Share

Chapter 2- Meet Avah M*****a

Aya's POV

"I'm Marcus dati kong Nanny si Nanay Crusing" pagpapakilala nito sa akin at inilahad ang kamay niya. 

'Pshh feeling close!'

Kaya napakilala na rin ako sa kaniya. "Shanaya Yseey Sarmiento, Aya for short" nilahad ko din ang kamay ko at nagshakes hand at umiwas na rin ako. "Maayong gabi nay" bati ko kay inay at nagmano habang nagluluto ng hapunan.

"Maayong gabi rin sayo anak" pabalik na bati ni Nanay. "Oh nagkakilala na ba kayo?" Tanong niya na itinuro yung lalaki na dating alaga ni Nanay noong nagtatrabaho siya. Sasagot na ito ngunit ako na ang sumagot. "Opo nay pakitawag niyo na lang ako at magpapahingan muna ako" nagpaalam na ako at gusto ko muna ipahinga ang katawan ko dahil na rin sa pagod sa trabaho.

"Pagpasensya mo sana si Aya ganun talaga siya kapag pagod sa trabaho wala sa mood" yan ang huling narinig ko bago pumasok sa kwarto ko. 

'Tss siya pala yung taga Maynila na magbabakasyon rito'

'Anong masamang hangin at nagbakasyon rito?' 

Humiga na lang ako at di ko na namalayan na nakatulog na ako pagkapasok ko sa kwarto ko dahil na rin sa pagod. Naalimpungatan na lamang ako na may tumatawag sa akin.

"Ate kakain na" yun lamang at sinagot ko ito habang bumabangon sa higaan. "Pababa na" wala na akong narinig na ingay malamang bumaba na ito.

Nagbihis muna ako at bumaba na naabutan ko ang mistisang lalaking taga-Maynila. 

'Nakakapagtaka talaga anong ginagawa ng taga-Maynila rito eh di naman ito katulad nung kinalakihan niyang lugar. Magtatanong na lang ako kay Nanay.'

Umiling iling na lang ako at dumulog na sa hapagkainan.

"Anak kumain ka na para makainom ka ng gamot at magpahinga ka" paalala ni Nanay na sinusunod ko na naman. Ganito si Nanay sa akin kapag duty ko at gabi na kung umuwi ay ganito siya palagi sa akin. "O sige po Nay" ngiting sabi ko 

"Oo nga po pala inay ano nga po pala ginagawa niyan dito?" Takang tanong akmang sasagutin na sana ni Nanay ng biglang na nagsalita si Itay.

"Kumain na tayo" sabi ni Itay at nagdasal muna kami at nakatingin ako sa lalaking taga-Maynila. 

'Aba! Tingnan natin kung masasanay ka alam ko na kumakain na agad kahit wala pa dasal.'

'Mukhang sanay ah'

Pagkatapos nun ay nagsimula na kaming kumain at nagsimulang nagsalita si Paw Paw.

"Kuya sama ka sa amin pupunta kami sa Gulayan para makita mo yung farm na inaalagaan namin yung kay Lola Marces at saka baka maabutan natin si Mang Totsie minsan kasi nasa taas ng bundok yun."tuwang tuwa na sabi ni Paw Paw. 

'Mukhang close na close na sila ah!.'

'Pero wait? Apo siya ni Lola Marces!'

"O sige ba" ngumiti ito at ako ay umirap na lang sa kawalan. Tumayo na ako dahil tapos na akong kumain. "Nay Tay nagpapahinga na rin po ako" nagmano na rin ako sa kanila at pumunta na sa aking silid. 

'Ano na naman kaya gagawin dito yan mukhang may ginawa atang kalokohan sa Maynila kaya dito ibinagsak upang matuto, Hayss'

Umiling iling na lang ako at natulog na maaga pa ako bukas baka kung ano pa gawin nito multuhi pa kami ni Lola ko kapag may nangyari di maganda yung farm ng BFF niya. Pero biglang tumawag ang babaita mukhang magtatanong ito tungkol sa dayo sa amin. Hayss.

*****

Marcus' POV

Napakasungit at M*****a pa mukhang mainit ang dugo nito sa akin.

'What is her problem?'

Pagkatapos namin kumain ay umupo muna ako sa isang upuan sa veranda ng bahay. Fresh and relaxing ang hangin rito habang ako ay nakaupo ay nakita ko si Pawpaw kaya tumabi sa akin.

"Pagpasensyahan mo sana si Ate ganun talaga yun kapag pagod sa trabaho wala talaga sa mood" napabigla lamang ako nang sinabi niya yun. "Ganun ba talaga kapag pagod mainit ang dugo eh halos iitsa na ako palabas ng bahay niyo eh. HAHAHAHAHAH!" Natatawa na lang ako sa sinabi ko pati na rin siya. 

"Oh siya bukas Kuya punta tayo sa bukid baka sumama rin si ate Aya dahil sa mga Rancho namin roon." nagulat ako sa sinabi niya. Di ko pala alam na sasama ito bukas. "Siya ba ang nagaasikaso doon?" Nagtataka pa akong tanong rito. "Eh oo kasi siya rin nagtitingin ng mga kalagayan ng mga baka doon sa Rancho" Di lang pala pagiging Nurse ang profession nito kung di isang vetenarian. 

*****

After a dinner,I went to my room and I heard that talking inside the veranda.

"Andyan ba pogi ba?" Said that the caller dahil nakaloudspeaker ito. "Ewan eh pumasok na ako sa loob bukas na lang total sasama yan sa ranchohan dun mo na ratratin ng tanong?" Natatawa nitong tugon. 

"Paano mo di makikita kung ano ang itsura ko eh ubod mo nang singit malala pa sa may dalaw at buntis. Tsss!" Bulong ko ng lumingon rito sa akin.

"Anong ginagawa mo diyan?" Biglang gulat nito kaya ako ay nagulat rin kaya humingi ako ng despensa.

"Sorry di ko naman sinasadyang makinig I'm going to my room na" pero bago ako pumasok at sinarado ang pintuan ay narinig ko pa sinabi nito.

"Kalalaking tao chismoso!" Napantig ang tenga ko roon akmang lalabas ako ay nakasalubong ko si Shawn.

"Kuya pogi may problema po ba?" Tanong nito.

"Wala naman sige na matulog ka na" ningitian ko ito at pumasok na sa loob.

'Grabe di naman sinasadya chismoso agad?'

Napaisip ako sa sinabi ni Pao yung Avah M*****a. I research it.

"So w*****d character pala siya" mangha kong sagot.

'So I called you Avah imbis na M*****a baka sungitan pa ako lalo kapag M*****a tawag ko sa kanya.'

'Tch napaka sungit niya talaga' napailing na lang ako at natulog na lamang ako.

*****

Aya's POV

"Maayong buntag Cebu" tumayo ako at inat inat ang katawan ko. Napuyay ako dahil alam ko di ako titigilan sa kakakulit ni Aidee sa akin tungkol doon sa dayong taga Maynila.

'Grabe kapagod parang ayaw kong lumabas ng bahay pero kailangan dahil yung sa farm eh' 

Naalala ko nga pala mayroon nga pala bisita si Nanay

'Tss di magtatagal yan yun pa ba maiinip di yan tingnan natin'

Bumangon na ako at lumabas alo sa aking silid at nakita ang lalaking tsismoso.

'Tss kalalaking tao tsimoso!'

Tumingin ang lalaki sa akin at inirapan ko na lang ito.

"Oh Aya pupunta ka na ba sa Rancho" tumango ako dahil nagtoothbrush ako. 

'Mamaya na lang ako pupunta gutom na ako eh! Hihihihi' Saad ng isipan ko.

Kumain na muna ako at pagkatapos nun ay lumabas na ako dahil papunta na ako ng rancho at nakasalubong ko yung lalaking taga syudad. 'Tss ipagdarasal kita na sana magtagal ka rito' tiningnan ko muna ito at.....

Bigla ko itong inirapan. Pake ko kung kaclose niya si Paolo. Pumunta na ako sa ranchohan baka mawalan lang ako sa mood kapag nakita ko yung mukha niya tss.

'Tss nakakabanas!'

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status