Home / Romance / Love Under Legal Terms / Chapter 34: Negotiations of Lust and Leverage

Share

Chapter 34: Negotiations of Lust and Leverage

Author: Lyric Arden
last update Last Updated: 2025-05-08 22:48:12

Nakaupo si Amber sa malambot na sofa, ang mga mata’y kumikislap sa pang-aalipusta. “Mas mataas ang tingin ni Atty. Lancaster sa sarili niya,” aniya, malamig ang tinig. “Kung gano’n lang din, bakit ko pa hahabulin ang isang baguhang katulad mo, na walang kapangyarihan ang pamilya, imbes na mga sikat na artista sa Milchester?”

Hindi natinag si West. Sa halip, marahan niyang hinawakan ang kamay ni Amber, pinipigilan ito na makagawa na naman ng kaguluhan. Mababang-mababa ang boses niya, ngunit tagos hanggang buto.

“Pagkamatay ng ama mo, oo, baka may halaga pa ang katawan mo. Pero ang mana mo? Unti-unti ring mauubos. Alam ng lahat sa Milchester kung paano ka gumastos, parang may tagas ang bulsa mo. Ilang araw pa ba bago tuluyan kang malugmok?”

Nanginig ang panga ni Amber, ngunit hindi pa tapos si West.

“Mga artista sa Milchester?” Tumikhim siya. “Sa palagay mo ba mag-aaksaya sila ng panahon sa isang prinsesang nalugi na? Pakasalan mo man siya, pabigat pa rin siya. Anong liit ng pagkakataon
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Love Under Legal Terms   Chapter 42: The Tangled Web  

    Umupo si Blake sa upuan sa tabi ni Amber, ang kanyang katahimikan ay mabigat na nakabitin sa hangin. Binangga niya ang kanyang baso sa baso ni Amber, sinusubukang wasakin ang tensyon. "Galit ka ba?"Hindi pa rin tumititig si Amber sa kanya, nakatutok ang tingin nito sa unahan, tila nasa ibang lugar ang isip. "Hindi."Napataas si Blake ng kanyang kilay, halatang may pagdududa. "Ano'ng iniisip mo? Mukha kang seryoso.""Iniisip ko yung sipa ni West kanina. Ang astig."Ngumisi si Blake. "Baliw.”"Sa tingin mo ba gusto niya ako?" Mahina ang boses ni Amber, pero halata ang pag-asang nakakapit sa tanong nito.Nag-atubili si Blake, hinahanap ang tamang sasabihin. Nanlambot naman ang mata niya. "Tara sa deck." Tumayo siya at hinawakan ang kamay ni Amber, hinila niya ito palabas.Nakanganga si Amber, litong-lito. "Bakit sa deck? Ang lamig.""Para matuyo ang basa sa utak mo!" Ngumiti si Blake nang pilyo.Huminga si Amber ng mahina, pero sumunod pa rin, ang isip niya’y umiikot pa rin kay West.Pu

  • Love Under Legal Terms   Chapter 41: Whispers of Malice  

    Nanatiling blangko ang mukha ni Amber habang ang mga boses sa paligid niya ay unti-unting lumalakas, ang kanilang mga salita’y nag-uumapaw ng malisya at panghuhusga.“At ano namang maganda d’yan?” tanong ng isa. “Tingnan mo si Mr. Kingsley, tingnan mo kung paano niya titigan si West. Patuloy na lumalawak ang impluwensiya ng Kingsley, at ang Harrington? Sa oras na mamatay ang Daddy ni Amber, guguho lahat ng pinaghirapan nila. Obvious naman kung sino ang mas malakas na manok.”“Si Eva, isa siyang kilalang dalaga sa circle. Mas madali siyang pakisamahan kumpara kay Amber.”Isa pang boses ang nakisali, malamig at tila may nakatanim na galit. “Hindi nag-iingat si Amber. Ang kanyang ex ang dahilan kung bakit nasa ganyang kalagayan ngayon ang kanyang ama, at mabilis siyang nakahanap ng bago.”Pakiramdam ni Amber ay hinati siya ng mga salitang iyon, pero hindi siya nagreact. Hindi siya katulad nila. Hindi siya bababa sa lebel nila. Pero kaya niyang pagsisihan nila ang pagmamaliit sa kanya.Dah

  • Love Under Legal Terms   Chapter 40: Green Shadows  

    Tumingin siya sa kanyang gilid. Si West ay nasa katawid lang ng silid, mahinang iniikot ang kanyang wine. Ang kanyang mga mata'y nakalock sa brasong nakapulupot sa balikat niya.Uh-oh.Si Mikael na nakaramdam sa bigat ng hanging ay agad na tinanggal ang pagkakaakbay kay Amber."Nabalitaan ko nga palang ang love life daw ni Princess Harrington ay mukhang magulo nitong mga nakaraang araw," kabado nitong biro. "Bilang pasasalamat, bakit hindi ko muna sa'yo ang suite ko sa Sapphire Gardens?"Biglang nanigas ang ngiti ni Amber. Teritoryo iyon ni West.Noon, marahil ay tinanggap na niya iyon nang walang pag-aalinlangan pero ngayon? Ang kakaunting alaala lang tungkol Kay West ay gusto na niyang masuka."No need. Nabubulok ang mga lalaki, pero ang career hindi. Kaya paano kung kausapin mo ang Dad mo para sa bago nitong product endorser, hmm?"Napakurap si Mikael, at mabilis na tumango. "Got it. I'll mention it.""Andito si Eva, hindi ba?" Dagdag ni Amber, habang kaswal na s********p ng kanyan

  • Love Under Legal Terms   Chapter 39: Scarlet Nights  

    “Amber…”“Mr. Lancaster–“Sabay na napatawag si Blake at Harvey, ang kanilang mga boses ay balot ng tensyon.Crash!Ang pinto ng van ay bumuka pabukas. Isang malaking lalaki ang lumabas, hawak ang isang tubo sa kanyang kamay. Sumipol pa ito, ang tono’y bastos, at ang mga mata’y nakatingin kay Amber.“Well, well,” ngisi nito. “May nagbayayad sa akin para balaan kayong dalawa. Naihatid ko na ang mensahe, kaya tapos na ngayon ang trabaho ko dito.”Umikot muna ang tingin niya sa mukha ni Amber bago bahagyang tumalungko, at tumawa nang malakas.“Tsk. Kaya pala sinabi nila na kapag pumailalim ka lang sa kanya at magmakaawa eh masosolusyunan na ang lahat. Kahit na may kaya si Atty. Lancaster, isa pa lamang siyang sisiw sa industriya. Ang Milchester ay hindi pa kanya. Kaya alamin mo kung sino ang gagalitin mo at hindi mo papakialamanNapakunot ang noo ni Amber sa mga salita nito, pero bago pa siya makagalaw, isang kamay ang tila pumigil sa kanya sa paghawak nito sa kanyang baywang. Humakbang

  • Love Under Legal Terms   Chapter 38: Schemes Behind Crimson Lips  

    Ang matandang ninuno ng pamilya Harrington ay isang makaluma at matigas na patriyarka. Noon, nang gustong hiwalayan ng ama ni Amber ang una nitong asawa, mariin itong tinutulan ng matanda. Ang rason? Ayaw niyang maputol ang dugo ng pamilya Harrington.Ngunit hindi laging nasusunod ang gusto ng tao.Nang pakasalan ni Abel si Mildred at ipanganak si Amber, nagngitngit sa galit ang matandang babae. Para sa kanya, si Amber ay isang kahihiyan, isang batang bunga ng eskandalo, at isa pang “perwisyo sa pera.”Habang bumubuhos ang ambon, tinapik ni Amber ang mga patak ng ulan sa pisngi niya. Mabuti na lang at hindi siya nag-makeup ngayon at sunscreen lang ang ipinahid niya bago lumabas.Inalog niya ang mga daliri para maalis ang tubig. “Ano bang nangyari at galit na galit si Lola?” mahinahon niyang tanong.Napalingon ang matandang babae, waring inaasahang kokontra siya. Pero ang inabutan niya'y si Amber na payapa lang ang boses.“Ikaw…” simula ng matanda, may panghuhusga ang tono. Pero hindi

  • Love Under Legal Terms   Chapter 37: Crimson Secrets on Grey Sheets  

    “Hindi ka kumain?”Napatingala si West mula sa paghihiwa ng gulay nang marinig ang boses ni Amber. Nakatayo ito sa pintuan ng kusina, nakasuot ng itim na satin na pajama. Mas mahaba ang pantalon kaysa sa dapat, kaya’t bahagya niya itong iginulong paitaas. Basa pa ang dulo ng buhok nito, at may ngiting may halong antok at kapilyahan sa labi.“Kabaitan,” sagot ni Amber, parang iyon lang ang kailangan niyang ipaliwanag.Hindi sumagot si West. Tiningnan lang siya ito ng walang emosyon.Umismid si Amber at umupo sa silyang malapit sa pintuan, nakayapak, nakatukod ang siko sa lamesa.“Mas okay pa na magpa-deliver. Nakakatamad magluto.”Sa loob-loob ni West, Ayan na nga. Tipikal na Amber Harrington—walang pakialam sa hirap ng tunay na buhay.Tiningnan siya ni Amber, pilit sinusundan ang galaw nito habang nagluluto.“Bakit ba palagi mo akong binabalewala?” tanong niya, medyo may tampo sa tono. Nakabaluktot ang tuhod, ang baba'y nakaangkla sa braso.Ang suot ni West ay isang puting polo at iti

  • Love Under Legal Terms   Chapter 36: Blood, Tension, and Other Domestic Affairs  

    “Sino?”“Si West. Ikaw.”Sa pintuan ng pribadong silid sa ika-18 palapag, tinawag ni Chito ang mga pulis palayo. Nakasandal siya sa gilid ng pinto, nakaakbay sa sarili, waring walang pakialam. Pero sa kabila ng kanyang tila tamad na postura, mababanaag sa kanyang mga mata ang tuwang hindi maitago, lalo na’t nakatutok iyon kay Amber.“Ang asong humahalik sa kapwa aso... sa huli, wala ring napapala. Hindi ba, Ms. Harrington?”Isang ngiting walang pakundangan ang gumuhit sa kanyang labi. At iyon ang naging hudyat ng pagsiklab ng galit ni Amber.Ni-report niya ako? Para sa prostitusyon? Talaga? Dismayadong isip ni Amber.Ang ganitong klaseng tao, kahit pa pumalpak ang transaksyon, may konting respeto pa rin dapat. Pero kung madadampot siya ng pulis, siguradong bukas ay headline siya ng lahat ng tabloid. "Harrington heiress, huli sa kasong prostitusyon."Parang kinuryente ang katawan ni Amber sa inis. Dinampot niya ang handbag at padabog na naglakad palabas. Walang kahirap-hirap na tumabi

  • Love Under Legal Terms   Chapter 35: Deals, Desires, and Disasters  

    "Sa palagay ko... kailangan mong ilagay ang locator sa sasakyan ni Adam."Sa unang dinig, tila isang simpleng mungkahi lang mula kay Sophia. Ngunit nang tumingin si Amber sa interface sa kanyang harapan, unti-unting dumilim ang kanyang mga mata. Ang dati’y kalmadong anyo ay napalitan ng malamig na katahimikan.Dahan-dahan niyang iniangat ang tingin at tumitig kay Sophia. "Kailangan pa ba kitang paalalahanan? Labag sa batas 'yan."Hindi natinag si Sophia. Tumaas ang kanyang kilay, at may mapanghamong ngiti sa labi. "Kung hindi mo naman ito ikinabit, anong batas ang nilabag mo?"Nagkibit-balikat si Amber, ngunit napansin ni Sophia ang bahagyang pagkibot ng kanyang panga, isang senyales ng pagkailang."Kung malaman man 'to ng mga pulis, ito'y magiging personal na usapin sa pagitan ko at ni Adam. Wala kang kinalaman. Huwag mo nang ipilit ang sarili mo."Natahimik si Sophia. Oo, gusto niyang siya na lang ang kumilos. Pero sa likod ng magarang mundo ng showbiz, sobrang lalim ng tubig. Minsa

  • Love Under Legal Terms   Chapter 34: Negotiations of Lust and Leverage

    Nakaupo si Amber sa malambot na sofa, ang mga mata’y kumikislap sa pang-aalipusta. “Mas mataas ang tingin ni Atty. Lancaster sa sarili niya,” aniya, malamig ang tinig. “Kung gano’n lang din, bakit ko pa hahabulin ang isang baguhang katulad mo, na walang kapangyarihan ang pamilya, imbes na mga sikat na artista sa Milchester?”Hindi natinag si West. Sa halip, marahan niyang hinawakan ang kamay ni Amber, pinipigilan ito na makagawa na naman ng kaguluhan. Mababang-mababa ang boses niya, ngunit tagos hanggang buto.“Pagkamatay ng ama mo, oo, baka may halaga pa ang katawan mo. Pero ang mana mo? Unti-unti ring mauubos. Alam ng lahat sa Milchester kung paano ka gumastos, parang may tagas ang bulsa mo. Ilang araw pa ba bago tuluyan kang malugmok?”Nanginig ang panga ni Amber, ngunit hindi pa tapos si West.“Mga artista sa Milchester?” Tumikhim siya. “Sa palagay mo ba mag-aaksaya sila ng panahon sa isang prinsesang nalugi na? Pakasalan mo man siya, pabigat pa rin siya. Anong liit ng pagkakataon

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status