Hindi ako nakagalaw sa aking kinauupuan. Parang may kung anong bumara sa aking lalamunan at parang ang aking mga kinain ay gusto ko na rin isuka.“A-Anong sinabi mo?” Hindi makapaniwala na tanong ko.Umayos ako nang upo upang maging handa sa kanyang sunod na sasabihin. Sa loob nang ilang taon, hindi ko akalain na kasal pa pala ako.“Hindi tunay na annulment paper ang pinermahan mo. Sashalyn is not aware. Buong akala nila ay tunay din ang naging kasal namin pero doon sila nagkakamali.” Paliwanag pa niya.Hinilot ko ang aking noo dahil sa bahagyang pagkirot nito.“Nasaan ang aking ama?” Hindi ko rin alam pero yun na ang lumabas na tanong sa bibig ko.Nakita ko na natigilan siya at napalunok na lang sa sarili niyang laway.“Huwag mo nang susubukan na magsinungaling sa akin Luke, nahanap mo na ang aking tunay na ama?” Muli ay tanong ko sa kanya.“No. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya nakikita.” Sagot niya sa akin at napapikit ako nang mariin.“Ako na ang bahala.” Sagot ko at tumayo.
Masaya kaming nagkukwentuhan habang lulan ng sasakyan papuntang mall. Si Harold ang nag dadrive at si Anna ang nasa passenger seat habang ako at ang kambal ay sa backseat. Busy naman sa paglalaro sa kanyang tablet si Lucia at habang si Lucas naman ay nagmamasid lang sa bintana ng sasakyan. "Sa ayaw at sa gusto mo sasakay ka ng rides." Napalingon ako kay Anna ng marinig ang sinabi niya. Napansin ko naman ang mabilis na pag iling ni Harold. "Alam mo naman na takot ako sa ganyan lalo na't sa matatayog, love." Sagot naman ni Harold. "Kung mahal mo talaga ako sasamahan mo ako." Nakamangot na sabi pa ni Anna. Hindi ko maiwasan ang matawa sa pagiging isip bata niya. Tingnan mo nga naman ang tadhana, kay Luke lamang siya may gusto noon pero ngayon halos hindi na niya kayang lubayan si Harold. "Huwag mong pilitin kung ayaw." Suhensyon ko at nilingon ako ni Anna habang nakataas ang kanyang mga kilay."Ah basta!" Sagot niya lang at hindi ko maiwasan ang mapailing. Nang lingunin ko naman
Nagising ako dahil sa pagyugyog ng paligid. Nang imulat ko ang aking mata ay bumungad sa akin ang mukha ni Lucia, may magandang ngiti sa labi habang tumatalon sa gilid ng kama. "Come here. Baka mahulog ka." Imik ko at mabilis siyang lumapit sakin bago nahiga rin at niyakap ako ng kay higpit. "Good morning, mommy!" Masigla na bati niya. "Ginising mo agad si mommy, princess." Nakabusangot naman na sabi ni Lucas. Hindi ko maiwasan ang mapahagikhik, agang-aga ay gusot na naman ang kanyang mukha. "It's okay. Mabuti nga at ginising niyo ako. Tiyak na late na ako sa trabaho." Sagot ko."But mom, who's the guy outside?" Tanong sa akin ni Lucia. Tiningnan ko naman si Lucas at seryoso lamang itong nakatingin sa akin. "We're looked a like." Sunod pa niyang sabi at siya namang pagkabug ng aking puso. Mabilis akong tumayo at sinipat ang mukha sa salamin. "Are you okay mom? Namumutla ka po." Bakas ang pag aalala sa tono ng pananalita ni Lucia kaya humarap ako sa kanya at binigyan siya ng isa
Nagluto ako ng paborito nilang sinigang. Napag isip ko na rin naman na hindi ko na kailangang pahabain pa ang galit kay Luke. Bakit nga ba ako magagalit? Ano ba ang dapat kong ikagalit? Nakarinig ako ng yabag at nilingon ko kung sino ayon. Nakita ko si Luke habang nagkukusot ng kanyang mga mata. Tuloy-tuloy lamang ito sa paglalakad hanggang sa marating niya ang pwesto ko at hindi ko naman inasahan ang kanyang ginawa. Niyakap niya ako mula sa aking likod at isinubsob niya ang kanyang mukha sa aking leeg. Ramdam ko rin na kanyang inaamoy ang parte na yun kaya pumitlag ako. "Stop." Yun lang ang lumabas sa bibig ko at mabilis naman na lumayo sa akin si Luke. Tinitigan ako ni Luke na parang kahit siya ay hindi din niya nagustuhan ang kanyang ginawa. "I-I'm s-sorry." Hingi niya ng paumanhin at binigyan ko lang siya ng isang tipid na ngiti at nauwi naman yun ngiwi. "No, it's okay. Maupo ka na doon at maghahayin na ako sa mesa." Suhensyon ko sa kanya. "Tulog pa rin ba sila?" Pagtukoy
Mas nadagdagan ang tensyon at aking pagkailang ng mag request ang kambal na sa iisa kaming kama matulog. Kahit si Lucas ay nawiwili na at kakampi na rin ngayon ni Luke. Nasa gitna namin ang kambal at kailangan ay nakayakap pa kami sa kanilang dalawa. “Ayaw mo ba kay daddy, mom?” Napalunok ako sa sinabi ni Lucia. “Hindi naman sa ganun, princess.” Naiilang na sagot ko.“Bakit hindi mo rin po siya yakapin?” Tanong pa nitong muli. Napapitlag naman ako ng hawakan ni Luke ang aking braso bago ipinatong naman ni Luke ang braso niya sa braso ko. “I love you mommy, I love you daddy.” Imik pa ni Lucia. Parang may humaplos sa puso ko dahil sa kanyang binitawan na salita. Hindi ko rin sila masisisi. Sa tagal ng panahon ay kami lamang tatlo ang laging magkasama. Halos si Harold na din ang kilalanin nilang ama pero iba na ito. Iba sa ngayon ang nararamdaman ko lalo na’t ang tunay nilang ama ang nakakasama nila ngayon. Lumipas ang ilang minuto ng mapansin ko na malalim na ang kanilang paghing
I was so happy seeing my twins with their dad together. Sabi nga ng nakararami, lahat ng kababaihan o tao sa mundo nangangarap na magkaroon ng isang maayos at masayang pamilya. Sa mga oras na ito masasabi ko na isa na ako sa mga tao na yon. Isa ako sa babae na masaya dahil naramdaman ko kung paano maging masaya muli kasama si Luke. – Hindi ko na rin nagawa ang pumasok sa trabaho. Tinawagan ko na lang si Kim na hindi ako makakarating kaya ang meeting sa mga investor ay mapapalipat na lang bukas. Nandito kami ngayon sa park malapit lamang din sa condominum kung saan kami tumutuloy. Namamasyal at sinusulit ang bawat oras na magkakasama kaming apat. “I love you.” Nilingon ko si Luke dahil sa kanyang sinabi at ngumiti sa kanya. “I know.” Sagot ko at sumandal sa matipunong balikat niya. “Sobrang saya ng kambal, ang gaan lang sa pakiramdam. Sana nahawakan ko manlang sila noong isilang mo sila.” Hindi ko naman maiwasan na makaramdam ng awa dahil sa kanyang sinabi. “I’m sorry.” Yun l
Naupo ako sa aking swivel chair at ipinahinga ang sarili. Naalala ko na naman ang sinabi ni Luke kaninang umaga, tumatak na yata ito sa aking isipan kaya halos hindi ko na magawa ang makapag focus sa meeting kanina. “Kim.” Tawag ko.“Yes ma’am.” Mabilis naman na sagot sa akin nito. “May meeting pa ba na natitira?” Tanong ko. “Actually, wala na po ma’am. Tapos na lahat.” Nakangiti niya na sagot sa akin. “Need niyo na lang po na permahan ito then tapos na po.” Magalang pa na sabi niya. “Okay, then.” Nakangiti ko pa na sagot at lumabas na si Kim sa office ko. Walang Salve ang nagparamdam. Walang nanggugulo sa buhay na meron ako ngayon, pero hindi pa rin ako kampante. Ngayon rin ang gabi na bibisita ako sa mansyon nina Uncle Salve at Aunt Trisha. Nasisiguro ko na makikita ko rin doon si Sashalyn, kaya nakikita ko na sa aking isip ang pwedeng kahinatnan kapag nagkita kami sa iisang lugar lalo na at kasama ko pa si Luke. Saktong alas kwatro ng hapon ay dumating si Luke dito sa opisin
Nagising ako dahil sa pag galaw ng kama. Hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa mga naiisip. Alam ko na ganun din si Luke, pero ewan. Hindi ko din alam dahil parang kahit ako ay hindi ko alam kung bakit hindi ko siya magawang kausapin. Naramdaman ko ang pagtayo ni Luke at kasunod noon ay ang pagpasok niya sa banyo. He’s taking a bath.Kinapa ko ang aking cellphone na nasa side table at chineck ang oras. Alas tres pa lang ng madaling araw. Ipinikit ko agad ang aking mga mata at tumalikod sa kanyang gawi. Para akong hinahabol ng zombie at walang ibang choice kundi ang magpanggap na tulog upang hindi nila makita.Napapikit ako ng mariin ng malakas na mag sara ang pintuan ng kwarto. Ano kayang problema noon?Naiinis ako nang ilang minuto na ang lumilipas pero walang Luke ang pumasok muli sa pintuan. Hindi na rin ako nakatulog pa at nagtungo ako sa kwarto ng kambal. Mahimbing silang natutulog at nilapit ko naman ang pwesto ni Lucia. Hinaplos ko ang kanyang buhok at inayos ang penguin t