Love Under The Summer

Love Under The Summer

last updateLast Updated : 2023-04-06
By:  marupoknakyut16Ongoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
15Chapters
780views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

She is Shanaya Yssey Sarmiento or Aya for her nickname. She is a Nurse in Cebu Doctors Universities Hospital. Isa siyang palaban at malakas na babae sa kanilang lugar at binabansagan ito Avah Maldita dahil sa kamalditahan at katarayan nito ngunit sa mga close nito sa buhay ay totoo siya ngunit may isang tao na nagpapagulo sa kaniyang puso't isipan si Marcus. Marcus Dylan Agustin is a Doctor of St. Agustin General Hospital kung saan siya ang namamahala. Broken Hearted ito dahil mas pinili ng Girlfriend nito na sumama sa kaniyang pinsan na si Warren. Halos lahat ng atensyon niya ay nasa trabaho ngunit pinapupunta siya ng kanyang parents sa Cebu kung saan ang lupain ng kanyang abuela at kung saan nakatira ang kanyang Nanny noong bata pa lamang siya. Makilala niya si Aya ang anak ni Aling Crusing ngunit sa umpisa ay halos kung magaway sila ay aso't pusa at sa pagiging maldita ni Aya. Ngunit dumating sa punto na mahuhulog ang loob ni Aya kay Marcus dahil sa magandang ipinapakita niya sa kanya pero susubukan ng isang pagsubok ang nararamdaman ni Aya dahil sa kailangan ng bumalik ni Marcus sa Maynila at paalis papuntang Amerika upang pamahalaan ang hospital nila roon pagkatapos ng summer break. Will continue to love him if the summer break is over?

View More

Chapter 1

Prologue

"Nurse Sarmiento please proceed to the emergency room" narinig ko ang tawag mula sa akin.

"Huy girl tawag ka na dali" tawag ni Kelly sa akin kaya wala akong choice kung di sumunod na lang. Dali dali akong pumunta sa emergency room at pagbukas ko ng kurtina ay may bumungad sa akin na isang bata na duguan.

"Nurse Aya asikasuhin mo muna 'to tatawagin ko lang yung Department ng Nuerologist para na rin sa operation" pinaasikaso muna sa akin ni Doc Cecille kinausap ko ang ibang nurse kung anong nangyari.

"Lydia anong nangyari?" Nagtatakang tanong ko kaya dali naman nitong sagutin

"Yung patient na nahahawakan mo ay naaksidente sa mismong school kaya kinakailangan operahan. Wala pa kasi yung doktor na tinawagan ni Doc Cecile kasi kakarating lang nun kahapon galing U.S" napatango na lang ako sa sinabi niya. At narinig kung saan galing ang dumating na doktor

'US?' Iniiling iling ang ulo

'imposible siya yun' kaya napabuntong hininga na lang ako.

Ilang taon na rin siya umalis nung huling baksyon niya sa Cebu. Umuuwi ako tuwing vacation nagbabakasali akong nandun siya kaya lang wala eh.

'Seryoso sa ilalim na mainit na panahon nahulog ang loob ko sa kanya'

Napailing na lang ako.

------------------

------------------

Hinanda na nila ang operating room para doon sa batang nabunggo ng sasakyan pero ilang saglit lamang ay tinawagan ako ni Doc Cecile dahil nasa Nurse Station ako at may inaasikaso.

*Kringgg!

Dr. Cecile calling*

Sinagot ko naman agad ito...

"Doc bakit po?" Nagtatakang tanong ko at narinig kong bumuntong hininga ito. "Pumunta ka sa O.R dahil ikaw ang magaasisst and after that kakausapin ka ng President ng Nuerologist." Saka binaba ang tawag. Habang ako nagmamadaling pumunta sa locker ko para magpalit ay nagtataka ako kung bakit.

'Bakit naman ako kakausapin ng President ng Nuerologist eh kahit saan nga nakaassigned ako? Pero imposible naman tanggalin ako eh kay ganda ganda ng performance ko rito almost two years na ako narito.'

Pumunta na ako sa locker ko at nagpalit na ng susuotin. Pumunta agad ako sa O.R at sakto ay wala pa ang doctor na magaasikaso sa bata kaya inaasikaso ko na ang mga gagamitin sa operasyon.Ilan saglit lamang nagulat ako na may pamilyar na boses ang bumasag sa aming katahimikan.

'Si Marcus ba yun pero imposible nasa U.S pa siya eh'

Inayos ko na ang gagamitin ng dokto na nakaassign sa pagopera sa bata.

Nagstart na ang operation kaya ang mga bawat equipment at tools sa pagoopera ay nakahanda na. Ayon sa CT Scan nagkahemorriage ang bata sa paglakas na salpok nito at tumama sa matigas na bagay kaya kailangan nang tanggalin.

Sinumulan na ng pamilyar na doctor buksan ang ulo ng bata kaya sa bawat sabi niya ng tools ay di ako magkakadangugaga dahil na rin sa boses nito.

"Sino ka ba talaga? Parang pamilyar sa akin yung boses mo eh? Imposible ka naman Marcus" Tanong ko sa isip ko kaya nagulat ako ng tawagin niya akong Nurse.

"Are you okay nurse" kaya dali dali akong sumagot.

"Yeah ok naman po ako pagod lang po siguro" saad ko. Tumango na lang ito.

Ipinagpatuloy na ang operation.

'Hindi naman siya' kaya pinagpatuloy na lang ang operasyon

Makalipas ng apat na oras ay tapos na ang operasyon kaya lumabas na ang doctor kaya yung iba kong kasamahan ay nagtatanong kung ano ang nangyayari sa akin.

Malamang puyat! Ikaw kaya magduty ng dalawang araw straight!

Isinambot ko muna yung kay Aidee dahil pinagpahinga ko muna dahil na rin nahimatay ito kakatrabaho ng straight duty kaya ako muna ang nagtrabaho sa kanyang pahinga.

Lumabas na ako at sakto naman na dumating si Dina ang assisstant nurse ni Doc Cecile.

"Aya pinapapunta ka na dun ni Doc Cecile" after na sinabi yun ay pumunta na ako sa mismong office ni President Havior Agustin ang Presidente ng Nuerologist Department. Sabi nila pamilya sila ng mga Doctor kaya ang may ari nito ay pamangkin ni Doc Havior.

Kumatok muna ako bago pumasok.

*Tok Tok Tok

"Come in" pumasok na ako sa sinabi ng President.

"Good evening po Doc bakit niyo po ako pinatawag?" Takang tanong ko kaya ngumiti lang siya sa akin.

"Actually alam ko na two days ka straight duty dahil ang iyong kaibigan ay nagpapahinga pa kaya bago ka umuwi ay kinausap ko na ang Head Nurse na ilipat ka sa pagaassist sa mga doctor pero may isang doktor ang kumuha sayo para magassist mo siya." Mahabang paliwanag ni Doc Havior

'Sino?'

"Si Doc Cecile po ba yung iaassist ko po?" Tanong ko ngunit umiling ito.

'Eh?'

Nang biglang........

*Tok Tok Tok

"Come in" senyales na sabi ni Doc Havior na bumukas ang pintuan ay isang nurse.

Kaya tinanong ko ulit kung sino.

"Doc sino po bang doctor yung iaassist ko?" Pero may nagsalita sa aking likod.

"Ako....." nanindig ang mga balahibo ko na may nagsalita na pamilyar na boses.

'Wait siya yun nasa operating room ah!'

Kaya dali dali akong humarap nang nanlaki ang mga mata ko sa mga nakita ko.

"Marcus!" mahinang sambit ko

'Kailan pa siya nandito'

tulala lang ako at lumapit siya sa akin at may binulong sa tenga ko.

"You miss me...... Avah M*****a" mahinang bulong nito ng ikatindig ng balahibo ko.Pero sa huling sinabi nito ay ang ilong ko ay nagiinit sa galit pero naging tulala lang ako at di ko na alam ang gagawin ko. Kahit naguusok na yung ilong ko sa galit sa bansag niya sa akin. Tinanong ko ang sarili ko na kahit magalit ako ay malakas pa rin ang epekto nito sa pagtawag niya pa rin sa akin ng Avah M*****a

'Bakit ang lakas pa rin ng epekto mo sa akin Marcus?'

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
15 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status