Miss Trouble Meets Dr. Grim (Doctor Series 4)

Miss Trouble Meets Dr. Grim (Doctor Series 4)

last updateDernière mise à jour : 2026-11-07
Par:  Miss PattyMis à jour à l'instant
Langue: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
2 Notes. 2 commentaires
9Chapitres
45Vues
Lire
Bibliothèque

Partager:  

Report
Overview
Catalog
Scanner le code pour lire sur l'application

“I’m going to marry that man!” Iyan ang confident declaration ni Dr. Kaye Salazar matapos makilala si Dr. Nathan Villareal, the hospital’s most terrifying neurosurgeon. At twenty-six, Kaye is a brilliant pediatrician with a playful personality and a talent for turning ordinary days into chaos. Magaling siyang mag-alaga ng mga batang pasyente, pero pagdating sa pag-ibig, handa siyang gawin ang lahat para makuha ang puso ng lalaking pinili niya. The problem? Nathan is cold, intimidating, and completely uninterested in romance. Seven years ago, he lost his wife and child during childbirth. Simula noon, isinara na niya ang puso niya, choosing to bury himself in work rather than risk loving someone again. But Kaye refuses to give up. Sa pamamagitan ng kaniyang makukulit na paraan ng panliligaw, unti-unti niyang nagagawang pasayahin ang lalaking matagal nang nabubuhay sa lungkot. Just when Nathan begins to open his heart, a shocking revelation threatens to destroy everything. The child he believed was dead might still be alive. Habang hinahanap nila ang katotohanan, mabubunyag ang isang madilim na lihim involving illegal adoption, baby trafficking, and a conspiracy that could change their lives forever. Can Kaye heal the heart of a man who has forgotten how to love? Will Nathan find the child he has mourned for seven years? And can their love survive the painful truth waiting to be uncovered? Kaye thought winning Nathan’s heart would be her greatest challenge. She never expected that loving him would lead to a secret capable of changing everything. One stubborn woman. One heartbroken doctor. One lost child. And a love story that deserves a second chance.

Voir plus

Chapitre 1

Chapter 1: Miss Trouble Meets Dr. Grim

Hinihingal si Dr. Kaye Salazar habang mahigpit na hawak ang isang imported paper bag na naglalaman ng truffle flavored artisanal pastries. Nakasabit naman sa kaniyang leeg ang mamahaling stethoscope na may custom rose gold casing, na para bang bahagi iyon ng kaniyang designer accessories collection.

8:30 AM, at eksaktong ganoon din ang oras ng simula ng mandatory orientation para sa mga bagong consultant ng St. John General Hospital. Pero si Kaye, tila wala itong pakialam, na para bang maaga pa ito para sa kaniya.

Aniya, ang pagiging late ay hindi kawalan ng disiplina. Isa lamang itong paraan para magkaroon ng dramatic entrance.

“Oh, my God! Bakit ba ang layo ng parking para sa mga VIP?” bulong niya habang mabilis na naglalakad sa makintab na marble floor ng conference room. “Para tuloy akong hingal kabayo. Sana nagdala na lang ako ng oxygen tank!” inis niya pang bulong sa sarili.

Sinubukan niyang bilisan ang lakad kahit alam naman niyang hindi angkop sa pagmamadali ang suot niyang three inch designer stilettos.

Dahil sa pagmamadali, ‘di tuloy niya napansin ang nakausling base ng fire extinguisher sa gilid ng pasilyo. Sumabit doon ang takong niya, dumulas ang kaniyang paa sa makintab na sahig, at nagkalat ang mga gamit na hawak.

Lumipad ang imported ballpen. Kumawala ang ilang resibo, at muntik nang mahulog ang paper bag ng mamahaling pastries.

“Whoa!” Nawalan siya ng balanse at tuluyang bumagsak, tuloy tumama ang noo niya sa matigas na tuhod ng lalaking nakaupo sa pinakadulong row.

“Ouch! Holy mother of Gucci!” Napahawak si Kaye sa noo habang napapikit sa sakit.

“Semento ba ’to o tuhod ng robot? Ang sakit, ah!” reklamo pa niya.

May ilang doktor na napalingon sa kaniya. Ang iba ay pilit na pinipigilan ang pagtawa, samantalang ang isang babae sa harapan ay tuluyang napahawak sa bibig.

Gusto na lamang ni Kaye na lamunin siya ng lupa. Pero bago pa niya maisip kung paano babawiin ang natitira niyang dignidad, nag-angat siya ng tingin sa lalaking muntik na niyang gawing human crash pad.

Matangkad, malapad ang balikat, at malinis ang pagkakaporma ng buhok. Suot nito ang crisp white coat na lalong nagbigay-diin sa matatalim nitong features. Sa dibdib ng coat nito ay nakalagay ang pangalan: DR. NATHAN VILLAREAL (NEUROSURGERY)

“He’s gorgeous,” isip agad ni Kaye. Hindi iyon ang eksaktong salitang dapat niyang isipin matapos bumagsak sa tuhod ng isang estranghero, pero hindi naman bulag si Kaye.

The man was ridiculously handsome. Unfortunately, his face looked like he had personally declared war against happiness.

Malamig at hindi mabasa ang ekspresyon ni Nathan. Wala itong ipinakitang amusement, concern, o kahit simpleng pagtataka at lalong walang pakialam sa beauty niya.

Sa halip, dahan-dahan itong yumuko, pinulot ang ballpen na nahulog malapit sa sapatos niya, at iniabot iyon kay Kaye. “Here’s your pen.”

Wow! As in wala man lang, Are you okay? o Did you hurt yourself? Kahit simpleng tanong ng kaplastikan ay hindi nito ginawa.

Kinuha ni Kaye ang ballpen at bahagyang kinusot ang noo. “Thank you. At least you knew how to use your hand aside from the operation,” nakangiting sabi ni Kaye. At sa huli, humirit pa siya ng pabulong. “Akala ko pati manners mo, nahulog na rin.”

Saglit na nagtagpo ang mga mata nila, ngunit ibinalik lamang ni Nathan ang tingin sa harapan na para bang tapos na ang insidente at wala na siyang dahilan para pansinin siya.

Napakurap si Kaye. “Excuse me?” She was a doctor, not an invisible piece of furniture!

“Hala,” bulong niya habang tumatayo, inayos ang damit. “Ang gwapo sana. Certified prime-cut hunk. Kaso parang kailangan pang magpa-appointment para lang makakuha ng isang ngiti,” bulong niya pa.

Muli niyang sinulyapan si Nathan. Kung ayaw nitong ngumiti, problema na nito. Pero hindi kayang tanggapin ni Kaye na ang isang lalaking may ganoong mukha ay hindi man lang marunong magpakita ng kauntingb distract sa kagandahan niyang taglay.

“Challenge accepted, Dr. Grim,” hamon ni Kaye sa sarili. Hindi niya mawari kung bakit niya iyon naisip. Pero talagang na challenge siya sa supladong doktor.

Kung may award para sa pinakanakakabagot na orientation sa kasaysayan ng medisina, malamang na mananalo ang morning session na iyon.

Habang ipinapaliwanag ng hospital director ang mga bagong protocol, halos hindi gumalaw si Nathan sa kinauupuan nito. Diretso ang likod, magkahawak ang mga kamay, at seryosong nakatingin sa presenter. Mukha itong nakikinig, at malamang ay kaya nitong ulitin ang bawat salitang sinabi ng director.

Samantala, nakaupo nang maayos si Kaye sa kabilang panig ng silid habang palihim na pinagmamasdan ang interior design ng conference room bukod kay Nathan.

“Beige walls. Gray chairs. White ceiling. Wow. Napaka-exciting.” Kung hindi siya doktor, baka naging interior designer na lang siya. At kung siya ang nagdisenyo ng silid na iyon, hindi niya hahayaang magmukhang waiting area ng isang napakamahal na funeral home ang lugar.

Napatingin siya sa direksiyon ni Nathan. Hindi pa rin ito gumagalaw. “Seriously? Does this man even blink?”

Nang matapos ang orientation, agad na nagsitayuan ang mga doktor at nagtungo sa kani-kanilang departament. Sa wakas, nakahinga nang maluwag si Kaye. Dumating na siya sa tunay niyang kaharian. The Pediatric Ward.

Pagbukas pa lamang niya ng glass doors, sinalubong na siya ng iyak ng isang batang pasyente. Isang limang taong gulang na batang lalaki ang nakaupo sa kama habang mahigpit na nakahawak sa kamay ng kaniyang ina. Sa tabi nito ay ang nebulizer machine na tila itinuturing niyang isang halimaw.

“I don’t want it! Ayoko!” sigaw ng bata.

“Sweetheart, kailangan mong humiga rito,” pakiusap ng ina. Umiling ang bata at lalong lumakas ang iyak.

Lumapit si Kaye sa kama, suot ang kaniyang cute animal-print scrub cap. Nawala ang bakas ng pagkamaarte sa mukha niya nang bahagyang yumuko upang pumantay sa bata.

“Oh, darling. What’s all this drama?” masayang tanong niya sa bata.

Umiling ang bata habang humihikbi. “Monster!”

Sinundan ni Kaye ng tingin ang itinuturo nito. Ang nebulizer. “Oh, my goodness! You’re right! Mukha ngang monster.” Kunwari ay maingat niyang pinagmasdan ang makina. “Pero alam mo ba kung ano talaga iyan?” Dahan-dahang umiling ang bata.

“It’s a spaceship!” Biglang tumigil ang bata sa paghikbi.

“A spaceship?” takang tanong ng bata.

“Yes, darling! And we’re going to the Candy Planet. Pero may problema tayo,” biglang lumungkot ang mukha ni Kaye.

“What?”

“Hindi umaandar ang spaceship kapag may umiiyak na astronaut. Kailangan nating huminga nang malalim para ma-activate ang engines.”

Tinitigan siya ng bata, tila sinusubukang alamin kung nagsasabi siya ng totoo. Maingat na inilapit ni Kaye ang nebulizer mask sa mukha nito. “Ready, Captain? Three, two, one… blast off!” Huminga nang malalim ang bata.

“Very good! Look at you! You’re the bravest astronaut in the whole galaxy!” Proud na sabi pa niya sa bata.

Makalipas lamang ang ilang minuto, ang batang kanina ay halos hindi mapakalma ay masaya nang nakikipag-usap kay Kaye tungkol sa mga planeta at flying unicorns.

Napabuntong-hininga sa ginhawa ang ina nito. “Thank you, Doctor. Hindi ko na po alam kung paano ko siya mapapayag.”

Kumindat si Kaye. “It’s all part of the job po, Mommy. Sometimes, we need medicine. Sometimes, we need a little imagination.”

Napangiti ang ina habang pinagmamasdan ang anak na maayos nang gumagamit ng nebulizer. Para kay Kaye, malaking achievement na iyon. Hindi rin niya napansin ang lalaking huminto sa kabilang panig ng frosted glass partition. Si Nathan.

May hawak siyang neurological charts habang patungo sa ICU. Nang marinig niya ang tawa ng bata, napalingon siya sa pediatric ward.

Doon niya nakita si Kaye, ang babaeng kanina lamang ay bumagsak sa tuhod niya. Ngayon ay nakasuot ito ng makulay na scrub cap, nakangiting malapad, at gumagawa pa ng kakaibang robot dance sa harap ng batang pasyente.

Napailing si Nathan. “Ridiculous.”

Walang doktor sa pagkakaalam niya ang gumagawa ng ganoong bagay sa gitna ng ward. Pero hindi niya maikakailang gumagana iyon.

The child was calm. The mother was relieved. And Kaye seemed to understand exactly what the little boy needed. “She’s different,” bulong niya sa sarili. “Too loud,” dagdag niya matapos ang maikling sandali, “but remarkably competent.”

Nagpatuloy siya sa paglalakad. Hindi niya alam kung bakit, pero sa buong umagang iyon, ang babaeng iyon ang unang taong talagang nakakuha ng pansin niya. At hindi niya nagugustuhan ang katotohanang iyon.

Bandang alas-tres ng hapon, abala si Kaye sa pag-aayos ng mga patient charts sa Nurses’ Station. Nasa tabi niya ang isang maliit na bote ng vanilla scented hand cream na madalas niyang gamitin pagkatapos at bago humarap sa pasyente.

“Doc Kaye.” Napatingin siya kay Nurse Minda, ang beteranong head nurse ng pediatric ward.

“Yes, Nurse Minda? May emergency ba? Please tell me hindi na naman may batang gustong maging dinosaur.”

Hindi natawa si Nurse Minda. Inilapag nito ang ilang lab results sa mesa at seryosong tumingin sa kaniya.

“May sasabihin lang ako sa iyo. Bago ka pa makaisip ng kung anu-ano.” Kumunot ang noo ni Kaye.

“Bakit? May ginawa ba ako? I swear, hindi ako ang kumuha ng last piece ng cake sa pantry.”

“Hindi tungkol sa cake ang sinasabi ko.”

“Then I’m listening,” balewalang sagot pa niya.

Huminga nang malalim si Nurse Minda. “Huwag na huwag mong tangkaing lapitan o ligawan si Dr. Nathan Villareal.” Napataas ang kilay ni Kaye Napapaisip na baka may gusto rin ang nurse kay Doc Nathan.

“E-Excuse me? Bakit naman? May asawa na ba ang lalaking iyon? May girlfriend? May secret fiancée na nakatira sa Europe o Italy?”

“Wala!” mabilis na sagot ng nurse.

“Then what’s the problem?” Lumapit si Nurse Minda saka ibinaba ang boses.

“Seven years na siyang ganoon. Cold. Tahimik. Walang gustong makipag-usap sa kaniya nang hindi tungkol sa trabaho. Kahit ang mga senior consultant, nag-iingat kapag kausap siya.”

“Bakit?” tanong pa niya.

“Dahil hindi siya madaling lapitan. At mula nang mawala ang pamilya niya, parang tuluyan na siyang nagsara ang mundo niya.”

Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Kaye. “His family?”

“Hindi ko alam ang lahat ng detalye, at hindi ko rin gustong panghimasukan ang pribadong buhay niya. Pero huwag mong isipin na kaya mong baguhin ang isang tao dahil lang gusto mong makita siyang ngumiti.”

Saglit na natahimik si Kaye. Hindi niya alam ang buong kuwento ni Nathan o kung bakit tila may pader itong itinayo sa sarili. Alam din naman niyang hindi kailangang baguhin ang lalaki ang sarili.

“Naku, Nurse Minda. Hindi ko naman sinabing liligawan ko siya,” napapailing na depensa ni Kaye.

“Good–”

“I’m just saying, sayang naman ang gwapo kung hindi marunong ngumiti?” Napapikit si Nurse Minda.

“Diyos ko. Ikaw talaga.” Kaye laughed.

“Relax. Hindi ko naman siya pipilitin. Baka kailangan lang niya ng konting sunshine sa buhay niya.”

“D-Doc Kaye, I’m warning you.”

“And I’m listening,” natatawa na lamang siya.

Sa isip ni Kaye, hindi niya kailangang baguhin si Nathan o pilitin itong ngumiti. Pero kung magkakaroon sila ng pagkakataong mag-usap muli, sisiguraduhin niyang hindi siya basta makalilimutan ng lalaking iyon.

Isang oras ang lumipas nang makarating sa Nurses’ Station ang balita tungkol sa isang batang pasyente sa Room 402.

Katatapos lamang operahan ng batang lalaki sa tiyan. Ayaw nitong inumin ang liquid antibiotic na nireseta ng kaniyang doktor. Dalawang resident doctor na ang sumubok magpainom sa kaniya, ngunit pareho silang nabigo.

Naiiyak na rin ang ina ng bata sa sobrang pag-aalala. “Please, sweetheart. Kailangan mong inumin ang gamot mo.”

“No! It tastes awful!” tanggi pa ng bata.

“Pero kailangan mo, anak.”

“No!” Sa sandaling iyon, dumaan si Kaye, bukas ang p***o.

“What seems to be the problem here?” Napalingon sa kaniya ang ina.

“Doc, ayaw niyang inumin ang gamot. Kahit anong gawin namin, ayaw talaga,” naiiyak na sabi ng ina.

Lumapit si Kaye sa kama at sinuri ang medicine cup. “Hey, little guy. May narinig akong balita.”

Napasinghot ang bata. “What?”

Ngumiti si kaye, nag-isip kunwari. “Na may isang napakatapang na superhero rito na kayang talunin ang lahat ng monsters sa mundo.”

Saglit itong natahimik. “I’m not a superhero.”

Inilagay ni Kaye ang isang kamay sa dibdib at kunwaring nagulat. “Y-You’re not? Oh, no! Then who am I supposed to call when the universe is in danger?”

Bahagyang gumalaw ang labi ng bata, na para bang gusto nitong ngumiti ngunit pinipigilan lamang. Kinuha ni Kaye ang medicine cup.

“Alam mo ba kung ano ito?”

“Medicine,” mabilis na sagot ng bata.

“Correct! Pero may secret kang hindi alam.”

“What secret?”

“It’s a special potion. Kapag ininom mo ito ayon sa utos ng doctor mo, matutulungan nito ang katawan mong lumaban sa sakit. Hindi ka man magiging invisible, pero magiging mas matapang ka, mas masigla at mawawala lahat ng sakit sa katawan mo.”

Tumingin ang bata sa medicine cup. “Promise?”

Napangiti si Kaye. “Promise. Pero hindi ibig sabihin na puwede kang uminom ng kahit anong potion na makita mo, ha? This one is your medicine, and your mommy and I will make sure you take it safely.”

Sa tulong ni Kaye, naiinom ng bata ang gamot ayon sa itinuro ng medical team. “There you go! Now, that’s my superhero!”

Napangiti ang ina ng bata. “Maraming salamat, Doc.”

“No worries po Mommy. At ikaw, Captain, magpahinga ka muna. Kailangan ng superhero ng energy.”

Habang kinakausap ni Kaye ang ina tungkol sa pag-aalaga sa bata, may isang lalaking dumaan sa may pintuan. Si Nathan.

Narinig niya ang usapan sa loob ng silid at nasaksihan kung paano nakuha ni Kaye ang tiwala ng batang ayaw uminom ng gamot.

Walang komplikadong paliwanag o pananakot. May pasensiya, pag-unawa, at kakaibang kakayahang makuha ang tiwala ng bata.

Nang mapansin ni Kaye ang presensiya niya, ngumiti ito. “Good afternoon, Dr. Grim.”

Nanatiling walang nagbago sa ekspresyon ni Nathan. “Dr. Salazar,” tawag niya rito.

“Wow! You remembered my name.”

“I read the staff directory,” mabilis na sagot nito.

“Of course you did.” Ngumiti nang malapad si Kaye. “For a moment, I thought I was special.”

Nathan stared at her. “You should focus on your patients, Doctor.”

“And you should consider smiling once in a while. Baka bumaba ang blood pressure mo sa sobrang kasungitan.”

“Kaye.” Napakurap siya. “Did he just call me by my first name?” Pero bago pa niya maitanong iyon, dumiretso na si Nathan sa hallway.

Sinundan siya ni Kaye ng tingin, saka ngumiti sa. “O-Oh, this is going to be fun…”

Pagsapit ng alas-siyete y medya ng gabi, sa wakas ay natapos din ang shift ni Kaye. Pagod ang kaniyang mga paa, masakit ang likod niya, at ang dating maayos niyang buhok ay may ilang hiblang nakawala sa pagkakatali.

Nasa locker room na siya at inaayos ang kaniyang designer tote bag nang biglang umalingawngaw ang isang matinis na alarma sa buong ospital. BEEP! BEEP! BEEP!

“Code Blue. Code Blue. Trauma Bay Three. Code Blue.”

Agad na tumayo si Kaye. Sa labas ng locker room, nagsimula nang magtakbuhan ang mga nurse at resident doctor. May nagtutulak ng emergency cart, habang ang iba ay mabilis na nagtungo sa trauma bay.

Hindi na nag-aksaya ng oras si Kaye. Hinubad niya ang kaniyang stilettos, nagpalit ng flat shoes, at mabilis na nagtungo sa pinanggagalingan ng alarm.

Pagdating niya sa Trauma Bay Three, agad niyang nakita si Nathan. Nakasuot na ito ng protective gown at gloves. Nasa tabi ito ng pasyente, nagbibigay ng mabilis at malinaw na utos sa medical team habang nagpapatuloy ang resuscitation.

Wala na ang lalaking malamig kung magsalita. Sa harap ng isang pasyenteng nakikipaglaban para mabuhay, nakatutok si Nathan sa bawat segundo, bawat galaw, at bawat posibleng pagkakataong mailigtas ang buhay nito.

“Prepare the next medication. Check the rhythm again,” mariin niyang utos.

Mabilis na kumilos ang team. Pumasok si Kaye at agad na lumapit sa nurse na namamahala sa patient chart. “What happened?”

“Male patient, brought in after a serious accident. He lost consciousness before arrival. His condition deteriorated during transport.”

Kaye nodded, her expression turning serious. “Understood. Tell me what you need.”

Sa wakas, nagtagpo ang mga mata nila ni Nathan. Wala nang halong biro sa mukha ni Kaye. Wala ring bakas ng pagkamaarte.

Nagbigay si Nathan ng mabilis at matatag na tango. Sinuklian iyon ni Kaye. “Let’s save this patient,” sabi ni Nathan.

“I’m with you, Doc.”

Napuno ang silid ng mabilis na utos, tunog ng mga monitor, at yabag ng mga taong kumikilos para sa iisang layunin. Bawat segundo ay mahalaga, at bawat desisyon ay maaaring makapagligtas ng buhay.

Nananatiling nakatutok si Kaye sa pasyente habang si Nathan ang namumuno sa resuscitation. Nang mapansin niyang may kailangang asikasuhin sa tabi ng pasyente, agad siyang kumilos at ibinigay ang kinakailangang tulong sa medical team.

“Come on,” bulong ni Kaye. “Stay with us.”

Biglang nagbago ang tunog ng monitor.

“Doc!” sigaw ng isang nurse. Agad na bumaling si Nathan sa screen.

“Continue resuscitation. Now!”

Mabilis na kumilos ang team. Nanatiling kalmado si Kaye habang sinusunod ang mga tagubilin ni Nathan at nagbibigay ng tulong kung saan siya kailangan. Sa kabila ng ingay at tensiyon, malinaw ang kanilang komunikasyon. Walang oras para sa asaran o pagtatalo, nakatuon silang dalawa sa iisang layunin.

Makalipas ang ilang mahihirap na minuto, unti-unting naging stable ang kondisyon ng pasyente. “His vitals are improving,” sabi ng isang nurse.

Muling sinuri ni Nathan ang monitor at ang kondisyon ng pasyente bago siya bahagyang tumango. “Keep monitoring him. Prepare him for transfer to the ICU once he’s ready.”

Unti-unting kumalma ang silid. May ilang miyembro ng team na napabuntong-hininga sa ginhawa, habang ang iba ay nagpatuloy sa pag-aasikaso sa pasyente.

Tinanggal ni Kaye ang kaniyang gloves at napasandal nang bahagya sa counter. “Oh, thank goodness,” bulong niya. “I think I just aged five years in there.”

Napatingin sa kaniya si Nathan. “You’re exaggerating.”

Kaye turned to him, scandalized. “E-Excuse me, Dr. Villareal? I was practically fighting for my life in there!”

“You were assisting with the patient.”

“Exactly! Emotionally, physically, spiritually lahat na,” sagot pa ni Kaye.

Saglit na tinitigan siya ni Nathan bago muling tumingin sa chart. “You’re still talking. That means you’re fine.”

Napanganga si Kaye. “Wow! Is that your version of asking if I’m okay?”

“Do you need medical attention, Dr. Salazar?”

She placed a hand over her chest. “Not anymore. My heart was just broken by your complete lack of concern.”

“Then I suggest you consult a cardiologist.”

Napakurap si Kaye bago napatawa. “Oh, my God! You actually made a joke!” nanlalaking mata niyang tanong.

“I didn’t,” tanggi ni Nathan.

“Of course you didn’t, Dr. Grim. And I’m the Queen of England.” Umiling si Nathan at nagsimulang maglakad palayo, ngunit tinawag siyang muli ni Kaye.

“Doc Villareal!” Huminto siya at lumingon.

“Thank you.”

Sa pagkakataong iyon, wala nang pang-aasar sa boses ni Kaye. “That was a difficult emergency. You handled it well.”

Sinuri siya ni Nathan nang ilang sandali, marahil ay nagulat na ang babaeng halos buong araw nang nang-aasar sa kaniya ay marunong din naman pala mag-seryoso.

“You did your job, too, Dr. Salazar.”

Napangiti si Kaye. “Was that a compliment? Should I have it framed?” asar pa ni Kaye.

“Good night, Dr. Salazar.”

“Good night, Dr. Grim!”

Nagpatuloy si Nathan sa paglalakad. Pinanood siya ni Kaye bago niya kinuha ang kaniyang mga gamit.

“Arrogant, annoyingly serious, and probably allergic to happiness.” Pero ngayong araw, nakita niya ang isang bagay na higit pa sa pagiging cold na ekspresyon ni Nathan. Isa itong doktor na seryoso sa trabaho at handang gawin ang lahat ng makakaya niya para sa pasyente. At kahit hindi niya iyon aaminin nang malakas, mas lalo tuloy siyang naging interesado rito.

Pagdating niya sa hallway, saka niya napansing wala sa kamay niya ang kaniyang designer tote bag.

“O-Oh, no!” Sinuri niya ang locker room, saka napabuntong-hininga.

“Lord, give me strength. Or at least a cheeseburger,” bulong niya.

“Dr. Salazar.” Napalingon siya.

Nakatayo si Nathan malapit sa elevator, hawak ang bag niya. “You forgot this.”

Mabilis na lumapit si Kaye at kinuha ang bag. “Oh! Thank you. See? Deep down, you do have a heart,” pang-aasar pa niya.

“Don’t push your luck.” Bumukas ang elevator, pumasok silang dalawa.

Nang magsara anG p***o, tumingin si Kaye sa kaniya nang may mapaglarong ngiti. “Good night, Dr. Grim.”

Pinindot ni Nathan ang ground-floor button. “Good night.”

Sa maikling sandali, tila bahagyang gumalaw ang sulok ng labi nito. Panandaliang ngiti, pero sapat na iyon para mapaisip si Kaye kung namamalikmata lamang ba siya. Pero nagpasya na lamang siyang huwag na muna itong banggitin.

Para kay Kaye, wala sa bukabularyo niya ang umaatras sa laban, lalo na kung ang hamon ay isang matangkad, napakaguwapo, at napakasungit na doktor na si Doctor Nathan Villarreal.

Déplier
Chapitre suivant
Télécharger

Dernier chapitre

Plus de chapitres

Aux lecteurs

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


commentaires

Ssam_grl
Ssam_grl
thumbs up! ...
2026-11-07 13:27:10
1
0
Yvette Stephanie
Yvette Stephanie
Recommended
2026-11-06 23:02:09
1
0
9
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status