Share

28: Plan

Hindi ako nakagalaw sa aking kinauupuan. Parang may kung anong bumara sa aking lalamunan at parang ang aking mga kinain ay gusto ko na rin isuka.

“A-Anong sinabi mo?” Hindi makapaniwala na tanong ko.

Umayos ako nang upo upang maging handa sa kanyang sunod na sasabihin. Sa loob nang ilang taon, hindi ko akalain na kasal pa pala ako.

“Hindi tunay na annulment paper ang pinermahan mo. Sashalyn is not aware. Buong akala nila ay tunay din ang naging kasal namin pero doon sila nagkakamali.” Paliwanag pa niya.

Hinilot ko ang aking noo dahil sa bahagyang pagkirot nito.

“Nasaan ang aking ama?” Hindi ko rin alam pero yun na ang lumabas na tanong sa bibig ko.

Nakita ko na natigilan siya at napalunok na lang sa sarili niyang laway.

“Huwag mo nang susubukan na magsinungaling sa akin Luke, nahanap mo na ang aking tunay na ama?” Muli ay tanong ko sa kanya.

“No. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya nakikita.” Sagot niya sa akin at napapikit ako nang mariin.

“Ako na ang bahala.” Sagot ko at tumayo.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status