. Parang sinasabi ng kanyang pagkakahawak na hindi pa tapos ang usapa
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments