Share

Chapter 1- First Ecounter

Aya's POV

Nagising ako sa lakas ng tunog ng alarm.

Pesteng alarm!

Pinatay ko na ang alarm. Bumangon na ako at nagiinat inat muna binuksan ko ang kurtina ko sa bandang veranda ng kwarto ko kaya nakikita ko ang mga bawat tanin sa aming munting farm.

Hi! Shanaya Yssey Sarmiento para di mahirapan magsalita ay Aya na lang dahil sanay akong tawagin dun. I'm 25 years old and I work in Cebu Doctors University Hospital as Nurse. Always toxic ang trabaho ko roon kaya wala akong time na tulungan ang mga trabahador rito sa Farm. May nagsasabi na maganda ako pero di sa nagyayabang that's true pero di ako nagpapaligaw dahil priority ko ang pagaaral ng mga kapatid ko kaya sa mga nanliligaw sa akin ay binabasted ko agad.

Bumaba na ako at naabutan ko sina Nanay at ang mga kapatid ko na naghahanda.

"Maayong buntag Nay" ngiting bungad na ngiti ko at niyakap niya ako. "Maayong buntag rin anak halika na't kumain ka na para makapasok ka na agad" inaya na ako ni Nanay na kumain at umupo na ako. "Si Itay, 'Nay nasan?" Tanong ko.

"Nagpastol ng mga baka at mukhang pupunta pa iyon sa kabilang bundok" tumango na lang ako.

Summer vacation ngayon at dahil summer ay walang pasok kaya ang bunso namin si Shawn ay tulog pa panigurado. At si Paolo mukhang maaga gumising at naglinis sa bakahan.

" Maayong buntag!" nagulat na lang ako na may boses na kasi lakas ng megaphone.

"Makikikain ka na naman" sungit na bungad ko rito. "Bessypie eh medyo kulang yung kinain ko kasi yung mga bwisita kong mga kapatid ay naubos na nila yung pagkain eh ako naman ang nagbubuhay sa kanila hayss" kaya wala na akong magawa kung di pakainin siya. 

Alam ko naman na nahihirapan siya dahil mga kapatid niya ay may asawa na at nakasulok pa sa kanila at siya pa ang bumubuhay rito imbes na sina Lupee at Sally pati mga magulang ang piority niya. Siya lang ang nakapagtapos sa pagaaral at yung mga kapatid niya ay maaga nakapagasawa kaya di sila nakatapos saka walang mga trabaho ang mga ito kung minsan ay di tumatagal dahil hangad nila ay mataas ang sahod pero dahil di sila nakapagtapos ay wala talaga silang mahahanap na malaki ang sahod kaya ang buong sahod niya ay sakto lang sa budget nila sa bahay kaya minsan pinapahiram ko siya ng pera dahil naman rin sa kita ng farm ay yung iba ay isinisave ni Nanay sa pagaaral ng dalawa.

"Naku bakit naman di na bumukod yung mga kapatid mo at maghanap ng matinong trabaho kahit maliit" diwara ni Nanay. Ganyan siya sa iba lalo na sa mga trabahador namin. "Ewan ko sa mga iyon eh si Mama naman kasi eh porket nagkamali yung isa di na uulitin saka sunod sunod na yung problema ko magaaral na yung dalawa tapos yung iba kong pamangkin ganun din eh di sapat yung sahod ko dun eh" pagmamaktol ni Aidee. 

Ganyan talaga siya stress na stress ba siya sa pamilya niya kaya hanggang ngayon NBSB siya dahil sa pamilya niya  pero may mga manliligaw ito ngunit di niya ito pinapriority ang sabi pa nga "Kapag makakapagasawa daw siya ng mayaman tiyak maganda na daw buhay nila pero may limitasyon lang." dahil ayaw daw masabihan siya ng gold digger hangga't maari nagiipon ito ng palihim at inilalagay sa bangko at pinagkatiwala niya sa akin ang booklet nito at credit card dahil may tiwala ito sa akin at di ako katulad ng iba.

'talaga magkaibigan na kami simula pa lang eh'

"Sana nga may mapangasawa akong mayaman para na rin di na ako mahihirapan pa bahala na sila sa buhay nila basta piority ko si Mama at Papa pati sina Lester at Sandie"

' Ayan na naman siya nangangarap na naman!'

"Wag ka nang mangarap diyan intayin mo na lang ako at maliligo lang ako" pambabara ko rito na ikinasinamagot ng mukha niya.

'Mukha siyang pato!'

"Ang sama ng ugali mo" nakasimangot siya at ako ay tawang tawa kaya umiiling iling akong umakyat at naligo na. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na akong ng pangnurse at bumaba na at narinig ko ang pagtili ni Aidee.

'Ano na naman problema nito?

"OMG may pogi bang darating bukas?" Dinig kong tanong ni Aidee kina Nanay ng ikinanuot ng noo ko.

'May dayong darating bukas?'

Kaya bumaba na ako at naabutan ko si Aidee parang timang na kinikilig

'Mukhang nakarinig lang ng gwapong dayo nawala na yung stress niya sa pamilya niya! Ibang klase'

"Sino darating Nay bukas?" Takang tanong ko. "Ahh yung anak ng amo ko dati nung nasa Maynila pa ako nagtatrabaho. Bali alaga ko yun dati" paliwanag ni Nanay ng ikatango ko.

"Taga-Maynila?" Sabay tanong at gulat namin ni Aidee

"Oo at siya yung apo ng kaibigan ni Lola mo" Paliwanag ni Nanay.

"Eh 'Nay ano naman gagawin nun dito?" Nagtatakang tanong ko.

"Eh gustong magbakasyon ni----" sasagutin sana ni Nanay yung tanong ko at naputol ito ng narinig namin ang sigaw ni Paolo.

"Ate andyan na daw si Mang Kanor"

"O, siya pumasok na kayo at matraffic pa kayo at mahuli" Lumabas na ako kasunod si Aidee.

"O nga pala 'Nay doon ako matutulog sa Nurse Station namin medyo madaming Operation yung doktor ko eh" paliwanag ko kay Nanay kaya wala na siyang magawa. 

"Oh eto baunin niyo yan para may lakas kayo sa trabaho niyo" saka tinanggap yung pinadala ni Nanay sa amin kaya lumabas na kami at sumakay na sa Kargador ni Mang Kanor kaya kumaway na kami at lumakad na. Matagal ang biyahe nito dahil 8:00 naman ang pasok ko kaya may Isang oras at kalahati pa kami makaabot sa Cebu City kung saan kami nagtatrabaho. Pagkarating namin sa labasan ay saktong may dyip na dumaan at sumakay na kami. Pagkalipas ng isang oras na biyahe ay nakarating na kami sa Cebu Doctors Medical Hospital. Pagbungad sa amin dun ay pagbati ng mga kapwa kong nurse kaya pumunta na kami sa station upang pumirma ng attendance.

"Nurse Sarmiento pumunta ka na sa O.R dahil may Urgent Operation si Doctora Faith" bungad sa akin ni Lea ang assisstant nurse ni Doc Fred. "Ok sige on the way na" sigaw ko kaya dali dali na ako pumunta sa locker ko.

'Umagang umaga toxic!'

*****

Marcus' POV

"Suction" I command with my assisstant doctor pero mukhang lutang.

'Tch! mukhang puyat 'to dahil malapit na ang exam nito sa pagkuha ng masteral' 

"Suction!" Nagulat na lang 'to at umayos ang tayo.

"Sorry Doc medyo kulang yung tulog ko eh" paumanhin niya at sinenyales ko siyang umuwi muna.

"You may go out at magpahinga ka na at wag mo masyadong puyatin at stress yung sarili mo" I said at tumango ito kaya lumabas na ito at ipinapatuloy ang operasyon.

I'm Marcus Dylan Agustin 28 years old and work for a doctor in our hospital or should say my hospital in St. Agustin Medical Hospital. Yes doctor ako kaya minsan ay wala akong time sa family ko and espicially for my girlfriend. Dapat 10 years na kami nung last year but she's broke up with me and cheated me dahil na rin sa oras kaya wala na ako sa panahon makipagrelasyon kaya kaminsan ay takot sa akin ang mga nurses at doctors dahil na rin sa pagiging masungit ko kaya minsan ay sinesermonan ako ng mga kaibigan ko rin doctor.

After a operation ay umuwi muna ako sa condo ko sa Makati. May pinapagawa ako ng bahay for my future family pero iniisip ko na kung magkakapamilya pa ba ako eh wala na akong oras sa mga lovelife na yan.

'Seriously! I build the house for my future family eh family ko nga wala na akong oras eh maghanap kaya nang mapapangasawa!'

Pagkarating ko roon ay humiga muna ako. 'Kung di mo sana pinili yung pinsan ko edi may sarili na tayong pamilya.' Bumalik na naman sa akin yung alala na yun kung paano ako niloko harap harapan ni Grace.

*****

Flashback.........

I saw my girlfriend kissing with my cousin!

"Damn it" sobrang galit ko ay sinuntok ko si Warren

At pilit ako inaawat ni Grace at hinarap ko ito.

"Why did this to me Grace? Why?" Sakit na tanong ko kung paano ako lokohin harap harapan ni Grace.

"You always busy this fucking*shit duty on your being a doctor. May nakalimutan kang may girlfriend ka pero hinde eh dahil palagi ka na lang duty at minsan yung special occation natin nakakalimutan mo eh. Si Warren nakikita ko sa kanya yung kulang na oras na pagmamahal na ibinibigay mo sa akin well sorry Marcus we're done dahil yung pinsan mo ang pipiliin ko" isang malamig na tubig ang bumuhos sa akin sa mga huling katagang niya.

'well sorry Marcus we're done dahil yung pinsan mo ang pipiliin ko.'

'well sorry Marcus we're done dahil yung pinsan mo ang pipiliin ko.'

well sorry Marcus we're done dahil yung pinsan mo ang pipiliin ko.

Holy fucking shit!

"Ganun na lang yun oo wala akong oras sayo pero pinipilit ko naman na magkaroon ng oras pero kailangan ako sa hospital. Kaya please ayusin natin 'to Babe please!"   I begged her

"Pero ako hinde! Bullshit reason Marcus ni minsan kinailangan kita pero ano wala kang oras puro ka hospital! hospital! Ako yung girlfriend mo hindi yung pagiging doctor mo. Yes I understand you and I know  nasa family niyo na ang pagiging doctor pero yung time na hinihingi ko di mo kayang ibigay kaya sorry pero di ko na talaga kaya sorry and I'm breaking up with you. Goodbye." Ilan beses ko siyang tinawag pero she leave me alone hurting that time

Bullshit!

Halos gabi gabi ako umiinom at minsan ay ipinapasa ko na lang kina Axel ang mga hawak kong pasyente and I realize na kailangan ako ng pasyente ko at natauhan ako sa sinabi ni Dad.

"Di ka talaga niya maiintindihan pero I know son may babae pa na mas higit na makakaintindi sayo. Our hospital needs you especially your patients."

End of Flashback.....

*****

Tumutulo ang luha ko nang maalala ang nangyari sa akin. Hanggang ngayon ay nandito pa rin ang sakit na nararamdaman ko at hindi pa rin ako nakamove on dahil na rin sa nangyari.

'When I forget you Grace? How can I moved on for give me a hurt from this.'

Bumalik na lang ako sa realidad ng tumawag si Marianne my younger sister.

At sinagot ko na ito

"Hello why do you call?" I asked in phone. "Well kuya pumunta ka sa mansion at kakausapin ka ni Mommy" she asked kaya ibinaba ko na ang tawag at bumaba na sa tinutuluyan ko at pinaandar ko na ang kotse papuntang Village.

After a while I reach it our mansion. I park my car inside the gate and pinindot ko ang doorbell ng gate. Ilang minuto lsng at binuksan na ang gate at bumungad sa akin si Manang Felly

"Oh ikaw pala Marcus tara na at naghihintay sila sa loob" tuwang tuwa na sabi ni Manang kaya pumasok na ako at nakasalubong ang family ko na masayang kumakain ng dinner.

"Son" tawag ni Mom at h*****k ako sa pisngi niya. "How are you son?" She asked me and tumawa lang ako. "Well mom toxic" tawang tawa na sabi ko saka naman sumabat si Mariane.

"Seriously or pinagtuonan mo na lang ng pansin yung trabaho mo para makalimutan yung Ex mo" 'Bullshit! Pinaalala pa.' 

Kaya natauhan siya sa sinabi niya na nakita niya akong masama kung tumingin.

"Eh sorry" nagpiece sign pa.

'Kahit kailan ipinapahamak ako ng bibig niya! Tch.'

Habang kumakain kami ay biglang nagsalita si Dad.

"Well Marcus kaya kita pinapunta rito dahil na rin sa pagiging busy mo minsan ka na lang namin nakakasama eh" yumuko ako ng sinabi ni Dad. "Sorry dad" I felt sorry for my family. "I know na masakit pa rin ang nangyari sayo pero andito pa rin kami na naggagabay sayo" paalala ni Dad upang dahilan na napayuko ako at humingi ng pasensya.

"Sorry dad and thank you" ngiting bungad ko na biglang magsalita si Mom.

"Marcus ipapadala kita tomorrow sa Cebu" nagulat ako sa sinabi ni Mom.

'Cebu? Seriously? Eh ano naman   gagawin ko doon?'

"Anong gagawin ko dun?" Takang tanong ko. "Well kailangan mong tingnan ang farm ng Lola mo at para na rin makapagpahinga ka puro ka sa hospital ang mga kasamahan mo ay nagbakasyon na ikaw ang hindi pa"  Sermon ni Mom.

'Tch wala nga akong time sa sarili ko eto pa kaya!'

" Pero don't worry andun naman ang Nanny Crusing mo" nagulat na lang ako sa pagbanggit ng dating kong Nanny noong childhood days ko. 

"Si Nanay Crusing nandun sa farm?" Takang tanong ko.

"Yes son siya ang humahawak pansamantala minsan din ang mga anak niya ang nagaasikaso" tumango ako.

" At Saka kuya this time malay mo nakalimutan mo na siya"pagdagdag na sabi ni Mariane.

'She's right baka eto na yung time na kalimutan ko siya.'

"Ihanda mo na yung gamit mo and yung ticket mo here" binigay sa akin ang ticket papuntang Cebu. 

Sa wakas makikita ko na rin si Nanay Crusing dahil nung nagcollage na ako ay namatay ang nanay ni Nanay Crusing kaya umuwi na ito sa probinsiya at di na bumalik. Gusto ko pa naman siya ang makasaksi sa pagtatapos ko sa Medicine kaya lang di na niya pwedeng iwanan ang mga anak niya lalo na't buntis si Nanay Crusing sa bunso nila kaya di na siya bumalik.

'Ang problema ko lang marunong pa kaya ako mag-cebuano?' 

'Hayss bahala na!'

"Malay mo brother eh nandun na pala ang destiny mo eh yieee" paguudyok nito kaya sinamaan ko ito ng tingin ganun di sina Mom and Dad at nag piece sign.

Bumuntong hininga ako.

"Lil sis bakasyon pupuntahan ko hindi maghahanap ng babae kaya ikaw magaaral ka na at may exam ka bukas di ba?" Natatawa na lang sina Mom and Dad sa bangayan namin.

"Si Kuya pinaalala mo pa" maktol nito.

"And yes I know nabanggit sa akin ni Ms. Matangculacan kaya tapusin mo na yan at magreview ka na ah" sermon ko rito at nakasimangot na lang ito at kumakain.

"O siya dito ka na magpahinga anak" tumango na lang ako di na lang ako kumontra.

Pumasok ako sa kwarto ko dati.

'Hayss halos hospital na ako tumitira hindi na ako umuwi rito sa amin'

Tumawag ako kay Axel at sinabi ko rito ay ipaayos ko na ang mga gamit para bukas at ipapadaan ko na lang rito.

Naghalf bath muna ako at natulog na dahi maaga ang flight ko papuntang Cebu. Matagal na rin nakalipas ang paguwi ko roon noong high school pa ako nun at nagbakasyon sana nga makikilala pa ako ni Nanay Crusing.

*****

Nagising lamang ako ng may tumawag sa cellphone ko. At nakita ko sa screen si Axel.

"Bro, what's up" bungad ni Axel.

Axel is one of my friends since when I was high school kami lang tatlo ni Simone ang nagdoctor dahil may mga business na kailangan imanage ang mga iba namin kaibigan.

"Naayos mo na yung gamit ko?" Tanong ko.

"Yes I deliver it now so yun lang bye enjoy your vacation yung pasalubong ko ah" 'tch! Mukhang pasalubong!"

"Oo na sige na bye" pinatay ko na yung tawag.

Bumangon na ako agad upang makapaghanda na upang pumunta sa Airport because around 8 in the morning ang flight ko kaya tinawagan ko muna si Simone for my leave vacation sa Cebu. Nagring ito at sinagot na rin sa wakas

"Bro, what's up" he answeres my call. "I leave one month in Cebu" ipinaliwanag ko ang dahilan kung bakit. "Hayss buti na lang bro kaysa naman puro ka nasa hospital. Tch! Tamang tama si Tita na ipadala ka muna doon para naman magrelax ka." He's right I'm always in the hospital kaya minsan wala na ako sa panahon magtrabaho. "Yeah basta lahat ng appointment ko ay kayo muna magasikaso ok sige na I get ready my things maaga ako pupunta eh" saad ko.

"So hinatid ni Axel yung gamit mo right?" Tanong niya

"Yeah ok sige na I get to ready before malate pa ako sa flight" I asked at may pahabol pa ang gago!

"Ok bro ingat ka pasalubong ha" tch! Katulad ka rin ni Axel muka ring pasalubong. At ibinaba na niya ang tawag.

*****

Hinatid nila ako sa Airport at dahil may pasok si Marianne ay di na siya nakasama pahatid sa akin.

"So anak basta if may problema just call me okay at saka tawagan mo ang lola mo kapag nasa farm kana." Habilin ni Mom

"Yes Mom" sagot ko 

"And then yung tutuluyan mo naayos na doon ka muna sa bahay ng Nanny Crusing mo medyo mau bakante ang kwarto doon okay" pahabol ni Mom.

"Okay po Mom" natatawa na lang ako.

"At saka nga pala yung ana----" pinutol ko na yung sasabihin niya.

"Mom easy malalate na ako okay" hinalik niya ako sa pisngi at niyakap ni Dad.

"Arrival in Cebu is now open please come in the waiting area to proceed to the airplane" binanggit na ng speaker ang pagpunta sa Cebu.

"Mom, Dad so I gotta go now" paalam ko.

"Enjoy your summer vacation anak" ngumiti ako kay Mom. Pumasok na ako sa loob at kumaway kina Mom.

Pagkalipas ng ilang minuto ay sumakay na ako sa eroplano at umidlip muna saglit. 

After one hour and twenty-six minutes........

Nasa labas na ako ng airport na may huminto sa harapan ko na isang kotse na ginagamit sa mga gulayan dito sa Cebu.

"Maayong buntag Sir"pagbati nila gamit ang lenggwahe ng Cebu.

"Good morning din po" nahihiyang tugon ko. Di ako gasinong marunong gumamit ng Cebuano pero nakakaintindi ako.

"Tara na po nagiintay na si Aling Crusing doon" pagyaya nito sa akin kaya sumakay na ako. Medyo malayo ang byahe papuntang Barangay Malabon kung saan sila nakatira di ko namalayan na nakatulog na ako at nagising na lamang ako na nakarating na kami sa mismong farm na sinasabi ni Mom.

I go out of the car and I see the house na harapan ay mga pananim ng manga at iba pang pananim.

'Magandang tanawin at sobrang sarap simoy ng hangin nakakarelax...'

Pumasok na ako sa loob ng bakuran na may sumalubong sa akin na batang lalaki.

"Nay andito na po yung galing sa Maynila" malakas na tawag ng batang lalaki sa ina nito.

"Aba! sulod didto ug paligo ang imong kamanghuran nga kamanghuran" may narinig ako nagsalita ng Cebuano at bumungad sa akin si Nay Crusing. Ang dati kong yaya

"Maayong buntag po Nay crusing" pagbati ko na gamit ang kanilang lenggwahe sa Cebu.

'Mahihirapan ata ako pakisamahan sila dahil na rin sa salita nila!'

"Marcus ikaw nga" niyakap ako ni Nanay Crusing. Nanay na ang tawag ko sa kanya dahil siya ang pangalawa kong ina nung mga panahon busy sila Mom and Dad sa pagpapatakbo ng hospital.

"Kamusta ka na iho" pangangamusta niya at nagmano ako sa kanya."Ayos lang po medyo toxic lang po sa hospital" nakangiting sabi ko

"Doctor ka na pala?" Tuwang tuwa nitong sabi at tumango ako.

"Naku parehas din pala kayo ng anak ko hanggang ngayon nasa hospital pa rin" sabi niya na pinagkumpara kami.

"Doctor po ba yung anak niyo?" Tanong ko nang ikailing niya. "Hindi isa siyang Nurse sa Hospital sa mismong syudad" tugon niya nang ikatango ko.

May nakita ako sofa doon kaya umupo ako doon habang ang mga gamit ko ay inaakyat ng dalawang anak na lalaki ni Nanay Crusing.

Sa bawat libot ng paningin ko. I see that full of diploma and medals na nakadikit sa pader tumayo ako at tiningnan ito isa isa at may nakapansin sa akin na isang litratong nakalagay sa tabi ng aparador at tiningnan ko ito.

'A girl who smile as her hair is parted because of the force of the wind and she wear a flower crown in their hair.'

"Maganda noh?" Nagulat na lamang ako ng nagsalita sa likod ko. "Si ate yan maganda talaga siya halos buong bayan dito may gusto sa kanya pero di lang niya pinapatulan yan at binansagan siya Avah M*****a yung sa w*****d" tumango na lang ako kahit di ko alam yun. Di naman ako mahilig magbasa ng libro or whatever na di involve sa medicine and I know si Marianne mahilig roon.

Ibinalik ko ang paningin sa litrato. "Ako nga po pala si Paolo. Pao na lang po" he's introducing himself. "Marcus" same as I introducing myself. 

Nakita kami ni Nanay Crusing na naguusap at kakalabas lang ng kwarto "Oh mukhang nagkakilala na kayo" tango na lang ang sagot namin.

"Siya nga pala naligo na ba si Shawn?" Pagtatanong niya mula kay Pao nang may narinig kaming sumigaw.

"Tapos na po inay" sigaw na sabi ng bunsuhin nila.

"Abi nakog wala pa ka naligo." Sabi ni Nay Crusing gamit sa salitang Cebuano.

"Hmm mukhang nagkakilala na kayo?" Tanong ni Nanay Crusing na ikasagot ni Pao. 

"Opo nay nahuli ko po kasi na nakatingin siya sa larawan ni Ate" nakangiting sabi niya na ikabigla ko. "Ahh ganun ba" tangong tango sabi niya at lumapit sa akin at tiningnan ang picture.

"Maganda ang anak ko halos nakakataas sa amin ay hinahangad na mapangasawa siya dahil na sa kanya na ang lahat kagandahan,kasipagan, katalinuhan at iba pa niya katangian na nakikita sa loob at labas ng kalooban niya yun nga lang may pagkamasungit pero malambing at mabait ang anak ko" I was listen her story about that girl. Pero nagulat ako sa sinabi nitong "anak"

"Anak niyo po siya?" Takang tanong ko. "Oo naman anak ko yan siya yung sinasabi kong Nurse dyan sa syudad sa Cebu" napatango na lamang ako.

'Akala ko puro lalaki ang anak niya at asawa yung babaeng nasa picture!'

"Pasensya na po akala ko po kasi lalaki yung anak niyong nurse babae po pala" nahihiyang pasensya ko kaya natatawa lamang sila. 

"May pagkamasungit si ate pero mabait siya" he's describe his eldest sister.

Inaya na lamang kami ni Nanay Crusing na magtanghalian at pagkatapos nun ay tumuloy na ako sa aking matutuluyan na kwarto. Simple but good looking because of its cleanliness as well. Tumawag ako kay Mom at sinabi nandito na ako at humiga na lamang ako at di ko namalayan na nakatulog na ako.

*****

Nagising na lamang ako na may tumawag sa cellphone ko tiningnan ko sa screen si Axel kaya sinagot ko ito....

"Hello" bungad kong sabi habang inaantok pa. 

"What's up brad anyway after vacation mo you need to fly in US because of one of businessman has brain tumor pero sabi ko ay nakaon leave ka kaya after mong vacation dyan kailangan mo lumipad papunta roon and then yung hospital na pinamamahal mo it's your desicion naman eh" Mahabang lintaya ni Axel doon. 

'Kailangan ko nang pagaralan ang sakit nito para madali ko itong gawin. At doon sa pamamahala.. bahala na!'

"Ok sige" ibaba ko na sana pero nagsalita pa ulit si Axel. "Meron pa bro yung mga bagong dating Nurse galing Visayas actually after month na to or june pupunta na sila rito" pahabol niyang sabi kaya sinagot ko na ito ng diretso.

"Where's Simone?" Tanong ko.

"Well nasa operating room pa" sabi nito

"Kayo na bahala dyan" di ko na ito pinasagot at binaba ko na ang tawag at I see my cellphone. 

'it's 6 pm time ganoon ba kasarap ang tulog ko.'

Bumaba na ako at may kausap si Nay Crusing na isang old man.

"Dad-a si Aya sa exit" natatawa lamang ako nang di ko maintindihan ang sinasabi ni Nanay Crusing.

'Kailan ba akong masasanay na makisalamuha sa kanila? Haisss!'

Kaya umupo na lamang ako sa isang upuan habang nanood ng balita nang umalis na ang isang kotse na ginagamit sa pagdeliver ng gulay. Ilan saglit lamang ay nagdiwara ang isang matandang lalaki.

"Paw paw nakakaon na kaayo ang manok?" Tanong nito nang biglang lumabas si Paw. "Opo itay" kaya bumalik na sa kusina si Paw. "Ikaw na ba si Marcus?" Gulat na sabi nito sa akin kaya naalala ko na nakita ko na ito rito nung isinama ako ni Lola rito.

"Tatay buts!"biglang yakap ko nang ikaganti rin niya ng yakap. "Kamusta ka na ang laki mo na at ang gwapo mo pa" natawa lamang ako sa sinabi ni Tatay buts sa akin habang nagkakamustahan kami ay may narinig ako babae na kung magsalita ay parang sumisigaw at maingay pa sa megaphone.

"Hoy bukas pupunta ako sa inyo" sumakay na ito at umalis na. "Nay andayan na si Ate" sigaw ni Shawn kaya pumunta na ito sa sinasabi nitong ate. Umakyat na ito at pumasok sa loob ng anigan ko ang itsura nito ay.... 

'siya ang nasa litrato!'

Nakatulala lang ako at maganda pala siya sa personal

Nakita ako nito at tiningnan mula ulo hanggang paa. "Tay sino siya?"

Nagtatakang tanong nito.

"Siya si Marcus ang apo ng kaibigan ng lola niyo" tiningnan lamang ako at para di ako napahiya ay una na akong nagpapakilala.

"At siya rin ang sinasabi ko nung isang araw sayo" si Nanay Crusing ang nagsabi nito.

"I'm Marcus dati akong Alaga ni Nanay Crusing and then I'm the grandson nung may-ari ng farm sa kabila" ngumiti ako at medyo kinakabahan at inilahad ko ang kamay ko sa kanya. "Shanaya Yssey Sarmiento. Aya for short" pagpapakilala din niya at nagshake hands lamang kami at umiwas na ito. 

'Shanaya pala ang fullname akala ko Aya lang'

" Maayong gabi Inay" pagbati nito at nagmano kay Nanay Crusing. "Maayong gabi rin sayo anak" she's smiled at back greeting. 

'So she's the only girl in the family of Nanay Crusing akala ko mayroon pang iba'

"Oh nagkakilala na ba kayo?" Tanong niya akmang sasagot ako ay sumagot na ito. "Opo nay pakitawag niyo na lang ako at magpapahingan muna ako" nagpaalam na ito at pumunta na sa kaniyang kwarto.

"Pagpasensya mo sana si Aya ganun talaga siya kapag pagod sa trabaho wala sa mood" tango na lang ang sinabi ko.

'Mukhang totoo nga ang sinabi ni Pao masungit siya at mukhang m*****a at bagay sa kanya kung pangalan niya ay Avah M*****a! Hindi Shanaya.'

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status