Share

Chapter 4- Asaran at Pikunan

Aya's POV

Makalipas ng ilang araw nung nangyari doon sa ranchohan. Andito ako sa hospital kung saan nakaduty ako buti na lang sabado at linggo ay day off ko at makakatulong ako sa farm pero kapag nakikita ko ang pangit na pagmumukha ni mokong magiging malas na naman ang maganda kong weekend.

"Aya off mo na?" Tanong ni Aidee. "Oo eh ikaw ba sasabay ka ba?" Pabalik tanong ko rito.

"Mauna ka na mag OT ako sasaluhin ko lang yung kay Dezy at may pandagdag ako dun sa pagaaral ng dalawa." Sabi nito. I know na kailangan niya yun para sa dalawa. Nagalala lang ako kapag once na nalaman ng dalawang nakakatandang kapatid nito ay biglang kunin yung pinaghirapan ni Aidee.

"Oh sige basta wag ka masyadong magpapapagod baka magkasakit ka niyan" paalala ko rito. "Yes mam" sumaludo pa ito at ako natatawa sa kilos nito.

Umuwi na ako at nakita ko ang kotse na ginagamit namin kapag pumupunta kami sa bayan.

"Ate andyan ka na pala?" Nakita ko si Pao bumaba sa sasakyan at may isa pang bumaba nasa front seat. 

'Pshh si MOKONG!'

"Ate bakit di mo kasama si Ate Aidee?" Takang tanong ni PawPaw sa akin.

"Nagduty alam mo naman yun kailangan nung kumayod sa family niya lalo na't kasulok pa yung mga kapatid nun sa kanila kahit may pamilya na." Mahabang lintaya ko at sumakay na sa sasakyan. "Ehem! Kasama pala natin siya." Sabi ko na may pangaasar.

"Ay hindi! hindi ako kasama" pamimilosopo nito kaya nawala ang ngisi ko at pinalitan ng masamang tingin.

"Tama na yan ate baka kung saan pa mapunta yan" sumakay na ako sa sasakyan at nagmamaneho na si Pao pauwi sa bahay.

Mahaba haba ang biyahe dahil na rin medyo traffic sa Lungsod kaya medyo pasado alas syete media na kami nakarating sa bahay na saktong naghahanda na sila ng pagkain.

"Oh andito na pala sila" nagmano agad ako pati na rin yung dalawa.

'Aba magalang ka pala akala ko santong demonyo ka'

"Akyat na po ako 'Nay" umakyat na ako at nagbihis. Tumingin ako sa cellphone ko.

'Ano kaya problema nun?'

Nagtataka ako kay Aidee kung ano nangyayari sa kanya. Tatanongin ko na lang siya kapag same schedule kami baka umuwi yung bukas.

Bumaba na ako at naabutan ko sila na nagaayos ng pagkain sa lamesa.

'Hmm mukhang di tumulong yung mokong ah'

Lumabas ako at di ko ito makita

'Miss mo' lintik na isip ko

'Taena hinde'

"Hayss self bad ka grr!" pumasok na ako sa loob at nagulat ako na may isang unggoy ang sumulpot sa harap ko....... SI MOKONG!

"Hinahanap mo ako" assumerong sabi nito.

"Excuse me hinde noh akala mo sa akin may gusto sayo neknek mo di ako pumapatol sa unggoy tabe!" binunggo ko ang balikat niya ngunit may sinabi ito ng ikatindig ng balahibo ko.

"Baka kaiinin mo sinasabi mo" ngising sabi nito at ako you know attitude ako ay inirapan ko ito.

"That will never happen" inismiran ko lang ito.

"Hoy wag na kayong magtalo diyan baka kayo pa magkatuluyan niyan at least magkakaroon ng apong magaganda at gwapo di ba 'Nay" pagbibiro nito ng ika sama ng tingin ko rito lalo na yung unggoy nasa likuran ko.

'Kahit kailan yung bibig ni Pao napakadaldal'

"Kumain na tayo" pagayaya ni Nanay kaya dumulog na kami sa hapagkainan.

'Tss! kailan ba magkakaroon ng magandang atmosphere dito dahil sa dalawang ito parang may kalog'

Nakatingin siya sa akin di ko lang sure

Napailing na lang ako at saka kumain.

Nakatapos na kaming kumain at nakatokang maghuhugas si Shawn magrereklamo sana eh sinermonan ni Nanay kaya ayun siya ang maghuhugas malamang ako maghugas Tss.

Lumabas ako at tumambay sa terrace ng nakita ko yung unggoy nakatingin sa langit.

'Nanghihingi ba ito ng himala'

"Hoy di babagsak yan baka bulalakaw yun bumagsak dito" sakristong sabi ko at tiningnan ako ng masama.

"Bakit hihilingin ko bang bumagsak ang bulalakaw masama bang tumingin sa langit?" pambabara nito sa akin 'ah ganun'

"Hinde baka yung hilingin mo eh" balik kong bara nito.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong nito

"Malamang magpapahangin" sakristong sabi ko.

"Magpapahangin o namimiss mo ako dahil wala ako sa paningin mo" ngising sabi nito.

"Ulul!" 'bwisit na unggoy'

pinagmasdan ko ang mukha nito mukhang may problema ah...

"Uy mga lovers pumasok na kayo baka pagsarhan ko kayo ng pintuan kapag sinarhan ko ito baka bukas na bukas may bunga na yan" sa bwisit ko ay binato ko ng tsinelas si Pao.

'Gago ba sya?'

'Ano kamo lovers? Yuck di ako papatol sa mokong ng mukhang unggoy'

"Humanda ka sa akin bwisit ka talaga" tumakbo ako upang batuhin pa ng tsinelas si Pao at sumunod naman ang mokong

'Siraulo!'

*****

Marcus' POV

Natatawa ako sa harutan ng dalawa.

'Inis na Inis ah!'

Napapatawa na lang ako.

"Anong tinatawa tawa mo dyan ah!" naku nagalit na si senyora.

Akmang babatuhin ako ng tsinelas na binato kay Pao ay tumakbo na ako sa kwarto at biglang kumalabog ang pintuan ng kwarto. Baka binato ang tsinelas nito sa kwarto.

I'm being happy here dahil sa pamilya nilang masaya kahit ganito yung buhay nila.

'Yun lang ba' epal kong isipan.

"Syempre si Avah ang sarap kasi niyang asarin" natatawa na lang ako sa sarili ko

Ngayon lang ako nakangiti ng maayos sa makalipas ng dalawang taon sa paghihiwalay namin alam ko makakalimutan ko rin siya. 

I open my phone and visit my social media account ang tagal rin na di ako nagbukas. I scroll my news feed na mapansin ko ang isang larawan na masaya silang magbabarkada.

Si Grace......

Sobrang saya niya with my jerk cousin Warren. I know masakit pa rin sa akin ang nangyari lalo ng yung pinili niya yung pinsan ko.

Pinatay ko ng yung cellphone ko at natulog na ako. 

'Hayss! Panibagong araw panibagong pangaasar kay Avah.'

*****

Kinaumagahan, nasa hapagkainan na kami at ang ating senyora ay naliligo pa.

makalipasng ilang minuto ay sa wakas tapos na ang senyora.

"Kumain ka na mahuhuli ka pa sa trabaho" paalala ni Nanay Crusing kay Avah.

" 'Nay wala po ba kayong napapansin sa pamilya ni Aidee ilang araw na po kasi siyang overtime eh" pagalala nito sa kaibigan niya palaging kasama.

'Ah yung mala megaphone yung boses'

Yeah minsan pumunta rito ng maaga at kahit hindi nagcebuano ay halos nagising sa sobrang lakas ng boses parang parrot di nauubusan ng salita.

"Di ko alam anak?" she doesn't know about their megaphoe parrot friend.

I was shock lumingon ito sa akin.

"Di daw chismoso ah!" nagulat ako sa sinabi nito.

'What the...'

"Eh daldal ka ng daldal mahuhuli ka na sa trabaho" nagulat lamang ito sa sagot.

"Bakit concern ka ba na malate ako?" ngumisi ito.

"Hell no! ang kupad mo may pupuntahan pa kami ni Pao" sakristong sabi ko.

"Wow from chismoso like you hoy kung nagmamadali ka edi ikaw mauna sa pupuntahan niyo tutal naman nagpapasama ka lang naman sa kapatid ko right" naiinis na ako sa kamalditahan ng babaeng ito.

"Hep! Hep! ano ba kayong dalawa lagi ba kayong nagaasaran at nagpipikunan kapag di kayo tumigil dalawa pagbubuhulin ko kayo. Hala! sige kumain na kayo at parehas pa kayo malalate." sermon ni Nanay Crusing.

"Nay masama yan kung pagbubuhulin niyo yan baka kung ano mangyari dyan" pagbibiro nito. Alam ko na ang pinupunto ng batang 'to lalo na si Avah na halos sumabog na sa galit sa sinabi ng kapatid.

"Easy ate aga aga high blood" natatawang biro nito at ako rin ay natatawa na rin.

"Nakakatawa ha! nakakatawa mga bwisit" nagwalk out na papuntang kwarto.

Matapos na kaming ng agahan ng bumaba na ang aming senyora at ihahatid sa trabaho nito.

Akmang sasakay na ako.......

"Hoy! May sinabi ba akong sumama ka?" harang nito sa pintuan ng front seat.

"Malamang kasama talaga ako dahil bibili kami ng punla sa bayan" sakristong kong sagot at....

NANGBABARA PA!!

"eh di magpaiwan ka sa bayan" napanganga na lang ako sa sinabi niya.

"Avah alam mo naman na baguhan ako rito" paalala kong sabi. Mukhang nasanay na siya kakatawag na Avah dahil di na siya dragon kung sumabog.

"Well that's not my problem at isa pa palagi ka naman kasama sa bayan ah" nanermon pa.

"Mga ate at kuya di ba tayo aalis parehas kayong malalate sa pupuntahan niyo" sigaw ni Pao kaya walang choice si Senyora kung di sa backseat siya umupo ako sa front seat.

pinaandar na ni Pao ang sasakyan ng nagsalita ito.

"Sabi nga ng iba the more you hate the more you love HAHAHAHAH!" biglang sabi ni Pao at sa inis sa kapatid ay hinambalos ito sa braso at mukha niya ay parang sasabog na dragon.

'Ayan asar pa Pao'

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status