Chapter: Chapter 32: Toasts, Threats, and the Art of War “’Di ba’t si Ms. Harrington ‘yon?” bulong ng isang babae habang marahang iniikot ang baso ng champagne. “Sabi’y naghihingalo na si Mr. Harrington. Pero parang wala lang sa kanya?”Nasa likod ng crowd si West, tahimik na nakamasid. Ang tinutukoy ng babae ay walang iba kundi si Amber Harrington, nagniningning sa ilalim ng ilaw, waring nilikha mula sa parehong materyales ng kanyang bestidang kulay,champagne. Nakangiti siya habang nagtataas ng baso, nakikipagkuwentuhan na parang nasa isang masayang pagtitipon at hindi isang gabi ng trahedya.“’Yung mukhang nakikipag-toast sa sariling tagumpay? Siya nga,” kumpirma ni West ng walang emosyon sa kanyang tinig.Sa tabi niya ay lumingon si Amber kay Blake, kunwaring nakikinig, may bahid ng pagkabigla sa mukha. Kahit ang pagkukunwari niya’y, syempre, may dating pa rin.Sa gitna ng maraming tao, isang lalaking bilugan ang katawan at parang pinalambot na siopao ang mukha, ay dahan-dahang inilabas ang cellphone. Itinaas niya ito upang kuhanan ng la
Last Updated: 2025-05-07
Chapter: Chapter 31: Gossip, Grapevines, and Grit Tahimik ang buong kainan. Parang sabay-sabay na tumigil ang lahat sa paghinga habang nakatitig kay West.Lahat sila, abala sa tahimik na pagsusuyod ng kanilang utak, parang may kanya-kanyang script kung paano siya iinterogahin.Si Walter ang unang bumitaw. “Si Amber ba?”Walang imik si West. Nanatiling kalmado ang itsura niya, pero sa loob-loob niya, gusto na niyang tumayo at umalis.Si Whitney ang sumalo ng tanong. “Siyempre siya ‘yon. Obvious namang gusto siya ni Kuya, nagpapakipot lang.”“Kung gusto mo siya, dalhin mo siya dito!” sabat agad ni Charlie. “Wala naman sa amin kung artista ‘yan o ano pa. Basta gusto mo, ayos na.”Napakagat ng labi si West. Sumasakit na ang ulo niya.“Mayaman ang pamilya ni Amber,” seryosong tanong ni Walter. “Tingin mo ba, minamaliit nila tayo?”“Eh mayaman ka rin naman, Kuya,” sabat ni Whitney. “Okay, sige, hindi kasing-yaman ni Ginoong Harrington, pero sapat na ‘yon para i-spoil si Amber habambuhay.”“Cheers!” ani Charlie at masayang itinaas ang hawak
Last Updated: 2025-05-07
Chapter: Chapter 30: The Cost of Connection Sa masikip na cubicle ng banyo, saka lang natauhan si Amber. Nanlalamig ang balat niya, at nang tumingin siya sa paligid, napagtanto niyang nakaupo siya sa kandungan ni West, hingal pa rin, bahagyang nanginginig ang mga binti.Nilingon niya ang lalaki sabay titig sa mga daliri nitong kanina lang ay nasa loob niya.Maayos pa rin ang suot nito. Suit, kurbata, walang gusot.Sandali... nangyari ba talaga 'yon?Pero intact ang damit niya. Walang napunit. Walang bakas ng kaguluhan.May narinig siyang mahinang tunog ng pinunit na tissue.Napalingon siyang muli.“Kamay mo ang ginamit mo?” tanong niya, puno ng inis at hindi makapaniwala.Tahimik na nagpunas ng daliri si West gamit ang tissue, hindi man lang tumingin sa kanya. Isang mahinang tunog ng pagsang-ayon lang ang isinagot niya, para bang wala lang nangyari.Napuno ng galit si Amber. Nag-apoy ang pisngi niya sa hiya, pero higit sa lahat, sa galit.“Walang hiya ka,” singhal niya.Ano ‘to? Isang malaking kahihiyan?Ang daming lalaki ang g
Last Updated: 2025-05-07
Chapter: Chapter 29: The Happiness of a Rich Woman “Hindi mo alam na muntik na akong atakehin sa puso habang nasa ibang bansa, salamat sa mga tsismis tungkol sa ‘yo at kay West,” bulalas ni Blake habang pabagsak na naupo sa velvet na upuan, ang kulot niyang buhok ay tila eksena mula sa isang fashion shoot. “Araw-araw akong nagtatrabaho, tapos sa gabi, tsismis ang ulam ko. Grabe, ang sarap! Habang tumatagal, lalo akong nagiging adik!”Nakasandal si Amber sa pintuan ng cloakroom ni Blake, naka-cross ang braso at may mapanuksong ngiti. “Kaya mo lang ako pinatawag? Para mag-report tungkol sa love life ko?”Umiling si Blake sabay irap. “Uy, hindi naman ako ganun kababaw!” ngumiti siya. “Isasama kita sa isang lugar. Magre-relax tayo.”Nagtaas ng kilay si Amber. “Relax?”“Hello? Ilang araw ka nang miserable dahil di mo mapasakamay si West. Tama lang na rewardan mo ang sarili mo.”Nagliwanag ang mga mata ni Amber. “Saan?”Ngumisi si Blake ng may kapilyahan. “Isang male model restaurant, ‘yung Patrick Dawn. Lahat imported. Alam mo na…”Napangi
Last Updated: 2025-05-06
Chapter: Chapter 28: Terms and Conditions May Apply Muling nagbalik ang afternoon tea ni Amber sa law firm ni West Lancaster matapos itong itigil nang kalahating buwan. At dahil doon, parang pista ang naging pakiramdam sa opisina, para bang binusog silang lahat ng ina nilang sobrang mapang-aruga.Taliwas sa pangalan nito, hindi talaga tsaa ang hinahanda kung hindi snacks para sa mga empleyado ni West.Pagbalik ni West sa kanyang opisina, hindi na siya nagulat nang makita roon si Amber.“Hindi ba’t sinabi mo noon na titigil ka na sa pagpunta rito?” tanong niya, may bahid ng inis sa boses.Abala si Amber sa pagguhit sa isang papel. Hindi siya agad tumingin kay West at tinapos ang kanyang ginagawa.“Huwag mo akong udyukin. Baka magalit ako,” sagot niya sabay ngiti na parang walang kasalanan.Lumapit si West para silipin ang kanyang ginagawa. “Anong sinusulat mo diyan?”“May partnership tayo sa isang brand. Plano kong ayusin ang group purchase para sa mga babaeng abogado rito.” Tumitig siya kay West. “Morale booster. Ikaw na rin ang may sa
Last Updated: 2025-05-06
Chapter: Chapter 27: Draw Again, If You DareNagpost si Lilith sa social media ng isang emosyonal na entry na parang siya ang nagdusa. Nang araw ding iyon, dumating si Gideon.Hindi man lang ito bumati. “Same show. Kung hindi ka pupunta, lalamang si Bea.”Napataas ang kilay ni Amber.“Episode four ngayong gabi. Sakto sa pagbabalik mo. Trending ka na, in fairness. Supportive ang fans mo kahit ‘di ka na makalakad. At oo nga pala, kailangan mong sumalang sa livestream mamaya.” Ani Gideon.-Sa Wutheir Game Show, patuloy pa rin ang pagbubukas ko ng blind boxes.Pero iba ang patakaran ngayon. Pagkabukas ng kahon, bibigyan ka lang ng tatlumpung minuto para hanapin ang guro’t magsimulang matuto ng kung anumang nakuha mo. Walang palusot, walang pakiusap."Simulan na ang pagbunot ng papel.""Si Amber na muna!" agad na sigaw ni Bea sabay isang hakbang paatras. May ngiting tuso sa kanyang mukha, halatang may plano. “Kakagaling lang niya sa injury, hayaan na natin siyang mauna.”Tiningnan nito si Amber na parang naaawa, pagkatapos ay biglan
Last Updated: 2025-05-06
Chapter: Chapter 142: Pride and PetalsMakalipas ang isang linggo, nakaupo si Sigmund sa kaniyang opisina nang tumunog ang kaniyang cellphone. Hindi na niya tiningnan kung sino ang tumatawag at agad na sinagot ito.Isa sa mga kakilala niya sa korte ang nasa kabilang linya, nagsalita nang mahaba-haba, nagpaliwanag ng maraming bagay—pero sa dinami-rami ng sinabi nito, dalawang salita lang ang tumatak sa isip ni Sigmund:“Bahala na!”Talagang nagsampa ng demanda si Cerise.Hindi niya inakalang kaya ng babae na gawin iyon nang walang pag-aalinlangan. Ganoon nga talaga ito ka-desisido kung ayaw na nito sa isang tao.Kinahapunan, naglaro siya ng tennis kasama si Izar. Habang nagpapahinga sa gilid ng court, inabot ni Izar ang tuwalya sa kaniya.“Totoo namang lagi siyang tense kapag kasama ka,” ani Izar habang pinupunasan ang pawis. “Pero ngayon, idedemanda ka niya? Anong meron?”Napangisi si Sigmund na may halong pangungutya. “Nagpapanic lang siguro para sa direktor ng TV station nila. Baka gusto lang niya akong kausapin para ili
Last Updated: 2025-05-07
Chapter: Chapter 141: A Ring Between Us Pasandal na umupo si Sigmund sa kanyang upuan, halatang naiinip. Mariin ang tingin niya kay Cerise, na tila ba inis na inis sa presensya nito.Tahimik na tumayo si Cerise, ang tinig niya’y kalmado ngunit may bigat. “Hindi na natin kailangang ipaalam pa sa iba ang tungkol sa kasal natin.”Napangisi si Sigmund sabay malamig na sumagot. “Talaga ba? Akala mo ba ganun lang ‘yun? Alam na ng lahat.”“Marami na akong nakita,” sagot ni Cerise. “Kapag nabuking, nagpapapress release lang para linawin ang isyu. Ngayon, ang mga tao naniniwala sa kung anong gusto nilang paniwalaan.”“I told you,” matigas ang tinig ni Sigmund, “hindi ako nagsisinungaling.”Nakuha ni Cerise ang ibig sabihin nito. At sa kaibuturan ni Sigmund, parang may tumusok sa dibdib niya.“Puwede bang ako na lang ang magbigay-linaw?” tanong ni Cerise, ang mata niya’y diretso sa kanya.Hindi agad sumagot si Sigmund. Sa halip, binuksan niya ang laptop sa harapan at malamig na bumigkas, “Bahala ka.”Napangiti si Cerise nang bahagya.
Last Updated: 2025-05-06
Chapter: Chapter 140: Whispers Behind Closed Doors“Wag kang magalit... sabi ni Kuya Izar, bawal kang ma-stress...” halos pabulong na ang kanyang tinig.“Cerise,” sabi ni Sigmund. “Sana hindi na lang kita nakilala.”Mula sa malamig ay naging isang mapait na lamig ang bumalot sa silid. Wala na siyang nasabi.At gaya ng eksenang walang pasabi, bumukas ang pinto.“Sigmund!”Pamilyar ang boses, malakas, sabik. Pumasok si Vivian, dala ang sariling pag-aalala. Kasunod niya si Craig, pero hindi ito lumapit.Napatingin si Cerise sa kanila. Hindi maipinta ang naramdaman niya.“Ceri, nandito ka rin pala,” magiliw na bati ni Vivian. Walang halong init o panunumbat, pero may pagitan ang tono. Tumabi ito kay Sigmund at agad hinawakan ang kamay nito.“Kumusta ka na? Mas okay ka na ba ngayon?”Hindi sumagot si Sigmund. Tiningnan lang niya si Vivian, at saka bahagyang napangisi. Isang malamig na ngiti na mas masakit pa kaysa sa kanina.Hindi alam ni Cerise kung bakit nakangisi si Sigmund. Wala naman itong sinasabi. Kaya’t marahan niyang paalala, “’Wa
Last Updated: 2025-04-23
Chapter: Chapter 139: When Pain Won’t Speak“Kuya Izar?” may halong gulat ang boses ni Cerise.“Sakto ang tawag mo,” ani Izar. “Hinahanap din kita. Naaksidente si Sigmund kagabi... nasa ospital siya ngayon.”Nabigla si Cerise. “Ano?” Mabilis siyang napatayo. “Nasaan siya? Anong ospital?”“May bali sa isang braso. Nagising kaninang madaling-araw, pero nawalan ulit ng malay. Baka mas mabuti kung pumunta ka rito. Kailangan nating mag-usap.”Hindi na siya nagtanong pa. “Pupunta na ako ngayon.”-Kasabay ng malakas na pagbugso ng hangin ang mabilis na takbo ng kotse. Tahimik si Cerise sa likuran ng sasakyan ng direktor, hawak pa rin ang kanyang, habang paulit-ulit sa isip niya ang sinabi ni Izar.Pagbaba sa ospital, sinalubong siya ng malamig na hangin. Inayos niya ang buhok na ginugulo ng hangin habang nagmamadaling tumakbo papasok.Sa labas ng silid ng pasyente, tumingala si Izar sa naririnig niyang yapak. Nang makita niya si Cerise, bahagya siyang ngumiti, alanganin, pero malinaw ang pagkaunawa sa nararamdaman nito.“Kuya Izar, k
Last Updated: 2025-04-23
Chapter: Chapter 138: Behind A Single YesKita ni Cerise ang pagsabog ng emosyon sa mata nito. Disappointment. Inis. Galit na pilit pinipigil. Pero kahit naramdaman niyang unti-unting bumibitaw si Sigmund sa kanya, kailangan niya itong sabihin.Huminga siya nang malalim, parang pagsuko pero puno ng layunin.“Young Master… pakiusap, hiwalayan mo na ako.”Tumitig si Sigmund sa kanya. Tumigas ang ekspresyon nito, at may sagot siyang buo na bago pa man niya mapigilan ang sarili:“Imposible.”Tumalikod siya at umalis.Naiwan si Cerise sa kinatatayuan, parang naligaw sa gitna ng makakapal na ulap.Buti na lang at kailangan nitong umalis kinagabihan. Nang makatiyak siyang wala na si Sigmund, tahimik siyang lumabas ng suite.Diretso siya sa hotel lobby. Wala namang sagabal sa kanyang pag-alis. Tumango ang mga staff at magalang siyang binati.“Ingat po kayo, Madam.”Napahinto si Cerise. Sandaling nagulat… pero tinuloy ang lakad na may matatag na hakbang.Sumakay siya ng taxi at dumiretso sa bahay.Nag-file siya ng leave at nagkulong s
Last Updated: 2025-04-23
Chapter: Chapter 137: Uncrossed LinesNapatingin sa kanya si Cerise. “Bakit?”“Sa nangyari sa’yo kagabi, wala ka bang gustong alamin? Sino ang nasa likod no’n? Magpahinga ka muna. Huwag kang pumasok.”“Eh ‘di uuwi na lang ako.”Tumitig si Sigmund sa kanya. “Hindi ka ba komportable kapag kasama ako?”“Hindi ko sinasabi ‘yon,” mahinang sagot ni Cerise. “Pero hindi ako pwedeng manatili rito habang-buhay.”“Naghihintay ang mga reporter sa labas ng bahay mo ngayon. Kung pipilitin mong umalis, iisa lang ang pupuntahan mo.”“Saan?”“Sa condo ko.”Ang kanyang sea-view unit.Hindi umimik si Cerise. Tumigil lang siya, nakatingin sa sahig. Tahimik. Pero sa loob-loob niya, naluha ang kanyang damdamin.Hindi ba’t ibig sabihin nito’y hindi pa rin siya makakawala sa kanya?Ayaw na niyang maging human pillow nito tuwing gabi.“Pupunta na lang ako kay Kara. Puwede?”“Alam kong anak siya ng abogado ng tatay mo, at matagal na kayong magkaibigan. Pero ako ang asawa mo. Mas pipiliin mo ba ang kaibigan mo kaysa sa asawa mo? Mas ligtas ka ba ka
Last Updated: 2025-04-21