Share

20: Something with Them

Tinangay nang malakas na hangin ang aking buhok nang ako'y makababa sa van, nandito kasi kami ngayon sa airport para sunduin si Anna at Kevina. Syempre si Harold pa rin ang aking kasama at kulang na lang ay isumpa niya ako dahil sa katigasan ng aking ulo.

"Sinabi ko na kasi sayo na huwag ka ng sumama. Look ang daming tao, mamaya pa niyan ay masanggi ka." Sermon sa akin ni Harold.

"Miss ko na kasi sila." Maktol ko na ikinailing lang niya.

May dala pa ako na tarpulin habang pilit na winawagayway kahit medyo nahihirapan dahil sa laki nang aking tiyan.

"Pwede ba na ibaba mo yan kahit konte? Baka mamaya ay mapaanak kana diyan nang hindi pa oras." Reklamo pa ni Harold habang nakabusangot.

Anytime soon kasi ay pwede na akong manganak kaya ganito siya kung makapag alala sa akin. Syempre hindi ko siya masisisi dahil pasaway naman nga ako.

"Heto na nga po ibababa na." Sabi ko. Ngunit nang makita ko ang malapad na mukha ni Kevina ay muli ko itinaas ang tarpulin at halos maglulundag.

"Sh+t
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status