Share

Chapter 3- Si Avah M*****a at Si Mokong the chismoso

Marcus' POV:

'Tch bakit sobrang sungit nito' 

napailing na lang ako nang pumunta kami sa kabilang bukid kung saan ang farm ni Abuela pero dumaan muna kami sa ranchohan at nakita ko si Avah M*****a na nagaasikaso ng mga baka roon.

'Bagay pala sa kanya yung Avah M*****a kaya lang baka mas malditahan niya ako eh'

"Kuya tara doon na tayo sa kabilang bukirin andun si Mang Totsie siya namamahala roon" napatango na lang ako at sumunod na sa kanya.

"Ilan taon na kapatid mo?" Wala sa wisyo kong tanong na ikabigla ni Pao. "Bakit type mo ba kapatid ko?" Kutya nito. "No!" sagot ko. 

'Sino ba magkakagusto doon eh ubod ng m*****a at masungit tch'

"25 na sya single at walang balak pumasok sa isang relasyon sasakit lang daw ulo niya doon HAHAHAHA!" Natatawang sagot nito. "Bakit naman?" I ask.

"Hmm... sabihin natin na ayaw niya matulad sa mga kaibigan niya at sa mga pinsan namin na nagmahal at umuwi luhaan pero yung sa pinsan namin si Ate Jelai matanda yun kay ate ng tatlong taon nabuntis tapos di pinagutan kaya sinabi niya sa sarili niya na di muna siya papasok sa isang relasyon baka matulad lang siya. Masyadong advance kung magisip yun eh pero....." pinutol ang sinasabi nito.

"Pero..." 

"May isang mayaman na angkan sa Mandaue sa Cebu na gustong gusto si ate at gusto agad nito matali sa kanya pero siya ayaw niya. Ayaw sa lahat ni ate na pinupwersa na mamili ng lalaking papakasalan niya." Mahabang tugon nito. 

Bigla siyang natahimik.

'Mukhang napilitan siyang ikuwento ang tungkol kay Avah'

Tinanong ko ulit siya

"Di ba she's not ready to commitment in relationship?"

"Oo nga pero kinikilalanin niya muna yung lalaki bago siya mahulog ng todo" napatango na lang ako.

"Oh Mang Totsie!" bumalik nanan ang sigla ni Pao na tinatawag si Mang Totsie ang tagapagalaga at Tagapagmahala ng Farm ni Abuela. "Oo nga pala Mang Totsie siya po si Kuya Marcus apo po siya ni Lola Marces" pagpapakilala ni Pao sa akin kay Mang Totsie. 

"Maayong buntag po Mang Totsie" pagbati ko kahit mahihirapan ako bumati gamit ang kanilang salita. 

"Mukhang nahihirapan magCebuano ang binata na ito ah" napapakamot na lang ako sa ulo at medyo nahihiyang tumatawa. 

"Oh tara na't ipapakita ko sayo ang ibang tanim ng iyong Lola" Napatango na lang ako at sumunod sa kanila.

*****

Adiee's POV

Maayong adlaw mga ka-inday it's my first time charr! ako nga pala ang babaeng pinagpala ng kagandahan pero pumapangalawa lang dahil si Inday Aya ang ating reyna ng kamalditahan este kagandahan. 

My name is Adielaine Lars Pacheco charr! Adielaine Lars Marcelo nga pala in short Adiee childhood bestfriend ko si Aya kaya kahit saan siya magpunta always nasa tabi ko siya wahhhhh!!

Araw ngayon ng Huwebes at kasulukuyan vacation summer ang mga bata rito kaya pari't parito kung magpuntahan dahil sa chismis nila na nandun daw kila Aya yung matipunong gwapo na lalaki na taga Maynila kaya pupunta ako ngayon sa kanilang bahay dahil nagtatrabaho sila Nanay. Malaki ang utang loob ko kay Aya pero nahihiya ako ang dami na niyang naitulong sa akin. Sinasabi na sa akin ni Aling Crusing na sabihin ko na kay Nanay na bumukod na sila ate Haide at Kuya Ron dahil may mga pamilya na ito at maghanap ng trabaho. Kulang ang sahod ko sa kanila lalo na't ang dalawa kong kapatid ay nagaaral pa.

*****

Lumabas muna ako ng bahay at paalis na sana ako tawagin ako ng tamad kong ate si Ate Haidee.

"Aidee san ka pupunta?" Tanong nito ng ikalingon ko.

"Pupunta ako kina Aya tutulong ako sa Ranchohan nila total naman nasa bahay ka ikaw na bahala maglinis at magluto ah" sakristong sabi ko 

'Aba dapat lang akong na nga bumubuhay sa kanila at nagpapakain sila pa feeling senyorita magaling!' 

"Oh gogora na ako at wag kang magreklamo ayan lamang ambag mo kaya kung pwede lang ah tigilan niyo muna ko I want to relax from my toxic work okay!" Sabay layas ko. 

'Naks ingles pa more HAHAHAHAHA'

Nagumpisa na akong maglakad papuntang bukid nila na may narinig akong naguusap parang chimis lang HAHAAHAHAH!

'Totoo ba ang gwapo yung pumunta kagabi kina Aya' Chismosa #1

'Oo totoo pogi tapos alam niyo ba sinearch ko sa internet name niya isa pala siyang sikat na doctor at businessman sa buong mundo' 

Nagulat ako sa sinabi ng chismosang kapitbahay namin.

'What the hell seryoso!'

'Ang yaman pala niya anong pangalan?'

'Dr. Marcus Dylan Agustin' 

'Naks ang gandang pangalan kaya walang imposibleng gwapo nga! Kailangan kong ibalita kay Aya ito'

Kaya dali dali akong pumunta sa Ranchohan nila at naabutan ko si Aya na nagaayos ng mga damo sa kanilang inahing baka.

"Inday!!" Sigaw ko at nagulat ito. 

"Ano ka ba Aidee ang lakas ng boses mo di mo ba pwedeng ipahinaan yan ah" 'Tch di na ba siya sanay sa boses ko'

"Sorry na inday pero girl alam ko na yung name nung lalaking bisita niyo" kinikilig kong sabi pero ang bruha ay kunot noo niya akong tiningnan.

'Anyare?'

Umirap siya.

"Tch pake ko" 'Aba apaka attitude ni girl!'

"Tsaka kung hinahanap mo nandun sa kabilang farm mukhang ililibot" taray na sabi nito.

'Grabe si girl'

Sasabihin ko sana tungkol kay Mr. Guy ng.......

"Ate!" Nagulat na lang ako ng sumigaw si Pao at parang may sumilaw na ilaw sa aking mga mata. 

'Kyahhh! ang gwapo eto kaya yung bisita nila Aya?' 

"Oh andyan na pala kayo kamusta pamamasyal?" Tanong nito sa dalawa.

'Siya ata si Marcus infairness ang gwapo nga'

"Okay naman ate saka balak namin maligo sa ilog pero maraming naliligo lalo na yung mga kababaihan sa atin bali balita kasi eh. Saka lalo pa fresh from Manila pa si Kuya Marcus HAAHAAH!!" Palabirong sabi ni Paw Paw pero ang ating sissy ay......

WALANG PAKE!!

At tinuon ang atensyon sa kanyang ginagawa.

'Lord tulungan mo ako gusto kong kumawala ang mga engkanto na sumanib kay Aya' Bulong ko sa isip ko.

"Anong pake ko kay Mokong kung dagsaan siya ng mga kababaihan sa ilog o kahit saan man lugar " inirapn lang ang kapatid pero yung katabi ni Paw Paw.....

NABIGLA SA SINABI NI AYA!!!

GOSH!! NAKAKALOKA SILANG DALAWA!!

Napatampal na lang ako sa noo. "What did you say?" english sabi ni Mr. Guy. 'Pakeneng english sana ol'

"Ang sabi ko wala akong pake kung dagsaan ka ng mga kababaihan" Inis na sigaw ni Aya. 

"Tch bago yun" sabi nito.

"Tss edi mokong"

'Mokong?'

'Gosh kapogi niya tapos mokong tawag niya'

"Ito mokong" tinuro niya yung mukha niya. " Avah M*****a sasabihin ko sayo maraming babae nagkakandarapa sa mukhang ito" tugon ni Marcus pero si Sis tawa ng tawa

"At wala akong pake saka Avah M*****a! Hoy ang kapal naman ng mukha mo para tawagin ako ng ganyan! Aya ang pangalan ko Aya!" mukhang sasabog na ang ating magandang m*****a este magandang dilag sa bwisit

HAHAHAHAHA!

*****

Aya's POV

'Ang kapal ng mukha! Tawagin ba naman akong Avah M*****a hanep'

'At nakakatawa pa siya masyado siyang GGSS'

"Hey Avah M*****a" napantig ang tenga ko sa tinawag nito sa akin.

'what the?'

"Bwisit ka talaga" inis ko itong hinampas ko ito sa braso

"What the! Stop it! Aray!" Hinampas ko pa ito.

"Anong Avah M*****a! Ha! kanina ka pa eh" inis ko itong tinaliman.

'Shemai siya palang nakakatawag sa akin ng Avah M*****a hanep'

"Edi Avah na lang para di ka mainis" tiningnan ko ito ng masama.

"Eh ikaw Mokong the chismoso!" Nabigla siya sa sinabi ko.

"What the! Mokong na nga may chismoso pa" si Aidee.

"Sumilip kasi siya sa pintuan kagabi nakikinig sa atin kahapon" paliwanag ko.

"Di ko nga sinasadyang pakinggan okay" bulyaw nito sa akin.

'Kapal ng mukha'

May nakita akong walis. Akmang ihahampas ko ang walis sa inis ko sa mokong na'to ay.....

"Hoy anong sigawan niyan halos narinig ko hanggang labas ah" 'Paktay si Nanay'

"Eh wala po 'Nay" nahihiyang tungo ko nakita ni Nanay ang hawak kong walis kaya binaba ko na ito. 

'Bwisit na lalaking ito ang kapal ng mukha. Humanda ka talaga sa akin may araw ka rin'

"At kayong dalawa hindi niyo awatin itong mga ito" nakayko lang sina Aidee at Pao.

"Para kayong mga Aso't Pusa kung mag away aba malalaki na kayo di na kayo bata" panenermon sa amin. 

'Di naman talaga kami mga bata ah' saad sa isip ko. Syempre di ako sumasagot sa magulang noh. Behave kaya ako.

"Oh siya magsiayos na kayo at manananghalian at ikaw Aya tapusin mo na yan ako na magluluto sa bahay at ikaw Paolo samahan mo muna si Marcus umuwi at pumunta ka sa bayan bumili ng gulay roon at gusto ng tatay mo ng gulay" utos sa amin ni Nanay. 

'Bwisit bakit nakipagdebate pa ako rito sa mokong na 'to imbes na tapos na ako sa lahat eh'

"'Nay Crusing sasama na lang po ako kay Pao sa bayan" si Mokong. "Okay lang ba sayo medyo malawak ang bayan at maligaw ka" pagalala ni Nanay.

"Nay malaki na yan saka kasama niya si Pao kapag naligaw baliktarin na lang niya yung damit baka mapansin siya ng mga chicks doon sa bayan" inis kong tugon at tiningnan ako nito ng masama. 

"Aya" mahinahon na banggit ni Nanay sa maganda kong pangalan.

"Maiiwan na rin ako para matapos na siya ng maaga" pagboluntaryo ni Aidee.

"Ok lang ba sayo di ka ba hahanapin sa inyo?" Takang tanong ko.

"Wag kang magaalala yung mga feeling senyorita muna nandoon para ako naman ang senyorita sa bahay." Natatawa na lang ako. Relax na relax ang babaita.

Umalis na ang dalawa at tinatapos namin ang gawain na naiwan ko dahil sa bwisit na mayabang na yun.

"Bakit kaya Mokong ang tawag mo sa kanya" lutang na sabi niya.

"Ha?" Nagtataka ako sa sinabi nito. 

"Ang sabi ko bakit mokong ang tawag mo sa kanya" pagulit nito

"Hmmm...... ewan kusa na lang lumabas sa bibig ko" kibit balikat ako at ang bruha nakanganga.

"Girl lutang ka ba?" Sinamaan ko ito ng tingin.

"Bwisit ka tulungan mo na lang ako kung gusto mo." Nagumpisa na kami.

"Hmm gwapo naman siya saka kaya naman makihabilo sa mga Cebuano rito" biglang salita nito

'anyare sa kanya'

"Gwapo bandang saan ha saka may pagkachismoso yun! gumawa ka na nga dyan" nabibwisit ako sa mga sinasabi nito.

"Eh sinasabi ko naman na gwapo siya at kaya niyang makihabilo" ay pinagtanggol pa.

"Alam mo sa kababanggit sa lalaking iyon nabibwisit ako!" 

Tumalikod ako at ang parrot na babaita ay ngumiti ng MALAWAK?

"Alam mong ngiti na yan tigilan mo ako." Inirapan ko ito.

"Inlababo ka na ba inday?" tiningnan ko ito ng masama.

"Excuse me wala sa katangian niya yung gusto ko sa lalaki kaya manahimik ka" bulyaw ko.

"Baka kainin mo yung sinabi mo ah" nagulat ako sa sinabi nito at nilingon siya.

"Never!" tumalikod ako sa kanya.

"Si Marcus...." bwisit!

"Isang pang bwisit at banggit sa panget niyang pangalan makakatikim ka na sa akin ng tompyang" kumilos na ito at tinapos na namin ang mga gawain 

'Nakakaimbyerna ng ugali ng mokong na yun haysss! GGSS na nga chimoso pa! Panira pa ng araw!'

*****

Marcus' POV

Naglalakad kami at di ko talaga makalimutan ang sinabi ng m*****a na yun. Mokong sa gwapo kong ito mokong at saka chismoso hindi naman sinasadyang marinig eh.

"Hmm.... Mukhang wala ka sa mood kuya" biglang salita ni Pao at papunta kami sa bayan gamit ang kotseng pinagsunduan sa akin kahapon lamang.

"Tch tinawag pa naman akong Mokong at saka chismoso paano di maiinis" inis na sambit ko.

"Pero totoo kuya nakinig ka sa kanila kahapon?" umiling ako.

"Di naman sinasadyang makinig eh" sambit ko.

"Hayaan mo na kuya minsan minsan mo lang nakikita iyon tuwing day off lang niya tsaka mukhang sira ang magandang araw niya ng dahil sa bangayan niyo hahahahaha!" Natatawang banggit nito.

"Halos straight duty siya kapag wala sa kanyang kapalit na Nurse minsan mga y:00 ng gabi off nun kapag hindi naman mga 7:00 yung labas niya at kahit sa gabi makikita mo siya, makikita ka niya" napangiti na lang ako na halos ilarawan niya ang nakakatandang kapatid.

"Well ganun talaga ang mga Nurse kahit doctor na need nilang gawin yung responsibility nilang taga gamot sa mga nangangailangan" mahabang tugon ko.

'She's very nice sana yung ugali nga lang kakaiba......M*****A!'

"Doctor ka kuya?" tanong niya.

"Yes" sagot ko.

"Naku matutuwa si Ate kapag nalaman niya na doctor ka" kunut noo ko siya tiningnan.

"Why?"

"Kasi gusto niya pang matuto sa pag-aaral ng medisina kasi balak ata kumuha ng doctor eh." Nagtataka ako sa sinabi niya.

"Di ba Nurse siya bakit kukuha siya ng Doctor?" tanong ko.

"Eh kuya di naman talaga Nursing kukunin niya eh Doctor eh kaya lang malaki ang kailangan niya ng pera para sa kurso na yun at saka pre-med course lang yung kinuha niya means Nurse pa lang siya kailangan pa niya magipon para kumuha ng doctor ng 6 years na lang ganun" Paliwanag niya.

"Wait why 6 years?" takang tanong ko.

" Di naman na kasi mag 10 years or 8 years sa pagdodoktor dahil......" binitin niya yung sinabi niya.

"Suma Cum Laude kasi sya saka scholarship siya ng 6 years pero kailangan din niyang magipon para sa pag-aaral niya."

"Ikaw kuya nagpre-med ka rin ba?" tumango ako sa tanong niya.

"Human Physiology" sagot ko.

"But if she choose the pre-med course bakit nursing kung pwede naman major na lang para kung kukuha siya ng doctor edi may major siya."

"Ewan ko magulo yung utak ng kapatid ko saka baka hindi na rin sya papasok kasi 25 na sya at matagal na yung scholarship niya kaya balak na niyang mastery exam para tumaas ang rango niya basta magulo" napakamot siya ng ulo.

"Pero alam mo ba may naencounter si ate noon dahil may isa siyang batang pasyente yung parents niya walang pake sa kanya dahil busy sa negosyo at nalaman din namin na adopted pala siya. Di alam nila yung sakit ng bata pero nung nabubuhay pa sana siya ay iadopt sana ni Ate pero namatay din dahil malala na yung sakit niya pero nung nalaman ng magulang nung bata ang nangyari nagalit si ate. 'Anong klase kayong magulang pati sarili niyong anak aabandunahin niyo pero nung namatay na siya saka niyo marealize na anak niyo sya' kaya ang ending nasa amin yung burol at nailibing na namin siya. Tuwing birthday at death anniversary nito siya lang magiisa pumupunta palagi niya sinisisi yung sarili niya dahil sa nangyari kaya ganito na siya ngayon" kinuwento ang pangyayari sa buhay ng nakakatandang kapatid.

"Well di natin maaasahan yun" sagot ko.

"Naencounter mo na katulad kay ate?" Tanong nito. 

"Yes pero after a week lang lumipad na sila sa Sweden pero nang nabalitaan ko ang nangyari medyo nalungkot ako dahil palagi niya ako pinatatag ang loob ko at pinalalakas dahil sa mga nangyari sa akin fast few years ago kaya sobrang sakit ang nangyari sa akin noong time na yun"

'He's my mentor in being a doctor and my guidance councilor too lalo na nung nagbreak kami ni Grace that time. Hayss I miss Dr. Felix a lot.'

"Oh andito na tayo. Naks nakaabang ang mga chicks rine" natatawa na lang ako.

Naglakad kami at naghanap ng gulay na lulutuin ni Nanay Crusing. 'Nice Province same as in Manila but a little bit weird'

"Oh Pao unsa ka?" Ayan na naman sila sa weird nilang salita. 

'Hayss kailangan ko yata magpaturo magsalita ng Cebuano o di kaya bumili ng dictionary about the languages'

"Palitan og utanon si papa" sabi niya pero di na lang ako nakinig bala dumugo ilong ko rito.

"unsang utanon?"

"Yung pang sapsuy po" buti na lang nagtagalog na siya.

"Sapsuy?" Nagtatakang tanong ko. Oo alam ko yun sapsuy na yun dahil niluluto ako ni Nanay Crusing noong bata pa ako kaya di ako pihikan sa pagkain.

"Oo yung kasi gusto ni Tatay lalo na si Ate Aya" 

'So she same with me na mahilig sa gulay' ngumiti ako.

'Shit! What is my mind to say?'

'I'll never fall in love with her sa ugali pa lang di ko trip'

'Pero you interested with her' sumisigaw sa isip ko. Umiiling iling na lang ako.

"Kuya ok ka lang parang nastock ka na lang sa pagtayo nang sinabi ko na mahilig sa gulay si ate eh" nagulat ako sa sinabi nito. 

"No.. may inisip lang ko" kinakabahan kong tugon.Buti na lang nakalusot ako.

"Oh naa kay gwapo nga kauban." 

'Hehehe ang hirap naman intindihin'

"Hmm.. opo siya po si Kuya Marcus. Siya po yung dating alaga ni Nanay noong nasa Maynila pa siya at siya rin po yung apo ni Lola Marces." Napatango na lang ito.

"Kuya siya naman po si Aling Ansing yung suki ni Nanay sa bagsakan ng gulay at suki niya kami dahil dito kami bumibili ng gulay." Pagpapakilala niya sa akin. 

"Ay akala ko nobyo ng iyong ate" napasamid ako sa sinabi ni Aling Ansing.

"Ok ka lang kuya?" Pagalala nito sa akin.

"Ok lang ako" tugon ko rito.

"Pasensya na po hindi po ako kasintahan ni Aya alam niyo naman po iyon hindi basta basta magkakaroon ng nobyo iyon sapagkat ugali pa lang di na pasok sa standard ko" tugon ko alam ko masasaktan si Paolo sa kapatid nito.

"O sige po mauuna po kami tara na kuya" umalis na kami at alam ko yung sinabi ko kanina ay mukhang nakaapekto sa pananahimik nito.

"I'm sorry about that earlier. I did not intention to say that" humingi ako ng sorry dahil sa sinabi ko kanina.

"Ok lang kuya di na talaga magbabago ugali ni ate dahil na rin sa ipinakita nung lalaking may gustong gusto sa kanya." Napahinto ako sa paglalakad at nagtatakang tinging ako sa sinabi nito.

"Bakit?" Pero natauhan siya.

"Ah.. wala wag mo na lang pansinin" pumunta na siya sa sasakyan. 

'Ano kaya nangyari?'

Napailing na lang ako at sumakay sa loob ng kotse. Habang nagmamaneho si Paw Paw ay biglang nagtanong ito.

"Kuya wala ka bang nakikitang magandang katangian kay Ate?" Nagulat ako sa tanong nito.

"Hmm meron pero yung ugali lang ang pagkakaiba but she doesn't to worry about me kahit anong charm ko wala siyang pakealam kahit dagsaan ako ng mga kababaihan sa inyo" sabi ko.

Natatawa na lang ito.

"Kuya kahit sinong manliligaw sa kanya ayaw niyang bigyan ng atensyon eh" sabi nito.

'Well dagsaan din pala siya ng manliligaw'

Kakarating lang namin galing palengke. Pumasok na kami sa loob at nakita ko si Avah M*****a kasama ang kaibigan nito na si Parrot na naguusap. Parrot ang tawag ko sa kanya dahil kagabi ay masyado siyang madaldal.

"Oh andito na pala kayo akin na yung gulay Pao tawagin mo na si Shawn at paliguan mo na" lumabas na ito at ako ay umupo at nanood ng TV.

Tumingin ako sa likod ko ay tinitigan ko ang mukha nito.

'Ganda sana kaya lang.....MASUNGIT!'

Tumingin ito sa akin at nagwave pero inirapan ako nito at bigla itong tumayo at inakay yung kaibigan nito papuntang kwarto nito.

"Nay pakitawag na lang po ako kapag kakain na may paguusapan lang po kami ni Aidee IMPORTANTE!" Diniin nito ang importante.

"O sige anak" tumango ito at umakyat na. Natatawa ako sa reaction nito.

'Well mukhang magiging masaya ang vacation ko rito kapag inasar ko ng inasar si Avah HAHAHAAHAH!'

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status