MasukSa loob ng tatlong taong pagsasama ay tunay na pagmamahal ang ipinaramdam ni Agatha Dela Cruz-Ibañez sa asawa niyang si Daniel Ibañez. They were childhood friends kaya nang sinabi ng mga magulang nila na sila ay magpapakasal ay hindi siya tumutol doon. Bagkus ay tinanggap niya iyon ng buong puso dahil umaasa siya na mamahalin din siya ng kaniyang kaibigan. Nawasak ang ilusyon niya nang direktang sinabi sa kaniya ni Daniel na wala siyang maaasahan dahil may iba nang nagmamay-ari sa puso nito. Ang mas masakit ay gagamitin ni Daniel ang arranged marriage nila upang pagselosin ang first love nito. Agatha tried everything to make him fall for her. She became the best housewife for him by giving up her booming career. She stayed by his side kahit na ilang beses pa siya nitong ipagtabuyan. “Hinding-hindi ako papayag na magkaanak tayong dalawa. You are free to choose kung anong uri ng abort10n ang gagawin mo. Ang mahalaga lang sa akin ay hindi iyan mabubuhay upang tawagin akong ama,” iyon ang katagang binitawan ni Daniel noong nalaman nito na sinabi niya na siya ay buntis. Labis na nasaktan si Agatha sa sinabi ni Daniel. Sapat na iyon para tuluyan niyang bitawan ang kasal na siya lang ang may gusto. Isang mapait na ngiti ang ibinigay niya sa asawa, “Kung ayaw mo sa bata ay wala na akong magagawa. Tapos na ako sa responsibilidad ko sa iyo bilang iyong asawa,” sabi niya bago pa man niya hinubad ang wedding ring na matagal din niyang iningatan.
Lihat lebih banyakNang nasiguro ni Maica na wala na ang mga social worker ay pinuntahan niya kaagad si Julienne na kasalukuyang nakakulong sa kwarto nang sandaling iyon. Kailangan niyang sabihan si Julienne kung ano ang isasagot nito sa social workers kung sakaling babalik man sila para kausapin ito. Napailing pa siya nang nakita niya ang balat nito. "Kailangan kong takpan iyang mga pasa mo para hindi nila mapansin bukas iyan," sabi ni Maica sa bata. "May gustong kumausap sa iyo bukas." "Mama..." "Hindi mo ako tatawaging mama kapag nagkamali ka ng mga sagot sa kanila," banta ni Maica sa anak. "Ayaw mo naman sigurong mawalan ng mama, hindi ba?" Bago pa man makapagsalita si Julienne ay isang ngiti na ang ibinigay ni Maica sa kaniya. Nabuhayan siyang muli ng pag-asa na mamahalin siya ng sarili niyang ina kapag ginawa niya ang gusto nitong ipagawa sa kaniya. Hindi niya napansin na ang ngiting ibinibigay sa kaniya ng sarili niyang ina ay isang ngisi ang ibig sabihin noon para sa nasabing babae. "K
Labag man sa kalooban ni Daniel ang gustong gawin ni Agatha ay pinili na rin niyang pagkatiwalaan ang suhestyon nito sa kaniya. The only way to collect evidence is to make sure na kasamang muli ni Maica ang sarili nitong anak. "Sana lang ay hindi pa huli ang lahat para kay Julienne kapag kumilos na tayo para iligtas siya," sabi ni Daniel kay Agatha. "Ayaw kong dumating ako sa point na pagsisisihan ko ang nangyari sa kaniya." "Huwag kang mag-alala dahil sisiguraduhin ko rin na hindi siya tuluyang mapapahamak," sagot ni Agatha sa binata. "Anak na rin ang turing ko kay Julienne kaya hindi ko gugustuhing mapahamak na lang siya sa kamay ni Maica." Kahit na hindi mapalagay si Daniel ay hindi siya nagtangkang tumawag kay Maica upang kumustahin ang bata. Ayaw niyang bigyan ng pagkakataon ang nasabing babae na makapaghanda sa kaniya. Gusto niyang ilabas ang tunay na pagkatao ni Maica. "It's been several days pero wala pa rin tayong nakukuha mula sa kakilala mo. I am afraid na baka kun
Hindi makapaniwala si Maica nang sumunod na punta niya ay iba na ang sinasabi ng abogadong kausap niya. Hindi siya tanga para hindi siya magkaroon ng ideya sa kung ano ang nangyari pagkatapos ng naging pag-uusap nilang dalawa."Tell me, magkano ang ibinayad nila sa iyo para sila ang panigan mo?" tanong ni Maica sa isang matapang na tinig. "Hindi mo ba alam na bawal ang ginawa mong pagtalikod sa una mong kliyente?"Isang tikhim ang pinakawalan ng nasabing abogado nang sandaling iyon, "Sa pagkakaalam ko ay consultation lang ang ginawa natin nang nakaraang araw? You offered me your story nang hindi inilalahad ang buong katotohanan.""You --! Don't tell me nagawa ka na nilang lokohin kaagad!" sambit ni Maica.Isang tikhim na lang ang pinakawalan ng abogado sa dalagang ina, "Kung tama ang pagkakatanda ko ay consultation lang ang ginawa mo sa akin, which is iyon naman talaga ang sinadya mo sa akin nitong nakaraan. Hindi na sakop ng konsultasyon mo ang ginawa ng kabilang panig dahil legal op
Galit ang nararamdaman ni Maica nang nakalayo na siya sa mansyon nina Gavin. Hindi niya inaasahan na mapapahiya siya sa harapan nito dahil sa ang piniling makasama ni Julienne ay ang ipinakilala niyang lolo. Ang buong akala niya ay kakampi pa niya ang bata. "Nilason na nilang tuluyan ang isipan ng anak ko," inis na sambit ni Maica sa kaniyang kausap na abogado. "Hindi ko mababaw ang anak ko kung hindi ko idadaan sa batas ang pagbawi sa kaniya." "I understand the situation," sagot ng abogado kay Maica. "And with the evidences na inihain mo sa akin ay malinaw na illegal ang ginagawa nila sa iyo. Malinaw sa batas na dapat ay ina ang kasama ng bata sa kaniyang paglaki." Napangiti si Maica lalo na ngayong alam niyang may kakampi siya at kasama niya ang batas sa pagbawi sa kaniyang anak. Sapat na iyon para sa kaniya lalo na at alam niyang malakas ang kaniyang laban. "Attorney, tatanawin ko na malaking utang na loob kung magagawa nating bawiin ang bata," sabi ni Maica sa kausap. "Sa
Isang yakap ang ibinigay ni Darius sa kaniyang anak na si Agatha nang ito ay nagising na sa loob ng isang hospital room. Hindi niya alam kung paano niya ibabalita sa sariling anak kung ano ang nangyari sa ipinagbubuntis nito. “Dad, what happened to my baby?” iyon agad ang naging tanong ni Agatha k
Bumalik si Agatha sa poder ng kaniyang mga magulang na walang ibang dala kundi ang kaniyang cellphone at sarili. Alam niya sa kaniyang sarili na puwede rin siyang palayasin ng kaniyang ama at pabalikin kay Daniel kaya inihahanda na niya ang kaniyang sasabihin upang kumbinsihin si Darius na huwag na
“This marriage has fallen nang hindi pa nag-uumpisa,” sabi ni Daniel sa isang seryosong tinig habang tinatanggal ang suot na necktie. “Do not expect me to touch you, kahit na ipagpilitan mo pa ang iyong sarili sa akin.”“Daniel –”Hindi na nagawa pang sabihin ni Agatha ang gusto niyang sabihin dahi
“Agatha, what is the f*cking meaning of this?!” galit na tanong ni Daniel Ibañez sa kaniyang mapapangasawa na si Agatha Dela Cruz. “Bakit ka pumayag na magpakasal tayo?!”Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Agatha, “Mga magulang natin ang nag-usap tungkol doon. Pumayag ako dahil childhood f


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.